Lualhati Bautista was a Filipina writer, novelist, liberal activist and political critic. She was one of the foremost Filipino female novelists in the history of Contemporary Philippine Literature. Her most famous novels include Dekada '70; Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?; and ‘GAPÔ.
Malawak ang saklaw ng koleksyon ng tula ni Lualhati Bautista. Tila ang mga tula ay may angking palantandaan ng may-akda. Hindi maipagkakaila ang ang sumulat ay si Bautista.
Madaling intindihin ang mga tula at hindi lahat ay nilikha ng may talinghaga. Bagama’t ang mga tula ay nakagrupo batay sa paksang tinatalakay, hindi naiiwasan na may mga tulang tila nauulit ng ilang beses. Gayunpaman, may taglay na lalim na nagkukubli sa kasimplehan nito. Masasalamin pa rin ang karakter ni Lualhati Bautista sa mga tula bilang isang tanyag na manunulat.
Hindi na ako masyadong mahilig magbasa ng tula kaya mababa ang expectation ko nang maisipan basahin ito. Nang matapos, naramdaman ko ang mga matang may mga luhang gustong pumatak.
Iba ka talaga, ma'am Lualhati. Sa mga swabe mong pagkwento, nagagawa mong iparamdam sa mambabasa ang mga mensaheng gusto mong iparating; mapapersonal man o panlipunan—katulad sa koleksyong ito.
Maraming salamat sa mga iniwan mong kwento at salita. Mabubuhay ka sa mga isipan namin. Maraming salamat, higit sa lahat, sa paglaban.
Masarap basahin sa gabing maulan, pag hindi katabi ang minamahal. Ang lungkot ng librong ito. Binuhos ni Lualhati ang galit nya sa gobyerno at sa mga lalaking hindot sa pamamagitan ng tula. 👏
"Koleksiyon ito ng mga tulang hinugot sa mga gabing wala akong magawa; produkto ng matamang pagmumuni-muni, minsan ng kalungkutan o paghihimagsik, minsan ng simpleng... iyon na nga, walang ibang magawa. Ewan ko lang kung napatunayan ko rito na hindi lang ako nobelista kundi makata rin."
Maaaring biased ako sa magiging punto ko rito dahil aminin na natin, LB fan ako. At kahit anong isulat ni Madam Lualhati, talaga namang ginigising ako, iniiwanan ako ng pangaral.
Dito, napatunayan niyang hindi lang siya isang dakilang nobelista kundi isa rin siyang makata. Makatang ina, anak, kapatid, babae, at kaibigan. Tao—na nagmahal, nagmamahal, nasaktan, namatayan, nangarap, naghimagsik, nanindigan. Parang time capsule sa buhay niya ang librong ito. At isang pribilehiyo na maging kabahagi sa mga ala-alang naging kanya sa loob ng ilang dekada.
Ilan sa mga tulang naging paborito ko:
Kontra Demanda Araw ng mga Puso Kapag Umibig ka sa Isang Manunulat Ode to My Mother Lockdown sa Panahon ng Semana Santa Death Stalking the Night (at bawat tulang naisulat pa niya pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay) Minsan Hanggang Ngayon Babae Ang Babae sa Kuweba Kay Pepsi Paloma Isang Matandang Pulubi sa Kasagsagan ng Bagyo (Ang Aking) Panatang Makabayan
Malawak ang sakop ng koleksyon ng tula ng awtor. Mula sa pampersonal hanggang panlipunang usapin ay sinasaklaw nito.
Makabagdamdamin ang bahagi ng pampersonal na trahedya. Masalimuot naman ang para sa mga naging biktima ng mga namumuno sa bansang walang mahagilap na pag-asa. Sa karanasan ng kababaihan ay matiim ang pagsasalarawan. Babae ngunit makulay at kayang manindigan.
Bagamat ang buhay ay siklo ng pagkagupo at pagbangon, hindi mawawala ang laban na tayo rin ang magtataguyod. Gusto kong maniwala at ipagpatuloy ang pabaong ito.