Jump to ratings and reviews
Rate this book

Dreamland Trilogy #2

Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa

Rate this book
Agad na kinontak ni Reynold ‘‘Rey’’ Ventura, isang hardware owner, ang mga kaibigan ng anak niyang si Alison, isang gabing hindi ito umuwi. Pero lahat sila, walang ideya kung saan ito naroon.

Mula sa isang unsent message ng anak sa Facebook Messenger, sisimulang pagtagpi-tagpiin ni Rey ang mga pangyayari. Sa tulong ng matalik na kaibigang si Benjo, isang ‘‘BPO Yakuza’’ kung tagurian, tutuntunin nila ang kinaroroonan ni Alison. Sa biyaheng ito, matutuklasan nila ang tunay na silbi ng martilyo.


"Hindi na kailangan pang purihin si Ronaldo Vivo, Jr. para sa Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa. Kung nais magagap ang saklaw ng kanyang husay magkuwento—mula sa umaatikabong pacing at makatotohanang dialogue, hanggang sa malapot na paglalarawan ng lugar at sa maagap na paglalatag ng karakterisasyon—higit na epektibong basahin ang mismong akda kaysa ang pasakalye ng iba tungkol dito."
- Angelo V. Suarez

228 pages, Paperback

First published June 1, 2021

42 people are currently reading
1087 people want to read

About the author

Ronaldo S. Vivo Jr.

2 books36 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
551 (71%)
4 stars
189 (24%)
3 stars
23 (2%)
2 stars
5 (<1%)
1 star
4 (<1%)
Displaying 1 - 30 of 211 reviews
Profile Image for Neil Franz.
1,094 reviews852 followers
August 18, 2024
2nd read: August 18, 2024

Bangin pa rin talaga. Lakas!

-----------------------------------------

Parang mas sumakit ang tiyan ko sa Kapangyarihan kesa sa Bangin. Pero mas nalungkot at nangamba ako sa librong ito. Iba talaga ang dalang anxiety ng pag-aalala. Nakakatakot. Nakakapraning. Masikip sa dibdib.

Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa ay isang matapang na pagsasanobela ng mga totoong nangyayari sa lipunan. Mula sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak hanggang sa pambababoy at panggagago ng mga nasa awtoridad sa mga tao. Nandito lahat nang hinahanap mo.

Gaya ng Kapangyarihan, ang Bangin ay compelling, engaging. Nakakahimok. Hindi mo talaga titigilan hanggang hindi mo natatapos. Bibitinin ka sa bawat pagtatapos ng chapter pero malalaman mo rin naman ang sagot sa susunod na chapter. Minsan direct, minsan may kaunting paligoy-ligoy.

Ang galing rin kasing magkwento ni Vivo. Ala Coben for me pagdating sa paghabi ng mga important points at ganap ng nobela sa huli. And it all makes sense plot-wise and character-wise. Solid!

Marami kang mararamdaman sa librong ito: saya, lungkot, pagaalala, etc. at galit lalo na ang GALIT kaya ihanda ang sarili kung sakaling babasahin mo s'ya.

P. S. Marami pa sana akong gustong sabihin pero hindi ko na maisatitik. Basta maganda yung libro. Tapos!
Profile Image for Gerald The Bookworm.
231 reviews440 followers
November 21, 2023
May vibe ng pelikulang buy bust pero mas may puso, may humor, at pait ng realidad.

Kapag sinabing crime thriller tagalog book, itong ganitong libro ang tinutukoy ko. Ganitong libro ang hinahanap ko!

Walang preno at kung anumang pagpipigil sa mga gamit ng salita, sa pagpapakita ng katotohanan, sa pagbibigay sa akin ng mga kaganapang magpapabaligtad ng sikmura pero swak na swak sa kinakailangang emosyon ng eksena.

Ang solid ng storytelling!
Ang galing ng mga tauhan, hulmado at hindi nagkulang. Parang mga taong makaka-encounter mo sa totoong buhay.
Para akong nanonood ng pelikula habang nagbabasa. Gagsti, ang saya!

Namahalan ako sa 485 pesos na pangatlong libro ni Sir Ronaldo Vivo Jr. nung una, pero pagkatapos ko 'tong basahin, nagmessage na agad ako sa Ungaz Press para umorder... kailangan ko ang mga istorya niya.
Profile Image for Maria Ella.
561 reviews102 followers
May 24, 2024
"Anong rank mo?"
"Mythic na. Hindi nga lang makalampas sa 25 stars. Laging akyat-baba sa RG."
"Aahhh."


Tatanong-tanong tapos hindi ako isasali sa rank gaming. Qiqil.

