Jump to ratings and reviews
Rate this book

Gerilya

Rate this book
The third book of the "hardcore" and multiple Palanca winning novelist and short story writer Norman Wilwayco.

This book could be downloaded for free in the author's official blog, http://absurdrepublic.blogspot.com

123 pages, Paperback

First published January 1, 2008

22 people are currently reading
445 people want to read

About the author

Norman Wilwayco

10 books144 followers
Norman Wilwayco is an award-winning author who has published five books. These are “Mondomanila,” “Responde,” “Gerilya,” “Rekta,” and his most recent, “Migrantik.” His novels “Mondo” and “Gerilya” have won the Grand Prize for Literature in the Carlos Palanca Memorial Awards. He’s also a meme master who covers a range of topics, from politics to pop culture, on his official Facebook page.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
92 (45%)
4 stars
60 (29%)
3 stars
38 (18%)
2 stars
9 (4%)
1 star
2 (<1%)
Displaying 1 - 30 of 32 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
November 25, 2010
Maganda na sana talaga ang nobelang ito na nanalo ng Grand Don Carlos Palanca Award noong 2008. Kung ibabase sa creativity at intent ng sumulat na si Norman Wilwayco, isa na ito sa pinakamagandang nobela sa Tagalog na nabasa ko. Kahit bihira akong magbasa ng Tagalog, mula noong sumali ako sa Goodreads, 3 na ang nabasa ko: Ricky Lee's Para Kay B, Liwayway Arceo's Canal de la Reina at Lazaro Francisco's Maganda Pa Ang Daigdig. Sa kuwento't kuwento lang, pinakamaganda ang Gerilya ni Norman Wilwayco.

Isa itong kuwento tungkol sa 2 estudyanteng dating magkasintahan ng University of the Philippines (U.P.) na sumapi sa New People's Army (NPA). Si Tony de Guzman ay naging Ka Poli at si Ala ay naging si Ka Alma. Nadestino sila sa magkaibang yunits pero nag-krus din ang kanilang mga landas sa istorya. Unang naranasan ni Ka Poli ang maglakad ng malayo para lang kunin ang sample ng marriage contract dahil may ikakasal na mga kasamahan. Unang naranasan ni Ka Alma ang umiyak nang pagbabarilin ng mga NPA ang mga alagang baka ng isang negosyante na hindi nagbabayad ng buwis sa samahan. Nguni't ang mga unang karanasan na ito ay hindi pa ang mga dahilan kung bakit sila ay nagdesisyon na mag-laylo (umalis sa samahan). Tumagal din sila ng tatlong taon. Nariyang bumaril sila ng tao. Nariyang nagahasa si Ka Alma ng mga CAFGU.

Maganda ang istorya. Flashback ang ginamit ni Wilwayco. Multiple narrations pa. Minsan si Ka Alma, o si Ka Poli o si Ka Mon ang nagsasalita. Tapos sa dulo, binaliktad pa nya ang huling dalawang chapters para maging kakaiba siguro.

Doon ako hindi nagandahan. Habang nagbabasa, mahirap sundan ang istorya. Kinailangan ko pang basahin ulit ang 3 chapters sa unahan at ulitin din ang 3 chapters sa hulihan para lang maintindihan ng lubusan ang kuwento. Tapos, ang multiple narrations, palpak. Habang nagsisimula kang magbasa ng isang chapter huhulaan mo kung sino ang nagsasalita. Sayang ang oras. Mabuti sana kung distinct ang pananalita (voice) ng karakter. Hindi eh. Hindi pa consistent. Sa simula ng kuwento maraming Inggles ng mura motherfucker si Tony pero sa bundok, ang salita nya ay parang makata na parang ibang tao talaga. Sakit sa ulo.

Kailangan din i-proofread. Daming maling spelling. At kahit Tagalog na, mali pa ang grammar. Kaya siguro walang esculahan na ginagamit ang librong ito para required reading ng mga estudiante nila. Sa France, partikular sila sa tamang gamit ng lengguahe nila. Mas mahigpit ang gobyerno nila sa tamang gamit ng grammar kaysa sa sex at violence sa media. Kung nasa France si Wilwayco, banned ang librong ito.

Pareho pang durugista ang magkasintahan. Habang nakikibagbarilan, high sa dobbie o "marijuana". Pagdating sa dulo, kahit walang basbas ng samahan, nakuha pang patayin ni Ka Poli ang pusher. Bakit? Eh, matapos manaog sa bundok, durugista pa rin sya. Ito namang si Ka Alma, sa walang kadahilan, sinabi pa doon sa Nanay ng isang kasamahan na patay na ang anak nito na pinatay mismo ng samahan. Minura nga sya at pinalayas. Sa loob-loob ko. Buti nga sa kanya.

