Pinoy Reads Pinoy Books discussion
This topic is about
Jun Cruz Reyes
Pinoy Completists
>
Prof. Jun Cruz Reyes
Ah, ikaw pala ang nahila ni Kwesi nag-announce ng Huling Dalagang Bukid! Very well-deserving talaga yang librong yan. Yun pa lang din nabasa ko kay Prof. Reyes. Nasa wishlist ko din ang iba pa nyang obra.
Hindi, ikaw rin talaga yun, K.D. Pagkatapos kasi ng deliberasyon ng mga judges, sinabi na rin ni Kwesi na hindi sya ang mag-a-announce.
Salamat, Ryan.
(9/29): Nakabili ako ng kopya ng
ETSA PUWERA
ni Jun Cruz Reyes
Ito pala ang grand prize sa 1998 Centennial Literary Contest sa Nobela. Binigyan ni Normal Wilwayco ng 5 stars.
(9/29): Nakabili ako ng kopya ng
ETSA PUWERA
ni Jun Cruz Reyes
Ito pala ang grand prize sa 1998 Centennial Literary Contest sa Nobela. Binigyan ni Normal Wilwayco ng 5 stars.
Sir K.D., abangan ko po yung rebyu mo diyan sa ETSA PUWERA. Gusto ko ring pong mabasa 'yan e, pero hintayin ko po muna yung rebyu mo. ^_^
Wynclef, muntik ko na syang umpisahan kanina. Kaso sabi ko yon munang "The Gold in Makiling" dahil mas manipis. Naghahabol ako sa 2012 Reading Challenge eh.
Kuya Doni, binabasa ko ngayon ang "Ang Huling Dalagang Bukid" May kopya pa ba ng Etsa Pwera sa Solidaridad?
Meron pang 1 o 2. Mahal lang nga. Kung di ako nagkakamali, parang P700+ ang bili ko. Pero makapal at maputi ang mga pages. Malaki. Parang textbook sa high school.
Mga mahal na kaibigan, wala pa rin akong ng Utos Ng Hari At Iba Pang Kuwento. Nadismaya ako sa UP Press noong nakaraang Ika-32 MIBF dahil hindi man lang nila naisip na magdala ng ilang sipi ng libro.Wala pa kong nababasa sa mga obra ni Jun Cruz Reyes, ngunit nais kong magpasalamat sa mahal nating moderator dahil binigyan niya ako ng ilan sa mga akda niya. I lab you! :D
ako mayroon nyan... :) si Amang ay mahusay na kuwentista... :) at humuhubog ng mga papausbong namanunulat... pintor pa (pointilism) at dokumentarista...
MJ wrote: "humuhubog ng mga papausbong namanunulat"Mukhang supportive nga si Amang sa mga bagong manunulat. May mga blurbs sya sa mga akda nito.
Nabasa ko na po yung Tutubi-tutubi, Utos ng Hari at Armando (lahat, hiram!). Gusto ko na ngang bumili ng sariling kopya. Sana merong mga nagbebenta sa UP fair ngayong Pebrero. Nakakakita ako ng kopya dati sa powerbooks at Fullybooked. Naghahanap pa ako ng Etsapwera (mahirap hanapin at mahal). Alam nyo po yung Popular Bookstore sa Tomas Morato?
kuwento yan ni armando teng... si tangkad... aktibistang taga-UST... naging rebolusyunaryo... :) peborit ko yung kuwento ni Amang na "Syeyring" at "Tapik sa Balikat"
Ah, akala ko dati, Amado at hindi Armando. Tapos akala ko kuwento tungkol kay Amado V. Hernandez haha.
Ako din! Lagi ko din inaalala kung Amado ba o Armando. Pero sure ako, ginoogle ko ko bago ako nagpost! hahahaha. Kwento sya ni Armando Teng, isang NPA.
Yung Ka Amado, talambuhay ni Amado V. Hernandez, si Amang Jun Cruz Reyes din ang maysulat. Medyo bago pa ito. May kamahalan.
Ah, yon yata ang meron ako. Nakita ko na rin yang Armando. Blue ang cover. Yong "Amado" ang babasahin ko soon. Nakakatuwa kasi. Isang sikat na manunulat na Pilipino na nagsulat ng tungkol sa pareho nyang sikat na manunulat din. Sa ibang bansa, marami nang ganito. Pero dito sa tin bihira. Ito pa lang ang aware ako (kasi bago).
Yey! May kopya na ako ng "Armando" ni Jun Cruz Reyes. Mas manipis sya (at mas mura) kasya sa "Ka Amado." Palagay ko, babasahin ko na muna ang "Armando." hahaha.
NBS Bestseller Podium. P220 lang. Parang luma na ang libro. Parang nai-bargain na tapos di nabili hahaha. Marami nang bakat ng dikit ng mga tinuklap na tag prices. Pero binili ko pa rin kasi wala nang ibang kopya.
K.D. wrote: "Yey! May kopya na ako ng "Armando" ni Jun Cruz Reyes. Mas manipis sya (at mas mura) kasya sa "Ka Amado." Palagay ko, babasahin ko na muna ang "Armando." hahaha."saan mo nakuha, ser KD?
Ipapahinga ko muna ang pagbabasa ng "Ka Amado" ni Jun Cruz Reyes. Kasi sunud-sunod na Pinoy books ang binabasa ko lately (di ko mapigilan har har), at may sumulat sa aking friend ko na Amerikana. Ia-unfriend na daw nya ako kasi ang dami kong binabasa at di raw sya maka-relate sa mga librong nire-review ko hahaha.
Balik muna ako sa "Huckleberry Finn" para maka-relate sya at saka matanggal na itong tengga sa currently reading folder ko.
Wala lang. Sinulatan ba naman ako kahapon harhar.
Balik muna ako sa "Huckleberry Finn" para maka-relate sya at saka matanggal na itong tengga sa currently reading folder ko.
Wala lang. Sinulatan ba naman ako kahapon harhar.
Rise, oo nga. Di sya marunong mag-unfriend actually. Nagtatanong sa akin. Ayaw daw nya na mag-appear na unfriendly pero gusto raw nya akong i-unfriend. Sabi ko ako, may 1,700 friends at ang ginawa ko ay ito:
- reviews lang ang nagpapakita sa homepage ko
- top friends lang na reviews (mahahalata mo kung top friend kita kasi nila-like ko agad ang review mo on the same day or the following day).
- ang mga reviews ng di top friends sa email ko lang nakikita at bina-browse ko lang.
- sabi ko sa kanya, pag inan-friend nya ako di ko na makikita (hinala ko lang ito) ang reviews nya. Eh sabi ko sa kanya gusto ko pa naman syang mag-review (di ito bola, gusto ko nga sya).
Kanina lang, nagsend sya ng thank you note. Nagawa nya raw ang instruction ko.

