Jump to ratings and reviews
Rate this book

Suóng: Mga Aporismo ng Paglusong at Pagsulong

Rate this book
Lagi namang kapos ang kakayahan ng salita. Kulang. Kahit pa minsan sa ating pakiramdam, ang daldal-daldal na natin ay hindi pa rin natin masabi-sabi ang tunay na laman ng dibdib. Naiipon lamang nang naiipon hanggang sa sumabog itong tulad ng isang bulkan; na marahil kung di tayo makasakit, tayo ang tuluyang masaktan.
Kaya naman, pipiliin natin ang landas ng pagtitimpi. Sa kilos, sa isip, at sa salita. Kukulungin natin sa iilang kataga ang ubod ng ating layon at mensahe. Maingat na maingat na bulong. Na baka naman, hindi naman kasi natin kailangan laging sumigaw upang marinig. May mahikang bitbit ang wikang batid kung kailan mananahimik, at higit sa lahat, malay kung handa na itong makipaglaban alang-alang sa kung anomang nararapat pag-alayan ng oras at panahon... o kung minsan pa nga, ng buhay at pangarap.

Nagmula lamang bilang ideya ng mga simpleng tweet, ang koleksiyong ito ng limandaang aporismo hinggil sa pag-ibig, buhay, edukasyon, lipunan, at iba pa ay munting paalala at tapik sa balikat na ano't anoman ang ating landas na pinili/pipiliin, laging may kasama tayong sumuong sa bawat hamon---lumusong at sumulong kahit pa gaano kaimposible at kahirap.

Laging para sa wika, sining, panitikan, Diyos, at bayan!

128 pages, Paperback

Published June 19, 2021

1 person is currently reading
11 people want to read

About the author

Gerome Nicolas Dela Peña

10 books23 followers
Si GEROME NICOLAS DELA PEÑA ay guro ng Filipino at Panitikan sa De La Salle University – Manila at Manila Tytana Colleges. Kasalukuyan niyang tinatapos ang digring PhD Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman.

Siya ang Ikalawang Pangulo sa Edukasyon ng KATAGA (Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas) at isa sa mga Tagapamahalang Patnugot ng Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral. Naging Finalist ang kaniyang aklat na Suóng: Mga Aporismo ng Paglusong at Pagsulong (8letters Bookstore and Publishing) sa 40th National Book Awards – Nonfiction Category. Ginawaran din siya ng Outstanding Faculty Adviser bilang Tagapayo ng DLSU Writers’ Guild sa 13th Annual Pillar of Lasallian Educators Excellence Awards (2025).

Awtor siya ng walong (8) aklat ng mga sanaysay at tula sa Filipino. Mababasa rin ang kaniyang mga malikhaing akda sa ilang mga antolohiya at diyornal sa loob at labas ng bansa.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
3 (60%)
4 stars
2 (40%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Maria Ella.
561 reviews102 followers
April 30, 2024
Isa sa mga naging goal ko ngayong taon ay simulan ang pagtanim ng pagkakakilanlan sa mundo ng panulat. At maging intentional ang pagbabasa. Magkaroon ng clinical eye, kung baga. Matagal ko nang ginagawa itong mga sanaysay pero nakalagak lang sa aking website. Hopefully, lalong lumakas ang loob na itong ilimbag at ipakita sa madla.

Nang mabili ko ito sa nakaraang Philippine Book Festival at mapapirma ko ito kay Gerome, bigla syang nagtanong, "From 1 to 500, pumili ka ng paboritong number."

Sagot ko, "439". Isang prime number, isang alaala ng pag-iisa.

Nang mabuksan nya ang libro, sinabi nya sa akin:
Sana tulad noong bata, kahit gaano ka habulin ng problema, pwedeng taym pers muna.


Very apt, koya. Tila ba'y nagmamadali sa pinangako sa sarili (ngayong taon).

Dalawa ang atake ng pagbabasa nitong Suong: Mga Aporismo ng Paglusong at Pagsulong. Pwede mong basahin nang isang upuan, o pwede mo syang berso sa araw-araw buong taon (actually, lampas pa, 500 verses eh). Pinili ko ang una kasi ganito ang balak kong gawin since 2016 - ipunin ang lahat ng tweet ng galit at gawin itong maikling manual ng pagtitimpi. Or mga sipat ng kapararakang lokohan sa mga naging lalake kong hindi nila alam kung boyfriend ko ba sila. Pero muli't muli, naunahan na naman ako sa istilo ng pag-iipon ng tweets. Nagsimula si Egay nito nakaraang pandemic lockdowns sa kanyang Hindi Tayo Tinuturuan Kung Paano Hindi na Magmahal, tapos nakita ko itong Suong na naging finalist sa nakaraang National Book Awards ng NBDB.

