Jump to ratings and reviews
Rate this book

Desaparesidos

Rate this book
Akala natin ay nasabi nang lahat ang gustong sabihin ni Lualhati Bautista tungkol sa... Martial Law... sa kanyang Dekada '70. Pero narito ang Desaparesidos, at kalunos-lunos ang nilalaman ng bagong nobela tungkol sa paglasog ng mga kabuktutang militar sa pamilya ng mga rebolusyonaryong nasa kanayunan... Kahanga-hanga ang ipinamalas dito ni Bautista na kakayahang maigting na hagipin ang kamalayan ng mambabasa... ITo na marahil ang... katibayan na tunay na karapatan ng awtor na angkinin ang karangalan bilang pangunahing kontemporaryong nobelista ng ating panahon.

Ang tagumpay ni Bautista ay mahirap ihanap ng katapat sa mga akda ng mga kapanahon niya...

226 pages, Newsprint

First published January 1, 2006

169 people are currently reading
2331 people want to read

About the author

Lualhati Bautista

33 books647 followers
Lualhati Bautista was a Filipina writer, novelist, liberal activist and political critic. She was one of the foremost Filipino female novelists in the history of Contemporary Philippine Literature. Her most famous novels include Dekada '70; Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?; and ‘GAPÔ.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
780 (59%)
4 stars
314 (23%)
3 stars
130 (9%)
2 stars
44 (3%)
1 star
50 (3%)
Displaying 1 - 30 of 125 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
July 30, 2016
In Spanish and Portuguese languages, the term "desaparecidos" refers to the "disappeared people" at the time of Operation Condor in the 1970s and 1980s. In Philippine context and in this novel, Bautista used this to refer to all the people who were negatively affected by Martial Law (1972-1981) during the former President Ferdinand Marcos (1917-1989) regime.

The story is about Anna who is a student-activist during the First Quarter Storm or the time prior to the imposition of Martial Law. Then when that repressive law is imposed, she joins the rebel forces under New People's Army, the armed branch of the Communist Party. During her stay with the rebel forces, she has to leave her 6-month old daughter, Malaya to a friend Karla who is in her last trimester of pregnancy. Karla's husband Jinky is also a member of the rebel forces and his weakness becomes the turning point in this brilliantly written brutal story.

This is my 4th read book written by Bautista. I first read her Palanca (our equivalent of Pulitzer) award-winning novels such as Dekada '70 (3 stars), Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? (1 star) and Gapo (4 stars) because I thought that they were all better than this book that did not win that award. Wrong. This book is better than those three.
Desaparesidos is angrier than Dekada '70
Desaparesidos is more feminist than Bata, Bata...
Desaparesidos is better written than Gapo. Tauter, more direct to the point, more interesting twists and there are more memorable characters.
In short, if you want to try Lualhati Bautista, go for this book. However, this has lots of violence that makes this not for everyone. It is not for an easy feel-good read. However, this provides a good easy-to-understand summary of the political landscape in the 70's and 80's particularly in relation to the US-Marcos regime. Bautista cleverly inserted that summary in the book that provides the young readers a good grasp of the milieu of the novel.

At first, because I was taking the book lightly, I was bothered by too much violence and I thought that Bautista was taking me for a ride. You know that feeling when all you're reading is about misfortunes, hardships and characters being tortured, killed, etc. I almost dropped the book. Until that chapter entitled once upon a fairy tale, o ang pag-iibigang marcos-us that showed how politically astute Bautista was. Her image here as a writer was the complete opposite of the impression that I got reading her trashy novel, Bata, Bata... with a protagonist who is always thinking of having sex magpa-ano with men regardless the man is her husband or not (translation: a sex maniac). In this book, all characters, females or males, are strong and fight for principles particularly those of the leftists. Most importantly, there are no sex maniacs here.

My only little complain is that some characters are not given enough time to develop particularly those of Malaya and Eman so they ended up like caricatures. Malaya, in particular, is more interesting than Lorena or Lorrie who appears like a brat and thus, irritating.

The moral of the story: the political activists claim that they fight for the country because they love the common people. However, in the process, they compromise and neglect their own family, e.g., their loved ones. This book presents a balanced view but when you finally close the book, that irony hangs and lingers in your mind.

