Jump to ratings and reviews
Rate this book
Rate this book
Tingnan mo nga naman ano? ‘Yung inumpisahan ko bilang pantawid-gutom e dalawampung taon ko nang kina-career.

Naka-bente na ako. Yeheeeeey!

Sabi ng mga kaibigan ko e sana mas maaga kong inumpisahan ‘to; e di sana mas marami akong libro ngayon. Pero kung ginawa ko ‘yon e baka hindi ako nakatpos ng pag-aaral. Eh okey lang naman daw dahil hindi ko naman nagagamit ‘yung pinag-aralan ko.

Naitanong ko tuloy: Nasayang ba ‘yung oras ko sa kolehiyo?

Naalala ko nung nagta-trabaho pa ako para sa isang prestihiyosong construction firm. Habang nakapila ako sa bangko para ihulog ‘yung sweldo ko e may nakasabay akong tindera ng isda na animo’y nakipag-wrestling ke Freddie Krueger. Duguan ‘yung apron n’ya, men, at tinalo ng kanyang eau de dalagang-bukid ang aking Aramis. Lahat kaming nakabarong at polong may kurbata e napatingin sa kanya. Lahat kasi kami e naka-sobre ‘yung pera samantalang ‘yung tindera e isang bayong na pera ‘yung ide-deposito n’ya. Nalaman ko rin na ‘yung tindero ng fishball sa tapat ng opisina e mas malaki pa ang kinikita kesa sa akin, —sa apat na oras n’yang paglalako! Aba! Nag-uumpisa s’yang magtrabaho ng alas dos at ubos na ‘yung paninda n’ya ng alas sais. Biro mo ‘yon? Als siyete pa lang e nakasawsaw na ‘yung ilong ko sa trabaho samantalang s’ya e pwede pang magkamot ng itlog hanggang tanghali, TAPOS MAS MALAKI ANG KITA N’YA SA AKIN??

Unfeyr!

Binaggit ko sa nanay ko ‘to pero napa-"hmp!" lang s’ya at sinabing bukod sa walang glamour ‘yung pagiging underground enterpreneur e wala pa silang mga titulo. Well, ganyan talaga mga nanay. Ang gusto nila ay may anak silang Dr. Nado, Atty. Ratrat, Engr. Vana… para nga naman meron silang bragging rights pag nagtsitsikahan silang mag-a-amiga. Ang hindi niya alam e lahat kaming mga anak nilang propesyonal e umuutang ng pera sa kapitbahay naming college drop-out na mekaniko.

Pero bagama’t hindi ako masyadong nag-enjoy sa kursong napili ko e nagagamit ko rin naman sa buhay ‘yung mga natutunan sa college:

- Natuto akong kumalap ng impormasyon nang hindi kailangang magtanong sa ibang tao.

- Natutunan kong mas malaya akong makipagkaibigan sa kahit sino nang hindi ako sasali sa fraternity

- Natuto ako ng tamang pagdala ng kalasingan para hindi ako mapaaway.

- Natutunan ko na pag dis-oras ng gabi e lesser evil ang mag-jaywalk sa Espana kaysa maka-engkwentro ako ng holdaper sa overpass.

- Natuto akong makibagay at gumamit ng diplomasya sa mga otoridad na iba’t-iba ang kulo ng utak.

- At oo, natuto akong mag-disenyo ng mga bahay at gusali.

Sinabi nga ni Herbert Spencer, “Education has for its object the formation of character." Tama pala ‘yung tatay na character sa Calvin and Hobbes. Pag tinatanong ng anak n’ya kung bakit kailangan gawin ‘yung mga hindi masayang gawin e sinasagot n’ya ng, “Because it builds character."

So, nasayang ba ‘yung oras ko sa kolehiyo?

Sulit, pare.

114 pages, Trade Paperback

First published January 1, 2008

14 people are currently reading
368 people want to read

About the author

Pol Medina Jr.

