Five stars, kahit masakit.
Sa totoo lang, masakit talaga para sa akin na balikan 'tong edition na 'to. Cover pa lang, parang maiiyak na 'ko.
Tulad ni TK, isa rin ako sa mga taong lubos na umasa ng pagbabago sa Pilipinas noong 2022. Turning point na sana ito para sa bansa, kung -- kahit ngayon lang sana -- matututo naman tayong mag-elect ng mga lider na makabubuti sa atin, imbes na magluklok na naman sa pwesto ng mga literal na lason sa lipunan. Bittersweet balikan ang bawat pahina ng compilation na 'to, dahil gaya ni TK at ng marami sa atin, nag-attempt rin akong lumaban, umasa, mangarap, kumampanya. Ramdam ko 'yung gigil ni TK, 'yung muhi niya sa bulok na sistema, at 'yung alab ng pag-asa niyang -- this time -- magwawagi na ang katotohanan at mga taong may adbokasiya nito. And I share these sentiments with him.
Gaya ni TK, nakaramdam din ako ng dilim noong lumabas ang resulta ng eleksiyon. 'Yung portrayal niya ng gloom sa mga pahina, ramdam na ramdam ko 'yun. Kung paano niya ipinakita ang "impending doom" sa pamamagitan ng comic strip, ganyang ganyan ang naramdaman ko, dahil gaya ni TK, hindi ko na rin alam kung saan pupulutin ang bansang 'to.
Pero heto pa rin tayo, tuloy lang ang buhay kahit mahirap. We may have lost the election, but the fight for good governance will always be our advocacy. That election season, which TK so wonderfully portrayed in this edition, will always be close to our hearts. And to that, I thank TK, for perfectly capturing our sentiments through every page of this book. Salamat, Kakampink. Lalaban pa rin tayo.