Hanabi main ako sa ML. Marksman ang pabebe role ko kapag nase-stress ako sa trabaho at gusto kong mantrashtalk. Ginagawa kong outlet ng galit ang ML. May mga araw na kahit antok na antok na ako ay iga-grind ko pa rin ito, kahit ang mga battle points naman dito ay hindi kayang maipalit as crypto. Also, bawal rin ang sugal sa mga katulad naming banker. Baka masisante ako sa trabaho.

Mula noong pandemic lockdown, nakahiligan ko na ang abugbog berna at ganking ng ML to the point na lahat ng galit ko — mula sa trabaho, sa binabasa kong libro, sa sitwasyon ng mundo — iminumura ko sa mga bonak kong kalaro. Madalas, wala akong kasamang tank na makikisayaw sa rambol, o magti-TP man lang para mang-istir, o iikot at dadalaw sa lane ko habang nang-iipon ako ng pambili ng item para mas lalong lumakas. Lalo akong nagaglit kapag sunud-sunod ang lose streak. Kapag limang sunud-sunod, nakakagago. Mas masarap magmura. Mas masarap sabunutan ang kalarong hindi mo makikita kahit surang-sura ka na. Hanggang sa ang galit na iyon ang magpapaapoy para ituloy ang laro, at hindi ko namamalayang ninanakawan na ako ng oras ng pagtulog.

Ganitong level ng galit ang naramdaman ko habang binabasa ko ang nobela ni Bhosz Vivo mamen. Nakakagagong isinasampal sa akin na mula noong mamulat ako sa Mabangis na Lungsod ni manong Efren Abueg ay hindi pa rin nagbabago ang bulok na ugali ng mga pulis. Kung sinong dapat ang tutulong sa iyo... naku, kapag napagtrip-an ka, silang mismo ang papaslang sa iyo. Ang daming poot habang binabasa ko ang bawat galaw nito nina Rey at Benjo. Ride or die talaga ang overdrive adventure nila. Feeling ko hindi Hanabibi ang peg nito ni Rey, mas fighter siya katulad ni Aulus. Tangan-tangan ang pambihirang martilyo, nilibot niya ang mala-jungle na kamaynilaan, matunton laman ang tunay na lokasyon ng nawawalang anak na si Alison. Tapos, tank partner niya si Benjo, Belerick lang na may vengeance na battle spell. Para kapag sinaktan ang beshie, mas malakas ang kanyang ulti. Buma-bounce-back sa kalaban ang tinitira, at siguradong KS na ni Aulus. Este, ni Rey pala.

Mas damang-dama ko ang sensibilidad ng akda, kasi napuntahan ko na ang ibang mga nabanggit na lugar sa nobela: ang Brgy. Sta. Rosario na isang ilog lang ang pagitan sa Comembo, ang Overlooking view sa Antipolo, ang Mandaluyong Maysilo kung saan naroon ang mga nag-e-ML na pulis, ang Simbahan ng Pateros, at ang mapulang ilaw at mapanghing chongki-an ng Poblacion. Speaking of chongki, naisip ko na ring minsan na umupo sa gedli at sumindi ng doobie, tas kahit ang sangsang ng boga mo eh parang nagkakaroon ka ng powers tapos mapapakanta na lang ng mahiwaga, mahiwa-marijuana shotgun shotgun ganja ganja buddha buddha. Parang siguro ang sarap din maging hipster pusher na hakdog na ganda lang ang puhunan sa gimikan, tapos may sanlibo ka nang maisusuksok sa bra.

Pero feeling ko, hindi layunin ng mga akdang tulad ni Bhosz Vivo mamen ang mainggit ka sa pagiging out-of-touch na mga nilalang na katulad ni Katrina. Mas gusto niyang hamigin ang iyong konsensya sa pagpapakilala niya sa mga katulad ni Manang Belen na walang alam kundi pumalahaw ng luha at magsumbong sa kalangitan para sa hustisya ng pinaslang niyang anak, at ginawang sisidlan ng bato. Putangamang eksena yun, hindi ko na mawala sa puso ang guilt-trip malala. Rekta sa konsensya. Sa tuwing nababasa ko ang mga ganung eksena, naalala ko yung pabalang kong sagot kay Manong FSJ kung bakit ko binoto si Duterte. Sumalangit nawa ang perennial wisher ng Nobel Lauriat kineso, pero mas nahihindik ako nang marinig muli ang distant echo ng aking edgy hipster voice:

"Binoto ko sya kasi gusto kong makita ang Pinas ay nasusunog. Para Lalo tayong magalit, at sana, dito tayo magsimulang kumilos. Dala ang galit, mas kilala na natin ang malaking kalaban."


