Si Andronicus Dela Vega ay ang isa sa mga apo ni Herodion Dela Vega, ang ulo ng pamilya Dela Vega na tanyag sa Casiguran dahil sa karangyaan. Dahil sa kan'yang lola na si Celeste Dela Vega, nakasanayan na nilang magpipinsan ang umuwi sa probinsya tuwing katapusan ng linggo upang magkasama-sama.
Hindi gusto ni Andronicus ang pag-uwi sa Casiguran dahil naniniwala s'yang ang buhay n'ya ay nasa siyudad. Ngunit nang makilala n'ya si Persis, tila ba nagbago ang kan'yang pananaw.
Persis is the sunrise after Andronicus' darkest nights. However, as Andronicus started to discover his growing feelings for Persis, a dark secret slowly unraveled.
Ang inakala ni Andronicus na pagsikat ng araw ay ang s'yang paglubog pala nito.