Hindi naman black and white ang love, e. Love is a spectrum. Hindi porke't pagmamahal 'to sa' kin, kailangan, gano'n din ang depenisyon mo.
Hindi maitatanggi ni Kamille Yvette o Kayi, na may nararamdaman siya para kay Kalmia Bie o Kabi. Bukod sa halos magkapareho sila ng ngalan, tila tadhana na ang gumagawa ng paraan para paliitin ang mundong ginagalawan nilang dalawa. Mula sa pakikipagsiksikan sa MRT hanggang sa muli nilang pagkikita sa party ng isang kaibigan, baka nga si Kabi na ang babaeng para sa kanya.
Pero tila ayaw ito ng mundo. Bukod sa may boyfriend na si Kabi, hindi alam ni Kayi kung may nararamdaman din ito para sa kanya. O kung mayroon man, hindi nya mawari kung matatanggap ba ng iba ang relasyon nila.
Pula, kahel, dilaw, luntian, bughaw, indigo o lila-ano nga ba ang tunay na kulay ng pag-ibig para sa dalawang pusong tumitibok?
Aaminin ko na di ako nagbabasa ng Tagalog na libro unless LGBT siya. Pero ito yung isa sa pinakamagaling na Tagalog na librong nabasa ko 🥺 Grabe, sobrang kilig. Ang lakas ng tawa ko, nakakahiya nga sa magulang eh (sana di nila nakita ang cover kasi ang ganda pero ang lantad haha)
Anyway, highly recommended. I hope Pop Fiction releases more LGBT books. Ang galing talaga ng author. Hindi lang ito parang ewan na wattpad book. Hindi lang ito romance (pero siyempre magaling siyang romance— lesbian mc X best friend with a toxic gago boyfriend). Kwento talaga siya ng queer experience sa Pilipinas ngayon. Medyo nasaktan din ako kasi relatable ang sakit, pero happy ending naman. Sana ako din may happy ending haha.
Sorry, 4 stars kasi minsan sobra akong naiinis sa katangahan ng love interest. Pero highly recommended pa rin.
Gusto ko tong itranslate sa English. Medyo mahirap kasi ang daming pun (talino talaga ng manunulat !!) pero pag-isipan ko.
Ang sakit na ang sarap sa puso. Buhos lahat lahat ng emosyon. Ang dami kong iniyak, itinawa kasama na rin ang inis na sobra sobra, pero ang higit sa lahat, KILIG. Na siya namang pinaka importante sa lahat🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈
Nakakatuwa kasi medyo ka-attitude ko sina Kayi at Kabi. Aquarius din kasi ako gaya nila. Pag sobrang natumpak yung mga linyahan o salitaan na sapul na sapul sakin, napapailing nalang ako o kaya tatawa ng malakas kasi totoo😂 Feeling ko tuloy Aquarius si author. Hahaha
Ito na ang bago kong paboritong libro sa ngayon. Happy Pride Month 🏳️🌈
First time ko magbasa ng pop fiction book, at third time ko magbasa ng lesbian novel na locally published. Fun at relatable yung dynamics ng group of friends ng main character. Strong din yung voice/characterization ng mc. Cheesy at cliche ang romance. Pero gets ko ang magiging personal impact nito sa mga sapphic readers na nasa late teens/early 20s. Madami pa sanang GL books na mapublish.
My first GL read. Technically well written, but the plot was dragging, constantly revolving around a toxic ex-boyfriend from page one to the last. The love interest wasn't sure if she was jealous of the MC or her ex-boyfriend because she couldn't figure out who she really liked more. Only to find out that she has been in love with the MC since day one (but she still kept on working to fix her toxic relationship with her ex. Huh?). It's a constant cycle of emotional abuse from a narcissistic boyfriend, and I was expecting a different discord in the later chapters, but again, it always goes back to Luke and his womanizing antics. The names were confusing for me (sorry, my weakness as a reader): Kayi, Kabi, Luke, and Lucas. Sometimes I got lost on whose dialogue is who. I wish they could have been tagged/labeled more. The confrontation scenes were superb and very realistic; I give it that. Especially between Kayi and her parents. I love how Kayi would constantly tell Kabi that her emotions were okay, especially when she was still hurt after seeing Luke with another girl despite breaking up with him. It tells a lot about how we should be kinder to ourselves as humanbeings. Hats off to how Kabi would constantly reassure Kayi that she loves her too and would constantly choose her regardless of her parents disapproval. Ultimately, the book shows that you don't have to force yourself into a toxic relationship with the opposite sex just to fit the norm of the society. That trying to save a long-term relationship isn't worth it if respect is lost. That sometimes, your girl best friend who understands and accepts you holistically is more than enough.
Ang hirap i-describe ng feelings ko after mabasa nang buo. Rollercoaster emotions ang naramdaman ko. Nakakatuwa dahil unang beses kong makakita at makabasa ng libro na nirerepresenta ang LGBTQIA+ community. Bilang parte nito, sobrang saya ko talaga nang mabasa 'to. Makatotohanan ang mga pangyayari na nilalaman ng librong 'to. Salamat, author <33
•"Sa tagal na 'yon, natatandaan mo pa mukha niya?" "Drinawing ko pagbalik ko ng bahay eh."