Bravo, Mrs. Bautista! Well done.
Profile Image for Madel.
97 reviews11 followers
December 13, 2021
Ang gustung gusto ko sa librong ito ay kahit na ang mga rebolusyonaryo na lumaban para sa kalayaan ay hindi perpekto. Pati ang pumalit sa gobyernong kurap, kurap at elitista pa rin. Patuloy ang laban pero higit na pinaka importante ay yung hindi pagkalimot sa nakaraan at dapat hindi binabaliktad ang katotoohanan.

Gusto ko rin yung pinauulit-ulit ni Lualhati Bautista ang ilang mga pangungusap. Kahit nabasa ko na sa ibang pahina yung pangungusap pero magkaiba sila ng kahulugan. Ang galing.
Profile Image for Alyn.
330 reviews
December 6, 2008
Binasa ko ang libro na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng title. Ni-research ko pa sa google...ang ibig sabihin pala nito ay 'people inside a movement, young people who lived the horror militarization during the martial law period'.

Ang setting ng librong ito ay dalawampung taon (20) matapos ang pagpataw ng martial law. Ito ay ang pagkukuento ng ilang myembro ng NPA na 'lumabas' ng kilusan at sa tulong ng mga Human Rights group ay binigyang linaw ang kanilang mga tiniis at sinabit sa kamay ng mga sundalo/military/PC noong panahon ng rehimeng Marcos. Ang librong ito ay mas sensitibo sa Dekada 70 at sobrang kontrobersiyal. Hindi ko lubos isipin na may mga ganon palang mga tao na kayang magpahirap ng ganoon... na kayang yumurak sa dignidad ng kapwa nila Pilipino.

Ako ay hindi aktibista, hindi rin ako left-wing, mahilig lamang akong magbasa at bukas lang ang aking isipan sa lahat na intindihin ang kalagayan ng ating bansa at pag-aralan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon. Si Lualhati Bautista ay isa sa mga magagaling na manunulat ng contemporary fiction ng ating panahon.

Sa kanyang salaysay, ipinaliwanag ni Bautista ang dahilan kung bakit tayo nakarating sa kalalagayan niya ngayon, kung kailan at bakit nagsimulang magka-utang ang ating bansa... Kahit wala kang masyadong alam sa Philippine history, matututo ka... ang comment ko lang (gaya ng Dekada 70) wala siyang nailagay man lang na reference o basehan ng kanyang salaysay. Kung ikaw ay karaniwang Pilipino at mababasa mo ang libro, magagalit ka sa mga dayuhan at mumurahin mo ang gobyerno... hindi mo nalalaman kung ang iyong nabasa ay totoo nga bang nagyari o pawang kuento-kuento lamang
Profile Image for Ayban Gabriyel.
63 reviews64 followers
August 24, 2011
#5 Libro ng Agosto

Agosto 23

Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ang naramdaman ko habang binabasa ko at matapos ko ang librong 'to. Grabe! Tangina! Ang bigat, hindi dahil masyadong malalim ang istorya o dahil masyadong malalalim ang salita nito kung hindi dahil totoo ang mga pangyayari sa nobela.

Hindi ko rin inaasahang magusgustuhan ko ang nobelang 'to. Akala ko magiging inperiyor ito sa iba pang likhang nobela ni Lualhati Bautista, pero maling-mali ang akala ko, dahil mas nagustuhan ko ito. Sa "Dekada '70" ikiwento ni Lualhati ang tungkol sa isang middle class na pamilya sa panahon ni Marcos, kung gaano kahirap maging ina at asawa lang sa pamilya nya. Ngayong naman pinasuk ni Lualhati ang mundong ginagalawan ng anak ni Amanda na si Jules sa loob ng kilusan.

