Matapos ang paulit-ulit na pakikihamok laban kay Sidha at sa Tiyanak, natagpuan na ni Janus sa wakas si Tala. O si Tala na nga ba ito?
Dinala siya ng babae sa pinakapusod ng Dalem-- ang bayan sa kailaliman ng Kalibutan na itinatag ng mga pusong na kumukupkop kay Tala sa loob ng mahabang panahon-- para ipaalam kay Janus ang papel nito bilang ikalimang sinag sa pangwakas na laban para sugpuin ang Tiyanak. Sa huling aklat na ito ng serye, nag-aabang kay Janus ang lihim na maghahatid sa mga pakikipagsapalaran at pasya na kailangan niyang gawin sa ngalan ng kaligtasan ng Santinakpan!
Edgar Calabia Samar is a multi-awarded poet and novelist from the Philippines. His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer’s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009. In 2013, he received two Philippine National Book Awards––one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 (Best Novel), and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (Best Book of Criticism). Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children’s Book Award for Best 2014-2015 Read in 2016. He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY-Salanga Writer’s Prize. His other books include Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila-gilalas na Nilalang, a children's encyclopedia of Philippine fantastic creatures. In 2010, he was invited as writer-in-residence to the International Writing Program of the University of Iowa.
"Hindi kayâ kampon na lang talaga ng Tiyanak itong presidente natin, Manong Isyo?"
Ang dami kong gustong sabihin na alam ko naman na hindi ko ma-e-express nang maayos. Hindi ko tuloy malaman kung paano ko uumpisahan ang rebyung 'to.
Pero ang ganda ng Janus Silang ha. Hindi lang dahil fan na fan ako ng series kaya nasabi kong maganda. Maganda talaga! Napaka-poetic at napaka-angas ng huling libro ng serye; ang pagtatapos na ito. Napaka-satisfying! Napakatalino! Ang kabuuan ng libro ay isang kamangha-mangha at emosyonal na paglalakbay. Maraming wow moments at yung nakalulungkot. Dun naman kasi magaling si Sir Egay charot.
Very evident pa rin ang ang paghahalo ng teknolohiya at mitolohiya. Ito rin talaga e, kaya okey na okey ang serye para sa akin. Ang galing magkatha ng mundo ni Sir Egay. Seamless. Ang bongga rin ng mga bagong pakulo at paandar. Ang ganda ng connection sa mga alam mo na sa books 1-4. (Ang hirap magbanggit ng kung ano-ano at baka ma-spoil ko kayo)
Gustong-gusto ko ang pagiging genuine at realistic ng mga tauhan lalong-lalo na si Janus. Nandon ang flaws. Nandon ang maliliit na bagay na masasabi mong bata pa rin talaga si Janus. Kaya ramdam at kita mo ang kakulangan at pagiging hindi n'ya perpekto. Ang satisfying lang magbasa ng ganoong karakter. Ang ibang tauhan naman ay hindi nakalimutan at nabigyan ng closure. Yung iba nga may major roles pa pala sa librong 'to () akala ko wala na.
Relevant din ang nangyayari sa libro sa nangyayari sa totoong buhay. Akala mo nasa libro ka rin kasi ganong-ganon ang nararamdaman at nakikita mo sa ngayon lalo na sa mga kataranduhan ng gobyerno. Ang lupet lang ng pagsasalibro at ng analogy.
Medyo nabilisan lang ako sa resolution (which is yung climax na rin, I think). May pagka-deus ex machina pero baka hindi ko lang napansin na nabanggit na nakatakda na ang mga ganitong pangyayari. Anyway, perfect pa rin sa akin ang huling librong ito. Mararamdaman mo lahat ng dapat maramdaman: saya, lungkot, galit, takot, awa, pagiging manhid, pagkamangha at katiwasayan. Para akong sasabog!
Maraming salamat sa Adarna House na nagpadala ng kopyang ito bilang giveaway prize. Salamat kay sir Egay sa napakaganda at napakabuluhang paglalakbay na ito. Salamat din kay sir Borg na gumuhit ng mga pabalat at ang nagsilbi na ring Miguel Santamaria dahil siya rin ang gumuhit ng komiks portion ng book 3.
Para safe at iwas spoilers, iiklian ko na lang ang review nitong libro (and I'll probably post a longer version of the review kapag marami nang nakabasa).
Sa ngayon, ito muna ang masasabi ko:
Astig. Astig. Astig.
-------------------
No'ng November 17, 2021 ko pa 'to natapos. Ngayon ko lang ginawan ng review na mas maayos lol.
Itong panghuling libro sa serye ang pinakamahaba sa lahat, kaya maaasahan na talagang maraming magaganap dito. Inaasahan ko na iyon, at hindi ako nabigo. Matindi ang satisfaction na binigay ng librong ito. Hindi ko masasabing bitin.
Kagaya ng mga nakaraang installment, marami itong mga pasabog. Maraming pagsagot sa mga tanong. Maraming pagkakataon na nakapagpahitit sa 'kin ng hangin. Basta ang astig ng mga nangyari. Isa sa mga gusto kong elemento ay ang mga panlilinlang. Sa mga nakabasa nito, alam nilang maraming panlilinlang na naganap sa mga karakter. Para sa 'kin, epektibo ang mga iyon. At dahil sa magandang execution ng mga 'yon, talagang nakakagulat ang mga reveal. Ito ang pinakagusto kong katangian ng buong serye; hindi nauubusan ng panggulat.
Maganda ang mga konsepto at paghihibla-hibla ng mga kaganapan. Walang sayang. Lahat ay nag-contribute sa kalidad ng kuwento. Everything makes sense.
Syempre, nando'n pa rin ang mga karakter na kapani-paniwala. Dahil panlimang libro na ito, invested na ako sa kanila. Maganda ang pagpapakita ng relasiyon nila sa isa't isa. Naipakita rin nang maayos ang kani-kanilang kalakasan at kahinaan.
Maganda rin ang pagtatapos nito. Iba ang execution sa mga naunang installments kasi meron nang visual storytelling, at ang lupit n'on. Nahulaan ko na ang pinakapagtatapos ng kuwento nang una kong makita ang mga pamagat ng mga kabanata ng libro. Astig.
Isa ito sa mga paborito kong libro na nabasa ko no'ng 2021. Sulit ang matagal na paghihintay.
Paalam at salamat, Janus Silang.
This entire review has been hidden because of spoilers.
