Jump to ratings and reviews
Rate this book

Kung Wala na ang Tag-Araw / Ano Ngayon, Ricky?

Rate this book
Two novels by Rosario de Guzman-Lingat. Kung Wala Na Ang Tag-araw (1969) tells of one man’s quest for passionate love contextualized in the turbulence of the prewar and postwar Philippines. Ano Ngayon, Ricky? (1971) focuses on the character Ricky’s initiation into the political activism of the 1970s.

481 pages, Paperback

First published January 1, 1969

7 people are currently reading
129 people want to read

About the author

Rosario de Guzman-Lingat

11 books9 followers
Rosario de Guzman-Lingat (1924–1997) wrote a large number of novels and short stories for the country's most popular magazines in the 1960s and 1970s. Working within the limitations of popular fiction, Lingat nonetheless succeeded in constructing narratives that shed light on the experiences of the postwar generation: family discord, psychological breakdowns due to both personal and societal traumas, the impact of the Pacific War, a deeply divided nation, and the difficulties of being a woman in a male-dominated world.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
17 (37%)
4 stars
15 (33%)
3 stars
11 (24%)
2 stars
2 (4%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 6 of 6 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 20, 2014
2012 ko pa ito binili. Two novels in one book. Akala ko, mako-kornihan ako. Kasi Tagalog. Then di ko kilala si Rosario de Guzman Lingat. Parang 60's or 70's siyang manunulat sa Liwayway. So, luma siguro ang Tagalog tapos tungkol sa walang kamatayang pag-ibig.

Tapos di ko alam kung alin sa dalawang nobela ang uumpisahan ko. Alam ko, baka mas maganda ang pangalawa dahil nakakita ako ng English translation nito sa National Book Store: What Now, Ricky?. So, inumpisahan ko ang unang nobela: Kung Wala Na ang Tag-Araw tapos after few pages, sinimulan ko rin ang Ano Ngayon, Ricky? Sabi ko kung alin ang mauna sa kanilang matapos ibig sabihin yon ang mas maganda. Nauna kong natapos ang Kung Wala ganung halos more than double ang number of pages nito kumpara sa Ano Ngayon. Ang ratings ko para sa dalawa:
Kung Wala Na ang Tag-Araw: 5 STARS
Ano Ngayon, Ricky: 3 STARS
Heto ngayon kung bakit:

1) Mas comprehensive ang Kung Wala dahil ito ay tungkol sa buhay ng isang lalaki, si Victor mula nang siya ay 20-y/o hanggang sa maging lolo na at nagiging ulyanin (Alzheimer's). Ngayon pa lang ako nakabasa ng nobelang Tagalog na tumanda ang pangunahing tauhan at inisa-isa ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay: asawa, kasintahan (girlfriend), kerida (mistress), kalaguyo (playmate), mga anak na babae at hospitality girl (GRO sa lengguwahe ngayon). Tapos hindi archetypal ang paglalarawan sa lalaki o sa mga lalaking tauhan kahit na sinasabi (ng Wiki) na feminist si Lingat. Balanse. Nasa gray area (translation: normal) ang pagkatao ni Victor dangan nga lamang at nainfluence siya ni Eking na "samantalahin ang tag-araw" o ang kabataan nito upang magpaligaya sa iba't ibang pag-ibig. Kung tanda yon ng kahinaan o tanda na isang "normal" na lalaki si Victor, opinyon na lang ninyo yan. Mayroon ding mga mabubuting o faithful na male characters dito kagaya ni Lucio na tapat na asawa o di yong lalaking di nangaliwa. O si Luisito na namatay sa Bataan. Karamihan sa mga babae ay malalakas o yong tinatawag na strong women pero meron ding mahina kagaya ni Claudia kaya masasabi kong balance ang approach o gender sensitive ang nobela.

Sa kabilang dako, ang Ano Ngayon ay tumatalakay din sa isang lalaki ng bata pa, 20-y/o din pero di tumanda sa kuwento. Si Ricky during the First Quarter Storm. Di naman binanggit ni Lingat kung anong gobyerno ang tinutuligsa dito pero mas malamang kay Marcos dahil 60's or 70's siya naging aktibong manunulat. Gasgas na lang ang plot: parang Dekada '70 pero gawin mo lang mahirap na taga-Tundo ang mga Bartolome at mas gawing ma-trahedya ang buhay dahil pinatay ang ama ni Ricky sa polling precinct ng goon ng taga-ibang partido isang araw ng halalan.

