Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ang Tundo Man May Langit Din

Rate this book
Tagalog

Unknown Binding

First published July 2, 1959

101 people are currently reading
1442 people want to read

About the author

Andrés Cristóbal Cruz

11 books23 followers
An alumnus of the UP College of Arts and Science, Cruz—together with other literary giants like Virginia Moreno and Alexander Hufana—formed the legendary writers group, The Ravens, in 1951.

In 1962, Cruz was Ten Outstanding Young Men awardee for Literature. His books and translations include Ang Tondo Man May Langit Din, Ulilang Pangarap and Ang Lahat ay Magkakapatid.

Cruz also wrote columns for Malaya, Philippine Post, Metronews, and Isyu.

(Source here.)

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
425 (49%)
4 stars
215 (25%)
3 stars
148 (17%)
2 stars
41 (4%)
1 star
28 (3%)
Displaying 1 - 30 of 48 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
March 11, 2012
Ang Tundo Man May Langit Din literally means "Tondo Has Heaven Too." It was written by Andres Cristobal Cruz who was born in the early 1930's and was a teenager when World War II came to Manila. He was in the city during that time and he and his family survived by planting "talinum" (a kind of herb) that they pushed by cart and sold at Quiapo. If he is still alive, he must be as old as my parents.

At Liwayway Publishing, he was junior to Liwayway A. Arceo, contemporary of Benjamin Pascual and Bienvenido Ramos but he was senior to Edgardo M. Reyes, Dominador Mirasol, Efren Abueg and Rogelio Sicat. This Sicat has been dead so his wife Ellen Sicat tried writing a novel Unang Ulan ng Mayo that won the Palanca Award in 1996. I only mentioned this so I will remember them as I have the books of these writers in my to-be-read folder and they barely have Wikipedia entries so I'd like to remember who are senior or junior to who.

The book, Ang Tundo Man May Langit Din is very readable and the plot is thick. The setting seems to be in the 70's even if my edition of the book was only copyrighted in 1986. The reason why I could tell that this was in the 70's was the way the characters talk, what they do, what they study in school, and the absence of traffic. The word "hatset" as in "Ano'ng hatset ngayon?" took me a while to grasp. Then I remembered that in the 80's, my cousins here in Manila, were using that word to mean "food." Then the narration is a bit older. Cruz used "baro" as in "Punit na ang kanyang baro" referring to the shirt of the male main protagonist when nowadays writers would refer to it as simply "t-shirt."

It is a love story between a poor guy, Victor and a rich girl Alma who are both Education students at Torres High School in Tondo. I have not been to Tondo and have not seen that school where a couple of my friends finished their high school. These two friends of mine are both smart and readers so that must be a school with high standards of teaching. Then the two, the rich girl and poor guy, (not Jzhun and Jam) fall in love with each other, get married and they live happily ever after.

Simple, right? No. There are secondary characters and subplot. Alma is not the original girlfriend of Victor. At first, he has been in love with Flor who gets pregnant by a rich but married businessman. Flor wants to go out of Tondo and she sees no other way and experience how is it to be rich by being a mistress. Then Victor is the only hope of his poor family so he is studying very well even if his brother Lukas questions his manhood because Victor is not like him: rogue, street-smart and drunkard. Then there is also a writer in school who is pro-American and this is very evident with the way he praises America in his books.

You see, Tondo is a district in Manila that used to be where the slums were. I have paternal half-cousins living there at Bangkusay. I've seen some of them when they went and visit my grandmother when I was in college. But I've never been to their place. My grandmother used to tell me stories about them and the rumbles and fights where people are armed with knives, bolos and poisoned bow and arrows. She said the my cousins are street-smart and brave and would not hesitate to kill their enemies by disemboweling them.

When my grandmother died, we lost contact. Until last week, when their eldest asked for help from my handsome brother, a lawyer, because that cousin of ours stabbed two of his enemies over some money dispute. The injured enemies are alive but our cousin and his wife are now fugitives, they don't have money to put on bail, and they are hiding fearing for their lives.

That's the reason why I decided to read this book. I thought I'd like to know more about Tondo. There is also that kind of scene here and the way Cruz described it was so effective I thought I was in the scene.