"Parang kailangan mo lang ng matatawag na kaibigan na magsasabi sa iyo na okey lang na hindi ka pa buo, na puwedeng sama-sama kayong magsikap na maging buo bawat araw"
Ano kaya ang naging paboritong masarap na ulam ni sir Egay habang binubuo ang huling serye nito ng Janus Silang? Grabe sobrang solid! Sobrang angas! Sobrang husay! Simula book 1 hanggang sa huling libro, naroroon pa rin ang mga surpresa! Ang paglalaro sa mga damdamin natin. Tuwa, takot, kaba, kilabot, lungkot, pagdurusa, pangungulila, at siyempre, ahem, ang kilig.
Hindi ko alam ang sasabihin, basta lagi't laging ipagmamalaki ang seryeng ito at sisikaping makilala ng buong Santinakpan ang nag-iisang Janus Gregorio Silang! Kailangan lang nating bigyan ng pagkakataon ang Santinakpan na maabot ang seryeng ito dahil bakit hindi? Malinis at malinaw ang pagkakasulat, walang dahilan upang hindi ito magustuhan ng nakararami!
Hindi ba talaga puwedeng basta makompleto lang at maging masaya lang ang lahat ng nilalang?
Grabe ka na, sir Egay. Nadurog ang puso, napakaba, napangiti. Iba't-ibang emosyon ang hatid nitong pangwakas sa serye. Ganoon pa rin gaya ng sabi ko sa reviews ko sa naunang nga libro: paganda-ng-paganda ang serye sa bawat librong nadadagdag. This is to say, ito na ang paborito ko sa serye ng Janus Silang.
Hindi ko naramdaman na makapal ang libro dahil sobra itong nakahuhumaling, ni hindi ko na mamalayan ang oras habang nagbabasa. Inabot ako ng lagpas ala una nang madaling araw nung tinapos ko ito. Nakakaiyak, siyempre. Pero nakaka-proud din. Ang saya na may ganitong klase ng libro para sa mga Filipino, at mas lalong masaya dahil nabigyan ako ng chance na mabasa ito agad sa tulong ng mga kaibigan ko.
Kung iyong mga nangyari sa libro naman ang pag-uusapan, tangna talaga. Nagluluksa pa rin ako sa mga dapat pagluksaan, kasabay ang pagsasaya dahil mapait man ang pinagdaanan ni Janus sa serye, alam kong nakangiti siya ngayon kung nasaan man siya.
Mas angkop na sabihing #SalamatJanusSilang kaysa #PaalamJanusSilang. Kung totooong tao si Janus, baka mayakap ko siya para pasalamatan. Maiintindihan mo ito matapos mong basahin ang buong serye. Nawa ay pahintulutan ng Siyam na Bathala na makita natin ang akdang ito sa ibang platform.
”Salamat, pampitumpu’t pitong púsong, ikalimang sinag, ang bunga ng hinaharap, ang nag-iisang Janus Gregorio Silang. May paraan ang Siyam na Bathala para hindi ka kalimutan ng Santinakpan na magpapatuloy nang dahil sa iyo.”
Kasasara ko lang sa huling pahina ng librong ito ngunit hindi na mapigil ang pagdaloy ng luha ko kasabay ng halo halong mga damdamin. Masaya. Malungkot. Suryal.
Sa pagbabasa ko ng huling libro, tinanggap ko noong una pa lang na hindi ko kakayaning isipin kung paano magwawakas ang istorya ni Janus Silang at hindi ako nagkamali. Napakahusay ni Sir Edgar sa pagsasalaysay ng kwentong ito kahit pa paputol putol ang pagbibitaw nito ng mga rebelasyon. Madalas pa nga’y ang mga rebelasyon ay hindi pa pala ang pinaka-rebelasyong pinakahihintay ng mga mambabasa. Napakaraming nagkalat na detalye at pangyayari na halos ay ikalito ko na rin katulad nag pagkalito ng mga tauhan sa nobela. Ngunit sa huli, nagawang bigyan linaw ito at bigyan ng satisying na ending na bagama’t ay masakit ay nakakapagdulot din ng kasiyahan. Walang detalye ang hindi mahalaga. Animo’y ang kaunting kilos ay clue sa kung ano or sino ang tinutukoy. Patunay ito sa kung gaano kalawak at kataas ang imahinasyon ni Sir Edgar.
Maraming libro at istorya ang nalilimbag kada taon ngunit kakaunti lamang ang kayang mag- iwan ng tatak sa puso’t isipan ng mga mambabasa. Isa ang Janus Silang series sa mga ito. Marahil ito ay dahil sa 2 bagay: ang mga karakter at ang mga hamon/mensahe na nakapaloob sa mga pahina’t dayalogo.
Una ay ang mga karakter. Kasabay ng nakakahumaling na kwento ay ang mahusay na pagbibigay buhay sa mga tauhan. Sa ilang taon kong pagsubaybay sa series na ito, parang halos kaibigan ko’t tunay na kakilala si Janus maging sina Manong Joey at ang iba pang mga tauhan dito. Ramdam ko sa bawat salita nila ang kagalakan, kalungkutan, pagkalito, pagkapit sa pag - asa, maging ang kanilang determinasyon na gampanan ang mga dapat nilang tupdin. Nakakatuwa na hindi lamang si Janus ang may personalidad sa series na ito ngunit maging ang mga ibang tauhan kahit ang mga side characters lang. Bawat isa sa kanila ay may distinct na personalidad na siyang dahilan kung bakit madaling malaman kung sino ang nagsasalaysay sa nobela. Kaya naman halos parang tunay na kakilala ko ang mga tauhan ng nobelang ito sapagkat sa pagbabasa ko ng mga saloobin nila, kapara ko na silang nakasama’t nakilala na siya ring dahilan kung bakit mas madaling makidalamhati sa bawat kalungkutan at makisaya sa bawat kagalakan.
Pangalawa ay ang mga samut - saring mga hamon ng nobela. Sa loob ng kwento ng paglilitas sa Santinakpan ay ang kwento ng kahalagahn ng pagpili. Pagpili sa landas na hindi madali. Pagpili sa landas na masakit. Ika nga sa isa sa mga kabanata:
”Ang tadhana ay hindi tadhana ng kawalang - magagawa. Ang tadhana ay tadhana ng pagpapasya. Ang tadhana at tadhana ng mga paninindigan.”
