Pinoy Reads Pinoy Books discussion
This topic is about
Edgardo M. Reyes
Pinoy Completists
>
Edgardo M. Reyes
date
newest »
newest »
Kagabi ko lang nalaman. Ang "Diwalwal" pala ay akda rin ni Edgardo M. Reyes at hindi pa ito naipapasok dito sa Goodreads!
Binili ko. Next kong babasahin pagkatapos ng Sa Kasunod ng 909.
May nakita rin akong koleksiyon ng mga maiikling kuwento nya. Naroon yong sinasabing pinakamagandang kuwento nya: "Ang Gilingang Bato" (yata).

K.D., alin sa mga libro ni Edgar Reyes ang maituturing mong top 3?Nakakita ako sa bookstore ng "Sa Aking Panahon", libro nya ng maiikling kwento pero wala rin itong rekord dito sa GR.
Sir K.D., sana po mabasa niyo 'yung sinasabi ni Sir Ryan na "Sa Aking Panahon:13 piling katha" ni Sir Edgardo Reyes. Ang ganda po talaga, lalu na 'yung kunweto roon na "Si Ama".
Ryan, Di pa kasama ang "Diwalwal" at yang "Sa Aking Panahon" ngunit ang Top 3 ko ay iyong 1-3 sa itaas.
"Kuko" - nobelang tumatalakay sa pulitika at kalagayan ng mga mahihirap sa lungsod nguni't nagaanyong kuwento ng simpleng pagiibigan na nauwi sa trahedya. Maikli, nguni't tuwiran ang prosa at di paligoy-ligoy.
"Laro" - ang nagtatagong pitik sa kamalayang seksuwal ni Ding ng dulot ng kanyang pagiging ulila'y nakita niya't di naiwasang maramdaman sa tumayong ina niya, si Ninang Carmen. Ang erotikong elemento ng prosa ay maaring makapanghikayat upang ang mga mambabasa ay magbasa at huwag bitawan ang aklat kapag nasimulan na. Nguni't hindi ito pagtalakay sa erotismo mismo. Bagkus ang mensahe ay mas malalim dito: kung paanong ang wasak-wasak ng pakikipag-relasyon ni Ding sa iba't ibang mga babae ay nagugat sa malalim na suliraning nagkukubli sa kanyang ilalim na kamalayan (internal conflict).
"Lupa" - parang isang rosas sa gitna na pusali't maburak na lungsod. Ipinakikita ng nobela na ang mga tao, maging mayaman man o mahirap ay pantay-pantay sa pagkakayapak sa lupa.
Paolo, salamat. Babalikan ko yan. Tapusin ko muna ang "Mga Agos sa Disyerto" at "Diwalwal."

Salamat, K.D. Pati na sa mga sinopsis. Hahanapin ko yang tatlo na yan. Pati na rin ang "Sa Aking Panahon" na rekomendado ni Paolo. Balitaan mo rin kami sa "Mga Agos sa Disyerto" at "Diwalwal".
Nagiisalang naman ang katha na kanyang isinulat na aking binasa. Sa Mga Kuko ng Liwanag. Kahit na minsan di ko mintindihan ang mga salita dahil masyado ito malalalim. Haha. (Kaya lagi ko nasa tabi ang Filipino - English Dictionary e).
Nicole, yang "Sa Mga Kuko ng Liwanag" ang susunod kong babasahin mula kay Edgar Reyes. Napanood mo na ba yung pelikula starring Bembol Roco at Hilda Koronel? Meron yata sa youtube.
Opo, Napanuod ko pa. Gumawa kasi po ako ng book report tungkol dyan at para mas mainyindihan ko, pinanuod ko ung movie. May ibang pinagkaiba pero pareho parin ung dalawa. As always, mas nagustohan ung sa libro kesa sa movie kasi para saakin, di majujustify ng movie ung imganation ko.
Nakakalungkot yong libro at yong movie. Di ko na matandaan ang ending sa movie pero yong sa libro, di ko makakalimutan.
Yong sa movie ang di ko makalimutan ay kung gaano kaganda si Hilda Koronel at yong chinese. Tsaka yong scene na nakatayo si Bembol sa panulukan ng Soler at (nakalimutan ko) at nakatingala sa kuwartong kinaroroonan ni Hilda.

