Jump to ratings and reviews
Rate this book

Kikomachine Komix #2

Mga Tagpong Tila Nagpapaka-Weird, Kunyari Pa-Deep, Sarap Sapakin…

Rate this book

81 pages, Paperback

First published January 1, 2006

20 people are currently reading
705 people want to read

About the author

Manix Abrera

59 books391 followers
Manuel “Manix” Abrera graduated with a degree in Fine Arts from the University of the Philippines–Diliman. He is the author of the daily comic strip Kikomachine Komix in the Philippine Daily Inquirer, and the weekly webcomic News Hardcore in GMA News Online. He has currently authored twenty books and has won the National Book Awards for his wordless graphic novel 14, comics compilation News Hardcore, and comics compilation Kikomachine Komix 14: Alaala ng Kinabukasan. More of his works can be found at https://www.manixabrera.com.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
584 (49%)
4 stars
324 (27%)
3 stars
214 (18%)
2 stars
46 (3%)
1 star
8 (<1%)
Displaying 1 - 30 of 36 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
September 11, 2011
Pinaka-nakakatawang komiks na nabasa ko so far. Kaya ang rating ko rito ay 4 stars. Bihira lang kasi akong mabigay ng 5 stars dahil baka mabansagan akong nagbibigay ng 5 stars sa walang rin talagang kapararakang books. I mean, 'di rin naman tamang ihilera ito sa One Hundred Days of Solitude ni Gabriel Garcia Marquez. Kunyari nga pa-deep. Asteeeg.

Putik. Di rin kasi malinaw ang rating system dito sa Goodreads. Ano bang ibig sabihin ng "Amazing"? Amazing dahil nakakatawa, nakakaiyak o amazing ang ganda ng writer (para lang BEA?). Marami nga sa mga noypi na nagbigay na "Amazing" sa librong ito eh habang nagbabasa ka napipigtal ang mga pages. Di ko kinaya ang pagiingat sa bagong-bago kong libro na parang gustong maging flash cards habang binabasa ko. Naturingan pa namang Visprint - ang pinakamayamang publication na di gumagamit ng newsprint at pipitsuging pabalat ng libro. Primera klase ang papel pero di mag-invest sa tamang book binding.

Pero kahit na nga sigurong maging flashcards ang librong ito, kakatawa pa rin. Umuuga raw ang bed sabi ng wife ko kahapon habang nagbabasa ako at tumatawa ng tumatawa, strip by strip. Kung iisipin simple rin naman ang mga situations sa bawa't story arc or strip. Nakakatuwa lang ang punchlines at ang reactions ng mga characters. Andyang halos lumuwa ang mata sa pagkagulat o panggigigil "Grace under pressure! Grace under pressure!" o doon sa mga side comments "Sabi ko na nga ba, olats ang hirit nito eh!" Nakakatuwa ang mga hitsura ng mga unnamed characters.

Tumatanda rin dito ang mga characters. Sa Book 1, yong naka-graduate na babaeng kalbo ay teacher na dito. Kunwari pa si Abrera na may isang strip daw na di nasama sa Book 1, pero halatang trigger yon para i-remind ang readers na teacher na yong babaeng character na yon. Tapos at the end of the book, mayroon na naman gumradwyet: yong lalaking payat, mahaba ang mukha at laging naka-baseball cap. Favorite character ng anak ko. Yong favorite ko na tatlong patusok ang buhok, ay may syota na pero hindi pa gradwyet.

Oo nga't nauna ang Pugad Baboy at halatang iniba ni Abrera ang style ng Kiko Machine. Walang matabang character dito. Parang mas realistic naman dahil mga estudiante (mukhang UP ang setting dahil tagalog ang salita, may mga strip na nagtatatakbo sila o sumasakay ng jeep in between subjects at minsan, may mga utterances ang mga characters na english at pa-deep nga, isama mo pa ang bihis nila at meryenda like isaw at kwek-kwek, UP ang naalala ko) ang karamihan sa mga characters. At ang mga teachers at parents ay may mga guhit na sa noo, di kagaya sa Pugad na walang character na may wrinkles. Sababay, putsa, may baboy bang may wrinkles! Asteeg!

Basta nakakatuwa itong flash cards este book na ito. Pang-alis ng boredom sa pagbabasa ng Freedom ni Jonathan Franzen. RAKenROL!