Ang lahat ng mga nangyari, kalungkutan man o tagumpay, ay dulot ng paulit - ulit na pagpili ng mga manananggal, mambabarang, bagani, tao’t pusong ng landas na masakit at mahirap. Pinili ni Malakas at Maganda na magmahal at ang desisyong iyon ang nagbigay daan kay Linga at sa pagkakatatag ng Taway. Pinili ni Sidha na talikuran ang kanyang manlilikha upang maprotektahan ang Digal at Dalem. Pinili ni Bantong at ni Pasigumayon na magpaiwan sa Kalibutan at Daigdig upang maisakatuparan ang pagsilang sa ika - 77 pusong. Pinili ni Linga na iwanan ang una niyang mag - anak upang maisilang si Janus sa Daigdig. Pinili ni Mang Juan na magbalik sa nagdaan upang iligtas si Boss Serj. Pinili nina Manong Joey at ng iba pang mga bagani na manatiling totoo sa kanilang tungkulin bilang bagani bagama’t marami na ang hindi naniniwala sa turo ng Matatanda. Pinili ni Janus ang kaligtasan ng Santinakpan upang maging mas maayos ito.
Ang kahalagahan ng pagpili’t pagtanggap ang isa sa mga pinakamalakas na mensahe ng nobelang ito. Sapagkat nagawa ng mga mambabarang at manananggal na piliing magpakabuti, hinahamon tayo na piliin din ito araw - araw bagama’t likas daw sa atin ang maging sakim at masama. Kung kinaya ng mga kampon ng Tiyanak na walang kaluluwa’t puso, hindi ba’t mas kaya ng tao na mayroon ng mga ito?
Hinahamon din tayo ng nobela na maging mas kritikal sa mga bagay - bagay lalo pa’t sa mga nakikita at naririnig sapagkat maraming kasinungalingan at kabuktutan na nakakubli sa kaayusan at kapayapaan. Hinahamon din tayo nito na pahalagahan ang mga mumunting sandali ng kaligayahan sa kabila ng katakot - takot na kasawiaan at kahirapan tulad ng walang sawang pagtayo nina Janus sa tuwing madadapa sila sa mga problema.
Higit sa lahat, hinahamon tayo ng nobela na piliing magpakabuti kahit hindi ito ang pinakamadali. Ika nga ni Aling Ester:
”Kung hindi tayong hinahamon na magpakabuti araw - araw, baka hindi natin maramdaman kung bakit natin kailangang magpakabuti nga”
Kapara ng sinabi ko sa book 4, namumukod tangi ang series na ito sapagkat nagawa nitong bigyan ng bagong buhay ang Mitolohiyang Pilipino na sa panlasa ng karamihan ay “corny” or gasgas na dahil sa paulit - ulit na paggamit nito sa mga teleserye’t pelikula. Nagawan nitong mag - iwan ng alaala sa mga tagpuan na ginamit sa nobela na kapag nakita ng mga mambabasa ay siguradong maalala si Janus. Baka nga iyon ang paraan ng Siyam na Bathala upang maging imortal ang buhay at alaala ni Janus.
Sa dami nang salitang maari kong sabihin, iisa lang ang sa palagay ko ay makakapagsabi ng aking reaksyon tungkol sa book 5 at sa kabuuang series na ito: Kagila-gilalas.
Wala itong katulad para sa akin sapagkat sa dami nang mga pantasiyang likha na binabasa ko, ito ang isa sa mga nakapag - iwan ng matinding marka sa akin hindi lamang sa isip kung hindi sa pagkatao. Walang araw na hindi ko magugunita kung totoo nga ba talagang may Janus Silang na isinilang sa daigdig na ito. Kung ano kayang naiisip ni Janus sa huling sandali bago niya tupdin ang kaniyang papel. Kung nararamdaman ba nina Manong Joey, Isyo, Mira at Miro lalo na ni Mica kahit sa kasulok- sulukan ng isip nila na mayroong kulang. Bukod pa rito, napaka - witty ng parallels sa 2021 events mula sa politikal na kaganapan hanggang maging sa covid - 19 sa paraan na hindi maiisip ng karaniwang nilalang. Masaya ring basahin ang kulitan moments maging ang pasingit - singit na kilig moments ni Janus at ni Mica.
Napaka - astig at walang katulad ang likhang ito. At bilang kaisa sa mga magpapatuloy sa layunin ni Lasag, hindi ako magaatubiling irekomenda ang series na ito sa kung sinomang Pilipino na naghahanap ng isang epic adventure read at handang makatuwang ni Janus Silang sa pagpapabuti ng Santinakpan.
Kaya naman ang pagkakakilala ko sa series na ito sa buhay kong ito ay isa sa mga bagay na pinagpapasalamat ko lalo na sa aking guro sa Filipino na si Mrs. Rola Urmaza.
Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Adarna House dahil sa napanalunan kong Janus Silang set! Salamat din kay Sir Egay at Sir Borg sa paggawa ng seryeng ito. Hindi ko masabi ang mga nais kong sabihin nang matiwasay pero ISANG MALAKING SALAMAT PO SA INYO!
Grabe talaga nakakabaliw ang mga pangyayari sa huling yugtong ito. Walang katulad, Katangi-tangi. Sunod-sunod ang mga kahindik-hindik na rebelasyon. Para naman sa wakas ng libro, masyadong masakit. Halos mangiyak-ngiyak ako noong binabasa ko ito. Halos tama yung theory ko na mawawala nga si Janus. Minsan sa sobrang sakit ng mga pangyayari mapapatigil ka na lang sa pagbabasa dahil mahirap i-absorb lahat.
Muli, salamat at paalam Janus!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Ang solid nitong panghuling libro ng Janus Silang. Unang kabanata palang grabehan agad ang mga katanungan.
Medyo nahirapan lang ako sa pag-usad dahil sa kapal at sa dami ng detalye. Bumawi rin naman nang magsimula na ang exciting parts. Una pa lang ang dami ng detalye ibibigay sayo pero unti-unti at matalino iyon napagdugtong-dugtong ni Sir Edgar. Sa dami nga ng hula ko kung anong mangyayari, puro daplis lang lahat. Mas nanggugulat kasi ang mga plottwists sa libro na 'to ng series.
Mas matindi ang kilabot na binigay sa akin ng tiyanak dito kumpara sa naunang mga libro. Iba yung kilabot sa pagkakadescribe na kung gaano kaamo ang mukha ng tiyanak-- na parang Santo Niño. Dios mio!