Desaparesidos, pagnarinig ko ang salitang yan, sila Karen, Sheryl at Jonas ang mga una kong naalala. Dukot, ika nga. Pero malayo ang kahulugan ng Desaparesidos sa libro ni Lualhati sa isip ko. Ang nobelang ito ay tungkol sa isang ina na naghahanap ng sa kanyang anak at ang mga tao sa paligid nya na tulad rin niya ay naghahanap ng mga sagot sa mga katanungan at kapanatagan ng kanilang loob.

sabaw!


buuin ko na lang bukas, sabaw eh

Agosto 25

Ok, balik tayo, ayun na nga,kung sa Gapo dinala ka ni Lualhati sa Besa sa Olongapo, sa Dekado '70 namna ay pinakita nya sayo kung papaano maging ina lang sa isang middle class na pamilya, dito papaunawa at ipapakita nya sayo ang mga nangyayari sa loob ng kilusan. Sa totoo lang mas naging paborito ko itong libro kaysa sa Dekada '70, dahil dito kasi ko mas naunawaan at nakita ang mga pangyayari sa ating kasaysayan. Sa nobelang ito hindi mo makikitang naging baised sya sa dalawang panig, sa mga sundalo at rebelde. Sa kalagitnaan ng nobela, mababasa mo ang love story ni Makoy at ng Amerika, at dito mo mas mauunawaan ang mga nangyari noon ng panahon ng regimeng Marcos. Tila naging history book na rin ito sa kabilang banda.

Ang istorya ay umiikot sa isang pamilya na naghahanap ng kasagutan sa mga tanung ng damdamin nila at paghilom ng mga sugat sa puso na natamo nila sa nakaraan. Ang paghahanap ni Anna sa kanyang anak, ang pagtanggap ni Roy sa kahinaan nya, at ang paghahanap ni Lorie ng kabuluhan sa buhay nya.

Ito ang paborito kong libro na likha ni Lualhati, bakit? Dahil dito mo makikita ang tatag ng isang tao sa kanyang paninindigan at prinsipyo. Kung papaano mo handang suungin ang lahat para lang sa pinaniniwalaan mong tama. Tinutukoy ko rito ang paniniwala at prinsipyo ng mga nasa kilusan at
Kwento
Nung nasa high school ako, hangang-hanga talaga ako sa mga aktibista dahil pinapaglaban talaga nila ang mga paniniwala nila, lalo na noon dahil sumibol ang isip ko sa panahon na hindi maayos at gulo ang status quo , dahil kabila-kibalang kontrobersya ang nangyari sa mga nagdaang
mga administrasyon. Ang sabi ko sa sarili ko noon, gusto kong maging tibak. Kasi para sa akin pinapaglaban nila ang sa tingin nila ay tama, at hindi lang literal yun ah. Hangang sa isang araw dumalo kami ng kapatid sa isang pagtitipon ng mga progresibong organisasyon(eto na,sa isip-isip ko, sasali na ako!) Naging miyembro ako ng LFS yung kapatid ko hindi, dahil miyembro na sya ng isa pang grupo sa pamantasan nila na kaalyado naman ng eleps, pero hindi ako naging aktibo,(pero ang kapatid ko, aktibo pa rin,ayun at tibak ngayon sa UPLB at nung nakaraan nag bmi at ilang exposure sa kung saan na alam natin na ilang hakbang pa'y papunta na sa armadong pakikibaka, ayun lang ang kinakatakot ko, hindi naman ako tutol sa mga ganyan wag lang dadating sa ganun).Ako? dumadalo nalang ako pagkailangan nila ang voltors lalo na pageleksyon.

katungkulan at paninindigan rin naman ng mga sundalo yung nga lang sa panahon na naghahari ang kalabisan dahil sa kapangyarihan, mahirap makita ang pinaglalaban ng mga sundalo at mga tagapagtanggol bayan. Pinagtatangol ng mga sundalo na huwag mapapunta sa kamay ng komunismo ang bansa habang ang mga tibak at rebelde, gustong baguhin ang sistema at pinagtatangol kanilang paniniwala at prinsipyo. Dito makikita mo na hindi lahat ng sundalo masama, makikita mo na hindi lahat nang nakapaloob sa nabubulok na sistema masama at hindi lahat ng pinagtatanggol at ginagawa ng kilusan ay tama hindi lahat ng disisyon na ginawa ay may sapat na katwiran.