Profile Image for Nicolo.
3,504 reviews206 followers
January 22, 2016
It took me a while but I finally finished the second collection of Manix Abrera's daily strip on the Philippine Daily Inquirer. I couldn't seem to find the time to sit down and read this, unless I was doing my business on the porcelain; talk about toilet humor.

Now that I'm done with the second book, I want to finish the third one as soon as I can so I can move on to the fourth book. It's with the fourth collection that Abrera starts getting creative with his covers and I want to see for myself if the content can match the catch covers.
Profile Image for Binibining `E (of The Ugly Writers).
481 reviews43 followers
September 11, 2015
I have this book for quite sometime and honestly parang tinatamad tlaga ako basahin to though syempre madali ito basahin dahil isa tong comic strip for me kasi masyado maliit yung pagkakagawa ng comic strip so pakiramdam ko ang hirap basahin pero tiniyaga ko sya basahin last night at natapos ko naman sya. At nakakasorpresa na natatawa talaga ako sa mga kwento dito. At yung mga characters sila sila pa din pala hanggang sa book 8 ba o 10 hindi ko alam basta sila sila sila pa din.

Okay naman yung book most of them are situations or issues na nangyayare sa mga studyante at sa ating lahat. This book tackles mga issues about students and events happening sa universities. Some are really happening sa society natin lalo na sa mga estudyante lalo na mga problema sa kung pano nila ipapasa yung mga subjects nila, how to look for a job after nila makagraduate at yung iba naman kung paano nila naitawid ung pagraduate nila sa school. At pakiramdam ko paulit ulit lang tong sinasabi ko dahil gaya ng mga estudyanteng nagpupuyat sa pagaaral ganun gin ako na nagpupuyat sa pagttrabaho at pinipilit kong isingit palage ang pagbabasa sa pangaraw araw na ginagawa ko. HAHA!!


May isang part sa libro na sobrang asteeg! (lage ko kasi nababasa ung word na asteeg at rak en rol dito sa book na ito.)


STUDENT 1: Bakit ka ba nagaaral?

STUDENT 2: Nagaaral ako para makagraduate at makapagtrabaho. Eh ikaw?

STUDENT 1: Ako? Nagttrabaho ako para makapagaral. :)

Rak en Rol!! Asteeg!!
Profile Image for Jedi JC Daquis.
927 reviews46 followers
December 5, 2016
Kikomachine Komix volume #2 has pretty much established the formula that makes its readers laugh about university life, both in the perspective of students, the faculty, and immediate relatives. Academics are interspered with lovelife (yep, this is the volume where spike guy and glasses-girl became sila na), "pa-deep" moments, Friendster, and other slice-of-life activities.
Profile Image for Aries.
91 reviews28 followers
June 19, 2013
BÜK REBYU BEYBË: KIKOMACHINE KOMIX



Nais ko’ng ilinaw ang isang pagkakamali sa nakaraang rebyu sa isang aklat ng serya na ‘to. (Di ko masyadong matanda-an pero sa aklat bilang pan-lima yata ko na isulat yun.) Ang nasabi ko’ng pagkakamali ay hinggil sa pagpalagay ko na “ang mga aklat ni Manix, ay hindi isang material para sa pilosopikal na paksa at para sa naghahanap ng naturang paksa ay walang anumang nilalaman ang naturang serya kundi mga kakornehan at katatawanan”. Sa pag-isip-isip ko, at nang matapos kung basahin ang lahat ng mga aklat sa seryan ito, isang pagkakamali iyun at para matugunan ko ang naturang pagkakamali ay napursige akong magsulat ng panibagong rebyu na panlahat at sa Filipino.


PAANO KO NASABING “PILOSOPIKAL” DIN ANG MGA KOMIX NI MANIX?


Bagamat “patawang” inilarawan ni Manix ang kanyang mga estorya, maraming “pilosopikal” na paksa ang napag-uusapan sa mga komik strips nito. At ang higit na kapansin-pansin nito ay ang ideolohiyang “eksistensyanlismo”. Marahil ay malakas ang empluwensya ng kanyang “unibersidad” rito- ang Pamantasan ng Pilipinas (Diliman).

Madami pang mga paksa na hinggil sa “Pilosopika”. May mga paksa tungkol sa pagiging simple at pagiging salimuot at kung anu-ano pa. May paksa tungkol sa magka-ibang kaisipan na ipinaubaya sa ‘yo ang pagpasya kung alin ang totoo.