Huli ko nang ma-realize na hindi lang isang buktot na Doturtle ang big boss. Dadaan pala tayo sa isang masalimuot na makinarya ng facebook playbook at troll farms at mind-conditioning ng kapwa pinoy, at makakasalubong natin sa social media ang mga kalamnan at diwa ni Monching na DDS forever hanggang mategi.

Inangyan, andaming bonak sa lipunan. Hindi lang sila sa ML makikita talaga. At ayoko sanang maging ganun ka. Sana, kapag makaipon-ipon ka ng kaunting pera, bilhin mo itong nobela. Umupo ka sa gedli, pagnilayan ang ika-15 kabanata:

"Kinokoronahan ang demonyo sa panahong ito at alam nilang nasa panig nila ang marami. Kapangyarihan, impluwensya, simpatya. Lunod na lunod sa saya, lasing na lasing sa ligaya. Dugo't luha ang langis ng giyerang minamakina."


Tangan ang galit, magsimulang magbitbit ng martilyo. Bilang kolektibo, mag-rank-up tayo.
Profile Image for Tobit.
16 reviews7 followers
June 22, 2021
Hindi review pero sa t'wing napapakinggan ko ang kantang Alison ng Slowdive, itong libro na ang naaalala ko, at di mapigilang maging emosyonal. Isa sa mga nagustuhan kong nabasa ngayong buwan.

Kamatayan sa buong hanay ng pulisya!
Kamatayan sa mga pasista!
Mabuhay ang Dreamland!
Profile Image for Spens (Sphynx Reads).
758 reviews39 followers
April 14, 2025
Actual rating: 4.5

I totally get the hype now. Despite my limited reading comprehension of Vivo's Tagalog, I was floored by how excellent this book was. The way the storylines were interwoven with one another, the way the mystery unfolded, the gritty writing style, the vivid world-building, and on top of that, the biting social commentary that Sir Nal is unapologetic about, this was quite simply a masterpiece! Leaps and bounds better than the first book to be sure. It's harrowing and sinister without feeling like trauma porn, and it leaves you with a feeling of melancholy and unsettlement that will stay with you for a while. This should not only be studied in high school, this should be adapted into a film by a respected filmmaker!
Profile Image for Z666.
78 reviews26 followers
October 28, 2021
Ito marahil ang esensya ng panitikang transgresibo ng kasalukuyang panahon: lampasan ang payak at kagyat na “pagkagulat” at ituon (mang-antagonisa) ang dumi ng dahas at dahas ng dumi sa mga totoong taong nagkumadrona sa pagluwal ng nakasusulasok na karumiha’t karahasang ating nararanasan at natutunghayan sa araw-araw. May dahilan kung bakit patuloy na lumilikha ang panahon ng mga Adong (Mabangis na Lungsod), Julio Madiaga (Sa Kuko ng Liwanag), Dodong (Ang Kapangyarihang Higit sa ating Lahat), at ngayo’y si Rey; ang mga piksyunal na tauhang ito’y testamento sa katotohanan na sumasagpang-sakmal sa marumi’t marahas na kondisyong panlipunan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng isang anakpawis, maralita, at ordinaryong Pilipino. Ang nobelang ito’y isa sa maraming testamento sa katotohanan ng ating panahon: matapang na pinandidilatan ang abismo, matapang na tumitindig sa gilid ng bangin sa ilalim ng ating mga paa, himihimok na huwag malubog sa pagkabahala bagkus ay pumulot ng martilyo, humawak ng sandata.
Profile Image for Led.
191 reviews90 followers
January 4, 2025
Sa rahás at saklap ng buhay Pilipinong matutunghayan dito, mapapasadahan mong talaga ‘tong Bangin ni Vivo. Kung susuungin ng tagalabas itong kwento sa unang pagkakataon, mainam na batid niya na may tema itong pagpatay, kalupitan sa tao at maging sa hayop, bulgar na mga pananalita, substance abuse, at sexual assault.

Tinumbok ni Vivo rito ang mumunti hanggang malalaking uri ng kabuktutang walang habas at walang konsensyang ginagawa higit ng mga may kapangyarihan—at lalagapak lamang sa sinumang walang-muwang ni laban. Hetong isang akdang kasalukuyan: hindi nagpapahapyaw lang kundi bumabatikos nang tuwiran.