Ilang beses din akong sinaktan ng ilan sa mga karakter. Espcially kay Renzo. Una pa lang, yung biglaang pagbalik niya sa mansyon, ramdam ko nang may mali-- na may hindi magandang ginagawa ang tiyanak(kailan ba may magandang nagawa ang tiyanak?). Yung pakiramdam na ang lapit sa akin ni Janus at Manong Isyo(kahit fictional lang sila) para hindi pagkatiwalaan si Renzo.
Oo! Tangina lang talaga, e. Hindi deserve ni Renzo na magamit nang gano'n.
Solid ang pagtatapos ng libro. Masakit.
Siguro nga'y happy ending 'yon para sa Santinakpan, na 'yon ang nararapat mangyari. Masakit lang talaga kahit masaya na ang ibang karakter. Ang hirap lang kasing isipin na walang Janus at Serihiyo sa kasalukuyan, tila para bang kathang-isip lang sila ni Lasag.
SALAMAT SA LAHAT, DAYANOS AT SERIHIYO SILANG.
Salamat din Sir Edgar sa napakagandang series n ito. Ang husay! Expect po na bibilin ko ang series na kasalukuyang sinulat niyo once na mapublish na.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Katatapos ko lang itong basahin, at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman ang wakas, pero ayokong matapos pa ang kwento't mga paglalakbay.
~
Gaya ng mga naunang libro, punong-puno pa rin ang panghuling serye nito ng mga twist at hindi inaasahang mga panlilinlang.
Napakautak at astig ng pagkakakatha ni Sir Egay sa fictional na Santinakpan at mga karakter nito. Hindi siya nagkulang at paminsan-minsa'y ako pa ang naliligaw sa lawak nito (kaya mas mainam talagang tuloy-tuloy basahin ang bawat libro upang hindi malito sa ibang mga detalye). Kumbinasyon ito ng teknolohiya at mitolohiyang Pilipino, na kung tutuusin ay malayo sa katotohanan dahil sa mga advancements doon. Pero hindi malayo ang kwento sa reyalidad ng kasalukuyan, at ito ang isa sa mga kahanga-hanga sa aspeto ng seryeng ito. Hindi nilayo ni Sir Egay ang Daigdig sa kwento niya sa Daigdig na ating ginagalawan sa kasalukuyan. Kaya siksik ang kwento sa mga sosyo-pulitikal na komentaryo, na kahit hindi direktang sabihin, mararamdaman mo ang galit at diwang aktibismo ni Sir Egay sa kasalukuyang administrasyon ni Duterte. Kaya nga hindi rin talaga mahirap ihambing na ang mga Tiyanak at Aswang na nagdudulot ng kasamaan sa kwento ay ang kasalukuyang mga trapo't magnanakaw (ng kaban ng bayan, ng buhay, ng mga lupain, atbp.).
Napakarami ko pang gustong sabihin, pero kailangang pigilan ang sarili dahil bawal ang spoilers. Haha! Tiyak na ipapabasa ko ito sa mga kaibigan ko, mahirap magtiis ng walang kakwentuhan ukol sa mga nangyari sa kabuuan ng serye. At ikaw, basahin mo na rin ito. Tiyak na hindi ka magsisisi.
~
Medyo nabitin lang ako sa climax nitong panghuling serye, pero hindi ko naman naramdaman na may kulang. Sadyang naging mabilis lang para sa akin ang pinakasukdulan. O naging mabilis lang dahil ayoko pa itong matapos? Hindi ko alam.
Ito rin ang libro sa ngayon kung saan pinaka-emotionally invested ako. Kaya panigurado babasahin ko itong muli, at ipapabasa sa ibang mga minamahal. Hawig sa gustong gawin ni (ano) sa wakas, hindi pwedeng hindi ko maipakilala si Janus Gregorio Silang at ang mundong kinatha ni Sir Egay.
P.S.
Mula umpisa hanggang dulo, paboritong karakter ko pa rin si Kuya Renzo.
Mahirap magsulat ng rebyu pagkatapos na pagkatapos mo pa lang magbasa ng libro. Ang dami kong gustong sabihin, ‘sindami ng nilalang na nilikha ni Sir EC Samar sa serye ng mga librong ito. Halo-halo. Lungkot, saya, pagkakuntento, pag-iisip, takot, pag-aalinlangan. Lahat naramdaman ko, at lahat ng naririto minahal at mamahalin ko pa. Napakalawak ng naging saklaw ng mundo o santinakpan (pun intended) na binuo ni Sir. Grabe, gusto ko pa magbasa, gusto ko pa makita ang mundo nito — pero, lahat nga ng bagay ay may katapusan. Ito ay isang librong gugustuhin kong umiral pa hanggang bukas, sa susunod pang araw, at sa lilipas pang taon. Maaring may maidagdag pa ako rito, pero sa kasalukuyan, lihim ko na muna siguro iyon sa aking sarili 😉 Maraming salamat, Janus!
Binasa ko ang huling libro ng serye ng walang expectations. At hanggang ngayon, walang mapaglagyan ng pagkamangha sa lahat ng nangyari, sa lahat nang naitala tungkol sa lihim ng Santinakpan. Saludo sa'yo Sir Egay! Sapat, maganda, at matagumpay na katapusan para sa seryeng minahal ko'ng lubusan! Salamat at paalam Janus Silang. 🥺♥️✨
Salamat sa mga librong ito. Mamimiss ko lahat, mga character, mga lugar, napamahal na sila lahat sakin. Ang dami kong inayakan sa kanila ha. Bitin pa ako, gusto ko pa ng mga kwento, ni Miguel Santamaria, ni Serj at ni Lasag, ang Dalem, gusto ko pang bumalik sa Dalem! Parang napakaganda.
Hanggang sa huli, hanggang sa muli, sa dito't doon. Paalam!
napakamapanakit naman nito. hindi ko maintindihan at hindi ko matanggap ang ending. information overload ang librong to at sa tingin ko lang yung ibang social commentary medyo out of place. grabe ang plot twists pero may plot holes din na dapat na lang tanggapin na parang magic (well, fantasy series naman ito). mukhang kailangan kong basahin ulit ang buong serye.
Matagal kong inabangan ang huling aklat na ito, at masasabi kong sulit na sulit ang aking paghihintay. Maraming salamat kay Sir Egay Samar sa paghabi ng kuwentong ito, at bagamat hindi ko inasahan ang katapusan nito, nasiyahan naman ako sa kinahinatnan ng lahat. Maraming salamat, Janus, sa pagtuturo sa amin ng mga mahalagang bagay mula sa pananaw ng isang nagbibinata.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa librong 'to. Nasabik ako sa bagong mundo nang ipakilala ang Dalem at ang mga pusong na nanirahan dito. Marami ring paglalarawan na hindi nalalayo sa katotohanan—sitwasyon ng mga pulitiko sa Pilipinas. Pero aaminin ko na nabato ko yung libro dahil sa pagtatapos ng kwento. Parang malaking ilusyon lang ang lahat. Isang alaala lamang sina Janus, mga pusong, manananggal, at iba pa kay Lasag. Sa aming mambabasa. Na lahat ng pinagdaanan namin kasama si Janus ay nabura. Isang alaala.