ANO PARA SA AKIN ANG KIKOMACHINE KOMIX?


Ang Kikomachine Komix para sa akin ay isang serya na patok sa anumang gulang dahil napakalawak ng nasasaklaw na gulang ang mga nailarawan nito. Isa itong satire tungkol sa lipunan at lalong-lalo na sa buhay sa loob ng mga pamantasan. Dahil isa itong satire, patawa kung inilarawan ni Manix ang kanyang pagsasadula ngunit may patama pa rin sa paksang tinutukan- yung tipung matawa ka at sa bandang huli ay mapa-isip din. Halo-halo ang mga kwento nito.

May kwentung pag-ibig (Yay!), may kwentung pagkaka-ibigan (BFF!), may gore (yuck!), may katatakutan (Really? Ows? Multo ka ba talaga?), may adbentyur (Yahoo!), at iba’t-iba pang kawerdo at kakornehan (Ur soh baduy! Ewws!).


Ang Kikokomachine Komix para sa akin ay may aspetong Pilosopikal, Sosyal (Sosyal-soyalan, oh anu?), Pulitikal (Namumuleteka? Ganun?), minsan may Syensya din (Pasyensya na ha, pero uber ka na ha?), at higit sa Komikal (Nakakatawa to death.). Minsan, may mga bagay-bagay akong nalalaman dahil nabinggit dito (Wala ka pala eh!).



SINO ANG PINAKA-GUSTO KONG KARAKTER SA KIKOMACHINE KOMIX?


Si Betong Badtrip! (Gusto ng sapak!) Haha!

Ilan lang sa mga karakter sa Kikomachine Komix ang may pangalan- gaya nina Goody Pakyutsie at si Bertong Badtrip. Gusto ko ang karakter ni Bertong Badtrip. Isang line lang ngunit lakas ng tama! Minsan, gusto kung maging siya. Hehe. Gusto ko kasing turuan ng leksyon ang mga taong nangangailangan nito. (Baka ikaw turuan ko ng leksyon dyan!)
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
August 21, 2012
RakEnRol!

Kikomachine Komix Blg.2 (Mga Tagpong Kunwari Pa-Deep, Sarap Sapakin!) Pagpapatuloy ng kwento ng mga estudyante ng di malamang unibersidad (UP daw sabi ng iba) . Gaya ng naunang komix ni Manix, koleksyon din to ng mga sitwasyon sa kolehiyo. Pero hindi na lang umiikot ang mga tagpo sa mga istudyante, sinali na rin pati ang mga terror na Prof at kung paano rin sila iterrorize ng mga istudyante.

Maraming bago sa koleksyon ngayon ni Manix. Pero marami pa rin ang sobrang luma at sobrang korni. Marami ring mga parinig tungkol sa pulitika at sa edukasyon na pinapabayaan ng gubyerno. Pero kahit ata seryosong usapan ang pulitika hindi pa rin matitiis ni Manix na hindi ito lagyan ng kakornihan. Sarap sapakin ni Manix, kunwari pa-deep.

Marami nang bagong karakter, pero parang may nawala rin. Nawala yung isang karakter na laging kasama ni isaw boy (yung lalaking nakasalamin at may tatlong hibla ng balbas) sa isawan. May mga bagong pasok, freshies kung baga. Meron ding basta na lang lumitaw gaya nung mga genius kuno na nagbabatuhan ng mga formula sa Physics.

Nakakaexcite na din dahil nagkakaroon na nang daloy ang mga tagpo. Nagkakaroon na ng kwento na kaabang-abang. Meron nang grumadweyt (yung lalaking may hawak na isaw at yung lalaking nakasumbrero), may naging Prof(yung babaeng kalbo). May nagkatuluyan(yung babaeng nakasalamin at yung lalaking nakasalamin din at may apat na tusok-tusok na buhok) at yung iba balik enrollment lang.

Kaabang-abang talaga.





Profile Image for Alvin.
24 reviews
January 30, 2012
Siguro wala ako sa posisyon para sabihing panget ang librong ito. Pero hindi ko rin naman sinasabi ang kasalungat nito. Ang akin lang, hindi ko natripan ang libro. Siguro dahil hindi ko hilig ang magbasa ng mga komix strip.

Pangalawang kopya pa lang ito ng libro / komix ni Manix na meron ako. Medyo natagalan pa nga ako bago ko nasundan yung unang libro. Medyo nagdalawang isip pa ako kung bibili ba ako o hindi dahil nga hindi ko natripan yung unang libro pa lang.

