Manuel “Manix” Abrera graduated with a degree in Fine Arts from the University of the Philippines–Diliman. He is the author of the daily comic strip Kikomachine Komix in the Philippine Daily Inquirer, and the weekly webcomic News Hardcore in GMA News Online. He has currently authored twenty books and has won the National Book Awards for his wordless graphic novel 14, comics compilation News Hardcore, and comics compilation Kikomachine Komix 14: Alaala ng Kinabukasan. More of his works can be found at https://www.manixabrera.com.
Pangatlong Kikomachine Komix na nabasa ko at masaya pa rin ako. Hindi lang nga kasingsaya noong pangalawang libro. Parang ilan lang yong mga bahaging natawa ako at hindi halakhak. Nangiti lang. O ngumisi lang.
Ang Die! Die: Evil! Die! Ahrrrgh! ay karamihang tungkol sa pag-aaway noong karakter na lalaking may tatlong spikes ang buhok at nakasalamin at yong babaeng syota niya na nakasalamin din. Di ko natatandaan na ganoon ako ka-praning makipag-away sa mga naging kasintahan ko kaya di siguro ako masyadong naka-relate. Pero nandoon pa rin yong mga hirit at mga follow-up hirit at side hirit na nakaka-amuse. Tama ang kaibigan kong si Ayban na 'yong mga 'yon ang ikinaiba at ikinaganda ng komiks strips ni Abrera. Bukod pa sa konsepto na ang kanyang mga tauhan ay mga taga-UP at hindi mga jologs kaya may kakaibang dating ang mga patawa at mga hirit. Pa-deep sabi nga doon sa pangalawang libro.
Buti nga naka-usap ko yang si Ayban sa MIBF noong nakaraang buwan. Narito at sinipat ko ang sinasabi nyang mga mini-strips sa loob ng libro kagaya ng "Kuwentuhang Isawan", "Boy Kamote!", "Sa Alon ng Mga Taong Hipon", "Basang-Basa", "Panaghoy ng Tagihawat" at "Ihip ng Kapalaran: O Dyusko Gargantuan." Natawa ako doon sa mga taong hipon. Nadiri sa tagihawat at nangiti sa gargantuan na electric fan. Pero wala yong halakhak na halos ikabaliw ko, ayon sa akin asawa, noong binabasa ko yong pangalawang libro.
Ang ikinagusto ko rito na parang di ko nakita doon sa unang dalawang libro ay yong mga patula sa ilang mga strips kagaya noong paga-away noong dalawang mag-syota. Tinula pa eh naga-aaway lang palagi. Tapos yong pinakahuli, na supposedly ay pinakamaganda, parang naawa ako doon sa bulaklak noong pitasin.
P.S. Alam nyo ba na yong huling strip doon sa Book 1 ay lumabas daw sa UPCAT noong nakaraang Agosto sabi ng anak ko?
Babala Nakamamatay! (hindi sa kakatawa kundi sa kakornihan na matatawa ka na lang kasi nga korni) Ahrrrgh!
Kikomachine Komix Blg.3 : Die! Die, Evil! Die! Ahrrrgh! --- isa isahin ang mga kataga sa pamagat ng pangatlong libro.
"Die!" - nakakamatay, pumapatay, patay na patay. Para kang nagsuicide sa pagdigest ng mga korning hirit. (ang masama niyan hindi ko masikmura) Maraming pinapatay. Oras, pasensya, common sense at katabi.
"Die, Evil!" - kademonyohan. Parang laging may nagtatalong anghel at demonyo sa isip mo.(pero laging panalo .... yung demonyo)
"Die!" - lagot pangatlong beses nang nabanggit. Sukdulan na to. Grabe.
"Ahrrrgh!" - Nakakagalit, nakakainis, nakakapikon sa nakakatuwang paraan.