Very nice storytelling. Felt dated at times but it was a nice read.

Profile Image for Nicay.
265 reviews94 followers
November 24, 2015
2nd year college ako nung binasa ko 'to. Isang proyekto sa subject na Filipino na kailangan magsulat ng reaksyon patungkol sa binasang librong panitikan o Filipino related books.

Hindi ko aakalain na magugustuhan kong basahin 'to. 2011 ko pa nabasa pero tandang-tanda (medyo na lang :P) ang istorya ng librong ito. Ang dami kong natutunan na aral sa librong ito na hindi dapat maging hadlang ang pamumuhay ng isang indbidwal, hindi rin dapat maging basehan ito kung pwede ka bang umibig o mabuhay. Bagkus, matuto tayong tanggapin na dapat lahat tayo ay pantay-pantay.
Profile Image for Jeremiah Antioquia .
72 reviews3 followers
September 27, 2022
Wala namang halos nangyari sa nobelang ito. Mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas, parehong tanikala pa rin ang sumusupil sa lipunan.

Ang pangunahing dahilan kung bakit ko ito binabasa ay dahil labeled itong romance book. Hindi ko alam na sa social commentary nitong libro ako mas magiging interesado.

Despite the outdated language, mga bulok na damoves ni Victor kay Alma (forgiven, this was set in the 70s/80s), at ang nakaririnding paulit-ulit na katagang "Ang Tundo Man May Langit Din", nakikita ko ang dahilan kung bakit kasama ito noon sa required supplemental readings sa asignaturang Filipino. Maganda ang pagkakapinta sa Tundo. Makatotohanan. At mas lalo akong naengganyong basahin ito dahil sa mga mapaghamong ideya ng manunulat

Sayang, mukhang hindi na ito kasama sa K-12 Curriculum.

Hindi ko nagustuhan si Victor. Nakakainis siya. Malayang mag-isip, pero duwag. Mabuti na lang at umiwas sa clichés ang nobelang ito.
Profile Image for Airiz.
248 reviews116 followers
June 22, 2011
This is one of those required readings for Filipino subjects in high school that I actually liked. With its plot's bones carefully molded at the joints to strongly deliver the meat that is the philosophy of the story, this is a good medley of social and political commentaries (Marxism?), a coming-of-age tale backdropped by the modern portrait of poverty and violence, and a touching romantic epiphany. It struck a chord with me when I first read it, partially because I felt the setting's description is spot-on (I grew up in Tundo for more than half of my life), and partially because I can identify with the character's main concerns. I enjoyed it a lot. :) I think a reread is in order.
Profile Image for Japi.
44 reviews
January 20, 2009
Kahanga-hanga. Karaniwang kwentong Pilipino, pero hindi pala.
11 reviews
November 6, 2012
Boring. Same, repetitive issues/concerns throughout the book. Development of some characters towards the end was a bit abrupt.
Profile Image for Ivan Labayne.
375 reviews21 followers
June 18, 2019
most intriguing yung part na nag-"open relationship" si Tonyo at ang "original wife" nito when the latter knew about Tonyo's affair with Flor. Poly-amory in a 1986 Pinoy novel? Mej wow.
Profile Image for Dia.
35 reviews
January 4, 2024
victor's always laughing.... he thinks everything's a fucking game
Profile Image for erinn.
5 reviews
January 19, 2011
a story i didn't expect i'd love..the first ever tagalog book iread.. :) ..
Profile Image for Irvin Sales.
70 reviews3 followers
December 29, 2022
Madalas kapag nagbabasa ako ng mga librong nailimbag ng dekada sisenta hanggang nobenta napapansin ko na ang mga salita at pagsasalit ng mga tauhan ay malalalim o kaya ay hindi na napapanahon. Isa ito sa mga dahilan kung bakit natutuwa akong magbasa ng mga ganitong libro sapagkat nagkakaroon ako ng ideya kung paano ba mag-usap usap ang mga tao noong mga panahong hindi pa ako ipinapanganak.

Ngunit kakaiba si Ginoong Andres dahil ang estilo niya sa pagsusulat ay maituturing na "pang-masa" sapagkat ito ay napapanahon, at higit sa lahat, pati ang kwentong nais niyang isalaysay ay napapanahon din.

