Jump to ratings and reviews
Rate this book

Pagkakasala at Kaparusahan

Rate this book
Ito ang paglalarawan sa mapait na kalagayan sa daigdig. Mukhang walang pag-asa at walang masusulingan ang mga tao. Kahit sa pelikula sa kasalukuyang panahon ay hindi pa naipakikita ang ganitong eksena, kung saan ang mga tao, na tila mga zombie na sinasaniban o nahawa ng napakabagsik na virus o espiritu, ay naging labis na matalino at matindi ang yakap sa mga prinsipyo, doktrina, at ideolohiyang sumanib sa kanila. Sila lamang ang tama at wala nang iba pa. Handa silang gawin ang kahit ano, magbaka ng hirap at pasakit, lumaban, pumatay, kumain ng buhay na kapwa-tao upang isulong ang mga layuning makatuwiran at makatarungan sa kanilang pananaw. Gayunpaman, hindi naman lubusang magiging impiyerno ang daigdig at hindi malulunod, masusunog, at malulusaw nang dahan-dahan sa kumukulong lawa sa impiyerno ang mga tao habang naririto pa sa lupa. Hindi ganoon kawalang-pag-asa ang lahat. May kasagutan at solusyon sa suliranin. May binabanggit si Dostoyevsky na iilang maaaring makapagligtas sa sangkatauhan. Makikita nila ang tamang landas at maituturo sa mga nagkaligaw-ligaw at wala nang masulingang hindi na malaman ang patutunguhan. Sila ang mga hinirang at malilinis ang puso, na magsisimula ng bagong uri ng tao at bagong buhay sa mundo. Pag-iibayuhin at lilinisin nila ang buong daigdig.

– Mula sa Panimula ng Tagasalin

604 pages, ebook

First published January 1, 1866

6 people are currently reading
18 people want to read

About the author

Fyodor Dostoevsky

2,593 books72.3k followers
Фёдор Михайлович Достоевский (Russian)

Works, such as the novels Crime and Punishment (1866), The Idiot (1869), and The Brothers Karamazov (1880), of Russian writer Feodor Mikhailovich Dostoyevsky or Dostoevski combine religious mysticism with profound psychological insight.

Very influential writings of Mikhail Mikhailovich Bakhtin included Problems of Dostoyevsky's Works (1929),

Fyodor Mikhailovich Dostoevsky composed short stories, essays, and journals. His literature explores humans in the troubled political, social, and spiritual atmospheres of 19th-century and engages with a variety of philosophies and themes. People most acclaimed his Demons(1872) .

Many literary critics rate him among the greatest authors of world literature and consider multiple books written by him to be highly influential masterpieces. They consider his Notes from Underground of the first existentialist literature. He is also well regarded as a philosopher and theologian.

(Russian: Фёдор Михайлович Достоевский) (see also Fiodor Dostoïevski)

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
1 (33%)
4 stars
2 (66%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Billy Ibarra.
195 reviews18 followers
May 29, 2024
Pagkakasala at Kaparusahan
Fyodor Dostoevsky
Salin sa Orihinal na Ruso ni
Herman Manalo Bognot
Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman
2020

PAUNAWA: MAY SPOILER

Masalimuot ang buhay ni Raskolnikov. Matalino ngunit salat sa buhay. Naghihirap ang nanay at kapatid sa probinsiya, matitigil sa pag-aaral. Gusto niyang mapadali sa kaniya ang lahat kaya naisip niyang patayin at pagnakawan ang isang ganid na pawnbroker at sa kaniyang paniniwala, dakilang bagay ang gagawin niya at kapaki-pakinabang sa nakararami. Sa tingin niya'y mapuputol ang pananamantala ng pawnbroker. Ang hindi niya alam, uusigin siya ng kaniyang konsensiya habang siya'y nabubuhay.

Isang magandang halimbawa ang nobela upang maintindihan ang sikolohiya ng isang kriminal---kung ano ang mga salik na nagtulak kay Raskolnikov upang pumatay, at ano ang tumatakbo sa isip niya bago at pagkatapos pumatay. Habang binabasa ko ang nobela, hindi ako nakaramdam ng awa sa pinatay na pawnbroker o maging kay Raskolnikov na gumawa ng krimen. Gapatak na pagsasamantala lang ang naputol niya na naging kapalit ng kaniyang katiwasayan. Mas naawa pa ako sa mga taong nakapaligid kay Raskolnikov tulad ng kaniyang ina, ng kaniyang kapatid na si Dunya, at si Sonya na tapat na nagmahal sa kaniya hanggang sa huli. Nakagawa naman si Raskolnikov ng kabutihan sa iba sa ilang panahon at umasa pa rin ako na magbabago siya sa huli habang pinagbabayaran niya ang kaniyang pagkakasala. At 'buti pa si Raskolnikov nakonsensiya, di tulad nung mga politiko at 'yung matandang taga-Davao na ang daming pinatay na mamamayang Pilipino. Lol.

Unang nobela ito ni Dostoevsky na natapos ko. Tamad kasi akong magbasa ng mahahabang nobela. Pag sinabi kong mahaba, lampas 500 pahina. Pero sulit naman ang halos dalawang linggo kong pagbabasa nito at tiyak na babasahin ko muli si Dostoevsky.

Kahanga-hanga rin ang salin na ito mula Ruso patungo sa Filipino. Napakahirap n'on isipin ko pa lang. Tungkol naman sa pagkakasalin, para akong nagbabasa ng lumang nobelang Tagalog. Mababasa at mada-download ito nang libre sa link na nasa ibaba. Sa mga nagtatanong naman kung saan ako nakakuha ng pisikal na kopya, complimentary copy po ito at hindi ipinagbibili, ipinasa lang sa akin ng isang kaibigan.

https://sentrofilipino.upd.edu.ph/dow...
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Aaron.
125 reviews1 follower
July 19, 2025
Hindi ko alam kung may saysay pa ba ang aking mga opinyon… Maraming mga iskolar ang naglaan na ng ilang dekadang pagsusuri sa nobelang ito.

Ang masasabi ko lamang: masalimuot ang lahat. Sa pagsusunod sa istorya ni Raskolnikov, sa mga karakter na kaniyang kinikilala, at sa mga temang inilalahad ng libro. Nahirapan ako basahin, hindi dahil sa pagkakasalin nito, kundi dahil sa siksik ito sa impormasyon, monologo, mabubulaklak na talata, at pilosopiya.

Nagustuhan ko ang pagkakasalin at hindi ako nagsisising ito ang introduksyon ko sa mga mas mahahabang akda ni Dostoyevsky. Makaluma o klasikong Filipino (o maaaring archaic Tagalog) ang ginagamit na, sa tingin ko, ay nakatulong sa pagpapabuhay sa akda sa ibang wika at kultura. Napakalaking hakbangin ang ganitong mga pagsasalin tungo sa pagpapayaman ng wikang Filipino, lalo na’t isinalin ito mula sa orihinal na Ruso. Nawa’y maisalin rin ang iba pang mga libro ni Dostoyevsky, o kaya ni Leo Tolstoy (Anna Karenina sana hehe)!
Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.