Parang humina si Manix sa pangatlong libro niya. Hindi na masyadong nakakatawa. Korni nga kung korni. Wala na masyadong kulay ang mga kwento ng barkada.(nauubusan na siguro siya ng mga hirit sa buhay kolehiyo) Di ko lang alam, pero parang nakakasawa din kapag pinalagi lagi ang pagiging korni. Di mo kasi alam kung sisiryusohin mo o kung hindi.
Pero ayos din, dumami na yung mga mini kwento niya sa libro.
Ihip ni Kapalaran. O Dyusko Gargantuan - heavy, bagong hairstyle pagkatapos.
Totoy Kamote! ooh Sige! Sige! Beybeh! - inspirational, nakakataas ng tiwala sa sarili.
Panaghoy ng Tigyawat - Yak. Kadiri. Buti na lang walang kulay yung mga strip.
Basang-Basa (oh my God, ang kati!) - wala lang.
Kwentuhang Isawan - RakEnRol pa rin.
Sa Alon ng mga Taong Hipon - nakakaawang mga nilalang.
Sa kabuuan ng libro. Nagustuhan ko naman. Naghahanap lang ako ng bago.
As I was reading the comic strips of Manix, I was assailed by a most profound thought ... Are we alone in this universe? RAKenROL!
I was not saying Manix was an alien. But he was able to tap into the zeitgist zeitgiest zeit-Putik ang hirap ispelengin!
One was brought face to face with the most penetrating existential questions that pierced one's whole being. Like pieces of organs pierced by bamboo sticks in isawan. Heh!
At one point the character with spiky hair asked himself, Weird. Ano ba'ng hiwaga sa mga isawan at nagiging socially aware ang utak ko twing kumakain todits? (57) Think of it this way: the isawan is the new temple of discourse. Asteeg!
The characters congregate in isawan not because they are hungry for abstract ideas, but because their stomachs are churning for meanings. Yeh.
By eating the internal organs of fowls and pigs, they were able to internalize the predicaments of the modern man. What Camus dramatized as 'the absurd'. What Coetzee novelized as a patient 'waiting for the barbarians'. blah-blah-blah.
To be able to digest the cooked organs of another living being would require a new paradigm and conceptual framework. dyuskoh!
To role-play the inanimate creatures (tigyawat), or to transform into discriminated sentient beings (taong hipon, taong garapata, taong tao) would require an epistemological investigation into the irreconcilable philosophical constructs. Omaygahd! Hwooh!
Manix's narrative is replete with the formation of social movements (Tigidig Patrol, Taong Hipon Movement), in order to reverse the traditional modes of thought and models of reformation, giving a new face to the proletariat and their struggles for equal protection of the law. It means that we are not alone in the universe if we banded together and change the world. RAKenROL!
In Manix Abrera's Kikomachine Volume three, things get more crazy, although nothing have made me really, really laugh. Aside from the university humor and spike-guy's corny and annoying quips, it also have these strips (with highly stylized titles) like Panaghoy ng Tagyawat, Sa Alon ng mga Taong Hipon and Basang-Basa (Oh my god, ang kati!). Die! Die, Evil! Die! Ahrrrgh! is a serviceable volume, just enough to satisfy your comics fix.
Since nabasa ko na finally yung Vol. 1 (sayang kasi nawawala yung Vol. 2 ko, ligawan stage sana nina bf at gf huhu), mas na-appreciate ko na yung refinement ng sketches ni Manix. Tsaka ang smooth na ng flow ng bawat strips, kumbaga may pagka-storyline na siya, unlike sa unang volume na random strips and jokes lang karamihan. Kaya ang dali nang basahin kasi tuloy-tuloy ang kwento, swak sa day-to-day life ng students sa university at working characters.
Tulad ng kwento ng awayan nina bespren at boy tusok/bf na early-on pa lang na-establish na, na natuloy sa naging tampuhan ni gf at bespren, na later on naging LQ nina bf at gf. May mga strips in between na nakakasalamuha nila yung ibang characters, pero bumabalik sa storyline nila eventually. Para tuloy akong nanonood ng teleserye hahaha na-appreciate ko yun.
