Kakulangan sa kalusugan. Kakulangan sa personal na katangian. Kulang-kulang na asawa. Relatives na kulang sa pansin o lagi kulang sa pera. Gusto mo na tuloy mapasigaw ng "Kulang!!!"
Paano nga ba pupunuin ng ganda at saya ang buhay na kulang-kulang naman ang mga sangkap? 'Yan ang isyu ng munting librong ito!
How to make the best out of what life throws your way! Anong gagawin sa mga ayaw mong sitwasyon at mga tao na di naman pwedeng itapon?!
Insightful. Praktikal. Bible-based. Entertaining pa! Ang gaan basahin. Kahit pasan mo ang daigdig, magugustuhan mo pa ring mabuhay!