Jump to ratings and reviews
Rate this book

Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe

Rate this book
Tagalog

190 pages, Paperback

First published October 1, 1987

212 people are currently reading
3913 people want to read

About the author

Jun Cruz Reyes

19 books141 followers
Si Jun Cruz Reyes ay isa sa mga natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo ng ating panahon. Mula 1993 hanggang 2004, kung kailan siya ay Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, nakapaglabas siya ng maraming libro, kabilang ang Etsa-Puwera na nagkamit ng unang premyo sa National Centennial Literary Contest noong 1998 at National Book Award mula sa Manila Critics Circle noong 2001. Siya ang SEA Write Awardee ng Pilipinas sa taong 2014.

Isa rin siyang magaling na guro na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na Assistant Professor ng College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most Outstanding Faculty sa Polytechnic University of the Philippines, at ng isang Writing Grant mula sa UP Office of the Chancellor at Office of the Vice President for Academic Affairs noong 2003. Si Reyes ay kinikilala rin sa marami pang unibersidad tulad ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, at University of Sto. Tomas, na kadalasang iniimbitahan siyang maging panelist, judge o tagapagsalita sa mga palihan at patimpalak. Abala rin siya sa pagiging judge sa mga pambansang patimpalak gaya ng Palanca Awards at NCCA Writers Prize.

Ginawaran siya ng Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas noong 2002. Sa taong iyon din siya hinirang bilang Most Outstanding Alumni for Literature and the Arts ng Hagonoy Institute noong Diamond Anniversary nito. Patuloy na isinusulong ni Reyes ang kamalayan para sa kanyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng workshop sa pagsusulat, journalism, pelikulang dokumentaryo, pagpipinta at iba pa, sa kanyang bahay sa Bulacan. Editor-in-Chief din siya ng D yaryo Hagonoy , kasalakuyan niyang tinatapos ang pag-akda sa Hagonoy, Paghilom sa Kasaysayan . Muling nilathala ng UP Press ang kanyang Utos ng Hari noong 2002. Ang pinakabago niyang aklat ay ang Ka Amado (Talambuhay ni Ka Amado Hernandez) na inilabas noong 2012. Patuloy siyang nagtuturo ng pagsusulat sa UP.

Sa Kasalukuyan ay senior adviser si Jun Cruz Reyes ng Center for Creative Writing ng PUP, siya rin ang utak sa likod ng Biyaheng Panulat (Ang Caravan Para sa Panulat na Naghahanap sa Bayan).

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
497 (59%)
4 stars
163 (19%)
3 stars
86 (10%)
2 stars
33 (3%)
1 star
62 (7%)
Displaying 1 - 30 of 93 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
March 11, 2011
Mas marami akong kaibigan na mas bata sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Kahit sa opisina, ako na ang isa sa pinaka-matanda. Ang mga kaklase ko sa high-school, bumalik na sa probinsya matapos makipagsapalaran sa ibang lugar. Ang mga kaklase ko sa college, mas maraming nasa ibang bansa.

Ang tao, mas madalas sa hindi, ay self-centered. Natural daw ito, lalo na sa mga bata. Kung baga sa Maslow's Hierarchy of Needs, malayo pa sila doon sa tinatawag na self-actualization dahil marami pa silang mga needs na dapat ma-address. Sa madaling-salita, marami pa silang gustong gawin. Marami pang gustong patunayan. Natural lang yon. Sabi ko nga sa asawa ko na patungkol sa anak ko.

Sa isang kagaya ko na nasa huling kalahati na ng buhay, marami na akong narating at marami na ring napatunayan. Di lang nga ako yumaman o hindi naging CEO pero sabi nga nila ang tagumpay ay hindi kung gaano kataas ang narating mo, kundi ano ang pinagdaanan mo para marating ito.