Pero gaya ng istorya sa kwento, lahat ng bagay may closure, habang tumatagal ka sa mundong ito mas lalo mong nauunawaan ang lahat. Ang pagnanahap ni Anna kay malaya ay paghahanap rin ni Anna ng katapusan sa open ended nyang katanungan, paghhanap ng kanyang kapanatagan, hindi madaling kalimutan ang nakaraan, ang sugat ay kailangan ng panahon para maghilom. Ang istorya ni Roy ay ang pagharap nya sa sarili niyang demonyo at kahinaan, mahirap harapin ang multo ng nakaraan pero minsan kailangan, hindi ka habang buhay kakakapag tago. At ang kay Lorie ang pagunawa at pagbibigay halaga nya sa mga tao sa paligid nya, hindi lahat ng bagay kailangan mong danasin para matutunan at maunawaan.

"Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan." -Roy

Mas lalo nitong pinagulo ang utak ko. hay nako.


Profile Image for Kat Elle.
375 reviews
Read
August 17, 2022
“Ang Pilipino, sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan, ay patuloy na lumilikha ng magigiting na sandali sa pagsusulong ny sariling kinabukasan.” —p. 95

Ito ang pang-apat kong libro na binasa mula sa isa sa pinakapaborito kong Pilipinong manunulat; at kung aking paghahambingin ang mga ito, hindi ko tiyak na matutukoy ano ba ang aking paboritong akda. Ngunit isa lang ang may kasiguraduhan: ang Desaparesidos ay isa sa pinakamapait, pinakamasakit at pinakatumatak na aklat sa akin.

Ang buong kwento ng aklat na ito ay hindi lang pumapaloob sa mga paghihirap ng mga miyembro ng kilusan noong panahon ng Martial Law, kundi ito ay naglalarawan din ng paghihirap ng kanilang mga pamilya kahit ilang dekada na ang lumipas. Ang “generational trauma” na naranasan ng mga tauhan sa kwento ay hindi malalayo sa karanasan ng mga biktima ng Martial Law sa tunay na buhay.

Sa kabuuan, kung nais mong maunawaan nang bahagya ang isang madilim na bahagi ng ating kasaysayan, inaaanyayahan kita na basahin ang librong ito. Maaari mo ring basahin ang ilan sa aking mga paboritong sipi mula dito.

——

Note:
Though I highly recommend this book, I truly believe that it is not for everyone. Please read it with caution.

TW: graphic depiction of murder, mutilation, rape, violence, abuse, torture
Profile Image for Monalissa.
88 reviews10 followers
February 27, 2024
Officially my favorite Lualhati Bautista of all time.

Take out the fictional characters and leave the brutal details of the events pre, during, and post-martial law, you now have an instant 200-page history book. Desaparesidos covered the barbaric leadership that resulted in 70,000 imprisonment, 35,000 documented tortures, and 3,257 known extrajudicial killings with 737 desaparecidos (disappearances) while collating its effect on two different generations. The book was written in constant flashbacks, the psychological and emotional damage still etched in the subconscious mind of the survivors 20 years later. Sobrang brutal, sobrang bigat.

Finally, what I love the most is the depressing frustration the last statements left me. What a sick reality.
Profile Image for Francie Kaye.
63 reviews7 followers
March 10, 2024
intentionally a slow read. It’s gut-wrenching; it’s everything everyone should know… at the same time, all that one should never come close to experience. i cannot imagine the vile atrocity it is for ML victims to have the marcoses back in power. it also speaks to us a lot about how movement/s look like on-ground… as lived and breathed by lives… with skin. with dreams. with loss that comes with loving, and love that comes with losing.

there must also be something to be said about the style of repetition. and with the non-linearity of the narrative, especially nearing the end of the novel. which, i also think hints at the entire process of unearthing trauma. lualhati bautista also does not shy away from the wider, more intricate webs of how marcos’s martial law affects us all in the slowest and unconscious, nonetheless most painful, ways.
Profile Image for Victoria Dino.
17 reviews
June 30, 2012
There was violence that I need parental guidance.(just kidding) But it is true.It's more violent than the Hunger Games, more disturbing than 1984,in short,it'll leave readers traumatized,that it seemed like you were one of them the rebels against the Marcos regime.

