Patuloy na mamumukadkad ang panulat ng mga manunulat ng bayan sa kabila ng mga hamon ng panahon. Titindig ito at sisibol na parang mga Mirasol sa Dapithapon.
Kahanga-hanga ang kalipunan ng mga tula, dagli, maikling kwento, dula, atbp. sa librong ito. Matalino, may puso at may kanya-kanyang identitad ang bawat isang akda.
Ngayon lang tinapos dahil noong umpisa kinatamaran ko basahin yung isang akda sa experimental/hybrid section na kailangan pang isscan ang mga QR code na may link. tapos irere-route ka para mapanood/mapakinggan ang audio/video online na konektado sa binabasang kwento. Nakalimutan na balikan ang libro matapos mailagay sa aparador.
Ang astig lang ng ganitong anyo ng panitikan. 2nd yr college na ako nung may pinabasa sa akin yung teacher ko dati sa shs ng ganoong novel, hybrid form din, thriller at crime naman ang genre.
Taga-PUP pala si Mx. Serena (siya ang may-akda ng hybrid form na tinutukoy sa taas) unang beses ko syang napanood sa queershort na, 'Nang Maglublob ako sa isang mangkok ng Liwanag.' sumunod sa pelikulang Fin; Mermaids don't play Hopscotch; at sa nito lang QC Film Festival short na 'Ang Rampage! (o ang parada). Hindi lang siya mahusay na artista ng teatro at pelikula, pati rin sa sining ng pagkatha.