What do you think?
Rate this book


233 pages, Paperback
First published January 1, 2008
May nasasaktan tayo dahil lamang sa simpleng katotohanan na narito tayo, nabuhay tayo, kahit wala naman talaga tayong intensiyong manakit ng iba.
"Lumalayo tayo dahil hindi natin nauunawaan ang mga bagay. Minsan gusto natin silang hawakan, at sa mga araw na sinasakluban tayo ng lakas ng loob, na hindi rin natin mawari, kung paanong hindi rin natin maintindihan ang ating mga takot, hinahawakan natin sila, dinadampot na gaya ng mga kakaibang bagay na napupulot sa daan. May pangamba at pagkamangha. Ibig natin silang kilalanin. Kapag nahawakan na natin sila, saka natin natutuklasan na walang kakaiba sa kanila. Walang bago. Na wala palang katwiran sa takot. Kaya muli natin silang bibitawan sa daan. At saka tayo tatakbo. Palayo, palayo sa kaniya, sa kanila, sa lahat ng mga bagay na kinatakutan natin ngunit karaniwang-karaniwan pala. Ano't natawag nila ang ating pansin? At iniisip natin habang nililingon ang mga iyon, na sila ang lumalayo, sila ang naglalaho sa paningin. Sa gayon, inaalisan natin ng pananagutan ang sarili. Sa gayon, nagiging madali ang paglayo."