Putanginang mundo ‘to, me sa-demonyo. p.105

Sa una ma’y sumagi sa 'kin na ang napipintong hanapan ng mag-ama ay para bang plot ng isang kilalang pelikulang Kanô, paglaon ay matatantong may iba at sarili ‘tong gana at paroroonan. Gamit ang karaniwan at palasak na salitaan sa pagitan ng mga tambutsong sina Rey at Benjo, may dagán mang mabigat ang mga pangyayari nakahahanap pa rin ang kanilang salitaan ng gaan. Nakikinita kong matingkad kagaya ng mabisang mga paglalarawan at lansí sa pagkukwento ni Vivo na aangkop ‘tong maisapalabas. Bihira man ang ganitong tema sa lokal na nobela, may precedent na ang noir crime lalo sa local independent cinema.

Iniwang mariin sa akin nito ang tungkol sa moralidad ng tao. Ang lantay na kabutihan o kabuktutan ay hindi umiiral; lahat ay may layers ng pareho. Nangangasangkapan o nakakasangkapan ang Pilipino lalo’t nabubuhay tayo sa lipunang ubod-pilipit ang sisté. Ang pait ng pagkakabitiw ni Vivo nito:

[M]inangmang na ‘ata [sila] ng pagiging mabuti […]Sa palagay niya, sa paglaban nang patas, sa pagiging mabuti sa kapwa ay parang kinain na siya nang buhay ng mga naglipanang demonyo sa maliit na mundong ginagalawan nila. Ang akala nila, sa paggawa ng mabuti, may sukling kabutihan din ang Panginoon. Ngunit hindi ang Panginoon sa langit ang nagdidikta ng kapalaran ng mga taong-estero sa lupa kundi ang mas malalakas, batak ang konsensya at hindi kumikilala ng pagdurusa ng kapwa.’ p.80

Rating: 4.5/5

Hetong ilan pang nakakaburat na katotohanan ng

Namamasahero,


Isang mag-aaral,


May kailangang asikasuhin sa LTO,


Dapat manananggol pero silang pangunahing tiwali,


Isang larawan ng pipitsuging pamahalaan,


______
Anong sa palagay mo? Tara, pagkwentuhan natin.
Profile Image for Don Jaucian.
139 reviews48 followers
December 20, 2021
May konting hesitations pa ako sa librong to, na siguro mas dapat kong pag isipan — yung portrayal ng mga babaeng characters na medyo may pagka-acessory sa plot, yung almost incidental treatment ng queerness. Pero di ko maikakaila na na-enthrall ako ng Bangin. Medyo mas muted ang pagka-macho ng transgressiveness compared to Vivo’s earlier novel (na hindi ko tinapos). Maganda yung ride-or-die na relationship ni Rey at Benjo, pati na din ang pagka-propulsive na pag salansan ng plot at ang pagka-salisaliwang treatment ng mga pangyayari for it to all make sense in the end. Husay.

Madami akong linya na in-underline kasi kahit napaka-brutal ng nobela, andyan pa din yung mga linyang di mo malilimutan, lalo na yung pag-describe ng kahayupan sa mundo na iniikutan nila Rey at Benjo, na mundong ginagalawan din natin.
Profile Image for Jahnie.
318 reviews33 followers
August 14, 2024
A well-written and well-executed crime thriller set in the Philippines. Ika nga nila ang mga kathang-isip na kuwento o nobela ay maaaring sumasalamin din sa totoong buhay.
Hindi dapat maliitin ang mga kayang gawin ng isang amang ang nais lang ay masagip ang kanyang anak. Mahirap bitawan ang librong ito. Ang galing ng pagkakasulat dahil mararamdaman mong kasama ka ni Rey sa kanyang pagkahibang at pagkabahala. Gaya nya, gusto mo lang din malaman ang sagot sa iyong mga katanungan, di alintana kung sa anumang paraan. Tila napakadali at wala ng pagdadalawang-isip sa kung anumang paraan ng dahas.
Iba ang tandem ng Itik at ng Bayawak. O siya, sindi na ng isang Marlboro pula.
Profile Image for Marc Valmeo.
1 review22 followers
July 1, 2021
Sakto, pagkaligo ko, siyang dating ng runner ng libro. Sinimulan kong basahin ng 2:30, natapos ko ng alas-siyete.

Digs ko lahat mula sa pagdampot ng basag na tiles, t-shirt ni Benjo, pula't kape, Kagatan ng Juan Dela Cruz Band, at martilyo siyempre.

Buhay pa kina Rey at Benjo at Ato sina Impeng Negro, Marcos (Walang Panginoon), Mando (dugo ni Juan Lazaro) Lino (Inuuod na Bisig..), Adong (Mabangis na Lungsod) at marami pang mga tauhang hindi na itinuturo sa panitikan ng hayskul.