Still,it's worth reading.
Profile Image for Adie.
56 reviews
October 6, 2012
The emotions, the twist of events, the characters.. Sent me to tears..
Profile Image for andi.
109 reviews1 follower
January 4, 2025
never forget

i say, during 2025, when we have another Marcos as president
Profile Image for Led.
190 reviews90 followers
September 26, 2020
The turbid waters of Philippine politics is constantly being muddled up. And in the cycle of times when leaders sabotage their people (recently, for dumping artificial white sand in a bay that never had it among countless obtuse actions), it is important to be reminded repeatedly of the lessons of the Martial Law era. I committed to reading about it through this story in commemoration of its declaration on September 21, 1972.

The novel is written in Taglish, mixed Filipino and English. Perhaps, to adopt the typical Filipino conversational tone. But as myself I found it off at times to experience code-switching in a delicate theme as this. Readers would also notice the story to reuse the same lines or description to fit to another character's surroundings or perspective. These could be seen by the reader as either an appeal or a filler to be skipped.

The described torments of desaparecidos (Spanish for 'missing', 'unaccounted for' people) are affecting as they are. But on top of it, what made it more affecting are the gaping wounds it left their children, the youth; this opposite their guardians who decades after are still haunted, mute, and rendered helpless by their horrors.

What the readers will find of great use and learning here, particularly by those who were not alive yet during that historic period, were Bautista's rundown of factual events that encouraged and led to the dictator's rule until the millions-strong People Power Revolution.

"...[H]indi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban...kundi isang buong magiting na kasaysayan."



Rating: 3.5/5

Review updated 9/25/20
Profile Image for ArkiRexreads.
2 reviews
May 9, 2025
Experiencing the Horror of Martial Law. Marcos Diabolical Regime

Kauna-unahang librong na nabasa ko sa mga nobelang isinulat ng isang magiting na awtor L. Baustista.

Bago ko ito basahin ay napadpad muna ako sa isang television series na Pulang araw, mula sa mga napanood ko — grabi ang pasakit na dinanas ng ating bansa sa Japanese Invasion, makikita roon ang dinanas ng kababaihan sa kamay ng hapon na tinawag itong Comfort Women - nakakagimbal man isipin ngunit nang mabasa ko na ang librong Desaparesidos parang walang kaibahan sa kung papaano trinato nang mga sundalo sa panahong martial law ang; dilang kababaihan kundi lahat ng taong mahuli nila. Napagtanto ko lang na kapwa pilipino lang din ang sisira sa sarili nitong mamamayan, at kapwa pilipino lang din ang sasalba sa sarili nitong bansa.

Isang Magandang libro na dapat mabasa ng bawat pilipino — lalo na ang mga kabataan, marahil dadating din sa punto na may kakayahan na silang bumoto at may kakayahan narin silang manindigan sa ika gaganda ng ating bansa. Nasa kamay natin ang desisyon; sa Ikasisira o ikabubuti ng ating bansa — maging mulat sa reyalidad.
Profile Image for Christian.
349 reviews12 followers
September 21, 2021
Lualhati Bautista has penned a heartbreaking story of the desaparesidos, or those people who disappeared during the horrible years of Martial Law under the regime of Ferdinand Marcos. In this short novel, the term 'desaparesidos' is defined in two ways: those who literally disappeared and who may never be found, and those who did not physically disappear but whose minds are stuck in the past and could not yet commit to the present due to the suffering they have endured.

This is not a preachy novel. Bautista makes it clear that in wars, it is not easy to point fingers and assign blame when both parties pulled the trigger. It was a dark period in Philippine history and its impacts are still felt today: both in the survivors and their kin, and also to many people who are attempting to whitewash and revise history. Books like this must be made required reading because, as fiction, as this book may be, it tells a story that is relatable to the thousands, or even millions, of Martial Law victims.

No matter how idealistic it may seem, we must always strive for good governance in order to see our country prosper. We do not need leaders with authoritarian tendencies and a government of lackeys, cronies, and oligarchs.

