Nagulat at namangha ako sa husay at galing nila sa pagguhit at paggawa ng komiks. Maipagmamalaki at maihahambing sa mga dayuhan upang ipanlaban sa larangan ng sining at pagguhit. Tunay na maka-Pinoy na ideya, istilo, komiks.
Nagustuhan ko ito dahil may kaunting pagpapakilala sa mga gumuhit. Hindi mo man sila kilala pero sa pag-SULYAP mo ay magiging idolo mo na rin-
Ian Olympia- kwento ng isang may ambisyon sa buhay na nauwi sa malagim na kawakasan.
Mel Casipit- isang lalaki na nagkaroon ng kapangyarihan na maging Baboy na Halimaw upang ipagtanggol ang mga naaapi.
RH Quilantang- tungkol sa pag-ibig, mahirap mapag-isa, maging malungkot sa buhay. Gumawa ka ng paraan para mapasayqa mo ang mahal mo sa buhay.
Gio Paredes- tungkol sa isang Superhero na nagnanais ipagtanggol ang bayan mula sa mga mala-planetang halimaw.
Rommel J. Estanislao- tungkol sa isang batang nangarap lumipad pero nauwi sa kamatayan.
Tepai Pascual- tungkol sa ating mga ninuno- mga naunang tao, Datu, Raja na may kinalaman sa pananakop at pakikipagkalakqalan noong unang panahon.
Macoy- tungkol sa mga halimaw na may kakaibang nilalang na hayop upang protektahan ang bansang Pilipinas.
Josel Nicolas- tungkol sa isang Bear na may kinalaman sa suliranin pampamilya at pakikisalamuha niya sa kanyang mga kaibigan upang makauwi sa kanilang probinsiya.
Sa huling pahina ay may tulong sa mga nais maging Independent Comic Artist. Tumutulong sila na humubog at buhayin ang sigla sa larangan ng pagguhit at paggawa ng Komiks. Mapanganganga ka! Sa pag-Sulyap sa komiks nila
A lovely collection of indie Filipino komiks. There are stories in here to make you cry, laugh, think and remember. The art as well is superb and masterfully done. Simply: great.