Ahhh. Ung Ending sa Book at Movie pareho lang. (view spoiler)Gusto ko din ung mga gumanap. Minsan lang kasi ako manuod ng mga tagalog na drama and peg ng movie. Ngayong panahon kasi puro comedy or nakakatakot.
Ah, pareho lang pala.
Romantic comedy. Sabi nila marami namang maganda pa rin sa panahon ngayon. Wala lang ngang libro, pero maraming kabataan dito sa opisina, naka-relate sa "One More Chance" ni John Lloyd at Bea Alonzo.
Romantic comedy. Sabi nila marami namang maganda pa rin sa panahon ngayon. Wala lang ngang libro, pero maraming kabataan dito sa opisina, naka-relate sa "One More Chance" ni John Lloyd at Bea Alonzo.
Hmm, One More Chance? :) Ang raming movie nila JohnLlyod at Bea na di ko lam kung tungkol saan yan. haha.
Di ko alam na marami na palang silang movies. Akala ko, first ang "One More Chance" at 2nd ang "The Mistress."
Hahaha, Marami silang movie eh. Pero di ko masyado pinapanuod. I'm a cry baby eh. Small things makes me cry. Kaya minsan umiiyak ako sa books.
Pareho tayo. Umiiyak din ako in the inside. Lalo na yang mga holocaust novels. Meron bang Filipino book na tungkol sa Holocaust. Meron yong sa Death March pero iba pa rin ang lupit ni Hitler. Grabe.
Ou, Pero hangang ngayon ung history ng World Wars sa utak ko ay labo labo. Pero napanuod ko na ung "The Pianist". Grabe eh. Tungkol sa isang Jewish man na naghihirap siya nung panahon ni Hitler.
Di ko malilimutan sa "The Pianist" eh noong ihulog yong lalaking nasa wheelchair mula sa balcony ng bahay nya. Napanganga ako.
Hmm. Di ko malala un ah. Naalala ko lang ung parang paalis sila tas kailangan nila maghati saiisang candy. Nang binaril ung mga lalaki habang nakahiga sa sahig. Tas nung nagtatago siya dun sa may maliit na platform sa ilalim. Nung uminom siya sa tubig mula sa aircon. Grabe eh. :(
Oo. Yon yong bago sila sumakay ng tren. Tatay nya ang naghati sa candy.
Parang Schindler's din. Naala-ala mo yong nagtago sa ilalim ng piano?
Parang Schindler's din. Naala-ala mo yong nagtago sa ilalim ng piano?
Yes. Umiiyak ako towards sa end nung movie eh. Tas after nun, narealize ko hindi pala puede sa age group ko un. Mga 11 years old ata ako nun eh. or 10.
Kababasa ko pa lang ng koleksyon niya ng kanyang mga maiikling kuwento mula 1959-1994:
SA AKING PANAHON
ni Edgardo M. Reyes
At isiningit ko siya sa pangalawang puwesto ng aking listahan. Pangalawa siya sa "Kuko." Halos singganda, kaya lang may isang kuwento na parang di ko masyadong naibigan.

K.D., marami sa mga kwento dyan ang binabalak ko ring basahing muli. Talagang wala na nga syang dapat patunayan pa pagdating sa maikling kwento kagaya ng nasabi nya.
Ako siguro di na muna magbabasa. Sariwang-sariwa pa ang mga kuwento sa isip ko. Lalong lalo na ang mga pansit na sumasabog, ang lote na may nakakatakot na kasaysayan, ang matandang nakatulog sa ilalim ng puno, ang mga manggagawang lupaypay sa tren, ang dalawang batang nagbo-boxing sa kalsada at higit sa lahat ang lolo na nagdudulos sa lupa.
Ito sigurong huli ang talagang di ko malilimutan. Awang-awang ako roon kaya 4 stars lang ang ibinigay ko. Galit ako sa narrator. Nangupit din ako noong bata pa pero hindi ganoon katindi.
Ito sigurong huli ang talagang di ko malilimutan. Awang-awang ako roon kaya 4 stars lang ang ibinigay ko. Galit ako sa narrator. Nangupit din ako noong bata pa pero hindi ganoon katindi.
Hala, mukhang napagpalit ng National ang saynopsis ng dalawang libro. Yung sa Diwalwal naman napunta sa Laro sa Baga.http://www.nationalbookstore.com.ph/l...
K.D. wrote: "Si Edgardo M. Reyes ay isang mahirap na manunulat noong nabubuhay pa. Sabi nga niya: "walang pera sa pagsusulat." Ngunit kahit na, para sa akin ang isang henyong manunulat na kagaya ni Sir Egay ay ..."KD WAGAS ka!
Books mentioned in this topic
Diwalwal: Bundok ng Ginto (other topics)Sa Aking Panahon (other topics)
Sa Aking Panahon (other topics)
Sa Mga Kuko ng Liwanag (other topics)
Sa Kasunod ng 909 (other topics)
More...

Nabasa ko na rin lahat ng librong sinulat nya:
1. Sa Mga Kuko ng Liwanag
2. Sa Aking Panahon
3. Laro Sa Baga
4. Ang Mundong Ito ay Lupa
5. Mga Uod at Rosas
6. Rosas: Mga Piling Kuwentong Puso
7. Isla: Si Tarzan, at si Jane, at si Chito
8. Diwalwal: Bundok ng Ginto
May iba pa raw na mga aklat na nalimbag si EMR kaso di naman nabibili sa mga bookstores. Kaya, ide-deklara ko na ang sarili ko na completist niya hahaha!