Kahapon lang, may kaibigan ako sa opisina na kinuwentuhan ko ng ilang bahagi ng Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe.
Ka-Opisina:Ano ka ba naman, K.D., marami pang taong di pinanganak ng mangyari yang Martial Law"
Ako:Exactly. History repeats itself. We might as well learn from its lessons. Actually, di ko naman naranasan ang mga ito pero napanood ko rin sa TV o sa sine o nabasa sa dyaryo.
Ka-Opisina: Di kasi ako maka-relate. Di ako mahilig sa history
Ako: Sabagay, ako di mahilig sa math Hehe
Paano nga ba ipapaliwanag ang isang yugto sa kasaysayan ng bansa na magiging interesante sa panlasa ng isang kabataan? Ito ang tinangkang gawin ni Jun Cruz Reyes dito sa Tububi. Nagwagi ng Palanca noong 1982 at nanalo rin ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle. Ang pangatlong limbag nito noong 2008 ay ang UP Jubilee Student Edition designed to bring the best of Philippine literature within the reach of students and general public. Ayan, kinopya ko lang yan word-for-word sa likod na pabalat ng libro. Nagpupursigi talaga ang U.P. na ipamahagi ang kaalaman sa literatura, kasama ang kasaysayan ng Martial Law, sa kanilang mga inilalabas na libro.

Ang Tutubi ay kasaysayan ng mga estudyante sa Philippine School for Science and Technology noong ideklara ni Marcos ang Martial Law. Ang mga tutubi rito ay ang mga magkakabarkadang lalaki na mga iskolars ng bayan dahil matatalino sila nguni't mahihirap. Ang Mamang Salbahe rito ay yong Metrocom na nanghuhuli ng mga aktibista. Ayaw daw ng narrator na gamitin ang ibon sa halip na tutubi dahil obvious. Ang unang bahagi ay ang mga kuwento tungkol sa kanila buhay-estudyante, inuman, sigarilyo, pagtatambay sa folk house sa Cubao, pagnanakaw ng kangkong sa katabing lote, pagiwas sa naniningil na landlady at pagaala-ala sa mga magulang na naiwan nila sa probinsiya. Boring karamihan. Ang pangalawang bahagi ay ang buhay nila bilang mga aktibista. Doon nabuhay ang kuwento. At ang epilogo ay parang isang brilyanteng kumikinang sa ganda ng pagkakalahad. Kung di lang nga napanood ko na ang kuwento ni Piolo Pascual at Vilma Santos sa Dekada '70 na batay sa nobela ni Lualhati Bautista, baka nabigyan ko pa ito ng ilang dagdag na bituin.

Ang prosa ni Reyes? Halong Bob-Ong at Ellen Sicat. At mas marami sa kanyang stream-of-consciousness o yon parang sinasabi sa aklat ang iniisip, kaysa sa mga characters na tahakang nagsasalita. Kaya kung hindi yan ang tipo mo sa nobela, huwag mo na lang tangkain basahin ito. Matatagalan bago mo matapos. Pero ang payo ko lang, pagtiyagaan mo ang unang bahagi kung ikaw ay kagaya ko na rin ang edad, dahil sa pangalawang bahagi, sulit naman ang oras at pera mo.

Kung tutuusin, marami rin namang kabataan ang may kamalayan sa nakaraang kasaysayan. Hindi naman lahat pulos librong Amerikano lang ang binabasa. Karamihan lang nga nababaduyan sa librong Tagalog o librong Pinoy, mapa-Tagalog man o Inggles. Nakakalungkot din. Pero kanya-kanyang trip lang yan. Malay mo, balang araw kapag ka-edad ko na rin yang ka-opisina kong yon, magbabalik tanaw din sya sa kasalukuyang panahon. Kailan rin lang ba ako nahilig magbasa ng Tagalog na nobela.
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
June 11, 2013
Noong bata ako, apyok ako sa panghuhuli ng tutubi. Mapa tutubing karayom man o tutubing kalabaw. Kalimitan silang nagsisilabas tuwing tag-ulan at kung saan palaging basa ang mga damuhan. 'Dun sila nagtutumpukan sa may putikan. Lumalayo sila sa mga taong nagdadaan pero hinding hindi sila makakalayo sa mga batang tulad ko na naghahabulan.

Merong dalawang paraan para mahuli sila. Ang isa ay sa pamamagitan ng ting-ting na pinahiran ng toothpaste sa dulo. Mas mahaba ang ting-ting mas maganda. Mas maraming toothpaste mas mabisa. Madalas kong ginagamit 'yung Close-up na pula, mas madikit kasi 'yun at mas mabango. At syempre hindi dapat kalimutan ang plastic labo. Kung wala ka namang ting-ting na may toothpaste dahil takot kang mapagalitan ng nanay mo habang dinudutdot mo ang ting-ting sa loob ng tube ng Colgate n'yo at natatakot ka na baka ipansepilyo sa'yo yang ting-ting na hawak mo. Pwedeng pwede ka pa rin namang gumamit ng kamay. Nakakapagod nga lang dahil sa malamang madalas makakatakas ang mga tutubi sa daliri mong maliliit.