Magaganda rin yung mga featured stories nitong volume, sina Totoy Kamote, mga taong hipon, jellyfish suicide squad, members ng Tigidig Patrol.
Medyo nag-less yung political jokes pero pag meron, solid pa rin. May isang strip tungkol sa national id, 2005. Napa-woah ako nung nabasa ko haha.
Galak na galak akong basahin ulit 'tong volume after how many years, para akong nag-time travel. Die, die, evil, die will always have a special place in my heart (naks)!
Nais ko’ng ilinaw ang isang pagkakamali sa nakaraang rebyu sa isang aklat ng serya na ‘to. (Di ko masyadong matanda-an pero sa aklat bilang pan-lima yata ko na isulat yun.) Ang nasabi ko’ng pagkakamali ay hinggil sa pagpalagay ko na “ang mga aklat ni Manix, ay hindi isang material para sa pilosopikal na paksa at para sa naghahanap ng naturang paksa ay walang anumang nilalaman ang naturang serya kundi mga kakornehan at katatawanan”. Sa pag-isip-isip ko, at nang matapos kung basahin ang lahat ng mga aklat sa seryan ito, isang pagkakamali iyun at para matugunan ko ang naturang pagkakamali ay napursige akong magsulat ng panibagong rebyu na panlahat at sa Filipino.
PAANO KO NASABING “PILOSOPIKAL” DIN ANG MGA KOMIX NI MANIX?
Bagamat “patawang” inilarawan ni Manix ang kanyang mga estorya, maraming “pilosopikal” na paksa ang napag-uusapan sa mga komik strips nito. At ang higit na kapansin-pansin nito ay ang ideolohiyang “eksistensyanlismo”. Marahil ay malakas ang empluwensya ng kanyang “unibersidad” rito- ang Pamantasan ng Pilipinas (Diliman).
Madami pang mga paksa na hinggil sa “Pilosopika”. May mga paksa tungkol sa pagiging simple at pagiging salimuot at kung anu-ano pa. May paksa tungkol sa magka-ibang kaisipan na ipinaubaya sa ‘yo ang pagpasya kung alin ang totoo.
ANO PARA SA AKIN ANG KIKOMACHINE KOMIX?
Ang Kikomachine Komix para sa akin ay isang serya na patok sa anumang gulang dahil napakalawak ng nasasaklaw na gulang ang mga nailarawan nito. Isa itong satire tungkol sa lipunan at lalong-lalo na sa buhay sa loob ng mga pamantasan. Dahil isa itong satire, patawa kung inilarawan ni Manix ang kanyang pagsasadula ngunit may patama pa rin sa paksang tinutukan- yung tipung matawa ka at sa bandang huli ay mapa-isip din. Halo-halo ang mga kwento nito.
May kwentung pag-ibig (Yay!), may kwentung pagkaka-ibigan (BFF!), may gore (yuck!), may katatakutan (Really? Ows? Multo ka ba talaga?), may adbentyur (Yahoo!), at iba’t-iba pang kawerdo at kakornehan (Ur soh baduy! Ewws!).
Ang Kikokomachine Komix para sa akin ay may aspetong Pilosopikal, Sosyal (Sosyal-soyalan, oh anu?), Pulitikal (Namumuleteka? Ganun?), minsan may Syensya din (Pasyensya na ha, pero uber ka na ha?), at higit sa Komikal (Nakakatawa to death.). Minsan, may mga bagay-bagay akong nalalaman dahil nabinggit dito (Wala ka pala eh!).
SINO ANG PINAKA-GUSTO KONG KARAKTER SA KIKOMACHINE KOMIX?
Si Betong Badtrip! (Gusto ng sapak!) Haha!
Ilan lang sa mga karakter sa Kikomachine Komix ang may pangalan- gaya nina Goody Pakyutsie at si Bertong Badtrip. Gusto ko ang karakter ni Bertong Badtrip. Isang line lang ngunit lakas ng tama! Minsan, gusto kung maging siya. Hehe. Gusto ko kasing turuan ng leksyon ang mga taong nangangailangan nito. (Baka ikaw turuan ko ng leksyon dyan!)