"Ang Tundo Man May Langit" ay isang nobelang nagtuturo sa mambabasa na matutong mangarap at pumukaw sa mga natutulog na damdaming kailangan upang magkaroon ng mas malalim na pagtingin kung ano ba ang mga sakit na panlipunan ng bansa natin (o kung nabigyang lunas na ba ang mga sakit noon kung ihahalintulad sa panahon natin ngayon).

Natutuwa ako kay Alma at kung paano siya katapang na talikuran ang buhay na kinagisnan; isang buhay na komportable at masagana. Si Victor naman ay masasabi nating "work-in-progress" sapagkat maganda ang mga pangarap at prinsipyo sa buhay ngunit masyadong maliit ang pagtingin sa sarili (bunga ng lipunang kinabibilangan niya).

4.5/5
Profile Image for Migs Fiel.
274 reviews
July 29, 2022
Maganda. Kuhang kuha ang Kamaynilaan. Nakakaintriga ang mga pangyayari at madaling magustuhan ang mga tauhan.

Sana mabasa ito ng mga kabataan, kasi importante ang mga isyung natalakay. Ito dapat ang gawing required reading sa mga paaralan.
Profile Image for Roice Tayag.
1 review
September 17, 2018
Hindi na ako makapag-login sa dati kong account kaya gumawa na lamang ng bago.
------
Bilang isang taong laki sa Tundo, pamilyar sa akin ang mga lugar at mga araw-araw na pangyayaring nabanggit. Bagama't marami-rami na rin ang ipinagbago ng Tundo ng may-akda sa Tundong kinalakihan ko. Mahusay ang pagkakasulat. Sa totoo lang, hindi ako mahilig sa mga love story pero nagustuhan ko ito. Ang mga komentaryong panlipunan na nakapaloob ay nakatugma pa rin sa kasalukuyang panahon.
Profile Image for Isay.
229 reviews5 followers
August 15, 2021
Bitin ba talaga ang kuwento o kulang ang nasa librong nabili ko? Ano ang nangyari kay Alma at Victor?

Binigyan ako ng bagong pananaw ng kuwentong ito sa buhay. Ngunit hindi ko parin alam ang iisipin ukol sa pagbabayad sa kasalanan ng iba upang mawala ang pait na iyong nadarama. Ito ba ay ginagawa mo upang talagang makatulong o para mawala ang nararamdaman mong pait sa nangyari?

Sa kabuuan naman ng kwento. Ipinakita ng may akda ang nakaraang buhay na may kaugnay sa buhay ng mayayaman v mahihirap, ng mga pulitiko at namumulitiko. Marahil ang sasabihin ay iba na ang panahon ngayon,ngunit may pinagkaiba nga ba ang pamamalakad ng mga nakaupo?
Profile Image for GenovaGee.
65 reviews
November 23, 2015
Ang bawat isa sa atin ay may Tundo kahit ano pa ang iyong estado sa buhay. Ang iba'y umaalpas, ang iba'y pinanghihinaan ng loob at pinipili na manatili sakanilang nakasanayan.
1 review
November 14, 2022
SA ATING KANIYA-KANIYANG TUNDO

isang maiksing pagbasa sa nobelang
Ang Tundo Man May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz

Hindi lang bihis ng Tundo ang mababasa sa nobelang ito. Pati ang pagbibihis ng pangunahing tauhan na si Victor at kababata niyang si Flor, hanggang sa pagbabago ng pinaninindigan ni Alma ay lutang na lutang sa takbo ng kuwento.

Masikip. Marumi. Magulo. Iyan ang pumapasok sa isipan natin sa tuwing maririnig ang salitang Tundo. Sa nobelang ito, hindi mo na kailangang mabasa pa ang mga salitang iyan, dahil kusa nitong panghihimasukan ang iyong pandama. Ipakikilala sa iyo ang kaloob-looban ng Tundo hanggang sa matagpuan mo ang sariling isa sa mga tauhang binabasa. Ang kasikipan. Ang karumihan. Ang kaguluhan. Ilan lamang sa magpapabago sa iyo ng pagtingin sa isang lugar.

