Nabasa ko ito dahil sa requirement sa Humanidades class ko, ang masasabi ko lang ay, isa siyang magulong libro, minsan boring... Pero realistic.
Bihira na sa mga manunulat ngayon yung makakagawa ng libro na super malapit sa katotohanan ng buhay, especially sa estado ng isang bansang tulad ng Pilipinas. Yung mga libro sa mga panahong ito, gumagawa sila ng 'imaginary worlds' para maka-relate ang tao lalo sa mga kabataan, mapukaw ang emosyon. Di naman masama yun pero minsan maganda ring tignan natin yung nararamdaman ng isang asawang naghahanap ng pagmamahal ng kabiyak, isang amang nagtitiis sa ibang bansa, isang anak na may matinding tampo sa ama. Sa huli, hahanap-hanapin parin natin ang mga kwentong ganito.. at may matututunan tayo dito.
-Hallele
P.S. Inaamin kong isa ako sa mga taong maaring hindi magbabasa nito pero hindi ako nagsisisi na binasa ko ito. :)