Okay, so where to start other than "I LOVE LOVE LOVE THIS KOMIKS"?
Because I do.
And not because I'm in the healthcare profession.
Mas nagustuhan ko ang komiks na ito hindi lang dahil pinapakita nito ang buhay ng mga nagtatrabaho sa ospital, kundi kahit hindi ako doctor or nurse, naintindihan ko yung mga sitwasyon na naipakita ng artist and writer.
Sobrang distinct ng pagkakagawa sa mga characters, lalo na si Melba na isang pasyenteng labas-pasok sa ospital at nahuhumaling sa mga good-looking healthcare professionals. Yung kaibigan mong makapal ang mukha at walang filter ang bibig para landiin kahit mga doktor HAHAHAH. And in an endearing and not annoying way at all. I found myself rooting for her and for her lovelife all the way!
Siyempre bet ko rin si very pogi, softie, at workaholic na si Doc El because I'm a sucker for megane (eyeglasses) characters, pati yung savage hirit ni Ate Pharmacist. Gayundin si Nurse G (baka sampalin niya ako kapag di ko siya sinama lol)!
Akala ko compilation lang ito ng mga funny and/or usual scenarios pati mga pick-up lines related to the profession. Pero pagkatapos kang patawanin, mahu-hook ka naman sa subplot that ties them all together. Kaya natapos ko siyang basahin in one sitting!
This comics also give us perspective on how it is to be in a relationship with people in the healthcare profession, lalo na ang mga doctor na laging on-call. That being with them means understanding that their patients come first before the relationship most of the time.
Na-appreciate ko rin yung mga short explanations ng mga sakit and acronyms at kung paano sila ipinaliwanag para sa karaniwang tao hehe. 'Di ko kinailangang mag-Google XD
Excited akong mabasa yung mga susunod na volumes hoping na may spotlight/kwento rin yung ibang characters.
I think meron nang English version nito na nakarating pa sa katatapos na Frankfurt Bookfair :)