Kumpano ko ikinuwento si Tony de Guzman sa mga estudyante ko, ganoon ko rin ikukuwento sina Rey at Benjo.

Wala na sa wika ng mga teksbuk ang wika ng mga Looban, lansangan at kalsada. Ang lenggwahe ng mga kabwisitan ng sistema at totoong buhay ay nasa mga Bangin sa Ilalim ng ating mga Paa.

Ito ang panitikan, lenggwahe, kwento at buhay ng mga sawa nang makipag-usap nang matino.
2 reviews
August 29, 2021
Hoyyy this book!!!
Kung may Dekada 70 ni Lualhati Bautista noong rehimeng Marcos, itong libro na to ang nagdokumento ng mga pangyayari sa rehimeng Duterte, war on drugs, police brutality, rape, mga durugista at pusher mula sa mga nasa itaas hanggang sa pinakamababang antas ng lipunan, fake news, EJK, kawalang hustisya, at kung ano ano pang kaganapan sa loob ng kalahating dekada. Napakatapang at angas ng librong ito. This is not for the faint of heart. Napakatalino ng awtor. Some mindfuckery sh*t right here.
This is historical literature in every sense of the word.
Profile Image for Rick Quiambao.
104 reviews1 follower
February 1, 2024
Hanggang ngayon, pinagpapaliban ko ang pagbabasa sa “Some People Need Killing” ni P. Evangelista. Sabi ko, “it’s too close to home”. Hindi ko alam, itong libro palang ito ang magsisilbing prelude ko sa tinatakasan kong basahin at alamin.
Police corruption, violence, abuse of power; lahat na ata ng ayaw ko na topic ay binanggit sa librong ito. Isang paalala sa akin na hindi dahil hindi nangyayari sa kapaligiran ko, at least sa immediate circle ko, ay hindi nangyayari sa ibang tao. Siguro, may mga butas ang kuwento sa librong ito. Pero ang pagsalamin niya sa kabuktutan ng mga nasa posisyon sa gobyernong ito ay totoong totoo.
Profile Image for Darwin Medallada.
34 reviews2 followers
June 23, 2021
Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa ni Ronaldo Vivo Jr.

Alas dose ng tanghali ko sinimulan basahin ang kuwento, at hindi ko na siya nilubayan kahit pa simula na ng shift ko. Nagpapahinga lang yata ako kapag kailangang kumain at tingnan ang oras.

- + - + -

Tungkol sa amang si Rey ang nobela, na nang hindi umuwi ang kaisa-isang anak na babaeng si Alison isang gabi ay sinimulan niya ang paghahanap sa tulong ng kaibigan niyang si Benjo.

Magaling magtahi-tahi at mambitin ng mga eksena si Vivo (pakiramdam ko namaster niya na ito sa una niyang nobela na Ang Kapangyarihan sa Ating Lahat) kaya naman kahit gusto mo nang matulog, pumikit, magkamot ng pwet e hindi mo magawa dahil may kuwento kang kailangang sundan at may mga karakter kang kailangang alalahanin kung ano ang mga susunod nilang maaaring gawin.

Sa kaso ko, si Alison ang pinakainaalala kong karakter sa nobela, anak ni Rey. Habang lumalayo ako sa pagbabasa, panay ang dasal ko na sana ligtas lang iyong bata pero sa kamay ng mga bastardong mga tao at pulis (dahil hayop ang mga pulis sa nobela) ano ang laban ng isang babaeng kolehiyala?

Ang isa pa sa gusto ko sa nobela, hindi mabigat ang language niya. Kaya siguro ganoon ko rin siya kabilis na natapos kahit ilang beses akong inuulol ng takot at pangamba para sa mga karakter na sila Rey, Benjo at Ali.

Solid na solid din ang pagkakaibigan ni Rey at Benjo. Talagang kakapitan mo ang karakter nila hanggang sa huli. Parehong may mga sugat pero kay Benjo ang mas mabigat (iniuwi ang ulo ng kaniyang tatay isang araw). Kay Rey naman, hindi ko masyadong maalala kung may sugat ba siya bukod sa maagang pagkamatay ng asawa (hindi masyadong napasadahan ang kabataan niya) pero may sugat siyang dala mula sa elementary days ng kaniyang anak na si Alison.

Saka alam na alam na rin ni Ronaldo Vivo ang lengguwahe ng mga taga-looban. Magandang na-explore niya ang inggitan sa pagitan ng dalawang taong nagbebenta ng mga almusal sa umaga (spaghetti, pancit, sopas, at lugaw, hot cake) at totoo rin namang nangyayari ang ganito. Pati iyong pagtatanim ng sama ng loob sa kapwa.