Matatawa ka hindi dahil sa mga punchlines ng character kundi dahil sa kakornihang dala ng bawat conversation sa strip. Anyway this is my new collection kaya keri lang saka napapatawa naman ako kaya masaya na rin ako na magkaroon ng komiks na ito. Maganda rin ang cover nakakatuwa :))
Isa to sa pinakamemorable na kikomachine komix sa lahat kasi dito naging magsyota si babaeng nakasalamin at si lalakeng may spikey hair. Hanggang ngayon nagtataka padin ako kung bakit di niya binibigyan ng pangalan yung characters dito sa komix. Rak en Rol padin
First time reading a KikoMachine Komix since I've been intrigue by this ever since. And it's actually worth it! This book is funny and I can totally relate especially to the student's school lives. Lol. Looking forward to reading the other books :)
Mas malalim, mas malaman, maa may kwento. Paborito ko yung nakawan ng tubig sa dorm, yung pag transition from student to prof nung isa sa characters at ang pagpapakita ng dalawang side/pinoproblema, at siyempre yung "gargantuan" electric fans sa library, na lagi akong nabibiktima!
Apakahirap nang maghanap nentong blg. 3 ngayong 2023. Kikomachine komiks talaga ang binabasa ko pangbanlaw pag sobrang heavy ng natapos kong libro o pag may book slump ako. Nakakatuwa kasing basahin at chill lang. Though minsan eh korni ang jokes pero mapapangiti ka pa rin.
Repapips: Naiinis ka pa ba? Labidabs: Hmp. Tingin mo? (sabay talikod) *ultimate awkward silence* Labidabs: (humarap) Ikaw, naiinis ka pa ba? Repapips: Tingin mo? (sabay talikod na may bahid ng pagtatampo) *ultimate awkward silence* Labidabs: (biglang tingin kay Repapips) Repapips: O... Tumitingin ka? Labidabs: Kainis ka...
Ang maikling kuwentong iyong nabasa ay isa sa mga strip sa Die! Die, Evil! Die! Ahrrrgh!, ang ikatlong Kikomachine Komix compilation ni Manix Abrera. Hindi ko alam kung anong hiwaga ang bumabalot dito o sa mga salitang 'tingin' at 'inis' pero ito ang strip na pinaka-nakapagpatawa sa akin sa librong ito. Oo at medyo korni at nonsense ang strip na ito pero ano'ng magagawa ko? Tulad ng Kikomachine characters at readers ay sobrang babaw ng kaligayahan ko? Kung sabagay, ganito lang naman siguro ang nais ipahiwatig ng humor ni Manix--ang patawanin tayo sa kahit anong paraan, mababaw man ito o malalim. (Maipilit lang eh, 'no?)
Trivia (nang maiba naman): Ewan ko kung alam ninyo ito pero nang unang lumabas ang Die! Die, Evil! Die! Ahrrrgh! noong taong 2007, merong dust jacket ang naturang libro. Kulay itim ang dust jacket na ito at may font na kulay pink (Paborito kong color combination, bukod pa sa black at orange. Parang preso lang 'di ba?). Mas eleganteng tingnan, kesa doon sa original cover niya na medyo may pagka-childish ang dating dahil may rainbow, flowers, butterflies at kung anu-ano pang flying unicorns in the sky.
Narito naman ang ilan pa sa mga strip na nagustuhan ko o nakapagpatawa sa Die! Die, Evil! Die! Ahrrrgh!:
1. Ang story arc na "Ihip ni Kapalaran, O Dyusko Gargantuan!" kung saan inilahad ng mga estudyanteng nag-aaral, nagre-research at tumatambay sa library kung gaano kahirap pumuwesto malapit sa dambuhalang electric fan. Maski ako, naka-experience na ng ganyan noon. Hindi ko problema ang biglaang paglipad ng readings. Mas problema ko ang biglaang pagkakaroon ng sipon dahil napakasensitibo ng ilong ko. Kaunting lamig lang, sinisipon na agad ako. (Share lang naman.)