Napadpad ako sa mga kwentong hugot, at mga sawing pakiramdam ng pag-ibig, patungo sa ligaya at lungkot ng pag-iisa, patungo sa manaka-nakang self-help ala Mark Manson. And for some reason, trigger na trigger ako sa mga minsanang sapak ng utos. Kung ako sa inyo, mas magaan kung gawin ninyong random ang pagbabasa nito, lalo na't kung punung-puno ang utak at ang EQ sa araw-araw na bugbog ng hanapbuhay; kung ayaw nyong makaranas ng samu't-saring damdamin na nakakabaliw sa isang bagsak ng magdamagan. Siguro, pwede itong basahin katulad ng pakikinig sa mahabang discography ng favorite mong Tay-tay (bilang Swiftie).

May munti lang akong hiling, lalo na sa 8letters na naglimbag nito:
1. Sana nai-recode ito as actual tweet. Kunyaring screenshot. Madali lang siguro mag-CSS lalo na kung ang mismong copyeditor at publisher ay mulat sa Myspace.
2. Sana ang pag-spine ay matibay-tibay. Yung kopya ko kasi medyo bumibigay yung gitna. Lalo na't ang hilig ko sa marginalia. Or siguro, ganito ako sumipat ng akda, barumbada. Medyo binubulatlat ko talaga bawat pahina para makasulat sa taas, o sa gitna o sa gilid. At may minsanang drama rin ng pag-upload sa IG Story tapos ita-tag ko ang may-akda.

Siguro nga'y binasa ko ito nang may pagmamadali, o maaaring may bahid ng paghahanap ng mali. Hindi ko rin buong masabi, kasi sa isang banda, kinaiinisan ko ang aking sarili na naungusan na naman akong muli — lalung-lalo na sa lakas ng loob kung paano ilalapat ang lahat sa panulat. Pero nailikom ng aklat na ito ang aking danas sa araw-araw na pagharap sa personal na buhay at sa sanlaksang Kamaynilaang kinagagalawan. In one of the discussions with Jessie, I asked him, "Ano na ba talaga ang ambag nating mga millenial?" Kasi kung tutuusin, hindi tayo mulat sa Call to Action, kasi unang-una pa lang, hindi tayo pinalaki sa Collective Action ng ating magulong 3rd world na bayan. Puno tayo ng isla, watak na watak mula sa rehistro ng wika, pulitika, at mga personal na danas at pakikibaka.

Tapos randomly, nakita ko itong tweet verse 371 ni Gerome:
Wala nang mas hihigit pa sa kababaihang nagagamit ang kanilang tinig para sa ikakabuti ng bayan.


Baka nga ang misyon ko bilang isang moderator na babae ng aming bookclub ay maging tagatala ng mga mabilisang saglit na karanasan sa aming social media, tagalathala ng mga sentimyento sa nababasang aklat, at pag-abot ng lahat ng iniisip at dinadama mula sa manlilikha patungo sa taong willing na magkonsumo nito. Kaya kayo-kayo, lapitan nyo si Gerome, subukan ang kanyang Suong, at pwedeng sa isang raw, pumili kayo ng random number from 1-500.

At sana, ang piliin nyo ay yung divisible by 2.
2 reviews
April 2, 2025
Swak na swak na natapos ko basahin 'tong libro habang nasa DFA ako para kumuha ng passport.
Tila ipinag-adya na matapos ko 'tong libro sa gitna ng pakikipagsiksikan ko sa dagat ng taong pinagtagpo sa iisang lugar ng iisang layunin: ang sumuong, lumusong at sumulong.

Bakit kamo? Sigurado kasi ako na hindi man 100% ng mga nakasalamuha ko sa DFA kanina ay kukuha o mag re-renew ng passport para lumipad patungo sa ibang bansa o lugar, alam kong at least majority ng mga naroon ay 'yon ang dahilan.

Marami sa kanila ay marahil mangingibang bansa o pupunta lang ng ibang lugar. Anoman ang dahilan, iisa ang ugat nito: LAKAS NG LOOB.

Nagsisimula sa lakas ng loob ang bawat nating pagsuong, nagsisimula sa lakas ng loob nating maging estranghero sa malayo upang mahanap natin ang ating mga sarili at tuluyang maintindihan ang paraan ng pagmamahal na hindi natin mahagilap dahil sa salimuot ng kasalukuyan nating sitwasyon at sa gulo ng paligid kung nasaan tayo ngayon.

Tinuturuan tayo ng SUONG na magpatuloy at sumuko. Tinuturuan man tayo nito na tanggapin ang katotohanan sinisilaban din nito ang ating mga puso na umasa pa dahil may pag-asa pa naman talaga.

Bago ako umuwi pa Angono, na realize ko: hindi na pala ako ang dating ako, marami na akong isinakripisyo, maraming desisyon ang nagdulot sa akin ng pagbabago.
Isa lang ang hiling ko, sana sa landas na tatahakin ko, palagi kong maalalang ang pagsuong ay hindi lamang paglusong, na may mga uri ng paglusong na nagsisimula sa pagbitaw at pagsuko, pagbukas ng puso, pag-aaral pang higit para mas maunawaan ang saya't lumbay ng mundong madalas na malungkot, makirot at masalimuot.

Ang SUONG Mga Aporismo ng Paglusong at Pagsulong ay akdang nagtuturong mahalin mo ang ibang tao, mahalin mo ang bayan at higit sa lahat—ang 'yong sarili.



Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.