Matapang na napagtagumpayan ni Victor ang kadilimang naghahari sa Tundo dahil sa paniniwala niyang may katapat itong langit. Isang gurong ang tanging hangari'y maging kapakinabangan sa kaniyang komunidad. Ang walang-katapusang pag-aaral. Tanglaw ng pagbabago sa kinagisnang paligid na salat sa kaalaman. At sa pagtuklas niya sa pananaw na may pag-asa parati, dakila naman ang pagmamahal na kaniyang natagpuan sa pamamagitan ni Alma. Isa ring guro na binasag ang paningin ng marami na walang halaga ang pagtuturo bilang isang propesyon.

Ang kabuoan ng kuwento'y umiikot sa tunggalian ng tao sa kapuwa tao, tao sa kaniyang komunidad, at manaka-nakang tao sa kaniyang sarili.

Bibigyan ka ng nobela ng pagkakataong magmuni-muni. Sa iyong sariling Tundo. Sa iyong sariling mga pakikibaka. Sa mga pinapangarap. Hanggang sa muli mong matagpuan ang sariling magtitiwala sa pag-asang may langit din na nakatapat sa iyong kinatatayuan.

Sa nobelang ito, natagpuan ko ang sariling hinahamon, kinikilig, umaasa, naiinis, nagdadalamhati, at nagtitiwala.

Ang Tundo man may langit din. Tayo-tayo ay may kaniya-kaniyang Tundo na may maituturing din na kaniya-kaniyang langit o langit-langitan gaano man kadilim at kasukal ang ating kinaroroonan.
This entire review has been hidden because of spoilers.
16 reviews
December 4, 2022
Malaman at naka-aantig ang kwento ng Tundo. Tapat ang paglalarawan ng may-akda sa estado ng Tundo at ng mga nakatira dito. Maaring sabihin na ang kwentong ito ay hindi puno ng aksyon at mistulang walang totoong antagonista. Ngunit kung susuriin ng mabuti ang akda, kahirapan ang nag-iisang suliranin ng bida; Sa totoong buhay, ito ang sakdal na antagonista sa lahat. Magalang at may respeto ang may-akda sa pagsusulat ng buhay mahirap.

Ang mga karakter ay buo at may paniningidan sa kanilang mga personalidad kaya't sila ay buhay na buhay sa mga pahina. Paborito kong karakter ang nanay ni Viktor na si Aling Sion dahil sa dala nitong lalim. Kita sa kanya ang pag-aagaw ng diwa sa kagustuhang magdalamhati na lamang o maging mapagmahal na ina sa kabila ng kahirapan na nararanasan ng kaniyang pamilya. Ang kanyang mga kahinaan ay nasasalo ng kanyang tahimik na lakas at kahanga-hanga mabasa kung paano nito naaapektuhan ang ugnayan ng bawat miyembro ng pamilya. Nasa kanyang mga linya ang pinaka-nakakaantig na parte ng nobela para sa akin.

Sa dulo ng kwento, hindi maiiwasan malungkot sa realidad na ang mga nasaad sa nobelang ito na isinulat pa noong 1986 ay totoo pa din hanggang ngayon. Ang estado ng ating sistemang pang-edukasyon at ang hindi makatarungan na dagok na ibinibigay ng meritokrasya (na sintomas ng maigting na klasismo) ay nandito pa din hanggang ngayon- baka nga mas lalong lumala pa. Ang politika na mayroon noong 80s ay siyang politika pa rin natin ngayon. Mas madahas pa nga at mas madumi lalo na ngayong taong 2022. Masakit na mapagtanto na ang Tundo na nasa kwentong ito ay ang Tundo pa din ng kasalukuyan. Kung papalawakin, mas masakit mapagtanto na ang Pilipinas ay wala masyadong pag-unlad sa mga dumaan na dekada.
Profile Image for C.L. Balagoza.
142 reviews15 followers
December 17, 2020
Maraming araw rin ang ginugol ko sa pagbabasa nito dahil patigil-tigil ako. At minsan ay natutukso pa ng cellphone kaya hindi ako makatuloy sa pagbasa nito ngunit ngayon ay natapos ko na ang buong nobela.