2. Ang tungkol sa chain mails na madalas nating natatanggap sa ating e-mail kung saan babantaan ka na kapag hindi mo nai-send iyon sa limampung kaibigan ay may mangyayaring masama sa iyo. Nakakatawa si Afro Boy dahil trenta lang daw ang friends niya. Kaya ang ginawa niya, nakipagkaibigan siya sa mga katabi niya sa computer shop!
3. Ang plagiarism issue kung saan minsan daw nag-check ng bibliography ng term paper si Lola Prof at dahil sa sobrang pagka-cut-and-paste mode ng naturang estudyante, hindi niya alam na link pala ng pornsite 'yung nasa bibliography! ("Ay kamatis! Ang lakeh!")
4. Ang kuwento ng mga lulong sa amoy ng bagong xerox na papel. Nakaka-relate ako dito kasi medyo adik din ako sa amoy nito noong bata pa ako. Kapag naglalaro kami ng iskul-iskulan ng mga kalaro ko, ako ang titser at pinapa-xerox ko pa sa tatay ko 'yung exam kunyari nila!
5. Natawa at naka-relate din ako sa eksenang hanapan ng groupmates sa isang group activity. Tila nga isang World War ang resulta ng buong silid matapos magbigay ng go signal ang prof para maghanap ng ka-grupo!
6. Maganda rin 'yung Epilogue part ng libro kung saan nag-uusap ang dalawang magkasintahang bulaklak. Pinapaliwanag ng lalakeng bulaklak ang pag-ibig niya kay babaeng bulaklak na inihahalintulad niya sa isang rainbow. Ang galing dahil talagang may meaning pa ang bawat kulay ng rainbow na patungkol sa pag-ibig. Tipong, napakababaw pero napakalalim pala ng kahulugan (ano daw?).
7. At marami pang iba! (Sobrang dami pa, as in. Nakakatamad nang isa-isahin.)
Sa muli kong pagbabasa ng ikatlong pagsasama-sama ng comic strips ng Kikomachine Komix ay nabiktima na naman ako ng mga nagbabagang romansa, umaatikabong aksyon, makatunaw-pusong drama, hardcore hebigat na kakornihan, kakila-kilabot na katatakutan, at kung anu-ano pang ewan. Parang itong review ko lang, mukhang ewan. Magmula LQ hanggang sa paboritong strips. Sobrang sabog.
Tulad ng mga nakaraang volume, ang Kikomachine Komix ay isang comedy show/sitcom na ginawang libro. Nakamamangha kung paano na-extend 'yung storya tungkol sa magkasintahan at ang matalik na kaibigan sa kabuuan ng libro. Gayundin, malapit sa puso ko dahil sinasalamin nito ang ilang bahagi ng buhay sa unibersidad (UP, hindi man explicit na nabanggit).
Humuhugot ng materyal ang libro sa social reality, gayundin sa kaswal at araw-araw na usapan. Ito 'yung tipo ng comedy na nakakatawa at mapapa-"Oo nga, ano?" kasi may kurot ng katotohanan (It's funny because it's true, sabi nga sa meme), mapapa-"wow" sa ilang "radikal"(hal. Tigidig Patrol) at "malikhaing" mga ideya, gayundin na mapapaisip ka sa posibleng implikasyon ng ilang punch line.
Hindi pa din nawawala ang salitang "Nakakatawa" sa Librong 'to. Hindi mawala ang hagikgik na nagmumukha kang tanga at Ngising na ibig sabihin tumatawa ang iyong utak.
Nakakatuwa dahil sa 83 pages na librong ito ay napasaya ka nya. Pero sa ika huling pahina ng libro ay nalungkot ako sa wakas ng storya ng dalawang bida, ang dalawang nagmamahalang bulaklak. Wakas na nga ng storya may halo pang heartbreaking scene! Nako naman. Hahaha!
