Sa Ricky sampler ng mga kuwento sa librong ito, matatagpuan ang anim sa pinakakilala sa kanyang mga kuwento at kung bakit natatangi siya bilang kuwentista sa panitikang Filipino. Ang modernistang stilo ng kuwento ang naisagawa ni Ricky sa simula ng kanyang pagkukuwento noong maagang 1970s at napaunlad niya hanggang sa pinakahuli sa mga kuwentong nasa koleksyong ito, “Kabilang sa mga Nawawala.”
Ang storytelling ni Ricky ay hindi linear, at mas sinusundan ang sinematikong modelo ng pagkukuwento at paglalahad ng kaganapan na tila mga eksena sa pelikula. Gumagalaw ang mga eksena sa mga kaganapan sa kuwento na parang mata ng kamera, kumikilos, nagzu-zoom in o out, naka-frame na close up o long shot, at maging quick o long take ang eksena sa pamumukadkad ng mga detalye at pagkilos sa mga eksena.
Historikal ang mga kuwento niya, lubog sa pwersa ng kasaysayan ang mga tauhang pangkaraniwang dumaranas ng pinakamahapding latay sa hagupit nito, at may materialidad ang pagdanas ng mga tauhan na nakaangkla sa aktwal na pagdanas ng kaapihan at kawalan-magawa o paglaban ng mayoryang mamamayan.
—Mula sa introduksyon ni Rolando B. Tolentino, “Ang Pag-akda ng Katha, Pagkatha ng Akda ni Ricky Lee”
Filipino screenwriter, journalist, novelist, and playwright.
He has written more than 150 film screenplays since 1973, earning him more than 50 trophies from various award-giving bodies, including a 2003 Natatanging Gawad Urian Lifetime Achievement Award from the Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Filipino Film Critics). As a screenwriter, he has worked with many Filipino film directors, most notably with Lino Brocka and Ishmael Bernal. Many of his films have been screened in the international film festival circuit in Cannes, Toronto, Berlin, among others.
Book 25 in 2023: Servando Magdamag at iba pang maiikling kuwento / Ricky Lee. Magandang tunghayan ang mga una niyang gawa, lalo na’t ito’y napapanahon sa kaniyang pagyakap sa aktibismo sa panahon ni Marcos Sr. Malikot sa experimentation ng craft of modern storytelling sa pamamagitan ng nonlinear structure, metafiction, unreliable narration, at polyphonic na POV. Nilalaro niya rin ang oras (mahalagang elemento sa form ng maikling kuwento!) hindi bilang scientific/Western/number-based convention; mas nilahad ang oras bilang paikot-ikot na kasaysayan/danas/pakikibaka. Higit sa lahat, isinulat ang mga ito na radikal at lubog sa mga realidad ng bayan; isa siyang public intellectual, ayon kay Rolando Tolentino, at sang-ayon ako. Salamat Sir Ricky ! (Mga paborito sa libro: Kabilang sa mga nawawala, Pagtatapos, at Si Tatang, Si Freddie, Si Tandang Senyong, at iba pang mga tauhan ng aking kuwento.
Madalas i-hype ng prop namin na mas maganda raw ang mga maikling kuwento ni Ricky Lee noon kaysa sa mga kontemporari niyang akda. Pero in all honesty, nalumaan lang talaga ako sa pagkakasulat sa mga kuwento ng koleksyong ito. Maliban sa tatlong kwento, 'yung "Kabilang...", "Pagtatapos," at "Mga Tauhan..." Doon ko kasi namalas yung pagiging inventive ni sir Ricky sa pagkukuwento. Odd enough, ito pa yung mga kwentong di naman na-award-an.
'Yung dalawa niyang kuwento na nanalo sa Palanca, ang tingin ko, parang sinulat niya lang talaga para sa mga hurado. Di sa mga totoong mambabasa niya. Ayun lang po.
Binubuo ng anim na maikling kuwento. Ang lima sa anim na maikling kuwento ay naunang naisama sa "Si Tatang at Ang Mga Himala ng Ating Panahon (Koleksiyon ng mga Akda ni Ricky Lee)" at nasa "Sigwa" rin ang dalawa sa limang iyon, kaya't halos wala nang bago sa koleksiyong ito, naidagdag lang ang "Huwag! Huwag Mong Kukuwentuhan ang Batang si Wei-Fung!" at ang "Ang Pag-akda ng Katha, Katha ng Akda ni Ricky Lee (The Writing of Prose/Prose of Writing of Ricky Lee" ni Rolando B. Tolentino. Pero maganda itong koleksiyon para sa mga hindi pa nababasa ang mga short story ni Ricky Lee.
Walang kupas ang mga kuwento ni Sir Ricky kahit noong nagsisimula pa lang. Grabe yung kilabot ko nang mabasa ang Servando. Para akong nakatira sa lumang mansyon na gawa lamang sa kahoy. Naamoy ko ang almirol sa mga kabinet. Naririnig ko ang langitngit ng mga pinto at pader. Nababanaag ko ang katiting na sikat ng araw na tumatagos sa siwang ng bubong. Ibang klase kung dalhin ako sa kwento.