Maganda ang pagkakasulat ng nobela kahit sa mga unang bahagi nito ay may ilan akong napansin at hindi nagustuhan. Nalilito ako noong sinisimulan ko ito dahil sa mga bahaging flashback at kasalukuyang ganap sa nobela. Pero nang masanay na ako sa boses ng nobela ay nasakyan ko na ang kuwento. Masasabi kong ang astig ng akdang ito dahil kinikilala ito ng panitikan kahit ito'y pumapaksa sa pag-ibig.

Kahit ito'y tungkol sa pag-ibig ay nakapasok ito sa panlasa ng mga manunulat noon na bumuo ng literature series na ililimbag ng mga university press. Nakikita ko ang siguro ay ilan sa mga nakita ng mga nagbasa nito. Una ay dahil sa kuwentong pag-iibigan ito ay hindi naging tulad sa mga nailimbag na tungkol din sa pag-ibig. Masasabi kong mas honest ang akda na ito sa mga nangyayari sa paligid. Socially aware ang akda kahit romance ang gustong ipakita ng manunulat. Dahil ang totoo talaga kuwento ito ng tondo at sub lang ang romansa sa akdang ito. Paulit-ulit ang "Ang Tundo Man Ay May Langit Din" sa loob ng nobela hindi dahil para maumay ang mambabasa kundi para tumimo ang gustong sabihin ng mga kataga na iyan. Kada mababasa mo siya sa naratibo ay mag-iiba ang tingin mo. Hindi lang siya tungkol sa kalangitan ng Tundo, ipapakita ng nobela na ang langit sa Tundo'y di nakikita, kundi Pag-asa.

I
Profile Image for Raquel Vicente.
1 review
June 30, 2025
"Ang ating kasaysayan ay nakalarawan din sa ating literatura". Makikita mo talaga ang mga pangyayari noong kapanahunan sa pamamagitan ng pagbabasa tulad ng mga akda na inilathala sa panahong iyon. Nakalulungkot lang na ang pangunahing suliranin sa kwentong ito ay nasasalamin pa rin, makalipas ang ilang dekada, sa panahon natin ngayon. Sana dumating tayo sa panahon na kapag muli kong binasa ang librong ito, hindi na natin makikita na ang problema sa kahirapan, politiko, at kung ano pa ay laganap pa rin magpahanggang ngayon.

Sa kabilang banda naman, nagustuhan ko ang pagkabuo ng mga karakter nina Victor, Alma, Lukas, Aling Sion, Flor, atbp. Mayroong idealistic, pragmatic, mukha ng tinakasan na ng pag-asa na mayroon pang hustisya at pagbabago tungo sa kaularanan, at mga taong sumisimbolo sa "kabataan ang pag-asa ng bayan", at "edukasyon ang susi sa tagumpay".

Magaan ang naging flow ng istorya, at dito ako nakulangan – sa climax. Parang too good to be true lahat ng kaganapan. Pero, bumawi naman dahil mabibigat ang mga salitang sinasambit ng mga karakter. Mabigat at may laman.

Ito ang unang Filipino literature na binasa ko matapos ang ilang taon. Hayskul ng ako'y mawiling magbasa ng mga akda ni Bob Ong ngunit hindi na nasundan ng iba pang libro. Kung kaya't mairerekomenda ko itong libro sa mga nais magbasa o magsisimula pa lang magbasa ng Filipino literature.
Profile Image for Nicole Pangilinan.
5 reviews
December 13, 2020
I never expected that I will be fond with this novel considering that it was published in 1986 at namulat ako sa mga babasahin na hindi tinatalakay ang pag-ibig kung saan maikokonekta iyon sa mga nangyayari sa lipunan. I easily fell inlove with Victor and Alma's character. Victor being this person na ayaw magpadalos-dalos sa buhay at isa ang pinaniniwalaan: Tundo man may langit din. Alma, on the other hand, was a very refreshing character. Isang babae na galing sa mayamang lipunan at nanaising maranasan ang paghihirap makapiling lang si Victor.

And we have Flor, na piniling iwan ang kahirapan para sumama sa lalaking may asawa na. I noticed that Flor portrays Filipinos who chooses to leave the country dahil na din sa paghihirap. Sa una ay nainis ako kay Flor but as the story progresses, I began to understand her. I also admire na gusto niyang patunayan ang sarili kay Victor at para na din sa kaniyang sarili.