Walang moral lesson. Sakit sa ulo ang pagbasa. Nagustuhan ko lang ang intent ni Wilwayco. Hindi ito cheesy o korni kagaya ni Ricky Lee. O heavy family drama gaya ni Arceo. O luma dated at malalim mag-Tagalog gaya ni Francisco. Bago ang approach at maganda na sana.

Kaya minsan, bantulot akong bumili o magbasa ng Tagalog na nobela. Hindi ko masisi ang iba na nagsasabing walang magandang Tagalog. Ito na nga't Palanca-awardee na ito. Grand pa. Kaya lang, kung walang tatangkilik sa sariling atin, saan tayo patutungo?
30 reviews2 followers
October 2, 2018
Ewan ko sa ibang mga reviewer dito. Nalalabuan dito sa nobela, mahirap daw sundan, hassle daw lumikdaw-likdaw at magpabalik-balik ng basa, grammar nazi pa kahit balbal na Tagalog na nga, tapos naiimoralan pa. Pero pag tinignan mo mga shelves nila, favorite pa nila ang Finnegans Wake (notorious sa deconstruction at pagbarubal sa grammar, polyglot pa. Aba'y nasalang pa nga 'to sa fractal test ng mga scientist at scholar dahil sa pagka-hardcore inconsistent ng rhythm nito. Ginawa para jambulin ang utak mo.); Naked Lunch (Trangressive! Ilang bansa na nag-ban dito? Ilang korte na naglitis dahil sa kabastusan ng librong ito? Ilang utak na nilito't diniri nito? Ilang dyaryo at magasin ang pinagkuhanan ng mga teksto at pinagtagpi-tagpi para mabuo ang kuwentong wala naman talagang kabuuan simula't sapul na bigla na lang lumitaw bunga ng random collected subconscious data ng utak na hitik sa droga at karnal na fantasya); at mga iba pang librong eksperimental, Pomo at controversial.

Inintindi nyo ba lahat ng nabasa nyo? O baka pagdating lang sa akdang pinoy, nagiging sensitive na kritiko kayo?

Basta ako dalang-dala ako sa kuwento, oo nakalilito minsan, pero pinagpatuloy ko lang. Hinayaan ko ang mga rebolusyuryong tauhan at pangyayari na dumaloy at manuot sa utak ko. Epekto yun ng istilo ng naratibo, ng magaspang na prosa, kolokyal at balbal na pananalita at mga kaganapang swak sa ethos ng mga elementong tibak at politikal at bagabundo, pati ang mood ng bawat senaryo, ng atmosperang nais nitong ilarawan dahil nga ang kuwentong ito ay nangyayari talaga sa totoong buhay. Ipararanas sayo ang lagim at karumal-dumal na sinapit ng mga tauhan, kung ano ang lagay ng kanilang mentalidad habang nasa masalimuot na kalbaryo.

Kaya nga "Gerilya"

Sabi nga ni Sir Lumbera (Natl Artist for Lit), Sa pagbasa ng ganitong akda, hubarin mo ang kamalayan mo sa nakasanayang pagbabasa ng mga karaniwang kuwento, ang kumbensyonal na pamantayan ay isantabi muna, humanda kang magpatangay at hayaan mo lang na kuwentuhan ka ng manunulat na mistulang nagpapapakabaliw sa tingin mo.
Profile Image for Alexis Gutierrez.
2 reviews
September 4, 2014
Hindi ako p'wedeng magkamali na may isang eksena sa libro na nagmulto si Ka Rading. O baka naman, buhay talaga s'ya. O kaya naman, ginamit lang ang pangalan n'ya. Pero mas maganda na nagmulto lang talaga s'ya. Basta.
Profile Image for Rome.
9 reviews
August 1, 2022
"At naniniwala siya, sa isang rebolusyong matapat na isinusulong ng mamamayan, laging may papel ang sinumang handang yumakap sa mga prinsipyong pinaninindigan nito."

Maganda at maayos na naipakita ang fictional na buhay ng mga rebolusyonaryo sa pambansa demokratikong rebolusyon. Iba't ibang porma ng pag-iibigan hindi lamang ng magkasintahan (Ka Alma x Ka Poli) kundi ang relasyon ng mga rebolusyonaryo sa masa. 5 star and a must read novel.