#NeverAgain #NeverForget
Profile Image for Meeko.
108 reviews5 followers
October 4, 2020
Ito ang unang libro na nabasa ko na isinulat ni Lualhati Bautista. Pinili ko ito sapagkta ito ang una sa apat na librong binili ko ng isang set.

Hindi ako sa handa na naging epekto ng librong ito sa akin. Kahit na nabasa ko sa likuran ng libro ang synopsis, hindi ko akalain na ganito akong masasaktan at mamumulat pa pagkatapos ko itong basahin.

Alam ko ang naging estado ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos. Alam ko ang pakikipaglaban ng tao upang maibalik sa kamay nila ang kalayaan na sapilitang kinuha ng diktador. Ngunit mas namulat pa ako. Salamat sa isang kabanatang ang layon ay ilahad nang sunud-sunod ang mga pangyayari bago ideklara ang Batas Militar hanggang sa pagtatapos nito.

Maganda ang pagkakasulat ni Bautista ng kwento. Sa paggamit niya ng Tagalog-English sa mga pangungusap, tila nagkukuwento s’ya sa mga bagong mambabasa, sa mga kontemporaryong mambabasa. Na kahit sa ganitong istilo ng pagsulat, mas naipapabatid ang mensahe ng kwento sa mga nagbabasa.

Nakapangingilabot na basahin ang mga unang parte ng libro, sa kung paanong detalyadong nailarawan ni Bautista ang pagpapahirap na sinasapit ng mga taong lumalaban para sa kalayaan na hindi malayo sa katotohanan. Dumating ako sa punto na natakot akong matulog dahil baka mapanaginipan at bangungutin ako sa aking nabasa. Isang pagpapatunay lamang na sa dinami-dami ng mga pangyayaring katulad noon, hindi ko pa rin lubusang maisip kung bakit hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang panatiko ng diktador. Na para bang mabubura ng mga imprastraktura na ipinatayo niya ang bakas ng dugo ng mga taong lumaban, nawala, pinahirapan, at pinatay noong panahong iyon. Tagumpay na naisulat ang mga eksenang parang kasama tayong naroroon.

Mahusay rin ang pagkakasulat sa mga karakter ng istorya. Kung paanong ang bawat isa may kani-kaniyang paglalakbay, misyon. Hindi inalis ang puso, damdamin, at hinagpis ng bawat isa. Sadyang nakakainis lang ang karakter ni Lorie ngunit sa bandang huli, hindi naman natin siya masisisi. Mapait din ang naging karanasan niya sa sarili. Malayo man ito sa naranasan ng mga magulang niya, ngunit pareho ng bigat. Isa na yata siya sa pinakamaganda ang character development sa istorya. Hindi ko napigilan ang luha ko noong sinabi sa kanya ni Roy na:
“Pasensiya ka na kung hindi kami ganap na makauwi...kahit sa aming mga sarili!” Mga katagang tagos sa puso ng nagsasabi at tumagos din sa sinabihan. Hindi nawala ang mga twist sa istorya at iyon pa ang lalong nagpaganda rito.

Ang dami kong natutunan. At hindi na ako makapaghintay na magbasa pa ng mga akda ni Lualhati Bautista. Ang susunod ay Dekada ‘70.
Profile Image for Mac Dubista Keso The Bibliobibuli v(=∩_∩=).
546 reviews70 followers
March 4, 2021
❸.❺/❺ ✭

❝𝑴𝒊𝒏𝒔𝒂'𝒚 𝒏𝒂𝒊𝒊𝒔𝒊𝒑 𝒏'𝒚𝒂 𝒏𝒂 𝒔𝒂𝒏𝒂 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒐𝒑𝒆𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒖𝒕𝒂𝒌 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒚 𝒐𝒑𝒆𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒑𝒖𝒔𝒐 𝒔𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒐𝒑𝒆𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒅𝒊𝒏 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒖𝒃𝒖𝒓𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒏𝒂 𝒂𝒍𝒂𝒂𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒖𝒕𝒂𝒌 𝒂𝒕 𝒑𝒖𝒔𝒐 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐 𝒎𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒕𝒆 𝒏𝒈 𝒖𝒕𝒂𝒌 𝒂𝒕 𝒑𝒖𝒔𝒐 𝒏𝒂 𝒔𝒊𝒔𝒊𝒅𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒎𝒖𝒕𝒂𝒏.❞

↭ Masalimuot na istorya. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayaring naganap noong panahon ng Martial Law o panahon ni Marcos. Nakakarinig ako ng mga maiiksing istorya, ngunit hindi ang buong katotohanan.