Tundo man may langit din for me means "Pilipinas man may langit din." Hindi lang siyudad ng Tundo ang nais talakayin ng manunulat kundi ang buong bansa sa kabuuan. Sina Alma, Victor, Flor, at ang mayaman at mahirap na lipunan ay isa lang sa maraming mukha ng ating mamamayan sa bansa. Sa pag-ibig dapat mong tanggapin ang lahat. Pag-ibig man sa kapwa, sa sarili, 'o sa bayan.
Profile Image for Percival Buncab.
Author 4 books38 followers
November 9, 2018
Nu'ng mabasa ko ang isang chapter nito sa textbook nu'ng fourth year high school, ang una kong naisip ay "Wattpad." Dahil kumpara sa iba pang kuwentong pinag-aaralan namin, ito lang ang love story.

Karamihan sa mga kuwentong pinag-aaralan namin noon ay tungkol sa mga social issues; at ang ilan ay may elemento rin naman ng pag-ibig. Iba ang Tundo; kuwento ito ng pag-ibig na tumatalakay din sa iba't ibang isyung panlipunan, gaya ng problema sa akademya, pulitika, kapaligiran, atbp.

Makapal ang nobelang ito kumpara sa mga klasikong nobelang Tagalog na nabasa ko, pero mabilis kong natapos. Hindi kumplikado ang plot. Tama lang ang pagkaka-build para patuloy mong ilipat ang pahina hanggang dulo.

Ang pinakanagustuhan ko sa nobela ay ang pagkakabitin lagi ng love story nina Victor at Alma. Kung kailan ba aamin si Victor. Kung susuko na ba si Alma. O kung bigla bang magpapatuloy ang pag-iibigan nina Victor at Flor.

May satisfying ending. Hindi magarbo, pero may resolusyon.
Profile Image for fooleveunder.
153 reviews
August 7, 2025
Aaminin ko: Sa unang kalahati ng nobela, pangkaraniwan lang ang datíng sa akin. Pero noong bahagi na kinalaban ni Victor ang kaniyang guro at kasamang historyador, naging interesante na ang istorya.

Akala ko ay iikot lang ito sa pakikibaka sa lipunan ngunit hindi. Nakaugnay din ito sa paraan ng pamumuhay ng tao sa Tundo: ang masalimuot na búhay-politika, pagiging praktikal, pagbabaluktot o pagsandig sa prinsipyo, at marami pang iba.

Naisakatauhan nina Alma, Flor, at Victor ang uri ng pamumuhay at ang magkaibang mundong tinahak ng dalawang magkaibang uri ngunit piniling mag-anib.

Ayon nga lang, pakiramdam ko ay nasobrahan ang paggamit ng “ang Tundo man, may langit din.” Maganda sana kung mangilan-ngilan lang banggitin ’tapos sa dulo ay may bigat na ito kung sakalìng gamíting pangwakas.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for M..
13 reviews
November 3, 2024
The title of the book gave me such hope of this being a really good novel, but I was left quite disappointed as some aspects of it, especially the chapters nearing the end, were quite meh. I am also admittedly not a big fan of the type of writing that Cruz had done here (this being serialized in Liwayway from 1959 to 1960), but it was probably because it was the style of writing at the time—flowery language that beat around the bush a lot of the time and the kilometric dialogue which would inspire cheesy telenovelas.

However, despite these criticisms I have for the novel, Cruz manages to insert some pretty good commentary on the state of the country (which unfortunately is still the same to this day, ugh).

Other than that, it was pretty much meh for me.

Actual Rating: 3/5

(will probably write a full review later if I'm not lazy)
4 reviews2 followers
June 17, 2021
Hiling ko na ang lahat ay mapagtantong ang daigdig ng bawat isa ay may kalakip na langit. Magsumikap tayo tulad nila Victor na makamit ang langit na ito, hindi lang para sa sariling kapakanan kundi para rin sa mga kasama sa lipunang kinabibilangan.
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review
November 24, 2019
hahahaa
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Bianca Caligagan.
97 reviews23 followers
July 9, 2020
Napakahusay ng awtor, talaga naman napahanga at nagalak ako sa aking binasa.
Displaying 1 - 30 of 48 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.