Apolonio "Pol" Medina, Jr. is a Filipino cartoonist best known for creating Pugad Baboy, a black-and-white comic strip first published in the Philippine Daily Inquirer on May 18, 1988.
Pol Medina graduated from the University of Santo Tomas in 1983 with a degree in architecture. In 1985, a year after securing his professional license, he went to Iraq at the height of the Iran–Iraq War to work for an Italian construction company. It was at this juncture that he experienced "the most maddening" two years of his life.
In 1986, he started scripting and drawing characters for a new cartoon about a community of fatsos and a dog named Polgas. In 1987, he worked as an architect for a firm in San Juan, Metro Manila.
In September 1992, he co-founded Pugad Baboy, Inc. with seven other people. The company adopted Ad Astra Per Aspera for its motto, inspired by Harper Lee's Pulitzer Prize-winning novel, To Kill a Mockingbird. Three years later, the company folded when Pol Medina left in order pursue a career in the advertising industry. Currently he has another company, Pol Medina Jr. Novelties, dedicated to merchandise based on the strip, including compilations.
To date, Pol Medina has three children with his wife Susan: Maia Cecilia, Eladio Jose and Pablo Jose.
Pangalawang Pugad Baboy ko at mas nakakatawa ito kaysa doon sa PB4. Dalawa itong una kong binili. Sasampolan lang 'ika nga. May mga robots ito sa harap na pabalat at akala ko mas magugustuhan ito ng anak ko kaysa sa akin. Talagang huwag laging gawing batayan ang pabalat dahil mas maraming nakakatawa na story arcs dito kaysa sa PB4 na tungkol sa aswang, pedophiles at isla Lubang.
May mga patungkol sa 1992 presidential election dito at mas marami sa kanila ay di na nakakatawa dahil mga patay: Monching Mitra, Raul Roco at maging si Fernando Poe, Jr. (na kaibigan ni Presidente Erap at nababanggit sa mga strips). Pero may mga cheesy rin kagaya ng pagmamahalan nina Dagul na tinatawag ng asawa nyang "Sweet Ham" at Debbie na tinatawag ni Dagul na "Honeycured". Di pa ako nakaka-engkuwentro ng mag-asawang ganito ang tawagan. Madalas ay mama/papa, mommy/daddy, mi/dad, darling, sweetheart, babe, love, sweetie, sweetie pie, o pangga. Sabagay, parang akma dahil ang sweet ham at honeycured ay parehong may relasyon sa baboy. Kasi nga pugad baboy.
Ang tatlong paborito kong story arcs sa librong ito:
Pebrero na tungkol sa mga ginagawa ng mga magsing-irog kapag buwan ng Pebrero. Siyempre bidang bida sina Bab at ang nililigawan niyang si Tiny. Nakakatawa ang tagpo na namahalan si Bab sa "chit" (ang bago ng tawag ha ha) nila sa restawran. "Bill" na ngayon, di ba?
Olypig Games mga baboy na naglalaro ng olympics. Siyempre, isipin mo na lang kung gaano katataba ang mga taga-Pugad Baboy tapos nagtatatakbo sa trak ha ha.
Maidnappers tungkol sa kaisa-isang pangunahing tauhan ng Pugad Baboy na hindi mataba, ang katulong na si Ambrosia na kinidnap kasama ang kaibigang si Gwen. Nanonood kasi ng mga macho dancers sa gay bar at humingi ang kidnappers ng ransom money. Syempre, bida ulit ang paborito ni Jzhun na si Polgas.
Tapos na ang 2. Hahanapin at babasahin ko pa ang 20.
Kung ikaw ay katulad kong noon pang dekada nobenta nangongolekta ng Pugad Baboy, marahil ay alam mong dalawa ang naging cover ng PB5. Pero kung tutuusin, halos wala namang masyadong pinagbago ang cover ng PB5 noon sa cover nito ngayon. Tila ba pinatungan lang ng mala-bakal na "PB5" ang bagong edisyon, maiba lang nang kaunti ang disenyo ng libro. Higit sa lahat, cover lang naman ang nabago at hindi ang nilalaman nito. (Makikita ang itsura ng lumang cover sa link na ito.)
Lumang edisyon ng PB5 ang kopyang meron ako. At kahit hindi importanteng sabihin ay sasabihin ko pa ring bukod-tangi ang kopya ko ng PB5 sa lahat ng Pugad Baboy na meron ako. Hindi naman sa isa itong special edition tulad ng 10th anniversary issue nila na Pugad Baboy X at 20th anniversary edition na XX na parehong pinakapal dahil sa dami ng 'side dish' na inihain ng kartunistang si Pol Medina Jr. bilang paggunita sa kanyang ika-sampu at ika-dalawampung taon sa mundo ng cartooning. Kung tutuusin, ordinaryong comic strip compilation lang ang PB5 na naglalaman ng 74 na pahina. Pero 'yung kopya ko, may additional 15 pages! Sa madaling salita, medyo nagkadoble-doble ang pagkaka-print ng last 15 pages ng aking kopya.