(2) Mas naka-relate ako sa Kung Wala dahil tumatanda na ako at marami na akong nakursunadahang babae. Noong binata pa ako kahit noong magkaasawa na ako. Hehe. Hindi naman nawawala yong parang humahanga ka pero di mo iiwan ang pamilya mo. Crush lang ba. Pinatunayan ng librong ito ang matagal ko nang pinaniniwalaan: na walang magandang patutunguhan ang bawal na pag-ibig. Na pag nag-asawa na ang isang lalaki, doon ka na lang sa asawa mo. Sakit lang ng ulo (at bulsa) ang ibang babae. Sa dulo kasi ng buhay mo (meaning pag matanda ka na), pamilya mo pa rin ang matatakbuhan mo at malamang sa hindi, makakasama mo sa huling hininga mo sa mundo.

Sa Ano Ngayon, yong tema na nagpapalitan ng kuru-kuro ang mga tauhan tungkol sa kung paano malulutas ang problema ng bayan, ang paghahari ng panginoong may-kaya o may-lupa, parang preachy. Yong karakter ni Ricky (na mahirap) na na-inlove sa isang mayamang babae, si Diana na bukas ang isip sa ipinaglalaban ng mga kabataan, parang nabasa ko na sa huling libro ng Rosales saga ni F. Sionil Jose: ang Mass (4 stars).

(3) Mas malinaw ang paglalarawan (siguro dahil mas mahaba) sa mga karakters sa Kung Wala. Bawat isang babae, isang kabanata. Tapos maganda ang denouement sa isip ni Victor. Parang buhay ang mga karakters. Kapag binanggit yong pangalan ng babae sa dulo, di ka magiisip ng "sino nga ba yon?" kasi tumimo (nagmarka) ang karakter sa isip mo. Doon sa Ano Ngayon habang nagbabasa di ko agad maala-ala yong ibang karakters kagaya nang namatay na si Mando samantalang parang si Tony yong nangangailangan ng pera sa umpisa ng kuwento at sinabihang duwag. Dapat kong i-review pero wala akong time. Kung mas malinaw ang paglalarawan, di ko na kailangang i-review. In other words, naninisi ako hehe.

Yong lang. In short, 4 stars ito sa akin. Sa Goodreads ang ibig sabihin ay "I really like it." Hindi corny. Medyo hindi contemporary ang gamit na Tagalog pero hindi naman yong datapuwa't, alalalong-bagay...

Hehe. Napahaba yata. Basta nagustuhan ko ito talaga.
Profile Image for Victoria.
51 reviews
August 1, 2022
Kung Wala Na Ang Tag-araw ★3.5 (072022-072322)

victor's character development (if there was any) felt stagnant as fuck, i guess that's what happens when you dedicate your lifetime collecting women to boost you ego.

ang daming buhay ang nasayang at nasira dahil lang may isang lalaking piniling maging makasarili. he absolutely did not deserve any closure from anyone, especially from anastacia. kupal.

Ano Ngayon, Ricky? ★3 (072322-080122)

the plot twist and climax felt really unsatisfying and felt like it was too rushed, trying to hard. ricky, at times, was condescending too when it comes to explaining his beliefs to the closest to him.

what i like about him was, his stances were clear as a day, strong, and firm.

i truly appreciate that ending. hindi sa isang (o miski sa isang daang libong) pagkatalo o sa isang tagumpay natatapos ang ating ipinaglalaban. patuloy natin itong iuusad at tunay na isasabuhay, hanggang sa marating natin ang mas malalaking tagumpay at ang mas makukulay na pagsikat ng araw.

atin ang bukas. atin ang Pilipinas.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Ben Martizz.
116 reviews6 followers
July 11, 2023
Kung Wala Na Ang Tagaraw: 4.5 stars

Ano Ngayon Ricky: 3.75 stars
Profile Image for Tris.
601 reviews34 followers
December 31, 2015
Pinabasa sa'min yung Kung Wala na ang Tag-Araw sa Pan Pil 19. Ang storya hindi nalalayo sa tipikal na teleserye o pelikula. Malapit sa puso ng Pilipino ang tema at nahihirapan na kong mag-deretsong Tagalog. Basta, maganda.
Displaying 1 - 6 of 6 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.