•"Kaya nga susubukan ko ngayon . . . kasama ka."
•Hindi ako naniniwala sa love at first sight. Pero alam ko na noong gabing 'yon, unang beses kong makakita ng babaeng kakaiba. Babaeng alam mong meron pang nasa likod ng kung ano mang nakikita ko ngayon.
•Medyo nakaka- turn on din na kumpleto siya mag- type sa chat. Natatawa na lang ako na pati iyon, naiisip ko pa.
•Nagulat ako sa mensahe niya tungkol sa pagligtas ko sa buhay niya. Masarap pakinggan, pero masakit din. At simula noon, kahit palihim, naging preso na ako ng mga ngiti niya.
•"Ano ba naman," sabi ko sa sarili ko. "Minsan na nga lang matamaan, taken pa, saglit pa, one- sided pa. Bakit ang hirap humanap ng girlfriend?"
•Masaya sana . . . kung hindi lang kami "magkaibigan."
•Ang hirap kaya. Iyong magpanggap ka na walang feelings para sa taong gusto mo dahil tinatago mo kung ano ka para lang una, "mapanatili" kung anong meron kayo, pangalawa, dahil may tiwala na sa 'yo iyong mga taong nakapaligid sa kanya na hanggang ganoon lang kayo, at pangatlo, dahil natatakot ka rin na baka lumayo siya kapag nalaman niya.
•Magulo siyang tao. Period. Pero siya 'yong gulong gusto ko pasukin. Ang gulong paulit- ulit kong papasukin. Siya 'yong gulong gusto ko gisingin at pagmasdan ang mukha niyang walang makeup, hawakan 'yong buhok niyang pwede na pagbahayan ng mga ibon, at pati 'yong kili- kili niya na pilit niya ako pinapasama na i- wax isang beses sa isang buwan.
•Titigilan? Bakit ko siya titigilan? Eh siya lang ata 'yong magandang nangyari sa buhay ko.
•"Siguro nga," dagdag pa niya. "Pinaka gusto kong version ng sarili ko kapag kasama kita. Parang walang tinatago . . . na kahit itaas ko 'tong daliri ko"— sabay taas ng hinlalato niya—" walang panghuhusga." Huminga ako nang malalim at bumulong, "Mahal kasi kita."
•"Uy," bigla niyang sabi, "gusto mo ulit ng adventure?" "Adventure na 'yong makasama ka," sagot ko na walang halong biro.
•Minsan malalim. Minsan mababaw. Minsan basang- basa mo lahat. Minsan tagong- tago niya ang lahat. Iyon si Kabi.
•Sa oras kasi na 'to, isa lang ang nakakapagbigay pag- asa sa 'kin. Kahit bawat araw, umaasa ako. Kahit bawat araw, naduduwag rin ako. Sa liwanag lang na 'to ako titingin. "Anong tinitingin tingin mo?" sinabi niya 'yon nang nakangiti habang tumatama sa kanya ang liwanag ng araw. "Wala," sabi ko habang nakangiti sa kanya. Isa lang ang malinaw sa 'kin, at 'yon ay ang paninigurado na hindi kailanman mawawala ang liwanag sa mga ngiti niya.
•"Sorry," sabi ko. "Okay, sige. Gusto ko siya. Pero alam mo, mas straight pa ata siya sa ruler." "Ano ka ba, may mga ruler na nababaliko," sagot ni Lyka habang natatawa.
•"Natural. Sino ba namang hindi magseselos na hawak ng iba 'yong gusto mong maging iyo, di ba? Tapos ang turing lang sa 'kin ni Kabi, girl space friend. Pero hindi, gago talaga 'yon."
•"Iintindihin kita sa lahat ng bagay maliban doon. Ewan ko ba sa 'yo. Perpekto ka na sana e, tanga ka lang."
•Mag- iisang taon na simula noong una kaming magkakilala nang personal. Pero heto ako, ang tumutupad sa second- guy syndrome sa ibang mga nobela. Kami 'yong mas mabait, 'yong nagsasakripisyo para sa minamahal namin, pero sa huli, hindi kami ang pipiliin. Ang pagkakaiba, babae lang ako.
•"Nagkagulo- gulo na 'yong hormones ko nang nakita kita. Nagtaka ako kung bakit ganon 'yong nararamdaman ko simula noong una pa lang. Umaasa nga ako na makikita kita ulit e. Akalain mo 'yon? Kabiyak nga siguro talaga kita, ano?" Gusto ko umiyak. Sa saya . . . siguro. O baka dahil alam kong ang gulo ng pinasok ko.
•"Hindi," sabi ko sa kanya. "Hindi sa pagmamayabang, pero alam ko na sa akin ka lang nagsasabi ng totoo." Ngumiti siya sa 'kin. "Aayusin ko . . . pero samahan mo ko. Hanggang ngayon, takot pa rin ako."