"May mga nilalang po na hindi kailangang mamatay, at may mga nilalang na hindi kailangang mabuhay."
Ito ang kinakatakot ko sa mga kwentong may kakayahang paglaruan ang oras. Gaya ng nangyari dito. Madaling nabago ang hinaharap. Madaling nawasak ang puso ng mambabasa. Mahirap man tanggapin pero ito ang lagi kong baon: si Janus at ang lahat ng hindi nabuhay ay buháy sa aking puso.
This entire review has been hidden because of spoilers.
"Natakot ako na mali ako pero kakabit nga siguro lagi ng pananalig ang takot."
-Miguel Santamaria
Malupet. Astig. Masalimuot. Masaya.
☙ Ang dami kong gustong sabihin. May nauna na akong rebyu bago ito. Hindi talaga ako maka move on agad. Iniisip ko pa rin yung ending e. Ang hirap at ang sakit isipin. Pero tanggap ko na.
☙ Marami akong natutunan sa seryeng ito. Minsan pa nga napapatigil ako para pag nilay nilayan ang mga katagang nabasa ko. Ang haba ng paglalakbay, ngunit lahat ng istorya ay kailangang matapos. Sinimulan kong basahin yung book 5 nung May 2022. At anong buwan na ngayon? Haha
☙ Sa twing bubuklatin ko ang libro, hindi ko maituloy tuloy. Natatakot akong iwanan ang mga karakter na napamahal na sa akin. Kasabay nila akong lumuha at tumawa. Sulit ang oras na binigay ko sa pagbabasa sa buong seryeng ito. Masasabi kong isa sa mga paborito ko. At siguradong babalik balikan.
☙ Hindi porket mabait at approachable si Sir Egay kaya sinasabi kong napakaganda ng nilikha niya. KUDOS, SIR EGAY! MARAMING SALAMAT ulit. SOBRANG GANDA TALAGA. At kung hindi ka pa nakakabili ng sariling kopya, ano pa inaantay mo? ♥
"Oo. Okey lang matakot basta hindi tayo susuko."
-Janus Silang
☙ Hanggang sa muli, Janus. Salamat. Hindi kita makakalimutan. Hindi ko kayo makakalimutan. Imposible. ☺
First review: 12/10/2022
Deserve ng seryeng ito yung 5/5 stars. Ang tagal kong inihinto ang pagbabasa sa ikalimang libro ng seryeng Janus Silang.
Bakit? Nakaramdam na ba kayo ng takot? Yung takot na matapos yung storya sa isang paborito mong series? Ganon yung naramdaman ko e. Kaya ang tagal kong hindi tinapos. Pero tulad ng ibang storya, lahat ay may pagtatapos. Lahat ay kailangang matapos.
Inaasahan ko naman talagang may pasabog sa huli e. Haha Hanggang ngayong oras na ito parang lumilipad pa yung utak ko. Na kailangan kong huminto at isipin mabuti kung anong nangyari? Naiintindihan ko naman. Pero sa ngayon masakit pa.
Hindi ko napigilang i-DM si Sir Egay. lol Tinanong ko siya ng bakit? Ngunit sinabi ko ring maraming salamat.
Sa bandang huli naman talaga pipiliin nating magsakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay. 🤧😭🥺
Hindi formal ang review na ito. More on rambling lang. Mailabas ko lang yung nararamdaman ko. Hahahaha Maaring mabago pa sa mga susunod na panahon. Kailangan ko ulit basahin ang buong serye.
Napakaganda. Masayang experience talaga yung pinagdaanan ko kasama ang mga karakter sa seryeng ito. Halo halong emosyon. Mas lamang ang pagkamangha. Hindi nasayang ang oras ko.
Hanggang sa muli, Janus. Hindi kita makakalimutan. Imposible. ♡
Aaminin ko na agad: kulang ang 496 na pahina dahil ayaw ko pa sana ito matapos. Sobrang invested ko lang emotionally sa Janus Silang series ni Sir Egay simula noong 2014 at in denial akong tapos na siya. 🥺
‼️ Babala (asawa ni babalu): semi-spoilers ahead 😄 ‼️
Sobrang husay at talino nitong huling libro. Maraming tanong ng mga mambabasa ang natugunan ng Lihim ng Santinakpan. Si Tala. Sa wakas. Tila bang matagal mo nang kilala sina Janus at gusto mo lang talagang mapagtagumpayan nila ang kanilang misyong talunin si Tiyanak. Sa loob lamang ng 496 na pahina??? Willing akong basahin kahit lumampas pa ito ng 800 pahina hahahuhuhu bakit tapos na? Wala na ba talagang book 6? Prequel? Panibagong libro ngunit sa pov naman ng ibang tauhan? In denial lang akong tapos na siya. 😢
Napakahusay ng pagkakatatagni-tagni ng mga pangyayari. Mula Daigdig papuntang Kalibutan papuntang Dalem papuntang Taway sa Kalibutan pabalik sa Daigdig. Tapos yung huling galamay ng Tiyanak na mga dukawan na may dalang virus? Genius. Yung pangulo sa nobela? Hindi ko alam kung fiction o non-fiction itong binabasa ko. 🤣 Hindi ko alam kung paano ko maisusulat lahat ng nararamdaman ko matapos ang huling (???) libro. (Haha in denial pa rin talaga kasi)
Yung mga tauhan? Tila bang totoong tao talaga sila. Yung sa dulo ng Kabanatang Matandang Hinagap na nalaman nating matagal nang pinaslang si Renzo sa yungib e binitiwan ko muna ang libro at nakatulala lamang sa dingding dala ng sobrang bigat sa pakiramdam. Para na rin sa mga tauhang namatay at damang-dama ko ang lungkot at sakit. Alam kong masaya si Janus sa naging pasya niya. Tinanggap na niya ang kanyang tadhanang ialay ang kanyang buhay para sa santinakpan.