Pero ang nakakatawa (?) nito, dahil bata pa ako nang magkaroon ako ng PB5, pinilit kong remedyuhan ang pagkakadoble ng mga pahina ng librong ito. Kung titingnan ang kopya ko ng PB5 ngayon, hiwa-hiwalay na ang mga pahina nito lalo na sa bandang huli. Sinubukan ko lang naman kasing alisin ang dumobleng mga pahina noong bata pa ako at hindi ko pa alam noon na mawawasak nang tuluyan ang kabuuan ng libro!
Maaaring pinaglumaan na ng panahon ang kopya ko ng PB5 -- nagkahiwa-hiwalay na ang mga pahina't nanilaw na ang kanilang kulay at nangitim na nang tuluyan ang cover (dahil sa dami ng humihiram nito sa akin noon sa eskwela) -- subalit hinding hindi magbabago ang sayang naidulot sa akin ng librong ito (OA!). Seryoso, ilang beses ko na itong nabasa pero natatawa pa rin ako hanggang ngayon! Kung ako ang tatanungin, itong PB5 ang isa sa pinakapaborito kong compilation ng Pugad Baboy (bukod pa sa anniversary specials nila). Halos lahat yata ng story arc sa librong ito -- magmula sa paggamot ni Dr. Sebo sa pigsa sa pwet ni Bab at sa pagkakamalang nais niyang magpatuli hanggang sa pagiging feminist ng asawa nina Dagul at Tomas na sina Debbie at Barbie -- nagustuhan ko.
Subalit ang lahat ng mga pinakapaborito kong major story arc hindi lang sa PB5 kundi sa buong Pugad Baboy ay nasa librong ito:
Pinakagusto ko sa lahat ng Pugad Baboy major story arc ang 2078 na may pagka-futuristic ang temang ginamit ni Pol Medina Jr. Nakakaaliw ang napasukang adventure ng mga taga-Pugad Baboy nang higupin ng isang black hole ang sinasakyan nilang LRT at 'di-sinasadyang mapadpad sa taong 2078. Bukod sa tila pagiging manghuhula ni Pol Medina Jr. dahil sa ginawa niyang ilang predictions (tulad ng pagiging obsolete ng LRT sa taong 2064 at ang latest ay 'yung pagsabog daw ng thermonuclear bomb sa Corregidor noong 2008 na obviously ay hindi nagkatotoo) na wala pang tumatama maski isa, sa taong 2078 ay nakilala ni Polgas (aka Wisedog) si Dobermaxx, ang future director ng Organized Canine Bureau (OCB). Medyo bitin nga lang ang istoryang ito dahil mga sampung pahina lang lahat.
Nagustuhan ko rin ang Maidnappers kung saan dinampot ng isang kidnap-for-ransom group na Nelson-Carreon Brigade ang resident katulong ng Sungcal Family na si Brosia at ang yaya ng nagbabalik-bayang si Gwen na si Glo. Gustong gusto ko kung paano nag-develop ang buong istorya na tila ba isang maaksiyong pelikula. Namangha din ako dahil sa ginawang pa-contest ni Pol Medina Jr. sa isang strip nito kung saan huhulaan ng mga mambabasa kung ano ang ebidensiya sa pagkakahuli kina Brosia at Glo. Naaalala kong noong bata pa ako, medyo gusto ko sanang sumali sa contest na ito bagamat ang papremyo sa mananalo na Polgas P-Shirts ay 'di hamak na kayang kayang gawin sa bahay gamit ang mga pinaglumaang damit, ilang pintura at creativity.
At siyempre, hinding hindi mawawala sa listahan ang Olympig Games kung saan ini-spoof ng Pugad Baboy ang 1992 Barcelona Olympics. Isipin mo na lang kung gaano katawa-tawa ang itsura nina Dagul, Bab, Tomas and the rest of the gang habang nagpa-participate sa ilang olympic events. Subalit ang pagiging unique sa kuwentong ito ay kung paano pinalitan ng mga palarong maka-Pilipino ang tradisyunal na olympic events. Ilan sa mga halimbawa ay ang patintero, gagamba match, tex tournament (na may mga pamatong tex na ang disenyo ay spoof ng mga pelikulang Pinoy), holen tournament at slamdyols competition (na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung anong laro).
Hindi ko alam kung ano ang meron sa Pugad Baboy noon at sa tingin ko, mas nakakaaliw (nang kaunti) 'yung noon kesa ngayon, bagamat iisa lang naman ang creator noon at ngayon. Siguro kasi, dahil medyo nagkaka-edad na si Pol Medina Jr. (peace!), medyo nag-iiba na rin ang stroke ng kanyang kamay sa pagguhit. Manghang mangha pa rin ako sa pagkakaguhit niya noon na para bang detalyadong detalyado at sobrang fine ng ginamit niyang pandrowing sa mga ito. Pero kahit gaano pa karaming Pugad Baboy compilations ang mai-publish ni Pol Medina Jr., hinding hindi ako magsasawang bumili nito dahil ang kanyang brand of humor never gets old, ika nga sa wikang Ingles.