Sa panghuhuli ng tutubi meron kaming sinusunod na batas. Dapat tahimik. Hangga't wala nahuhuli, walang iimik. Dahan dahan dapat lagi ang lakad. Walang agawan ng pwesto. Bawal sumuko, kapag hindi mo mahuli at lumipad, sundan mo. At ang huli ay 'wag nang makiagaw sa tutubi ng iba. Parang first-come-first-serve, kung sino ang unang makakita sa tutubi ay sa kanya na. Pwedeng mong hulihin kung nahihirapan na s'ya pero sa kanya pa rin 'yun kahit anung mangyari.

Paano ba manghuli ng tutubi? Una syempre maghahanap ka ng bibiktimahin. Dapat yung maganda, yung kakaiba, yung matingkad yung kulay, yung makikinang yung pakpak, at syempre dapat yung malaki. Mas maganda at mas malaki, mas sikat. Natatandaan ko ang pinakamaganda at pinakamalaki kong nahuli dati ay yung tutubing kalabaw na kulay ginto at halos kasing haba ng dangkal ko nung bata ako. Ang totoo hindi ako ang nakahuli nun, pinahuli ko lang. Pero dahil ako pa rin ang unang nakakita nun kaya sa akin pa rin 'yun. Ako pa rin ang sikat. Kapag may nakita ka nang bibiktimahin, 'wag agad lalapitan. Dahan dahan mong ikutan hanggang mapapunta ka sa kanyang likuran. Kapag nasa likuran na, icheck ang ting-ting kung saang parte mas makapal ang toothpaste. Ikalat nang mabuti sa ting-ting ang toothpaste para siguradong huli. Dahan dahang lapitan ang tutubi hanggang sa maabot na ng ting-ting. Kung nakakamay naman tiyaking hindi magagambala ang tutubi sa paglapit. Puntiryahin ang pakpak kung ikaw ay naka ting-ting at yung buntot naman kung ikaw ay nakakamay lang. Sigurduhing nadikit sa toothpaste ang pakpak saka unti-unting ilapit sa iyo ang dulo ng ting-ting kung saan nandoon ang tutubi. Dahan dahan lang dahil madalas nakakatakas ang mga tutubi kahit nadikitan na sila. Kapag nahawakan mo na, kunin mo ang plastic labo na nakasuksok sa shorts mo at hipan ito. Ipasok sa loob ang nahuli at sumigaw sa mga kasama mo ng "Nakahuli na ko! Kayo, nakailan na kayo?" Huwag ka na lang magugulat kapag sabay sabay ka nilang sinagot ng "Sshhhhh....".

Ngayon malaki na ako. Hindi na ako nanghuhuli ng tutubi. Bakit?? Dahil bihira ko na lang silang makita. Wala ng putikan. Wala ng damuhan. Hindi na mawari kung kailan talaga ang tag-ulan at mahal na ang toothpaste.


Disclaimer: Ang kwento kong ito ay walang kinalaman sa libro. Malayo ang tema nitong libro sa mga kwentong pambatang alam mo. Mas mainam na ikaw mismo ang makabasa at makatuklas. Dahil sinisigurado ko sa iyo, maganda to mula umpisa hanggang wakas.

Profile Image for Ivan Labayne.
375 reviews22 followers
November 14, 2023
i posit here na parang sa arithmetic lang din ang dating ng librong ito, sinignify hanggang 54 eh may 55 onward pang kasunod, 55, 56, 57 hanggang 55,000 hanggang 56,000 pa and more.

pag kinonsider na 'period' literature, lalo lang maja-justify yung limitation. alam naman nating mapaniil ang martial law and all at nangangalit yung mga estudyante, yung mga MASANG API, caps lock para mas emphasized, banggitin pa mismo yung pagbabanggit ng emphasis bilang isa pang emphasis, ang mga "iskolar ng bayan" pero panitikan pa rin ito at nagkukunwaring bago na si miguel syjuco at marami nang bago rin at bata at balat-kayong experimental na manunulat na naghuhugis ng panitikang pilipino at halos desenstized na ako sa mga phrases na ginamit sa librong ito.