EK. 2021. Foreshadowing na pala yung panaginip ni Lasag sa dulo ng book 4. Na nangyari muli sa dulo ng book 5. Iba na ang tingin ko sa EK simula ngayon. 😢 Alam mong masaya ka dapat kasi happy naman ang ending pero happy ka nga ba talaga? Yung totoo? 😭 Naririnig ko si Chinggoy na sinasabihan akong, “emote emote.” 😢
Inhale. Exhale. Maraming salamat, Janus Gregorio Silang. 😭 #PaalamJanusSilang #SaveSantinakpan
PS, ang lakas maka-Natalie Prior ng Divergent series ni Linga/Aling Josie haha 😅
Pitong taon ko ring sinubaybayan ang seryeng ito, mula nang ilabas noong 2014 ang unang aklat ("Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon") hanggang sa ilabas ngayong 2021 ang panglima at huling aklat ("Si Janus Silang at ang Lihim ng Santinakpan"). Kaya mas dama ko ang bigat.
Bago lumabas ang huling aklat, palaisipan sa akin kung papaano tatapusin si Edgar Calabia Samar ang serye. Habang binabasa ko ang huling aklat, nagkaideya na ako--batay sa wakas ng isa sa naunang mga aklat--sa magiging wakas ng serye. At tama ang hinuha ko.
Ramdam ko sa buong serye, lalo sa huling tatlong libro, ang hirap ni Samar na maitawid ang buong serye. Humuhulagpos sa sisidlan ang kuwento at mga konsepto--parang anino ng tiyanak na di maikulung-kulong---pero tagumpay niyang naisilid ang mga ito sa isang sisidlan.
Ang dalawa sa mga hinahangaan ko sa kuwentong ito ay 1) ang paglikha ng piksiyunal na mundo, 2) at ang panlipunang komentaryo. Hinggil sa una, ang linaw ng pagkapaliwanag sa ugnayan ng Daigdig at Kalibutan. (Kaya gusto kong mabasa ang panibago niyang nobela na "Kasaysayan ng Kalibutan.") Naghahalo ang science fiction at fantasy fiction sa akda: sa Daigdig, sa Kalibutan, sa Dalem. Hinggil sa ikalawa, laganap sa huling aklat ang pagpuna sa rehimeng Duterte nang hindi tahasang binabanggit ang pangalan ni Duterte. Kitang-kita ang panahong nagluwal sa akda, at ang galit ng nobelista sa mamamatay-taong rehimen.
Saludo, at pagbati kay Sir Egay. Na-inspire ako lalong sumulat ng fantasy fiction at science fiction.
Ang tadhana ay hindi tadhana ng kawalang magagawa. Ang tadhana ay tadhana ng mga pagpapasya. Ang tadhana ay tadhana ng mga paninindigan. Magpapasya ako at maninindigan.
Well, that's a wrap.
Ito yung first Tagalog young adult (or middle school ata to?) adventure series na binili ko. I heard good reviews about it and syempre, support local kaya add to cart agad yung 5 books (impulse buy yan? haha).
Kudos kay Sir Edgar for creating this Janus Silang universe. Di ko sure if kulang lang talaga ako sa awareness pagdating sa Filipino authors and books pero I think siya pa lang ang nakakagawa ng ganitong klaseng world building - pinagsamasamang fantasy, sci-fi, folklore, adventure, drama, politics, at romance. It's obvious how well researched and well thought out this series is. There's a variety of old words and odd names and local mythical creatures which you might think are using traditional means of living but are actually more advanced than the human world. Pagdating sa world building, 5 stars talaga.
Ngayon, yung general feelings ko naman sa pagbasa ng series na 'to. I'm going to be honest. I might move away from middle school or young adult books for a while so that I can really enjoy them once I feel like reading them again. I feel like whenever I try to read (or watch even) about younger people's worldview or general outlook in life, parang cringe agad or embarrassment yung immediate reaction ko. Then, I would keep reminding myself that the characters are literally just 13/14 year olds. So, that's actually expected. Pero ewan ko ba, as a 24 year old still navigating life and anxious about the future, reading about these teenagers being selfless superheroes, knowing what to do and saving the world did not make me feel hopeful but just disappointed with myself.
(Also, ang petty nito and I'm not sure if there's an age restriction or something kaya ganun ginawa ni author but the curse words not being spelled completely lots of times ticked me off hahaha just say it, it's understandable saka para mas feel.)
But setting all that aside, this last book was good and considering it was published at the time of pandemic, there were a lot of parallels when it comes to the government's poor response when it comes to critical situations, how protesters call out this incompetence, how loyal supporters tag these protesters as allies of the enemy, and how online trolls target the poor citizens with fake news to divert their attention from the actual issues. This book is very political. (Not surprised when I found out that the author is a kakampink.)
That conclusion was kind of sad but necessary. It might have taken me a while to finish this series but I'm still glad I was able to read and experience this world. Definitely recommend if you like adventure and want to support Filipino authors!
Baka pag mapagtripan ko itong basahin ulit in the future, perfect 5 stars na. When I read it again at the right time and right headspace.
Hindi ko alam kung saan magsisimula dahil ang dami-daming maaaring masabi sa huling librong ito ng Janus Silang series.
Sisimulan ko siguro sa pagbati kay Sir Edgar Calabia Samar dahil sa pagbuo niya ng mundong ito na hitik sa paglalakbay at pangitain na talagang mabubusog ang imahinasyon mo sa bawat lugar at pangyayari, maging sa mga tauhang nilikha niya na bawat isa ay talagang mapapalapit sa mambabasa. Napakahusay ng pagkakasulat ng kabuuan ng kwento at mababakas iyon sa bawat indibidwal na libro sa kabuuan ng series na ito. Isang mataas na pagpupugay sa’yo, Sir Egay! Salamat sa pagpapalapit ng mitolohiya ng Pilipinas sa mga mambabasa at sa pagpapalawak ng kaalaman namin tungkol sa mga bagay na hindi na gaanong nababasa ngayon sa mga libro.
Sunod, ang pangwakas na librong ito, bagama’t pinakamahaba sa lahat, ang pinaka-may laman dahil sa resolusyon ng buong kwento. Kung sa sinundang libro ay napakabigat ng pagtatapos, dito, may kabuuan at sagot ang lahat. Sa pag-unti ng mga tauhan, ay paglawak ng saklaw ng mga pangyayari. Ang pagwawakas na magbabalik sa umpisa.