Anyway, para siguro sa mga komix enthusiast eh mairerekomenda ko ang librong ito. Maganda naman ang pagkakagawa sa mga kwento at masasabi kong nakakatuwa. Syempre, hindi mawawala ang mga hirit na may katotohanan. Mga tungkol sa eleksyon, buhay buhay, drama, buhay estudyante, eksam, propesor at kung ano ano pa.

Sa 81 pahina ng libro, ito ang tumatak sa akin:

"Tsong, bakit ka nag-aaral?"
"Uhm, para makapagtrabaho. Bakit?"
"Ako kasi nagtratrabaho para makapag-aral."


Ayos diba? May birada sa realidad ng buhay.
Profile Image for Majuchan.
411 reviews39 followers
May 18, 2013
Hardcore!

Isa nanamang nakakabaliw na komiks! Walang kakupas-kupas! Asteeg pa din...

Masasabi kong mas malaman (Pa-deep nga!) ang karamihan sa mga strips kung ikukumpura sa naunang Kikomachine.
Hindi lang pang-komedya, pang pulitika at Horror pa. *Dae kong tawa sa mga Presidentiables na nag-aaudition para maging artista. Pati mga deds na ngayon, naimortalize tuloy* Haha!

Bigla ko tuloy namiss ang college life sa pagbasa ko nito. *Hikbi* *Hikbi*

Isang Paalala: Huwag basahin ng nag-iisa sa jeep. Baka pababaain ka ng wala sa lugar ng drayber.
Profile Image for chimmy.
79 reviews3 followers
November 27, 2019
Re-read.

Wala na akong mahanap na Kikomachine Blg.1 ('di ko pa nabibili yung Anthology) kaya masasabi kong ito ang pinakalumang gawa ni Manix Abrera na nabasa ko.

Kasundo talaga ng utak ko ang humor ni Sir Manix, kahit nung bata pa (9yo) ako't nagkataong nabasa ko ang strip niya sa Inquirer. Walang pahina na hindi ko inuulit dahil sa katatawa!

Ang saya tunghayan ng buhay ng barkada, pati ang umusbong na pag-ibig ni boypren at gelpren. Kahit hindi ko nasimulan sa blg. 1 ay nakakasunod ako sa agos ng kwento nila. Asteeg!
Profile Image for Marlo Paniqui.
30 reviews
October 7, 2019
nabili ko to sa National Bookstore . Tamang komedya lang . pang mga taga U.P ang joke. parang gawa ng naka laughing gas na kolehiyo . o nagpapaka kolehiyo na nagkakaedad na.
ang mga character ay parang hango sa mga kaklase o kakilala ng nag dibuho nito !

ang huling salita ko ay Hahahahaha nalang !
Profile Image for Mavel.
244 reviews5 followers
August 5, 2017
My favorite part from this book is the following love poem from page 66:

I'm sorry for making you kulet
Sana mawala na iyong galet
Kaya I brought you some tsokolet,
You bet!
Profile Image for Jaymee.
Author 1 book40 followers
May 21, 2021
Better than the first collection, mas ramdam pa ang college life dito at may growth na ang mga characters!
Profile Image for Ladylyn.
7 reviews
October 11, 2014
Ito ang ikalawang komiks ni Manix Abrera na Nabasa ko. Ganun pa din ang Review ko. Nakakatawa, witty at Matutuwa ka sa mga karakter na akala mong skul bukol pero may pagka witty at matalino din pala sila.

Umiikot lang ang buong Libro tungkol sa Paaralan, Paano mabuhay sa Kolehiyo, mga karanasan sa araw araw na pagpasok sa klase, kung paano mag power trip ang mga prof, kung paano nahihirapan at pagsabaysabayin ang mga Paper works at Thesis. Yung libro pang general, kasi halos lahat ng nasa Komiks ay nararanasan ng studyante.

Pinapakita din kung ano ang Nararamdaman ng isang Prof. Na naisip ko din kung nakokonsensya din ba sila kung Nagbibigay sila ng Paper works kung Hindi aabot sa Deadline.

Kung gusto mo ng throwback sa mga panahong studyante ka pa basahin mo lang ang Blg 2 dahil halos makakatelate ka sa lahat ng pangyayari sa Komiks.