malamang noong 80s, ang lupit ng dating nito, sariwang-sariwa, nag-first place sa Palanca at iba pang awards. Akma rin sa socio-historical na kalagayan at may galit pa rin sa mga tao kahit malapit na ang tagumpay laban ke marcos? o nagsimula na ang "restoration ng democracy" ni yellow?

pero pag nagbabasa ka ng goldsmith o david foster wallace, o high chair (o yan para may pinoy; or: pagbibigay-boses sa konsensya), tama ngang, akin lang naman ito eh, pahingal lang na dumating sa 55 itong libro.

hindi ito usapin ng nilalaman, tema and stuff; lamang nang unti ang porma sa panitikan para sa akin eh, at ang tutubi tututbi ay hindi nga nagpahuli sa mamang salbahe pero medyo nakahon (after nitong lumabas sa kahon ng konteksto nito) sa panahon nito at sa kinalaunang tinawag na "protest literature."

precisely kung bakit ineerect ang categories, to be subverted again and again. unless yung kalakhan ng sistema na ang masubvert. hindi na primarya ang task ng mga aklat doon. lahat ng aklat o akda, isang star lang ang kaya pagdating sa systemic subversion. pero magsulat at magbasa pa rin tayo. dahil kelangan natin ng porma.
Profile Image for Zeno.
67 reviews15 followers
August 21, 2013
This is the first book I've read that turns me on to reading. I haven't finished it though, since I am not really a reader at that time, I don't use bookmarks so I kept on reading the same chapters over and over again, not knowing where I left off.
My sister just borrowed it from their library and she borrowed it for me thinking that I may like it. I haven't finished any novel back then, nor attempt to read one. I thought that reading is a chore and it's boring. Who would finish a hundred plus pages book just reading words. Plus that I was in college back then, I have to read things that I'm not interested in but I have to.
But since this is written in a language that I could easily understand. I read it. And it's not simply the comprehension of language, I was having fun reading it. The way the author narrates the story, it keeps me on grip. His style is contemporary. He defies the way the old-school-classic-textbook folks tells a story, which I find boring and a chore. It just reminded me of the not-so-fun stories that I have to analyze and homework I have to do back in high school.
And may I include that I was a shy, introverted, freshman college on a new school back then. I don't talk to anyone, especially to my seatmates. We just don't find each other interesting. I have no friends nor lovers. I was alone. And this book saved me many times on the awkward moment of aloneness[sic] and silence. In short, I can say that I have no choice but to read this in order to get through the day. And since then, I turn my interest on books, but in a way to make me look cool and genius. Which maybe is just a stage on becoming a booklover.
Anyway, this is a story about a radical teen activist trying to hide his ass from obedient military soldiers on martial law era.
I cannot remember most of the story, but how I felt and how I laughed alone when I was reading this, I won't.
Profile Image for Gena.
147 reviews9 followers
October 10, 2014
Wala na akong nabasang libro na binigyan ko ng 5 stars. Siguro ay dahil nawalan ako ng puso dahil sa dami rin ng babasahin ko ngayon sa klase. Taliwas sa estado ko ngayon, puno ng puso ang libro na ito dahil sa karakter na si Jo. Napakarami niyang sentimiyento at mararamdaman mo ang pagkakaroon niya ng pakialam sa mga bagay-bagay. Hayskul palang si Jo sa libro ngunit mulat na siya at parang hindi hayskul ang karakter. Matalino siya. Isa pang nagustuhan ko sa librong ito ay ang hindi pagiging masyadong pilit nitong maging aklat tungkol sa mga tibak. Oo, naroon ang mga "subersibong" pananaw ni Jo. Naroon ang pangunguwestiyon niya sa matatanda at pagpapatakbo ng gobyerno. Pero hindi na nito ginalugad ang pagiging tibak ni Jo sa paglahok niya sa mga rally at pagsisisigaw ng "makibaka." Mabasa mo lang ang mga iniisip niya ay makukumbinsi ka nang tibak siya. Isa pa'y hindi tinago ni Jun Cruz Reyes ang pagiging (medyo) burgis ni Jo. Nandoon pa rin yung "kaartehan" niya sa ilang mga bagay. Nakatutuwa dahil kaunti lang ang dayalog ng librong ito ngunit mapapabasa ka talaga.
Profile Image for Maria Ella.
560 reviews102 followers
August 15, 2014
It was supposed to be a satirical outburst of the character named Jojo, a scholar in a State University relating to the few days after the declaration of Martial Law... but it ended with an unresolved question that none of the characters answered to conclude the story. It felt open-ended. It left me with more questions, actually.