Trigger Warning: Gore, Murder, Rape
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
May 20, 2012
WASAK!

Pangalawang obra ni Ka Norman. Pangalawang beses ng pagkawasak na naman. Akdang nagsasaad ng buhay NPA. Totoong kwento ng mga kasama natin na hanggang ngayon ay nasa kagubatan pa rin at ipinaglalaban ang mga ideolohiyang sa tingin nila ay tama. Isa nanamang kwento na punong puno ng karahasan, paghihiganti at paglaban sa bulok na sistema ng gobyerno. Isang pagmulat sa kaisipan , na hindi basta basta ang pinaglalaban nila na sa tingin naman ng nakakararami ay pagsasayang lamang ng buhay at panahon.

WASAK!

Sa totoo lang hindi ko masyado nagustuhan ang libro. Siguro dahil pilit kong ikinukumpara ito sa una nyang akda na Mondomanila . Masyado akong nahirapan sa pagtatahi tahi ng mga pangyayari, di tulad sa una na kahit magkakahiwalay ang mga tagpo ay agad ko namang napagdugtong dugtong ang mga ito. May mga kwento din na pinasuko muna ako bago ko malaman kung sino ang nagkukwento, minsan kasi si Ka Poli, minsan si Ka Alma at minsan narrator lang.

Napansin kong kumonti ang murahan ngunit dumami naman ang patayan kumpara sa una nyang akda, o nasanay na lang ako na makabasa ng mura kaya hindi ko na lang napansin yung iba. Medyo nakakatamad din ang mga kwento sa kalagitnaan pero binawi naman yun ng mga maiinit na eksena sa bandang dulo.

Di ko din lubos na maisip kung sequel ito nang una nyang libro o panibagong kwento lamang ng buhay ni Tony De Guzman ang aking nabasa. Nacurious tuloy ako, anu ba talaga ang tunay na katauhan ni Tony? Sino ba talaga si Tony?

WASAK!


Pagkatapos makipagbuno ng tatlong araw sa eBook, lalong tumindi ang hangarin ko na makabili ng kopya. Bawi na lang sa tatlong araw na pagtawa, pagkamangha, pagkainis, at pagkawasak. Oras na rin siguro para respondihan ang pangatlo nyang libro, na balita ko ay pinakanakakagunaw sa tatlo.

WASAK!


Profile Image for Gena.
147 reviews9 followers
February 25, 2013
Nakatutuwa ang aklat na ito sapagkat marami akong natutunan sa kung paano mamuhay ang mga NPA. Maganda ang pagkakasulat ni Norman Wilwayco hindi lang ng mga "action scenes" kundi pati na rin ng love story nina Alma at Poli, kahit iilang pangungusap lang ang nakalaan dito sa bawat kabanata. Nakakaaliw din ang papalit-palit na point of view na ginagamit ni Wilwayco. Babala lamang: kung hindi ka talaga nagbabasa ng maigi ay hindi mo maiintindihan ang kwentong ito. :)
Profile Image for Mary Rose.
10 reviews7 followers
March 12, 2013
The book was all about marxism and all that shit. The book shows harsh realities, like how the society is hanging by a thread and there are some few people who won't give up what they believe in, resorting to the dangerous ways to fight for it. Norman Wilwayco writes things as it is, with bad words and gruesome details. I think that is how a good writer should be.
Profile Image for Fernando Silva.
12 reviews1 follower
October 8, 2020
Mayaman o Mahirap? Mabuhay o Mamatay? Pula o Dilaw? Para sa sarili o Para sa bayan? Rebolusyon? Ano ang iyong ipinaglalaban? Hindi mahalaga kung tama ka o mali, sa bandang huli, lahat ay may kanya kanyang patutunguhan.
Profile Image for Melody.
6 reviews3 followers
April 21, 2011
I sobbed over this book. Repeatedly.
Profile Image for Jan Kashmir.
24 reviews2 followers
October 13, 2021
ang daming trigger warning pero tangina solid. punumpuno ng kontradiksyon. binabasag ang ideyalistikong pananaw, kung meron mang term haha gawa gawa ko lang to, tungkol sa rebolusyon---sa digmang bayan. ngayon lang ako hindi inantok sa pagbabasa, para 'kong nakainom ng ilang litrong kape, para 'kong sinampal, hindi ko maipaliwanag. kailangan ata ng mas mahabang oras para i-digest ang binasang nobela, kahit napakaikli lang. hayop, solid ka iwa. fsj, isaksak mo sa baga mo 'tong nobelang to at ang nobel prize na kailanman ay hindi mapapasaiyo. hahaha.

