Gusto ko ang twist na hindi underdog ang lumaban sa bully kundi isang bully din. Maganda ang mga pangaral sa kuwento na kahit pinagtatanggol mo ang isang tao, pambubully pa rin ang ginagawa mo. Bahagi ang kuwento ng Christian series ng Hiyas na "Happy Home". Pangatlo siya sa series, hindi ko nabasa ang unang dalawa kaya medyo na-disorient ako sa history ng ibang characters at kung saan sila nanggaling. May Filipino and English translations sa text at sa dulo ay may mga quotes galing sa Bible. Mayroon ding mga follow-up questions tungkol sa bullying na puwedeng gamitin ng bata at storyteller for reflection.