The epilogue made me shed a tear. People are taught to forgive and forget, but the experience was too hurtful, it cut so deep, that even I, as a reader, find it hard to forgive whatever they did, and finally forget the horror it caused.
Profile Image for Arvie Joy Manejar.
1 review
Read
August 17, 2016
If you want to have a glimpse of the Martial Law years, then this book is just for you. Jun Cruz Reyes uses the main character, Jojo, as his main vessel of narration. Through his eyes, he describes what he has experienced firsthand. If you are worried about getting bored or if you feel like the subject's too heavy for you, fear not. It contains dark humor and it is undoubtedly a heavy subject. The author weaves the story in such a way that you can laugh all you want at first and finishes the book with a disturbingly sad (true to life) anecdote of a friend's death.
Profile Image for Aaron.
125 reviews1 follower
August 4, 2024
English Translation at the end :))

“Matapos umiyak at magngalit ang ngipin at kamao, tatahan at magtatago nang magtatago na lang? Hanggang kailan? Hanggang saan?”

Walang kwento kung walang pagbabago. Naituro na ‘to sa elementarya o hayskul sa klase ng English o Filipino. Maski sa mga karakter o sa setting, pwera nalang kung ang mismong punto ng kwento ay walang pagbabagong nangyari.

At dito pumapalibot ang buong istorya ng pangunahing karakter ng Tutubi, Tutubi. Pagbabago. Kung sa wikang Ingles ay growth at maturity. Ang malaking parte istorya ni Jojo ay isang storya ng pagmumuni-muni, pagtatanga, at pag-iisip. Kahit gaano kanipis ang librong ‘to, tiyak na masinsin ang teksto sa loob dahil sa walang-tapos na pagdaloy ng isipan ni Jo. Kahit na sa isang kabanata ay naglalakad lamang si Jo, mapapagod ka pa rin sa paglalakbay ng isip niya sa iba’t ibang sulok ng diwa niya. Bawat istorya, bawat alaala, bawat karanasan.

Dito na nga papasok ang pagbabago. Dahil hindi lang para sa wala ang paglalakbay ni Jo. Sa simula ng nobela, kilala natin si Jo bilang pasibo. Pinapabayaan lang niya ang mga nakikita niya. Nanonood at pinagmamasdan ang kapaligiran. Gumagagalaw lang dahil sa mga binabato sa kaniya. Isang biktima. Ngunit sa paglalakbay niya (parehas na literal at pananalinghaga), may natututunan siyang mga aral. Tungkol sa lipunan, tungkol sa sarili, at tungkol sa panunungkulan niya sa buhay. Sa gutom at pagod, sa luha’t pawis, sa kirot ng puso at sa kirot ng sikmura, bumaliktad ang buong mundo ni Jo. At sa huli ng nobela, hindi na lang siya tutunganga’t manonood. Pagod na siya umiyak at manghula. Pagtiyak na ang kailangan. Isa na siyang aktibong tao. Aabante, hindi na uurong. Hinding-hindi magpapahuli.


“After crying and grinding our teeth and our fists, are we just going to calm down and continue hiding? Until when? Until where?”

There is no story if there is no change. This has been taught in English or Filipino classes in elementary or high school. Even the characters or the setting, except if the entire point of the story is that there is no change.

This is where the story of the main character of the book revolves around. Change. A large part of Jo’s story is a story of musings, observation, and thought. No matter how thin this book may seem, the text inside is dense because of Jo’s endless thinking and musings. Even though in just one chapter Jo is only walking around, you’ll still get tired of his inner thoughts traveling into the nooks and crannies of his soul. Every story, every memory, every experience.

And this is where change comes in. Because his traveling are not just for nothing. At the start of the novel, we know Jo as being a passive type of person. He lets everything be. He only watches and observes his surroundings. He only reacts to whatever is thrown at him. A victim. However, in his travels (both literally and figuratively), he learns something new every time. About society, about himself, and his duties in life. In hunger and fatigue, in tears and sweat, in pains of the heart and pains of the stomach, his entire world is flipped upside-down. And at the end of the novel, he will not only wait and watch. He’s tired of crying and guessing. Confirmation is what’s needed. He is active. Advancing, not retreating. And he will never be caught.
Profile Image for Marie Roque.
17 reviews
April 4, 2024
Ito na ata ang paborito kong libro. Napakaganda talaga. Mapapa-roller coaster ang emosyon mo. Malulungkot, matatawa, magagalit at ang pinakamahala’y mapapaisip ka sa kasalukuyang sistema ng lipunan.