↭ Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito ang magiging epekto saakin ng nobelang ito.

↭ Ramdam mo ang galit at nagiigting na panaghoy ng mga karakter sa kalagimlagim na sinapit ng bawat isa. Mga pinagdaanang hindi mo gugustuhing maranasan.

↭ May mga oras na napapaigtad ako sa aking kinauupuan habang binabaybay ang bawat salita na nilalaman ng librong ito. Magkakahalong pakiramdam. Dalamhati, pagkabigla, pagkasuklam at sa huli'y kasiyahan.

↭ Sobrang lalim pala ng mga pinagmulan ng sugat. Kung iisipin mong sayo mangyare ang mga karanasan noon, baka naipanalangin mo na lang na huwag nang mabuhay pa. Karumaldumal ang bawat detalyeng sinapit ng mga aktibista at kanilang pamilya noon.

↭ At para saan nga ba? Para sa bayan? May napatunayan o nakuha ba sila? May kabuluhan nga ba lahat? Mga katanungang maiisip mo pagkatapos basahin ang aklat na ito.

↭ Naiintindihan ko ang punto ni Lorie. Kung ako nasa katayuan niya'y malamang maraming katanungan din ang mamumutawi sa aking isipan. Hindi maiintindihan ng kahit sino ang mga sinapit ng isang tao, kung hindi nila ito mismo napagdaanan.

❝𝑨𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐, 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒅𝒂𝒅𝒂𝒂𝒏𝒂𝒏, 𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒏𝒂 𝒍𝒖𝒎𝒊𝒍𝒊𝒌𝒉𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒔𝒂𝒏𝒅𝒂𝒍𝒊 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒔𝒖𝒔𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏.❞

↭ Nakapagbukas ng kaalaman sa isipan ko ang librong ito. Nakakagalak na nakuha din nila Roy, Karla at Anna ang minimithi nilang kasagutan. Sa huli'y napalaya din nila ang bawat sarili sa kanilang sinapit.

↭ Para sa akin, maganda ang wakas. Mairerekomenda ko sa lahat ng mangbabasa!
Profile Image for Pia Cortez.
34 reviews8 followers
May 25, 2018
I saw a lot of the present-day atrocities in the Philippines when I read Lualhati Bautista’s book Desaparesidos, a novel about a family’s struggle during Marcos’s martial law. Anna is a mother, a widow, a survivor of torture and a former member of the New People’s Army, the armed wing of the Communist Party of the Philippines that the administration was trying to crush. The book revolves around her struggle and her story, from the time that she was part of the NPA, to her abduction where she was tortured and raped, to the time when she was imprisoned, and up until she went back to her civilian life as an NGO worker.

The story starts with a convening of NGOs, faith-based leaders, international human rights organizations, lawyers and martial law victims and survivors as a case against the Marcoses is being prepared. Anna is present, but her mind wanders back to the time when she saw the body of her lifeless husband in the town plaza, afraid to claim it for fear that their newborn child in her bosom would suffer if she did. She would be immediately identified as a rebel, her cover blown.

To read the full book review, check out my post here: https://libromance.com/2017/07/05/lov...
Profile Image for upʞ.
26 reviews3 followers
October 19, 2020
Mula sa Dekada '70, binubuklat ng Desaparesidos ang katotohanan ng panahon ng ganap na kawalang-habag ng mga nasa kapangyarihan, ang cold-blooded war ng militar, at ang post-war psychological effects ng trauma mula sa mental at physical torture ng mga sundalo. Ipinakikita rin ang aspekto ng disorganisasyon sa mga grupong aktibista. Anu't-ano pa man, "el que es causa de la causa, es causa del mal causado"/"he who is the cause of the cause, is the cause of the evil caused" -- siya kung sino ang ugat ng pinag-ugatan ay ang ugat ng kasamaang naidulot.