Ang ganda ng takbo ng kwento. Mula sa mga tanong sa mga nagdaang libro, nagkaroon ng malinaw na kasagutan dito. Hindi man ganoong naging mas humihilig sa pantasya, mas sinalamin ng librong ito ang pagiging tao ng marami sa mga tauhan. Ang kahulugan ng pagiging tao sa Santinakpan. Kaya nga siguro mas makakarelate ang mga mambabasa sa dinaramdam ng lahat. Sa kasiyahan, pighati, at pagtanggap. Ibang klase ang tama nitong huling libro hindi lang dahil sa ito na ang wakas kundi pati na rin sa mismong pagkakasulat na tila mababanaag ng mga mambabasa maging kung anong nangyayari sa kasalukuyan. Nagsimula ring maging mas politikal ang tono ng libro na hindi nagiging malayo sa estado ng Pilipinas sa tunay na buhay.
Nagustuhan ko rin ang isa-isang paglapat ng rebelasyon na tila hindi aasahan ninuman. May mga pagkakataong mapapaisip ka na, shet, bakit hindi ko nakita at naisip iyon noong una. Magaling. Mahusay. May kabuuan sa akala mong buo nang istorya sa umpisa. Pero hindi, may mga lihim pa ring nailapag si Sir Egay rito. Ang galing.
Hindi man madali ang pagtanggap sa pagtatapos ng mga tagpo sa libro, hindi naman masisisi ang may-akda na hindi tayo inihanda sa kung anong talagang mangyayari. Oo, masakit, mahirap tanggapin; na maging sa pinakahuling tagpo, umaasa akong hindi nangyari ang mga nangyari pero hindi. Ganap ang katapusan ng libro, at tulad ni Janus Silang sa isa sa mga tagpo niya sa libro, kailangang tanggapin iyon.
Paalam at maraming salamat sa pagligtas sa buong Santinakpan, Janus Gregorio Sílang. Nag-iisa ka.
Eto na nga. Ang pagtatapos ng kuwento ni Janus Silang at ang tadhana ng Santinakpan.
Grabe. Grabe ang librong ito. Ibang-iba talaga.
Mayroon talagang mahika sa pagsulat si Sir Ed. Me mga gayuma ang bawat salitang nailamabag sa aklat na ito na patuloy kang mahahalina. Napukaw ng kuwentong ito ang atensyon ko mula umpisa hanggang dulo at napanitili nito ang excitement. Consistent.
Grabe kung paano paglaruan nito ang iyong isip at damdamin. Pinipiga at pinapaikot nang paulit-ulit ang aking utak dahil bawat kabanata ay may twist - mapapaisip ka talaga at magbubuo ng teorya kung ano ang kahihitnan ng kuwento hababng papalapit ka sa dulo. Ganun din ang ginagawa sa iyong damdamin - kinukurot, nilalagyan ng dilang karayom ng Manananggal, kinakalmot ng walong aswang, pero malamyos din na hinahaplos o kung minsan nga ay kinikiliti pa.
At tulad ng bawat ending sa series na ito, it's peak. It always put you at the height of everything. Ang pinagkaiba lang nito sa mga naunang series, ay kung ang unang apat ay nagiiwan ng katanungan sa bawat pagtatapos, ito naman ay nagbigay ng kasagutan. Napagtagni-tagni nito ang lahat-lahat. Nabuo ang mga missing pieces of the puzzle. Naging buong-buo na ang series. Pero bittersweet ang ending, hindi ako makapaniwala. Nakakalungkot na masaya at tila me lambong sa mga bagay na kailangang mangyari upang makamit ang kapayapaan at kaligtasan na inaasam nila. Pagkatapos kong mabasa ang mga huling kabanata, napatitig ako sa kawalan nang matagal at napaisisp. Eto na ba talaga? Bakit kailangan ganun? Pero ilang sandali lang, binasa ko ulit ang mga pahina ng huling kabanata para muling maramdaman ang mga naramdaman ko. Kahit ngayon na sinusulat ko ito, binasa ko ulit muna ang mga huling kabanata.
Mabuti rin pala na binasa ko ulit ang unang apat na libro sa series na ito dahil mas na set-up nito angmood ko sa pagbabasa.
Ayun, andami kong nasabi pero iisa lang ang tinutumbok ng mga ito - MAGANDA ang series na ito. Worth it basahin.
📚26/25: Si Janus Silang at Lihim ng Santinakpan by Edgar Calabia Samar (@ecsamar)
Ito na ang huli.
Hindi ko alam paano sisimulan ang review na ito. O kaya ko ba talaga i-review ang librong ito.
Ang Janus Silang series ang nagbigay sa akin ng bagong saya sa pagbabasa, lalo na sa panitikang Pilipino. Sinimulan ko ‘tong basahin last year, noong balot ng takot ang lahat dahil sa pandemya. Hindi ko alam ang aasahan, pero para bang sa bawat pagtatapos ng isang libro ng Janus Silang, gusto ko pa uli basahin ang kasunod, agad-agad. Katulad ng pagkatakot ng lahat sa covid, eto namang pagkatakot ko sa tyanak sa unang libro. Naglalock pa ako ng pinto baka kasi makapasok sya. Hahahaha. Hanggang sa naririto na nga tayo sa wakas.
Mahaba ang ika-limang libro na ito. Minsan nga, utak ko na ang sumusukong magbasa. Sa dami ng mga nangyayari, minsan naisip ko na ipagpaliban ang pagbabasa. Dahil din ayaw ko pang matapos ito. Kada chapter, may mga bagong rebelasyon, punung-puno rin ng emosyon ang bawat tagpo. Unang chapter pa lang, para na akong maiiyak sa lungkot ng nangyari sa Book 4. Ang nasa isip ko lang habang binabasa ang bawat pahina, gusto kong maging masaya si Janus sa huli. PEROOOOO… ang katapusan, hindi ko inakala.
Di ako na-disappoint sa katapusan. Sabi ko nga, worth the wait, kahit ‘yun pa ang katapusan. Ginawa ni Janus ang kaya nyang gawin para lang mailigtas ang Santinakpan kahit…
Nakakalungkot ang katapusan. Parang magkakaexistential crisis pa ako.
Eto na nga ang katapusan.
Paalam, Janus Silang! Salamat, Janus Silang! Salamat sa pagligtas ng Santinakpan. Salamat din, Sir Egay, pinatuloy mo kami sa buhay ni Janus Silang. Salamat, Boss Serj, Mang Juan, Mang Miguel, Aling Ester, Kuya Renzo, Sidha at Tala!