Favorite comic strip: Tigidig Patrol, Panaghoy ng Tigyawat, Sa alon ng mga taong hipon, yung paano makatipid ng bayad sa jeep (sumabit sa likod ng jeep), at yung heart breaking epilogue.
Siguro'y magiging paulit-ulit lang ang review na gagawin ko sa mga comics ni Manix. Gaya ng nasabi ko na, consistent naman siya sa art at humor niya. Ang napansin ko lang na bago sa kanyang mga libro ay ang mga bagong tauhan na may sariling strip o cameo role.
Ang mga cover ng libro ni Manix ay cute, interesting at cool! Pero hindi laging konektado ang cover ng libro ni Manix sa mga kwento niya. O minsan, iniisip ko, kung konektado pa nga ba talaga ang comics ni Manix sa mundo, space, time o cosmos. O ako, 'pag nagbabasa ba ko ng mga comics ni Manix, nakakabalik pa ko sa sarili ko o baka napalakbay na ko ng 'di sinasadya sa 7th dimension? Rak en Rol!
The staple end of comic strip "banats" (Rakenrol! Asteeg!, etc.) still gets me laughing. I like how the author is able to insert bits and pieces of his political and societal issues without being too pushy or too much. The scenarios in the strips were perfect portrayals of college life or school life in general which I got to appreciate especially since I am currently in quite a busy period in grad school. Even though I wasn't from UP, I was still able to relate (probably all the more if I was). I felt, however, that these collections would be good in small doses as it can get repetitive after a while. I'll probably pick the next collection in the next quarter or so.
First Kiko Machine Komix ko by Manix Abrera At To Be honest Maganda Ang Kwento Pag Pinagsama ang Humor at Comedy ta tatak sa isip mo.Tipikal na Kwento ng Mga college Students Mga Karanasan At Mga Pagsubok Na hinaharap nila na Ikinowento sa Paraan na Patawa Pero May sence....Kya Bibigyan ko ng 3 Star Ang comic book nato and i Think After ma complete Ang Bob Ong Books May bago nakong HardCore author Na susubaybayan C manix Abrera "rak en Rol!"
One of the few comics I like. The illustrations and the characters were just too quirky in a good way. Trust me, I can relate to them because I'm also a college student. Plus, the weirdness is extreme at some point but I found it very funny (didn't annoy me at all). Unlike Pugad Baboy, the jokes are not outdated and can still be relatable after many years.
Pangatlong Kiko Machine Komix na nabasa ko. Sa totoo lang, matagal bago ko natapos ang pagbabasa nito. Inabot ng halos 1yr and 6mos siguro. Siguro dahil hindi ko sya masyadong nagustuhan kumpara sa unang dalawang librong nabasa ko. Pero gayunpaman, tunay na nakakaaliw ang mga akda ni Manix lalo na't kapag tinatalakay ang realidad ng buhay.
Book #47 for 2012: Borrowed from the library kasi kailangan ko ng mga babasahin habang nagcocommute. Ang librong to nagbigay sa akin ng maraming LOL moments in transit kanina, daming napatingin sa akin pero kebs lang. :)) Nakarelate ako lalo na sa mga kwentong isaw. Bow.
Pataas ng pataas ang tensyown, beybehh! Todits may nagka-developan. Hahaha. Nakaka-entertain talaga as the usual ang mga ganap sa jeep, ang pagsabit para maka-menos sa gastos, pagiging isang taong 'hipon', at kung anu-ano pa. *Hikbi* para sa huling kwento (O, mga bulaklak!)
wahahah! grabeh astig to!! wapak na wapak hahaahaha... i can't stop laughing while reading this book kaloka! since din hindi na ko maka-move on kay repapipz!!
This, for me is the best kikomachine komix ever. Malupit ung unang cover nya. Nakakasakit ng tyan ang mga topics at delivery. Was once a source of inspiration para sakin. All hail manix!
Napakasalimuot ng ending tungkol sa dalawang bulaklak. Mararamdaman mo ang damdamin nang sumulat. Tiyak na dadalhin ko ito hanggang kamatayan. *Rak en Rol*