What do you think?
Rate this book


First published January 1, 2007
Ang masasabi ko lang: kung ang istilo ni Atalia sa unang bahagi ng librong ito ang paguusapan, mas gusto ko na si Bob Ong. Bakit? Kung si Bob Ong ang nagkuwento tungkol sa buhay estudyante niya sa "ABNKKBSNPLAko" o sa buhay pulitika sa bansa sa "Baligtad" o bilang manunulat sa "Stainless", wala namang ginawang bago rito sa unang bahagi si Atalia kundi ikuwento ang buhay ng bagong gradwyet sa kolehiyo: ang pahahanap niya ng trabaho, ang paha-hire sa kanya, ang relasyon niya ng tatay at nanay niya (solong anak sya) at ang kanilang munting bahay. Kung si Bob Ong ay matipid sa salita, si Atalia ay saksakan ng daldal: wordy at nakakabagot basahin dahil kung saan-saan pumupunta ang kuwento niya. Nariyang ikuwento pa nga ang kanyang pagsa-shower. Buti man kung ka-mukha siyang artista kasi habang nagbabasa ka, inilalarawan mo ang tagpo sa isip mo di ba? Kapag kasi tiningnan mo ang larawan nya sa likod ng libro, ngii... bakit pati paghuhubad nya ng briefs, kinukuwento nya>. Di talaga ako natawa o natuwa o natuto sa bahaging ito dahil hindi ko makuha ang punto na kailangan ko pang mabasa ang naranasan ko rin o alam kong nararanasan pa rin ng iba sa kanilang unang paghahanap ng trabaho. Sa madali't salita: wala na ngang bago, nakakabagot pa.Pero hintay:
Kumpara kay Bob Ong, si Eros S. Atalia ay nagpapakita at nagpapakilala sa publiko. Siya ay nagtapos ng Master of Arts - Language and Literature, Filipino sa La Salle (DLSU) at natuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters sa UST kung saan ay Junior Associate siya ng Creative Writing and Studies.Ibig kong sabihin: mukhang sa qualifications pa lang lamang na siguro si Atalia kay Ong. At sa ikalawang bahagi ng libro, napatunayan niya ito.