Sa bandang huli, isa ito sa mga nobelang irerekomenda ko sa mga kakilalang nagsusulat ng transgressive fiction at mahilig magbasa ng ganitong genre. 'Wag ka mag-alala dahil walang eksena rito kung saan kailangang kumain ng tubol ng tauhan (basahin ang Kapangyarihan Higit sa Ating Lahat).

Mas nag-mature na si Vivo rito, mas may katarungan na ang kilos ng mga tauhan.

Sa kabuuhan ng nobela, ipinapamukha nito na ACAB. ALL COPS ARE BASTARDS. ALL COPS ARE BABOY. Na kapag maliit ka at wala kang pangalan sa lipunan, ipis ka lamang nilang tinitignan.

Maraming katarantaduhan ng pulis ang mababasa dito sa nobela kabilang na ang tokhang pati ang insurance scam.

Nakakagalit ang nobela kaya bawal sa mga highblood.

- + - +

Isa pa palang puna, bakit hindi masyadong ikinwento ang nangyari kay Monching. Kupal na kupal ako sa karakter nito (DDS siya at pinaparatangang pusher ang batang kapitbahay na tinokhang).

Si Ato, maganda rin ang pagkakabuo ng karakter. Totoong may mga ganito, nananatiling mabuti kahit sobra-sobrang trahedya ang nangyari sa buhay.

- + - +

Kung magkakaanak man ako ng babae, at magkaroon ng lakas ng loob na gaya ng kay Rey, malamang marami ding makakatikim ng hambalos ng martilyo sa akin.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Michael De Jesus.
3 reviews3 followers
July 4, 2021
Hindi ako marunong mag-review ng mga libro, pero grabe itong libro na 'to. Ito na ata ang pinakanagustuhan ko na nabasa ngayon 2021. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko bawat lipat ko ng pahina, masaya, nakakatawa, malungkot at higit sa lahat, galit. Tila hawak ko ang martilyo ni Rey, na lalong humihigpit ang pagkakahawak bawat katarantaduhan, kahayupan, kahalayan at kababuyan ng mga pulis at gobyerno. Ang galing magkwento ni Sir Ronaldo, saludo ako, ngayon lang ako nakapagbasa ng ganitong libro na ang ganda ng daloy. Parang gusto ko tuloy sumindi ng pula mamaya.

"Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, tatawanan tayo ng demonyo. May araw na magtatanggal tayo ng maskara, at malalaman nila kung ano'ng itsura ng tunay na demonyo"

ALL COPS ARE BASTARD.
Profile Image for Justine from Novels and Panda.
537 reviews236 followers
September 27, 2024
Grabe, sagad kong kinukwenstyon kung itong nobela ba na ito ay gawang fiction o katotohanan.

Panimula at huli, aksyon, ang topic ng politika, tema, dynamic at karakter, ay talagang kakamulatan, kapupulutan, at nagsisilbing reflection ng realidad natin ngayon.

Kudos, kay sir Ronald Viva Jr. Napaka-husay, salamat rin sa isang Reddit thread nakita at nadikubre ko ang librong ito.

Tiyak na babasahin ko pa ibang mga nobela ng awtor. Grabe talaga, nakakapangilabot.

Dagdag ko rin, mayroon mga tema, lenguahe, sexual (wow para akong MTCRB dito), pero ayun nga Rated SPG po.
Profile Image for Ben Martizz.
116 reviews6 followers
February 11, 2024
another read that it's too good not to rate it 5 stars. I want to write something about this but I am gonna let it marinate it muna

Book thoughts:

Walang pagtatago si Vivo magsulat. Bungad kung bungad. Kaya sa pagtalakay niya sa panahon ni Duterte at sa sistemang kapulisan bungad na bungad din ang mga baho nito—kung paano tayo putang inahin ng mga unipormadong asul.

Kung sino pa dapat pumuprotekta, sila pa ang unang tututok ng baril sa iyong bunganga. Para sa akin simple lang ang premise ng mensahe ni Vivo sa Ang Bangin. Tangina na ng mga pulis, pahirap sila sa masang Pilipino, lalo na nung panahon ni Duterte. Aside sa kapulisan, may mga panglipunang kritiko din si Vivo, katulad ng mga teacher na pinaglihi sa libog at kedmonyohan.

