Jump to ratings and reviews
Rate this book

Andrea

Rate this book
Mistulang gamu-gamong nabitag sa sapot ng gagamba ang buong buhay ni Andrea, isang tatlumpung taong gulang na ginang na may limang taong gulang na anak, si Sinta—na may congenital syphillis. Sa kanyang pagpupumilit na kumawala sa kinasasadlakan, lalo lamang siyang nababaon sa kumunoy ng sabwatan-katrayduran-kalupitan ng lipunang kanyang ginagalawan.

Si Naldo, ang kanyang kinakasama sa buhay ang nagmamay-ari ng kamay na kanyang tinatanganan bilang gabay sana sa kanilang magkasabay na pag-ahon sa hirap ng buhay ay siya mismong kamay na nagtulak kay Andrea sa bangin ng kapahamakan. Nagbigay daan upang makilala ni Andrea ang lubhang malulupit na halimaw ng lipunan sa katauhan ni Ret. Gen. Eduardo Martizano at Congresswoman Lilian Villeza. Kinaladkad si Andrea ng mga di inaasahang pangyayari sa kaibuturan ng talamak na bentahan ng droga at ang walang kasing duming kalakaran ng patayan, pagtataksil, agawan ng kapangyarihan, dayaan at ga-mundong pagmamahal sa kayamanan.

Sa kalagitnaan ng napakahabang pagkahulog ni Andrea sa dilim ng bangin ng kapahamakan, kasabay nitong bumabaligtad at nahuhulog sa kailaliman ng hukay ang buo niyang buhay at pagkatao, damay ang buong niyang pamilya at ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Kitang-kita niya ito sa kanyang mga matang nakamulagat sa pagkasindak na kahit ipikit ay nagpupumilit na ipamulagat sa kanya ang malagim na kasasapitan. Walang pagpipilian kundi ang mangunyapit sa mga sangang nakausli sa gilid ng bangin at hilahin ang sariling bigat upang makaahon at tumayong muli. Maghiganti sa mga taong nagtulak sa kanya sa pagkahulog.

232 pages, Paperback

First published January 1, 2022

1 person is currently reading
9 people want to read

About the author

Rom Factolerin

2 books2 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
0 (0%)
4 stars
4 (80%)
3 stars
1 (20%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews19 followers
June 23, 2022
Pampelikula talaga ang nobelang ito kaya ramdam na ramdam mo yung adrenaline rush sa mga umaatikabong aksiyon. Mapapangiwi ka rin sa mga madudugong scene. Mahusay rin sa visualization ang may-akda---marahil ay dahil una siyang nagsulat ng script.

Isa na namang dagdag sa transgresibong nobelang Filipino at nawa ay maituloy ang film version nito. Unang nobela ito ni Rom Factolerin at dapat mo itong mabasa.
Profile Image for Julius.
24 reviews
April 19, 2025
Kalakasan: Sabi ni Rolando Tolentino, unang nobela daw to na tumalakay sa war on drugs. Kung gayon, panandang bato ito. Higit pa, babae ang bida. Impit sa opresyon si Andrea sa maskuladong lipunan at uring aba na pinanggalingan niya. Mahusay na isinalarawan dito kung paanong binabalahura ang tao sa kasulukuyang panahon na nanunuot ang pasismo sa kaibuturan ng buhay-buhay. Kumbaga, wala nang pinag-iba ang totoong buhay sa action films -- lalo na kung katulad ka ni Andrea na naipit sa lahat lahat na. Malapelikula ang nobela kaya madaling sundan, madaling imagine-in ang nangyayari lalo na kung nakapanood ka na ng mga pinoy action films.

Kahinaan: Hindi ko alam kung maituturing ko ba tong nobela -- atleast sa pamantayan ko kung ano ba ang isang nobela. Para sa akin, importante sa isang nobela ang nagbabanggaang mga diskurso. Gusto kong maintindihan ang ating panahon; maraming nagbubungguang diskurso; may mga kontradiksyon kailangan palitawin upang malinaw. Kung tumatalakay sa war on drugs ang Andrea, dapat kong maunawaan ang forces at play sa pangyayaring magulo. Paano nakatulong ang mga dds? Ano ang ginawa ng mga liberal? Nasan ang mga aktibista? Ano ang sabi ng mga naulila? Ang boses na maapuhap sa Andrea ay boses mula sa loob ng kapangyarihan. Hindi masama ito lalo na kung ang bida ay kasama sa naapi -- isang babaeng naipit lamang sa mundo ng karahasan. Pero kung one sided masyado ang diskursong dumadaloy, walang magaganap na dialogue. Kakapusan ng nobela ang kawalan ng mga panlipunang kontradiksyon. Kung magsalita man ang mga karakter, hindi para dalumatin yung mga nakabinbin at lumilitaw na kontradiksyon sa lipunan ni Andrea bagkus ay para lang talaga lumipas ang eksena. Walang mali doon. Kaso hindi ito pelikula. Gagap kong nagsimula ito bilang script, pero may pangangailangan bang gawing nobela kung ang treatment pa din sa kwento ay mala-script?

Punto ng pagpapaunlad: Lahat ng kuro-kuro ko ay mula sa punto de bista ng isang fan. Ang mababanggit ko lang tungkol sa pagpapaunlad ay ito: mahina yung binding ng libro. Bale kase, yung kopyang binabasa ko ngayon ay 4th hand na. Kopya to ng jowa ko, na binigay ng isang kaibigan, na nabili naman sa isang tao pa. Kumbaga, naipasa-pasa na ang nobela. At nagsimula nang kumalas ang mga pahina pagdating sa akin. Madali lang naman ang remedyo dito: pa-plantsahin lang ang spine ng libro para matunaw ang pandikit, I-press saglit, at babalik na to sa dati.

Overall: Maganda ang Andrea. May gaan basahin. Natapos ko sa dalawang araw lang. Relevant ang topic. Empowering sa kababaihan? Malamang. Dahil may sensitivity ang pagkakasulat ni Rom Factolerin kay Andrea. Sa kung paano siya mag-isip. At umugali. At alam kong totoo ito dahil sa mga isinulat ng jowa ko sa borador ng bawat pahina. Na nakaka-relate siya. Sumusuhay ako sa gilas ng pagsusulat at sensibilidad ng manunulat sa mga ganoong pagkakataon. Noir ba to? Nandoon yung mga elemento ng noir films. Medyo malapit sa sulasok ng mga kwento ng Ungaz Press, pero medyo kulang pa. Hindi ko alam kung ano, pero as is, worth it itong Andrea. Mahusay na tangka para ipakita ang doble-dobleng opresyon na danas ng kababaihan sa uri at ari ngayong panahon ng war on drugs.
Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.