One of our classes in post-grad once discussed the concept of ‘the death of the author’ which explores the idea that a text’s meaning isn’t usually just bound by the author’s intentions, but instead comes alive through the reader’s interpretation. I’ve alwayyyss embraced this notion and enjoyed being able to process and appreciate the books I read on my own terms and liking.
Reading this book, however, I had the rare privilege of literally meeting the author of the Book Club’s pick of the month for Buwan ng Wika - Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon. It was a unique and eye-opening experience to have co-created the meaning and discussed our thoughts and questions on the book along with him and the other readers!
This was a step out of my usual reads (actually my first book that is in Filipino) and it was a creepy yet engrossing experience that’s deeply rooted in Filipino Mythology. I had to speed read this (got my copy last minute) and finished just four minutes before the event so yes, my insights and thoughts were FREEESHH!
I’d give it a sold 4 stars mostly because some events felt like they “just happened because they had to” (thought that might be explained in the later books since it’s a series? idk?).
What really stood out for me was the seamless blend of mythological creatures with computer games, the gripping story telling specially at the last parts of the book and that nostalgic throwback to the high school experience, internet shops and really just being confused, lonely and scared all at the same time not just in life but of the supernatural!
Sa wakas at natapos ko rin! Ang totoo niyan ay matatapos ko naman dapat noong bagong dating palang nito sa akin, kaso parang ayokong ituloy ang pagbabasa kasi matatapos ko na siya. Pero natapos ko na nga.
Isa lang an nasabi ko nang matapos ko ang libro, "wtf." HAHAHAHAHAHA Eh, kasi naman, nabitin ako sa ending na 'yun pero satisfied naman. Iniisip ko na sana may kasunod pa. Naging paborito ko ang sinabi ni Janus.
"May mga nilalang po na hindi kailangan mamatay, at may mga nilalang na hindi kailangang mabuhay. Napakahabang kasaysayan ng mga kasawian ang maisasalba natin."
Legit napaiyak ako sa part na 'yan. Naisip ko na ang bata pa ni Janus para maging ganoon ka mature. Hindi ko maiwasang maisip na dahil sa naging kapalaran niya, hindi niya na-enjoy ang kabataan niya. Hindi ko maiwasang malungkot kasi katulad ni Janus, parang napilitan din akong maging matatag, maging matapang at maagang maging mature mag-isip dahil sa buhay na meron ako. Na hindi naman dapat. Na dapat ay na enjoy muna namin kahit papano ang pagiging bata.
Ang bittersweet ng ending. Isinakripisyo ni Janus ang buhay niya para sa Santinakpan. At naiwan si Lasag na may alaala ng mga nangyari. Hindi ko alam kung anong mas masakit. Ang isakripisyo ang buhay, o ang maiwan mag-isa kasama ng alaalang kailanma'y hindi mo malilimutan.
Mas nakakalungkot isipin na hindi manlang nayakap ni Janus si Lasag bago niya gawin ang ginawa niya.
PERO! Masaya akong naging parte ako ng adventure ni Janus Sílang.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Started my journey with Janus and Co more than a year ago, but I’ve put off concluding it because a) I probably forgot to and b) I probably didn’t want to. In my notes of the first book, I think I was reminiscing about my teen years, reading Percy Jackson and other young adult books, and how Janus Silang would’ve fit comfortably during that era. However, as I was steadily devouring this last book, I thought there was no perfect time to be immersed in Santinakpan than the present. As an adult, with some remnants of the younger years. (end of dramatic spiel)
Over 1500+ pages of high-stakes adventure, carefully fleshed out (neo)mythologies, and, admirably, life lessons! Kasi hindi ‘to kwentong Pinoy kung walang puso. I admire Samar for packing a lot of themes in this last installment. It was also very ballsy to incorporate the pertinent and very familiar issues. Some felt rushed, but others worked in service of the overall story. Lastly, ang ganda ng ending. It treads on familiar territory, especially with stories this complex, but I think it makes a lasting point about memory and, well, the power of storytelling.
If you’ve started this series, but not sure whether to continue, do so. And if you haven’t, then it’s truly the perfect time.
Nakaligtaang i-log at i-review sa dami ng mga nangyari pagkatapos ng bagyong Odette, pero itong huling aklat ng Janus Sílang series ang itinuturing kong pinakamahusay na aklat na nabasa ko sa taong 2021.
Lahat ng bagay na nagpaibig sa akin sa seryeng ito sa loob ng pitong taon ay ibinuhos ni Sir Egay dito sa pangwakas na aklat: ang kagila-gilas at kamangha-mangha sa mundong kilala na natin at sa (mga) mundong kinikilala pa lang; at saktong-saktong pagbalanse sa humor, action, at pagbibitin sa bawat kabanata; at ang hindi-mapapantayang atensiyon sa mga detalye upang gawing totoong-totoo ang mga lugar at mga tauhan.
Nabanggit ni Sir Egay sa isang post na pakiramdam niya minsan, parang token Pinoy-authored book lagi ang mga aklat sa mga Best Reads of the Year. Kahit ako, guilty dito noon. Pero binuksan ng Janus Sílang series ang pinto para sa mga iba pang manunulat, gumawa ng daang-tao patungo sa iba pang akda.
Basahin natin ang Janus Sílang. Pagkatapos, basahin ang ibang pang Pilipinong manunulat. Maraming pa tayong kuwento. Marami pang mga Santinakpan.
Ang Si Janus Sílang at ang Lihim ng Santinakpan ay ang panghuling libro sa serye na Janus Sílang na isinulat ni Edgar Callabia Samar. Tungkol ito kay Janus Silang, isang pangkaraniwang binatilyo na may napakahalagang papel sa Santinakpan bilang tagapagligtas nito laban sa mga kasamaan ng Tiyanak at ng kaniyang mga kampon.
Hinagpis. Pagmamalaki. Pagkamangha. Ito ang mararamdaman ng mga mambabasa matapos basahin ito. Hindi lang ito isang akdang kathang-isip; maraming matututunan at malalaman dito tungkol sa buhay at lalong-lalo na sa lipunan. Bagama't huling bahagi na ito, marami pa ring mga lugar na mapupuntahan at tauhan na makikilala. Maganda rin ang pagkasalaysay ng mga pangyayari—pinili nang mabuti ng may-akda ang mga katagang gagamitin dito nang sa gayon ay mapukaw ang interes ng mga mambabasa.
Sa pangkalahatan, ito ay isang mahiwaga at kaibig-ibig na libro. Hindi maitatanggi na ito ay isa sa mga nagbibigay-diwa sa panitikang Filipino.