Pero sa pagmulat ni Vivo gamit ang mga storya ng kanyang mga karakter; sina Rey at ang kanyang anak na si Alison, sina Ato at ang kanyang pamilya, storya ni Benjo—dito sa mga istoryang ito, na ipadama ni Vivo ang bigat ng karahasan ng Pilipinas. Na mapapaisip ka na lang talaga na ang smokey mountain ng tondo, wala na, dahil buong Pilipinas na ang tambakan ng basura. Pinaamoy ni Vivo ang sangsang ng kapulisan, ang imperyalistang, burukritang kapitalismong lipunan ng bansa.

Katulad nga ng sabi ko sa aking instagram story, sa mga madidilim na libro, nagkakaroon ng pagliwanag sa mga realidad na naitago na sa sulok ng lipunan.

Na kahit papaano sa lahat ng kapatunginahan ng bansang to, may liwanag pa din na di matitinag, dahil may mga taong katulad ni Vivo at madami pang iba ginagamit ang literatura, ginagamit ang sining, nag aarmas, para maisulong ang magandang pagbabago at maipabagsak ang mga gago sa itaas.

Katulad nga ng sabi sa pahuling salita ni Angelo V. Suarez sa librong ito; "Kailangan bawiin ang poder nang sama-sama" Marahas ang kalaban ngunit marahas din ang pwersa ng panawagan sa magandang kinabukasan.

Maganda ang nobela, malakas, maingay, magulo, powerful. Buti na lang binasa ko to. Buti na lang.
Profile Image for Rich Jayme.
1 review
July 5, 2021
i could have finished reading this book in just a day pero ilang beses kong kinailangang huminto at kumalma. nakaugalian ko nang magsulat ng mga "notes" sa mga librong binabasa ko pero sa librong to, puro "putangina" lang naisulat ko. literal na yun lang talaga. pakiramdam ko kasabay ko si Rey na pumupukpok ng martilyo. narealize ko ring napakaraming Monching sa Pilipinas. pinaka magandang part para sa akin e yung kahit man lang dito, kahit papano merong sense of relief. towards the end, hinihiling ko na ibigay sana yun ni sir Vivo. hinighlight ko rin pala yung sinabi ni sir Bulandus, "this novel is a testament to a broken system".

five stars!
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews18 followers
June 23, 2022
Napapasindi ako ng pula kada may matapos akong kabanata sa nobelang ito. Napakalakas na nobelang nagpapakita na "All Cops Are Bastard," walang duda. Halo-halong emosyon din ang naramdaman ko sa pagbabasa. Minsan matatawa ka, minsan talaga namang hindi mo bibitawan ang pagbabasa dahil maaksiyon ito, at may parteng maluluha ka---kung malambot ang puso mo sa kuwentong pamilya. Nobela ng Taon kaya payb istar 'to sa 'kin.
Profile Image for Ian Rosales.
404 reviews5 followers
April 30, 2024
Shocked to my core! This is the perfect term to describe what I felt as I go through this book. This is an eye-opener specially to those who believe that the war on drugs was a success. The amount of violence I read is something that I would expect from a hardcore movie but as the saying goes, life is stranger, or in this case, more grotesque than fiction.

It took a lot of courage to finish this book because of how it felt so real and how it made me fear for me and my family's life because the characters and settings are so relatable.
Profile Image for Rhys.
1 review7 followers
January 17, 2023
Ang sarap na panimulang basa ko sa taon ng 2023. Tama si Tobit sa pagsabing, parang nagbabasa ako ng palabas sa Netflix.

Kahit di ko mabasa dahil sa dami ng ginagawa, parang gusto kong lagi lang naaaninag yung libro, gusto ko laging dala kahit saan pumunta.

Ang sarap sa pakiramdam na makabasa ng kuwentong ang mga naaapi naman ang nananalo sa mga sitwasyong karumaldumal na di naman nalalayo sa totoong estado ng buhay dito sa Pilipinas.

Instant idol si Vivo. Yun lang masasabi ko.
Profile Image for Jireh.
539 reviews17 followers
May 15, 2025
#pulisangterorista
Profile Image for Abigail Joyce.
130 reviews5 followers
September 1, 2024
Grabe ang dating! Pinakaba ako, ginulat ako, pina-iyak ako... Angas ni Rey. Sakalam sa imbestigasyon si Benjo. Bet na bet ko to.
Profile Image for Shiandra.
100 reviews13 followers
December 11, 2024
Astig. Malungkot. Nakakagalit. Lahat ng pwede maramdaman naramdaman ko sa librong to. Hindi naging madali basahin pero worth it kada letra.
Profile Image for Jackie Alejandro.
21 reviews3 followers
September 20, 2022
Mahusay, matalino, maangas ang pagkakasulat. Pulido ang plotting kaya naman hindi ko na pinalampas ang araw para tapusin dahil hindi na ako makapaghintay na malaman kung anong nangyari kay Alison.