3 Stars!

Uulitin ko ulit itong basahin malay natin Madagdagan ang stars! :-)
Profile Image for Bryan.
114 reviews82 followers
October 20, 2014
Pangalawang libro niya 'to at may improvement na 'yong illustrations kumpara sa naunang libro. Mas may pattern na, depth at parang may sariling kaluluwa na rin 'yong mga karakter. Baka nga mas may kaluluwa pa 'yong mga fictional na tao rito kaysa sa ilang nagbabasang cro-magnon. How sad. Nasa title na ng librong 'to ang summary ng mga akda ni Manix: Nagpapaka-Weird, Kunyari Pa-Deep, Sarap Sapakin. Sa tunay na buhay din kaya ganyan si Manix? Mukhang hindi. Para kasi siyang shy type tuwing napapanood ko mga interview niya. Or likas lang siguro sa isang manunulat o artist na imbes na i-Q & A mo siya ay kilalanin mo na lang siya sa pamamagitan ng kanyang mga gawa. Kunyari Pa-Deep, Sarap sapakin! Rak en Rol! More powers kay Manix para patuloy pa niyang biyayaan ng weird stuffs ang mundo.
Profile Image for Ela.
59 reviews1 follower
March 31, 2014
Karamihan sa mga kwento todits eh dehins nalalayo sa mga tagpo ng mga karaniwang estudyanteng tila nagpapaka-weird, kunyari pa-deep, sarap sapakin. Makikita mo sa mga komix dito na may pakeelam at masasabi ang mga estudyante sa mga seryosong usapin sa kanyang lipunang ginagalawan; kagaya ng pulitika at pag-papaunlad ng kalidad ng edukasyon, isama mo pa ang mga nagbabagong trends at pauso kaugnay ng teknolohiya.

Nakakatuwa din na makita ang mga side ng mga esyudyante, guro, dating estudyante-guro na ngayon, mga bagong graduate, mga bum (p@#%&*!), mag-jowa, mga na-snatchan ng cellphone at nalalagay na self-portrait sa mga listahan ng suspek na may artist sketch. Asteeeeg!
Profile Image for HaveYouSeenThisGirL Denny.
Author 25 books2,238 followers
October 14, 2013
Tatlong Kikomachine ang binili ko noong huling Manila Bookfair, isa ito sa mga napili kong bilhin, ang cute kasi ng cover! Haha! Una kong nagustuhan ang Kikomachine Komix noong nabili ko ang ika-lima nitong libro, aaminin ko na mas gusto ko pa rin ang ika-limang Kikomachine Komix, mas natawa ako doon kumpara sa ikalawa, napangiti ako sa ilang bahagi pero hindi napahalakhak ng todo. Dahil noong 2006 pa ata ito ginawa, nakakatuwa lang mabasa ng mga tipong "throwback moments". Maganda pa rin naman ito kaya naman isusunod ko nang basahin ang ikatlong libro ng Kikomachine Komix! Rakenrol\m/ :)
Profile Image for Dominique.
7 reviews1 follower
May 29, 2014
ASTEEEEG!

Napaka-expressive talaga ng drawing ni Manix. Kahit minsan di ganon nakakatawa ang mga hirit eh yung facial expressions ng mga characters ang nage-elevate ng punchline. Kakatuwa din ang progression ng mga characters. At isa pa, ang pagpapatawa dito ay may sense at talagang napapaisip ako.

Isusunod ko na agad ang isa pang kikomachine na binili ko. THUMBS UP!
Profile Image for Kleo.
13 reviews8 followers
May 4, 2012
Heto ang unang-una kong Kikomachine Komix. Sa pagkabasa ko ng Kikomachine Komix na ito lalo pa akong naanyaya na basahin ang iba pang Kikomachine. Ang astig lang naman.
Profile Image for Jesha.
33 reviews13 followers
May 6, 2013
Idol 'tong si Manix Abrera. \m/ :))
Profile Image for Joseph Marvin Reyes.
74 reviews2 followers
June 3, 2013
HAAAAA! Taking the comic world into a new whole-nother level. Manix Abrera. Asteeeg!
Profile Image for Caroline Turla.
180 reviews23 followers
February 28, 2015
Wala eh, asteeg talaga. Napahagalpak na naman ako ni Manix. Medyo nakakatrelate din ako sa mga kawalang hiyaan at mga karaniwang sitwasyon nila dito sa komix. Hahahahahahaha.
Displaying 1 - 30 of 36 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.