Jump to ratings and reviews
Rate this book

Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga

Rate this book
Bilang apologia pro vita sua, o mga awit patungkol sa sarili, ang apatnapung tula sa unang koleksiyon ni Paolo Tiausas, ang Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga, ay postmodernong kalipunang namumutiktik sa halos siyento porsiyentong autobiyograpikal na anekdota na payugto-yugtong tatambad sa mambabasa nang nabibihisan ng sisteng maanghang-na-mapait-na-nakapanlulupaypay sa mga larawan ng kahirapan at/o kabuktutang sinadya at/o di-sinadya, kamangmangang mistulang bálat sa utak, at makapal na compendium ng mga bagay (i.e., sa konteksto ng tulang “Bagay” ng kilusang pampanitikang tubong-Ateneo) na nilelente ng mapanuri at mapanuksong pagsisiyasat sa kung paano nabibisaklat o napipilay ang aparatong intelektuwal ng iskolar at kung paano rin niya buong husay na babaligtarin ang unipormeng pang-Atenista upang matambad ang mga himulmol, butas, o wakwak na sinulsihan nang buong ingat, o, nang kung papa-papaano lamang.
—Benilda S. Santos

Kung pag-usapan ni Paolo Tiausas ang kanyang kabataan, aakalain mong may ilang siglo nang lumipas ang buhay na kanyang tinutulaan gayong wala pang isang dekada ang karamihan ng mga sentimyentong pinagninilayan. Sa ganitong paraan nagkakatimbang ang kanyang mga tula: habang binabaybay nito ang magkahalong kabaduyan at kababawan ng pagkabata, tinatawid din ng mga ito ang isang uri ng intelektuwalidad na tumutuhog kung bakit ginagawa ng mga bata—ng mga tinaguriang millennial—ang kanilang ginagawa nang hindi sumasandig sa lohika ng popular at karaniwan. Nagbubukas ng pagkakataon ang koleksiyon na bigyan ng higit na partikularidad ang youth culture ng Pilipinas, mula sa kahulugan ng pagpalit ng regalo sa mga kaeskuwela tuwing Pasko hanggang sa masalimuot na pagsalikop ng aktuwal na panahon sa mga reglamentong lumilikha ng kani-kanilang siklo ng umpisa’t katapusan, ng mga katuturan at esensiyang hinihigitan pa ang timbang ng mismong buhay at kamatayan. Pamilyar ang mga tao at mga eksenang ito: ang Ingleserang principal sa ating mga paaralan, ang alangang halakhak habang nanonood ng Funniest Home Videos, ang mga sabi-sabi tungkol sa pag-ibig na naging biblikal at naturalisado. Lumilitaw ang isang tinig na—bagama’t bata sa kanyang panunudyo, pananariwa, at pakikitungo—nananatiling tapat sa diwa ng pakikisalamuha sa mga posibilidad ng isang daigdig na paulit-ulit sinusugatan ang kanyang kamusmusan. Sa halip na ipagdalamhati o ipag-nostalgia ang pambubusabos sa kabataang ito, bumabangon ang persona ng koleksiyon at ipinagbubunyi ang kanyang kaibahang nakababatid na “walang pinagkaiba sa responsibilidad / ang alaala,” sapagkat “kailangan mong mabuhay nang nagwawala’t nawawala.”
—Joseph T. Salazar

144 pages, Paperback

First published January 1, 2021

Loading...
Loading...

About the author

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
1 (10%)
4 stars
2 (20%)
3 stars
6 (60%)
2 stars
1 (10%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Ako si  si  Patroclus.
23 reviews
January 29, 2026
Preliminaryong mga tala: Maangas yung "Sa Bayan ng Pag-uwi." —estilong Ako Ang Daigdig ni A.G.A. ang atake't estilo pero pagsesentimyento rin at (muni pa nga) sa kompleksidad ng moralidad sa karakter ng indibidwal na nakakaapekto sa posibilidad ng kolektibong ginhawa (ng bayan).

Kalakasan ng makata ang pagsulat sa prosa ng mahahabang tula, may pagkakataon man yung ibang pangungusap sa tabi ng sumunod na pangungusap ay hindi pa fully nagmemake-sense sa akin o pakiramdam ko ang random o walang koneksyon o ilohikal sa isa't-isa. Parang ganito, kapag pupunta ka sa isang destinasyon, naka-set ka ng pumunta sa ganitong lokasyon pero bago ka tumungo, may mga dinaanan ka muna, nagliwaliw, naglakwatsa, kumuha ng ibang ruta/landas pero nakakarating ka pa rin sa nakatakdang destinasyon. Ganon yung pakiramdam.

Marami-rami ang nagustuhang talinghaga, kapansin-pansin ang paggamit ng mga ispesipikong pangngalan para gawing pang-uri sa pagpapatingkad ng imahinatibong paglalarawan o pulidong pagdedetalye sa tinutukoy na paksa. halimbawa: karagatan ng isipan... larawan ng namumuong estatwa ng bato sa dibdib.. bubog, gubat, bagyo, ulap, kalangitan etc.

Sobrang relate malala sa mga tulang "Sa Araw ng Pag-iwan" at "Teyorya ng Daigdig." Siguro dahil sa kalungkutan at nostalgia ng mga tulang humihiwa, nangangalabit, tumatarak sa akin, ni Tiausas.
Profile Image for Josue Mapagdalita.
Author 3 books38 followers
July 5, 2024
Maganda ang mga piyesa sa librong ito. May mga pagkakataong nakakapatid ang mga salitang sobrang lalim (para sa akin, considering na heavy Tagalog user na ako). Pakiramdam ko lang din, overexplanation ‘yung ganap sa intro ng book — parang nakakaspoil tuloy.
Displaying 1 - 2 of 2 reviews