Kailangang maituro at maipakilala muli sa mga kabataan ngayon ang mga kaganapan noong kasagsagan ng ML at ng mga Marcos, lalo ngayong may pagtatangkang muli silang makabalik sa Malakanyang, at ang lantarang epekto ng propagandang historical revisionism. Kailangan ng mas malakas na ingay ng mga platapormang gaya ng akdang ito para maitama ang nagaganap na pambabaligtad.

Kung sa G7 at G8 ang mga akdang Balagtas at G9 at G10 ang mga nobelang Rizal, sana kahit sa G11 at G12 ay ang mga kontemporaryong akdang Filipino tulad nito ang maituro.
Profile Image for Polskie Martinez.
1 review
June 11, 2017
Dahil kasagsagan ngayon ng isyu ukol sa pagpataw ni President Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao, mainam na basahin natin muli ang isa sa mga pinakamagandang progresibong akda mula kay Lualhati Bautista. Hinding-hindi natin makakalimutan ang lahat ng karumal-dumal na krimen (ang mga panggagahasa, pagpatay, paghuli ng walang ligal na rason, at iba pa) sa atin nuong administrasyon ni Marcos. Patuloy din tayong hihingi ng hustisya para sa mga libu-libong naging biktima ng Martial Law, at sa mga biktimang hindi na muling nakita ng kanilang minamahal sa buhay. Agaran tayong tututol sa pagpataw ng Martial Law sa kahit ano mang sulok ng bansa dahil hinding-hindi ito magiging solusyon upang matapos ang terorismo. Dapat tayong maging kritikal sa ganitong klase ng panahon. Check your privilege, ika nga.
Profile Image for O.
187 reviews35 followers
January 6, 2015
To whom it may concern:

Dahil masyado atang nauuso ung mga pro-Marcos post sa fesbuk at kung saan-saan, utang na loob, basahin nyo ito. Kahit sabihin nyo pang fiction 'to, based pa rin ito sa mga karanasan ng mga tao noong panahon ni Marcos.

Please, please, please, pleeeeeaaase. Kahit ito na lang kung ayaw nyo mag-research ng facts. Wag kayo magpadala sa kakarampot na details na nililista sa mga picture na nakikita nyo sa wall nyo. -_________-

Love,
A very concerned and frustrated Pinoy
Profile Image for keiiizen.
164 reviews9 followers
June 5, 2022
Ito ang unang libro na nabasa ko mula kay Lualhati Bautista at inaamin ko na ako ay nahirapan itong basahin at intindihin kahit na ito ay nakasulat sa aking sinusong wika dahil napaka sakit at ayoko lubusang maniwala na ang mga nakasulat dito ay ilan sa mga danas ng atin mga kababayan noon.

Masasabi ko na ang Desaparesidos ay isang istorya na napaka importante na nakwento at makwento muli sa isang nasyon na hindi kailanman buong pinaniniwalaan o kinokonsidera ang kasaysayan na naransan nila hinggil sa martial law. Itong obra na ito ay sadyang napapanahon.
Profile Image for John Carlo Cabilao.
2 reviews69 followers
July 8, 2017
Simple lang. Tapat si L. Bautista sa kaniyang panahon. Dahil dito, habambuhay kong (at ng maraming iba pa) ididikit sa panahong ito ang pangalan ni Bautista. At mananatili siyang buhay, kasama ng mga pinagpupugayan niyang Desaparesidos, hanggat hindi nalilimot ng mga Filipino ang aral ng panahong ito.
Profile Image for Karlo Mikhail.
403 reviews131 followers
July 16, 2017
Cements Lualhati Bautista's place as THE martial law novelist. A must read.
Profile Image for Gena.
147 reviews9 followers
April 21, 2020
Bautista wrote a visceral tale of former freedom fighters whose principles came at the price of betrayal, torture, trauma, and loss—physically and emotionally.
Profile Image for Maecy Tiffany.
63 reviews2 followers
January 19, 2022
Saludo pa rin sa mahusay at malinaw na pagsulat ni maam Lualhati!
Displaying 1 - 30 of 125 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.