•Natural na lang ata ang mga banat kapag mahal mo 'yong tao.
•Minsan nga lang, may mga pagkakataon na kasing kulay ng langit ng malalim na hatinggabi ang katotohanang hindi lahat ng tao ay matatanggap kung ano kami.
•Walang kulay ang pag-ibig, pero alam naming dalawa na makulay ito, at kinukulayan din nito ang buhay namin. Mapasaya, mapalungkot—alam naman namin na kailangan lang namin kumapit sa kung ano mang tinitibok ng mga puso namin. Ako ay para kay Kabi, at ako—si Kayi—ay para sa kanya. Dahil sa huli, pagmamahalan pa rin ang magwawagi.
Hindi ko masasabing isa akong tao na mahilig sa mga romantikong bagay, pero paminsan-minsan, nasisiyahan ako sa mga simpleng kwento ng pag-ibig hehehe.
Aba ewan ko ba. Di ko naman type yan para sa sarili ko. Nakakataba lang talaga sa puso kapag may nakikita akong dalawa (o higit pa) na tao na nakakahanap ng “soulmate”, kung baga, sa isa’t isa.
Sa lipunang ito, ang pagmamahal ay nagiging “mainstream” na parang ipinamumumukhang kapag ‘di ka napa-fall sa isang tao, ‘di ka kailan man makukumpleto.
Di yon totoo ah! Sa totoo lang, minsan napapaisip ako, paano kaya magmamahal ang mga tao kung hindi laging romansya ang inaabangan ng lahat kapag may dalawang tao na nagkakaroon ng koneksyon? (Tignan mo, yung ibang mga rom-com. Dios me. Tsk tsk.)
Na-ooff topic na ako ahahaha. Sori.
So ano ba. Maganda ‘tong libro. Sobrang cheesy sa totoo lang. Grabe ‘tong dalawang ‘to, sobrang in love na in love sa isa’t isa, natatawa nalang ako.
Talagang mag “kabiyak” sina Kabi at Kayi. Sila’y nagsimula bilang mga estranghero na nagkabangaan sa MRT. Nagkita muli’t naging matalik na magkaibigan hanggang magkatuluyan sila’t naging magkasama.
Sila’y magkatambal sa laban na tinatawag na buhay. Sa lahat ng mga pagsubok na madadaanan nila, sila’y isang “team”. Mag- partner! Hindi nila kinukumpleto ang isa’t isa, dahil bilang tao, kumpleto na sila. Sa halip, nagsisilbing inspirasyon sila sa isa’t isa na subukan maabot ang kanilang buong potensyal at maging mas mabuting mga tao. Tahanan nila ang isa’t isa.
Ang sweet no? Bulok na ngipin ko plz. Char!
5 stars 🌟 para sa librong nagpalungkot, nagpasaya, nagpangiti, at gumawa ng aking tatlong araw.
I finished reading it and my initial reaction pagkatapos kong mabasa yun, "good for them".
Yes. And not just them, but also to those who choose to loved themselves first despite the opinions of the majority. They did not let others define themselves for who they were. They had created a boundless love between two queens who were ready to surrender all of the privileges and ties just not to break the thread they've knitted or the bridge they've build together para lang maidugtong ang pagmamahalang natatangi sa isat-isa.
Love wins, ika nga ni Kabi at Kayi. And of course, kung papairalin mo nalang ang puso mo, as long as kung saan ka masaya, doon ka na manatili.
Well, reading this makes me conflicted about my approach towards LGBTQ+ community. I was aware that queers usually suffer because not a lot of people could understand them thus between religion and laws--ang daming bawal.
My Philosophy teacher once said, in the Philippines, hindi lahat approved sa principles ng LGBTQ+ lalo na't the scale of population ay halos relihiyoso. But, it is highly depends on 'you' at first kung paano mo sila pakikitunguhan. They were still humans. At wala naman talaga kasing perpekto.
For me, I didn't see them as lesbian, gays, bisex etc etc. but an ordinary people who were madly inlove, capable to love and be loved. Nu ba, if my parents read this review, I might get a pretty-not-so-deadly spank and a lot of nagging.
I believed I am the embodiment of hypocrisy. *laugh.
This entire review has been hidden because of spoilers.
so happy for them :') that's it, that's the review. jk !!
leaving my review like that for the meantime 'cause i solely read this as a material for our thesis so i read this more on the technical side than indulging to their world. will update this review once i reread this kasi may part talaga na kinikilig ako ng soafer huhuhu.
a rollercoaster ride for sure, kayi and kabi’s love for each other is so wholesome i would smile every time i read. we need more sapphic novels written by filipinos because stories like these hit so much differently in tagalog.
Love wins! Finally, it ended in a happy ending note. After all of my rage to the foolishness of the leads and fuckery of reddest flag, bf of the lead, the two leads find their way to each other. So happy for them ♥️
sa pagkakataon na ang puso ko'y muling tumibok para sa babaeng magiging bahagi ng buhay ko, nanaisin kong ang aming pagmamahalan ay maging kasingkulay at kasinglaya ng kina kabi at kayi