59 books178 followers
Apolonio "Pol" Medina, Jr. is a Filipino cartoonist best known for creating Pugad Baboy, a black-and-white comic strip first published in the Philippine Daily Inquirer on May 18, 1988.

Pol Medina graduated from the University of Santo Tomas in 1983 with a degree in architecture. In 1985, a year after securing his professional license, he went to Iraq at the height of the Iran–Iraq War to work for an Italian construction company. It was at this juncture that he experienced "the most maddening" two years of his life.

In 1986, he started scripting and drawing characters for a new cartoon about a community of fatsos and a dog named Polgas. In 1987, he worked as an architect for a firm in San Juan, Metro Manila.

In September 1992, he co-founded Pugad Baboy, Inc. with seven other people. The company adopted Ad Astra Per Aspera for its motto, inspired by Harper Lee's Pulitzer Prize-winning novel, To Kill a Mockingbird. Three years later, the company folded when Pol Medina left in order pursue a career in the advertising industry. Currently he has another company, Pol Medina Jr. Novelties, dedicated to merchandise based on the strip, including compilations.

To date, Pol Medina has three children with his wife Susan: Maia Cecilia, Eladio Jose and Pablo Jose.

(from wikipedia.org)

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
75 (64%)
4 stars
27 (23%)
3 stars
13 (11%)
2 stars
1 (<1%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 5 of 5 reviews
Profile Image for Alden.
161 reviews31 followers
September 12, 2013
Naisip kong basahin ulit ang XX, ang 20th Anniversary Special ng comic strip na Pugad Baboy, noong pumutok ang balita tungkol sa pagre-resign ni Pol Medina Jr. sa Philippine Daily Inquirer dahil sa kontrobersyal na comic strip tungkol sa St. Scholastica's College. Pero kung tutuusin, matagal ko na itong binabalak basahin. Nakaugalian ko na kasing paulit-ulit basahin ang ilang kopya ko ng comic strip compilation. Medyo nagkataon nga lang dahil natapat nga sa ganoong issue.

Ito ang ikalawang beses na naglabas ng special issue ang Pugad Baboy, bilang paggunita na rin sa ikalawang dekada ng nasabing comic strip. Inilabas ito noong taong 2008, sampung taon matapos ilabas ang Pugad Baboy X. Ilan sa mga paborito kong story arcs dito ay ang "Pacquiao" na malamang ay ginawa ni Pol Medina Jr. nang manalo si Pac Man sa kanyang boxing match laban kay Erik Morales; ang "Tumbahan Festival" na isang paligsahan sa Pugad Baboy at mala-'last man standing' kung saan magdamag silang mag-iinuman at kung sino ang unang tumumba dahil sa kalasingan ay talo; ang "Sugarol" kung saan natanggap bilang PE teacher si Bab sa isang eskwelahan at palihim na nagturo ng pagsusugal sa mga estudyante; ang "Almusal" kung saan tulad ng nakagawian ay laging biktima ang mababaw ang kilabot na si Debbie ng mga nakakadiring usapan nina Dagul at Polgas sa gitna ng hapag-kainan; at marami pang iba.

Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko itong XX kaysa Pugad Baboy X. Mas siksik kasi ito sa comic strip, bagamat meron pa ring kaunting 'side dish' sa kalagitnaan ng libro, na natural naman dahil nga nagdiriwang ang Pugad Baboy ng kanilang ikalawang dekada kaya dapat medyo special issue ang ilabas. Mas gusto ko ito dahil mas sulit ito kumpara sa Pugad Baboy X na medyo kakaunti na nga lang ang strips, puro editorial cartoons pa ang nasa dulo. (Wala pa naman akong hilig sa editorial cartoons, kaya hindi ko rin binili 'yung compilation ng editorial cartoons ni Pol Medina Jr. na Ink and POLitics.)
Displaying 1 - 5 of 5 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.