Wala akong ibang paraan kundi ang sumandig sa himala ng agimat at pananalig. Lumuhod ako at ngumanga ang sugat sa magkabila kong tuhod; ikinampay ko ang aking mga bisig, ngunit sa halip na umangat, bumuka mula sa aking kilikili ang isang gulanit na payong, nakikiusap:
agawin mo ako sa kalawang, haplusan ng langis ang hukot kong tagdan at bali-baling mga tadyang, suubin mo ako ng sinunog na palaspas at ilibing sa puno ng tarangkahan.”
– MULA SA “BASAG NA BUBOG SA BIBIG”
Nagtuturo ng wika at panitikan sa UP Los Baños si EMMANUEL V. DUMLAO. Nagtapos siya ng doktorado sa Filipino: Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Humahabi ng talinghaga kapiling ang mga diwata at busaw sa paanan ng bundok Makiling.
ito ay isang koleksyon ng mga tula. maganda at nakatatawa.
first time ko maka-encounter ng tula na “mala-conyo.” nakakaenjoy basahin. paborito ko yung “dobolspeys.” parang kami lang ng mga estudyante sa eskwela.
pagkatapos mo basahin ang unang bahagi at tumungo ka sa pangalawa hanggang sa pang-apat, mas lumalalim yung tema. paborito ko yung “papuri: ika-11 ng setyembre.” pinapaalala na huwag na huwag kalimutan ang ating historya.
medo mahirap basahin ang ibang tula dahil malalim at parang “playful” yung paggamit ng mga salita.
Una kong nabasa ang koleksyon ni Emmanuel Dumlao na "Pambubulig". Nagustuhan ko ito dahil animong nagtatagpo ang mga karanasan ko at ng (mga persona) roon kahit na coastal ang setting ng libro at ako ay sa bukid naman laki. Kaya naghanap pa ulit ako ng libro n'ya.
Dito sa Hindi Lamang Salita, iba na ang boses ng makata. Pero, ang pinaka nagustuhan ko rito ay ang talinhaga at musikalidad ng mga tula sa seksyon ng "hiraya ng tunog at tinig".
Maganda ang paglalaro-ng-salita rito. Hindi puwedeng kaswal mo lang na basahin dahil dapat, inuunawaan mo ang bawat salitâng binabasa mo. Dahil para saan pa ang mga narito kung hindi mo rin naman iintindihin?