Kimberly, parang 15 lang ang friends nya.
Rise, tama ka, baka pag dito sa PIREPIBO, dapat i-unclick ko na yong "Add to my Update Feed" checkbox.
Ito rin yong nag-comment sa akin noon na gino-googgle translate nya ang Tagalog reviews ko. Naawa naman ako so mula noong pumasok ang Enero 2013, di na ako sumulat ng Tagalog reviews. Kahit Tagalog ang librong binasa ko, Ingles ang review. Ako na ang mabait hahaha!

Completist na ako ni Jun Cruz Reyes!
Nabasa ko na ang "Ka Amado" at "Armando."
Parang wala na akong nakikita sa mga bookstores na di ko pa nabasa!
Saya ko lang. Sana makapag-line up tayo ng libro ni Amang Jun Cruz Reyes sa 2014 at mainterview natin sya at makapag-field trip tayo sa Hagonoy, Bulacan!!!

UP Press po ba ang ng publish ng ETSA-PUWERA? kung ito, sana may Student Edition para mas mura. hehe! Ilan po ba ang mga libro ni Amang JCR?
UP Press ang ETSA-PUWERA. Winner ito sa Centennial Writing Contest. Nobela sa Tagalog ang nilabanan. First prize. Walang student edition yan kasi makapal at mahaba.
1) Utos ng Hari
2) Tutubi Tutubi
3) Huling Dalagang Bukid
4) Ka Amado
5) Armando
6) Etsa Puwera
Parang yan lang ang readily available sa bookstores.
1) Utos ng Hari
2) Tutubi Tutubi
3) Huling Dalagang Bukid
4) Ka Amado
5) Armando
6) Etsa Puwera
Parang yan lang ang readily available sa bookstores.
At lahat ng akda ni Jun Cruz Reyes ay may average rating na 4+ dito sa Goodreads.
Parang walang lokal na awtor na narito ay binabasa sa Goodreads na may ganitong average rating sa LAHAT ng libro niya (5 books up)!
Try mong maghanap hehe!
Parang walang lokal na awtor na narito ay binabasa sa Goodreads na may ganitong average rating sa LAHAT ng libro niya (5 books up)!
Try mong maghanap hehe!
Negros, 1998Ilang Taon Na Ang Problema Mo?, 1995
Ilang Talang Luma Mula Sa Talaarawan ng Isang May Nunal Sa Talampakan, 1995
Mga Daluyong, Mga Unos, Sa Panahon ni Rolando Olalia, 1989
medyo obsolete na yang mga yan. :)
MJ, wala na nga akong nakikita sa bookstores ng mga yan.
Yon ngang "Armando" suwerte lang na may last tattered copy sa NBS Bestsellers Podium hehe.
Yon ngang "Armando" suwerte lang na may last tattered copy sa NBS Bestsellers Podium hehe.
Wow. Nakabili po kayo ng Armando sa NBS? Astig. Wala pa akong nakikitang Jun Cruz Reyes sa NBS, tapos ung isa pa sa pinakasubersibo ung nabili nyo. Yehey!
Kimberly, tama ka. Sa lahat ng nabasa ko, ang "Armando" ang maaaring dahilan kung bakit mainit ang dugo ng military sa kanya hehe. Noon ko lang naintindihan yong claim nya sa "Huling Dalagang Bukid."
Books mentioned in this topic
Etsa-Puwera (other topics)Ka Amado (other topics)
Ka Amado (other topics)
Utos Ng Hari at Iba Pang Kuwento (other topics)
Utos Ng Hari at Iba Pang Kuwento (other topics)
More...

Heto yong mga aklat nyang nabasa ko na:
1) Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe
2) Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon
3) Utos Ng Hari At Iba Pang Kuwento
4) Etsa-Puwera
May bago syang libro na malapit ko nang basahin:
Meron din daw noong "Armando" at maganda. Naghahanap ako ngayon ng kopya.
May nabasa ka na bang libro nya? Kung meron, usap tayo?