AND HERE COMES THE SPOILERS:

##
At kahit anomang pilit na iwaksi sa isip ang mga usapin, ayaw akong tantanan ng mga imahe ng mga makikinis na kabataang galing sa siyudad, alam lahat ng bagay, mahusay magsalita, malikhain sa mga pamamaraan ng pagpapaliwanag, kung paanong kinawiwilihan kami ng masa, at kinumpara ko ang imaheng ito sa grupo naman ng mga tulisang suweldado ng gobyerno, kung paanong mukhang kontrabida silang lahat, sa unang tingin di na puwedeng pagkatiwalaan, at sinubukan kong itabi ang mga tulisang sundalo sa kadreng gerilya na malinis ang gupit, ahit ang bigote't balbas, alaga't mabango ang hininga, malinis kahit luma ang suot, ang matikas na porma dala pangunahin ng higpit ng paniniwala sa mga adhikaing isinusulong.
At wala akong makitang anomang punto para ikumpara ang dalawa dahil malinaw pa sa pelikulang Pilipino na dito sa kanayunan, mukhang bida ang mga NPA at mukhang kontrabida ang AFP. Dito sa kanayunan, pogi ang kodang tawag ng masa sa mga kasama at pangit naman ang sa mga sundalong bandido.
##

. . .Naisip kong siguro, gusto ito ni Ka Edgar, ang walang makakakita sa kanya. Bigla kong naisip kung ano kaya ang iniisip niya sa mga huling sandali, habang nakikita niyang iniinom ng lupa ang mapula't rebolusyonaryo niyang dugo.
Namatay kaya siyang rebolusyonaryo sa isip?
##

'Di talaga maalis ang alinlangan. Sobrang hirap bigyang katwiran ang isang bagay na alam niyang gusto niya. Isa na namang tanong na kailangang resolbahin sa sarili. At alam niya, kahit naroon na siya, tuloy pa rin ang pagsibol ng pag-aalinlangan. Pero alam niyang natural lang iyon, at dapat lang.

Dahil hindi piknik ang digmaan.

At saan ba mainam magresolba? Magbura ng mga agam-agam sa isip, magbalangkas ng mga perspektiba't mga plano. May iba pa ba?

At naniniwala sya, sa isang rebolusyong matapat na isinusulong ng mamamayan, laging may papel ang sinomang handang yumakap sa mga prinsipyong pinaninindigan nito. Totoo, maraming pagkakamali ang kilusan, pero walang tigil din naman itong nagwawasto. Sa lahat ng organisasyon sa buong bansa, o maging sa buong mundo, ang kilusang kilala niya ang may pinakamatapat at determinadong mga patakaran at disiplana sa malimit na pagpuna sa sariling pagkakamali't walang katapusang pagwawasto ng mga ito.
##

-Gusto ko nang mag lie-low.
-Ako din. Sagot ko.
Napansin ko ang pagkabigla niya.
Pero ang problema, ako man pagod na rin. Ako man, nalilito at bagsak ang moral.
Nadarama ko na ang hapdi ng mga sugat ko sa paang nakulob sa init ng luma kong sapatos na de goma.
##
Profile Image for pork avenida.
3 reviews
July 29, 2025
hindi ko maintindihan nung una kasi paiba iba ng pov. minsan first person, minsan second person. narealize ko rin naman later on na nagpapalitan pala ng narration si ka poli at ka alma bawat kabanata. may ilang punto lang na hindi ko nagustuhan yung episodic flashback na approach sa pagsasalaysay pero naitawid ko pa rin naman kahit papaano.

palagay ko naconfront ng librong ito ang aggressive propaganda campaign ng state, through institutions like ntf-elcac. pinapasinunghalingan nito ‘yung mga claims na ang NPA ay may “terrorist” political morality.

naiintindihan ko yung mga argumentong totoo namang the movement is not without its errors at ang mahalaga ay nagwawasto. pero hindi rin natin masisisi ang mga kagaya ni ka alma na nag “lie-low” dahil sa mga naranasan niya sa kilusan. sa totoong buhay, ito ‘yung hirap pang intindihin ng ilang kasama, particularly sa ys. yung iba ay nababansagang “lumilihis” kapag hindi na nakakaparticipate sa mga political works. nakakalimutan na ata natin na while we are in an urgent political task at kailangan nating puspusang makibaka, we are still people that has limits. mga taong may kapaguran. kaya naman nakakahanga pa rin na pinilia ni Ala na sumulong pa rin pagkatapos ng lahat. pero sana sa hanay ng mga nagtataguyod ng pambansang demokrating kilusan, nawa ay seryosohin talaga natin ang pagreremold.
Profile Image for Colleen Garcia.
10 reviews31 followers
September 29, 2018
Pinabasa sa amin itong libro sa isa sa mga klase namin sa Literatura - limang kabanata lang ang pinabasa, pero hindi ko maaalis ang pagkasabik na mabasa ang nobela ng buo.