Napakasmooth ng mga dialogues at pagpili ng mga salita, hindi teatrikal, hindi pilit, patunay na hindi poser si Vivo, kabisado niya ang subject matter, at kaisa siya ng mga karakter. Dahilan din ang realistic na daloy para mas umangat sa surface ang halo-halong galit, panggagalaiti, at frustration na nahugot ng kuwentong ito sakin. Parang gusto ko na rin tuloy kumuha ng claw hammer at ihambalos sa mga damuhong nakaupo. Dahil hindi lang ito kuwentong crime-mystery-thriller na walang katuturan kundi makatotohanang reflection ito ng mga kasuka-sukang pangyayari na araw-araw bumubulaga satin: kidnapping, pulis sindikato, drug trafficking, pulis sindikato, EJK, pang-aabuso sa posisyon, rape, insurance fraud, corruption, manyak na teacher.

Lahat ng ito nakatagpo ni Rey sa paghahanap sa nawawalang anak na si Alison. Sinubukan nilang dumaing sa kinauukulan peron hindi naman sila bulag sa kalawanging pamamalakad, alam naman nila na walang kahihinatnan ang kaso sa kamay ng mga de-tsapa. Kaya, sa tulong ng teknolohiya, talino, tapat na kaibigan, malalim na pagmamahal ng ama sa anak, at syempre ng claw hammer, siya nalang ang sariling naghanap ng hustisya at katotohanan.

Ang kuwento ni Rey ay hindi agad-agad makakalimutan at hindi dapat kalimutan dahil ang mga isyu na inilahad dito ay malapit sa bituka at nagtatawag ng mas maagarang lunas. Ahh, marami pa sana akong gustong sabihin pero mas maigi siguro kung basahin mo nalang din ang librong ito.
Profile Image for jini.
211 reviews7 followers
Read
March 23, 2025
Hindi masyadong natatangi para sa panlasa ko, pero sobrang na-enjoy ko ang pagbabasa nito! Akala ko medyo seryoso 'tong nobela (pang-El Fili ang atake), pero para lang akong nanood ng pelikulang action-crime. Siguro ang problema ko rito ay nagbabato siya ng mga maliliit na bahagi ng kung ano talaga ang nangyayari paisa-isa tapos sa huli lang tayo makakapag-zoom out.

Na-appreciate ko rin na inilapat ang kuwento sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte. Pinapakita talaga nito na sa isang komunidad na ginagawang dasal ang dahas at krimen, pareho lamang ang mga nabibiktima at nambibiktima, lalo na kung sila ay laki sa dukha. Nagiging hayop ang tao sa ganitong sitwasyon, mistulang nabubuhay sa hanggahan ng bangin sa ilalim ng kanilang mga paa.
Profile Image for Kat Elle.
375 reviews
September 4, 2024
"Ang bangin ay bangin sa pagitan ng umaabuso at inaabuso, ang lumalapad na guwang sa gitna ng mayaman at mahirap, ang lumalalim na hiwang naghihiwalay ng manggagawa sa burgis, pesante sa panginoon, bayan sa imperyalista." — Angelo V. Suarez

Ang saloobin at pananaw ko sa aklat na ito ay maibubuod ko sa isang pangungusap:

Ang librong ito ay isang malaking paalala na nakakatakot ang mundo at tunay nga na sa ating bansa, higit lalo simula noong taong 2016, may bangin sa ilalim ng ating mga paa.
Profile Image for Maecy Tiffany.
63 reviews2 followers
November 15, 2021
SOLID, TOL! Kudos sa mga tropa nating tulad ni Benjo na lagi't laging nariyan sa tabi natin para sabayan tayong makaahon sa lahat ng masasalimuot na bangin sa ating buhay.

Makapigil hininga ang bawat eksena mula umpisa hanggang matapos ang nobela! Tulad sa Ang Kapangyarihang Higit Sa Ating Lahat, ganoon pa rin ang pagsulat ni sir Vivo, maliwanag, matapang, at naroon pa rin ang mga nakakatawang banat niya.

May bago na namang irerekomenda sa mga kakilala!
Profile Image for Ramon Emmiel Jasmin.
23 reviews1 follower
February 27, 2025
Tangina.

Every Filipino should read this book at least once in their life. It showed the state of the Philippines when Duterte was in power (or currently) — the EJK, killings, chinese businessmen, corruption, baboy na mga pulis.. a basta.

One of my top 5 books of all time.
Displaying 1 - 30 of 211 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.