Naipakita sa nobelang ito ang nagiging epekto ng kalam ng tiyan sa buhay ng isang tao. Paano ka nga naman makapagdedesisyon ng wasto kung sumisigaw na ang sikmura mo sa gutom? Sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas kung saan kay hirap ng buhay, bakit imbes na tulungan ang mga mahihirap ay niloloko pa. Ang mga nagrereklamo naman ay pinapatay. Karahasan pa rin ba ang tugon sa gutom at kahirapan ng mamamayan?

Ang isa pang nagustuhan kong mensahe rito ay ang kahalagahan ng pagtatanong, lalo na ng “bakit”. Bakit nga ba mayroong mahihirap? Bakit nga ba nila ipinapasa ang mga batas na ito? Bakit kaya tila walang nangyayaring pagbabago hanggang ngayon kahit kay rami ng pera ng bayan ang nawaldas? Mayroon tayong karapatang tanungin ang mga ito ngunit para sa naghaharing uri ikaw pa ang ituturing na kalaban ng bayan oras na sabihin mo ito.

Panghuli, ayon realisasyon ni Jojo bilang isang burgis, kung tunay nating gustong maintindihan ang kalagayan ng masa, kinakailangan nating lumubog sa kanila. Kailangang alamin ang kanilang karanasan hindi lamang sa pagbabasa kundi sa pakikimuhay dito. Mahalaga itong gawin upang masolusyonan ang kung ano mang problema. Dahil kung ang masa ang tunay na pinagsisilbihan, hindi ba dapat sila rin ang pinapakinggan?

Nakakalungkot dahil sinasalamin pa rin ng nobelang ito ang ating kasalukuyan kahit ito’y naisulat nang nakaraan. Ngunit kasama ng lungkot ang pag-asa dahil nalagpasan na natin ito kaya’t tiwala akong malalagpasan natin muli.
Profile Image for C.L. Balagoza.
142 reviews16 followers
March 4, 2021
Proseso ang pagbabasa ko nitong nobela. Iniintindi ko. Hindi ito ang unang nobela na nabasa ko na sinulat ni Amang. Una kong nabasa ay 'yung Huling Dalagang Bukid. Bakit pakiramdam ko parang konektado sila? Pero mabalik tayo sa Tutubi, Tutubi, para sa akin ang ganda nung nobela. Buo ang katauhan ni Jojo, mas exposed ang mambabasa sa loob ng isipan ng bida. Kung anong nakikita nito ay 'yun ang pinapakita sa atin. Natatawa ako sa parte na ayaw niyang maging sentimental na tao nguni't marami siyang kuwento.
Mabigat ang paksa ng Batas Militar at mas pinakita ng nobelang ito ang danas ng panahon na 'yon. Kung papaano na ang mulat ay tinuturing na terorista. Ang bigat naman nito ay worth it pasanin. Dahil marami kang makikita sa mata ni Jojo at marami siyang kuwento.

Nirekomenda ko ito sa mga kaibigan ko. Isa ito sa mga akdang dapat mabasa namin. Para may mas malalim pa tayong pag-unawa sa usaping Batas Militar. Lalo na't nararanasan din natin ngayon ang pangha-harass ng gobyerno sa mga aktibista at tinuturing agad na terorista.
Profile Image for Kleo.
13 reviews8 followers
October 8, 2011
Isa pa sa mga hinahangaan kongmga awtor. Kakaiba ang approach niya sa pagkuwento ng kanyang mga istorya. Ang sarap basahin ng kanyang mga nobela, mapapaisip ka ng mga ito. Hetong librong tutubi, tutubi 'wag kang magpapahuli sa mamang salbahe ang siyang inspirasyon ngayong ako'y isa ng kolehiyala. Isa pa itong nobela na kabasa-basa.
1 review2 followers
Currently reading
November 3, 2012
i want to read the hole story....
1 review1 follower
Read
November 7, 2012
Tutubi Tutubi Wag kang magpahuli sa mamang salbahi




Profile Image for Mary Ann.
1 review
Read
November 28, 2012
ang ganda nito
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Sodium.
1 review
January 7, 2013
haha
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 30 of 93 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.