Sinisipat ng Onyx ang mga pagmamasid, penomenon, at emosyong ipinapahayag ng samutsaring kaakuhan na nagsisikap ibunyag ang tanging kalikasan ng mga ito sa lente ng metapora at imahinasyon. Ang pagtunghay sa mga kaakuhang ito ay pagtuklas sa mga hulagway na nakatupi sa bawat tula. Ang salimbayan ng mga persona ay pamamaraan ng pagtatanghal sa iba't-ibang tapyas ng binubuong lawas sa koleksiyon. Ikalawang aklat ito ng makata sa kaniyang Mga Tula ng Pagsulong na nailimbag ng Anvil Publishing, Inc. noong 1992.
Instruktor sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas si Romulo P. Baquiran, Jr. at kasalukuyang isa sa mga Direktor ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Limang ulit na siyang nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards para sa tula sa Filipino at minsan sa Talaang Ginto: Gawad Collantes. Tagapangulo ng delegasyon ng Filipinas sa Second ASEAN Poetry Conference noong 1995. Naging fellow sa 15th UP National Summer Writers' Workshop (1989). Isinalin niya sa Filipino ang unang bahagi ng Anthony at Cleopatra at ang The Tempest ni William Shakespeare. Tagapagtatag na kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) gayundin ng ORAGON, ang samahan ng mga premyadong makata ng bansa.
Romulo P. Baquiran, Jr. is a poet and teacher of Creative Writing at the U.P. Department of Filipino. He is a member of LIRA, Katha and Oragon Poets’ Circle.
He has edited many books, among which are Pablo Neruda: Mga Piling Tula with National Artist Virgilio Almario, and Kuwentong Siyudad with Roland B. Tolentino and Alwin Aguirre. He has also worked with Mario Miclat and produced the tribute Beauty for Ashes: Remembering Maningning Miclat.
Baquiran’s Onyx won the National Book Award in 2003. His Singsing ni Solomon is available as an e-book at http://www.pantas.ph/singsing.pdf. He has also authored Mga Tula ng Paglusong.