Kung baga sa Pillow Book ni Sei Shōnagon, ito’y isang libro ng pangingilalang muli at pagliliwanag sa sarili. Bida rito ang biyaherong Filipino sa Japan at ang daloy ng kaniyang prosa. Mapagmasid, gising, mapang-aliw, paminsan minsan nanggugulantang gaya ng biglaang paglusong sa sobrang init na tubig ng onsen. Maikli man ang lakbayin ng dagling sanaysay, sa “I love you” lahat nauuwi.
Romulo P. Baquiran, Jr. is a poet and teacher of Creative Writing at the U.P. Department of Filipino. He is a member of LIRA, Katha and Oragon Poets’ Circle.
He has edited many books, among which are Pablo Neruda: Mga Piling Tula with National Artist Virgilio Almario, and Kuwentong Siyudad with Roland B. Tolentino and Alwin Aguirre. He has also worked with Mario Miclat and produced the tribute Beauty for Ashes: Remembering Maningning Miclat.
Baquiran’s Onyx won the National Book Award in 2003. His Singsing ni Solomon is available as an e-book at http://www.pantas.ph/singsing.pdf. He has also authored Mga Tula ng Paglusong.
Ang gaan basahin, parang nagkukuwento lang ‘yung author sa inuman. Nakakatuwa rin kasi dahil dito naalala ko ‘yung time na nag-Japan ako — feel na feel ko rin ang danas ng author.
Ibinahagi ng mananalaysay sa makukulay na paglalarawan ang kaniyang karanasan sa Japan bilang isang OFW, na sa una ay nangangapa pa lang sa sistema ng bansang pansamantala niyang titirhan bilang isang Visiting Professor. Para sa akin, sa bawat paglalarawan ng mananalaysay sa Japan, parang nahihikayat ako nito na mismong lumipad at masaksihan ang nakikita ng kaniyang mga mata. Ito ang masasabi kong kagandahan sa pagsusulat ng mananalaysay, ang paghuli niya sa larawan na nakikita gamit ang salita. Ngunit, gaano man niya ikuwento ang masasayang karanasan niya sa Japan at pati na rin hindi magagandang karanasan, may nagsasabi sa loob ko, na ang mananalaysay ay nangungulila. Baka ako lang ito na nag-overreading, hindi kaya sa mga oras na pinupuna ng mananalaysay ang pagkakaiba ng Pilipinas at Japan, ito ang indikasyon na may hinahanap siya mula sa pinanggalingan?
Naiisip ko na sa bawat pag-usad ng mga dagling sanaysay ay bumibigat ang pakiramdam ng pangungulila, gaano man ito kagaang basahin. Nairaos ko naman, at masaya akong mabasa ang huling dagling sanaysay na siyang mismong pamagat ng buong koleksiyon. Lalo na ang tanong, na para sa akin ay sinasagot ng huling dagling sanaysay: Paano nga ba umibig ang mga Filipino?
Ang ganda ng kabuoan ng aklat. Hindi ako nagsisisi na binili ito, at tama ang sabi ng nagsulat ng pambungad. Alam ni Dr. Baquiran kung paano humawak ng pagiging sentimental. Ito rin ang dahilan kung bakit ko ito binasa, nais ko ’yong matutuhan sa pagsusulat.