At noong binasa ko ng buo - namangha ako sa ganda nito. Napakaganda. Hinding - hindi ko makakalimutan ang aking mga nabasa, ang mga eksenang nakita ko sa aking isipan - mga karanasan ng mga karakter, ang kanilang mga buhay na inalay nila sa masa.

Pinakita ni Wilwayco ang pagkatao ng mga karakter na lumaban at patuloy na lumalaban. Nasa loob o labas man sila ng kilusan, sila'y tao rin. Nagkakamali, napapagod, napanghihinaan ng loob, at umiibig.

Napakaganda. Solid. Hindi ko maibaba ang libro - halos dalawang araw lang ako nagbasa. Hindi ako matigil.
Profile Image for Hime.
10 reviews
August 15, 2022
This was a good book. An eye opener for me, I guess. This book made me remember and taught me to appreciate more the history of the country. The people who fought for the freedom of our country way back and for the people who are currently fighting to change the ways that the government is doing that people condemn as unjust and cruel. This was really good. I may change my rating later when I read this because I may have read this too fast.
14 reviews
November 5, 2024
There’s a punk-rock feel to the book. It's got rebellious vibes mixed with vulnerability. Gerilya is a gritty novel about a young man caught between survival and resistance is raw, intense, and unapologetically real. Wilwayco’s prose has a frenetic energy, diving headfirst into the harsh realities of Manila. The pacing is relentless, heavy as poverty, and teases the allure of breaking free. This novel doesn’t pull punches. Not for the faint-hearted.
Profile Image for Aaron.
126 reviews1 follower
March 17, 2025
Taas-baba ang opinyon ko sa librong ‘to kasi pabugso-bugso rin ang pagbabasa ko. May mga araw na magbabasa ako ng 40 pages nang isang upuan tapos iiwanan ko nang ilang linggo.

Nagustuhan ko pa rin kahit papaano. Masalimuot ang pagsasalaysay ng mga pangyayari pero sa tingin ko sadya ‘yon ni Wilwayco. Minsan nawawala na ko sa mga nangyayari pero tuloy pa rin ang pagbabasa. Nakakabalik pa rin naman.

Walang-paumanhing kinuwento ni Wilwayco ang ligalig na buhay ng isang rebolusyonaryo. Hindi siya nagtitipid sa salita. Kung ano ang mga kailangan para sabihin ang nangyayari ay ‘yon na ‘yon.

Totoo nga ang sabi sa ibang rebyu. Bago mo basahin ‘tong nobela ni Wilwayco, kalimutan mo muna ang lahat ng alam mo sa pagbabasa ng nobela.



(maligayang pandaigdigang buwan ng kababaihan!!)
Profile Image for borg.
11 reviews
February 9, 2024
Paborito kong sinulat ni Iwa. Hindi sapat ang salita para idescribe to.
Profile Image for Mary .
56 reviews6 followers
December 15, 2020
Sa panimulang sipi pa lamang mula kay Mao Zedong, "Hindi piknik ang rebolusyon", alam kong hindi joke itong pinasok ko. Bukod sa mga mismong ganap ng nobela, inaabangan ko rin talaga ang mga sipi sa simula ng bawat kabanata. Napakagagandaaaaa.

Aaminin ko, hindi pa gaanong kalawak ang kaalaman ko pagdating sa Filipino lit. Iilang libro pa lamang ang nababasa ko (Santiago, Ong, Suarez, Fsj, Villa, atbp.) at kadalasan maikling kwento at sanaysay gawa ng Filipino writers ang pinupuntirya ko dahil mabilis silang "nguyain". Mula sa mga ito ako kumuha ng basehan para suriin ang Gerilya.

Gumamit si Wilwayco ng mga kakaibang istilo gaya ng line repetition, multiple POVs, flashback, intended slangs, atbp. Medyo naguluhan ako noong simula dahil nasanay ako sa simplistikong paglalahad ng balangkas mula sa isang karakter, pero dito, tila ba mula sa iba't- ibang tao nagmumula ang naratibo. Yun pala e, mula nga sa iba't- ibang tao ang naratibo. Odiba anggulo ko? Basta ayun, kung hindi mo pa ito nababasa, babala ko lang, huwag mong gawing literal lahat ng bagay. Hindi ko naman ito kinainis, baliktad pa nga yata. Natuwa ako dahil bagamat medyo tricky, nagawa pa ring ipaintindi ng manunulat ang kanyang obra ng hindi pinagmumukhang mababa ang comprehension ng mambabasa. Hindi naman trabaho ng manunulat na ibigay lahat sa mambabasa.

Para naman sa multiple pov, maayos naman ang narration. Halos iisang tao si Ka Poli at Ka Alma (mga pangunahing karakter) kung mag-isip o magsalita. Hindi ko alam kung sinadya ba ito (dahil pareho naman silang may pinag-aralan at may pinaglalaban) o kinapos lang ng pagtatangi ang manunulat. Kung ano pa man, wala namang kaso sa akin. Natuwa rin ako sa kagaspangan ng pananalita ng mga karakter. Naalala ko, tuwing napapamura si Ka Poli, napapahagalpak ako sa tawa. Ramdam ko yung galit, inis, saya, at iba pa. Hindi lang dahil sa nakakatawa pero dahil pinakita nito ang realidad ng buhay, na minsan talaga, mapapamura ka na lang.

Hindi ko itatangging hindi ako nangamba na basahin ang mga naratibo ng "Huks". Mabigat ang usaping ito pero hindi na rin bago sa akin (at alam kong sa jba rin) ang isinusulong nilang porma ng pakikibaka- pambansa demokrstikong rebolusyon. Ipinakita rin ng librong ito ang idolohiya at praktikang binibigyang katwiran ng mga "pulang mandirigma". Gaya ng lahat ng bagay, hindi ito perpekto. Hal; pinakita na maging ang uring-magsasaka ay naka-komporme sa patriyarkal na pamayanan. Sa harap ng lahat ng pakikibaka, walang ibang bayani, hindi si Rizal at ang tropa nya, hindi ang Huks, mas lalong hindi ang gobyerno, kundi ang masa.

Nagbasa ako ng ilang reviews tungkol dito at hindi ko maintindihan ang ilang nagsasabi na napakahirap daw intindihin ng nobelang ito. Ang akin lang, chill lang tayo. Sa dinami-dami ng kwestyunableng spelling at grammar dito (mapa-Tagalog o English), wala akong reklamo dahil naniniwala akong parte ito ng kanyang istilo. Naratibo ito ng totoong buhay kaya hindi ko kailangan ng proofreader at mas lalong hindi ko kailangan ng makatang hilaw. Para sa librong ito na tungkol sa ninanais na rebolusyon, mas wasak, mas masalimuot, mas maganda.

4.7
Profile Image for Ivan Labayne.
376 reviews21 followers
April 3, 2024
https://nordis.net/2024/03/31/article...

From Norman Wilwayco’s Gerilya, ilang araw naghintay sa safe house sila Ka Poli bago pumasok sa sona, naghihintay ng sundo nila. Sa wakas, after three days, dumating din ang kuryer, sinalba sila mula sa matinding pagkaburyong, pagkainip, at nagbabadyang pananaig ng kaba, hinatid sila somewhere sa Bulacan, “parang wala kami sa Pilipinas. Ibang-iba ang eksenang ito sa eksenang nakasanayan ko sa Maynila.” Naglakad na sila papasok, “habang daan, ninamnam ko ang bawat lubak, bawat lusong at ahon, habang naka-maximize ang mga butas ng ilong ko sa paglanghap ng malamig at mabangong hangin. Tapos iniisip ko, ito na iyon, ito na iyong matagal ko nang ipinaglalaban doon sa baba. Ito na iyong araw-araw naming nile-lecture sa mga tibak sa school” (nasa page 25).

“Doon sa baba,” may pinaglalaban silang malupit, masidhi, hindi matatawaran. Kulminasyon noon ang “pagsampa” nila, palabas ng Maynila, pakikilahok sa digma, digmang kinukubli ng mga maugong na naratibo tungkol sa “bansa.”
1 review1 follower
April 21, 2011
I sobbed over this book. Repeatedly.
Displaying 1 - 30 of 32 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.