Pinoy Reads Pinoy Books discussion

note: This topic has been closed to new comments.
115 views
ABSBYNGPGBBSNGAKLT > Tree (Rosales Saga #2) by F. Sionil José - February 2013

Comments Showing 1-50 of 102 (102 new)    post a comment »
« previous 1 3

message 1: by Rise (last edited Jan 30, 2013 05:57AM) (new)

Rise For those who plan to join the reading of National Artist F. Sionil José's 2nd to 5th books in the 5-volume Rosales Saga, the schedule is as follows:

2. Tree - February

4 readers (so far): K.D., Jzhun, Jho, and Rise

Week 1 (January 31-February 5): Chapters 1-10, pp. 1-70
Week 2 (February 6-12): Chapters 11-17, pp. 71-135
Discussion starts: February 13


3. My Brother, My Executioner - February
Reading: February 13-27; Discussion: February 28 onwards

4. The Pretenders - March
Reading: March 1-16; Discussion: March 17 onwards

[Holy Week break]

5. Mass - April
Reading: April 1-20; Discussion: April 21 onwards

The five volumes of the saga are self-contained and can be read in any order. But we'll start with Po-on and Tree which are the first two novels in the series.


message 2: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yeessss, sali ako dyan!


message 3: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments sali rin ako rito, bagama't wala pa akong kopya ng libro. Matagal-tagal pa naman :)


message 4: by Rise (new)

Rise Matagal pa nga, Jho. I'm sure makakahanap ka ng kopya kasi madami nito.


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Marami laging F. Sionil sa mga branches ng National. Lalo na dito sa mga malalaking malls: Mega, Robinsons, North EDSA, atbp.


message 6: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments May TREE na ako ^_^ Yay! Sa MOA meron. ^_^


message 7: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments sa Solidaridad Bookshop, maraming Fsionil duon...bookshop nya po iyon e. :)


message 8: by Rise (new)

Rise Jho, looking forward to your thoughts on this 2nd volume.

MJ, pwede pa raw mapa-autograph kay FSJ mismo pag nasumpungan sya dun.


message 9: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments oo nga ser Rise, hehe. pwedeng pwede.


message 10: by Rise (last edited Jan 30, 2013 05:55AM) (new)

Rise Bukas ay simula na tayo ng pagbabasa ng Tree (1978) ni Manong Frankie. Ito ang pinakamaiksing nobela sa buong saga.

Ang suggested schedule natin ay:

Week 1 (January 31-February 5): Chapters 1-10, pp. 1-70
Week 2 (February 6-12): Chapters 11-17, pp. 71-135
Discussion starts: February 13


Hindi katulad ng naunang libro, at dahil 2 weeks lang tayo magbabasa, unstructured ang discussion natin. As usual:

• Pwede mag-post sa Tagalog o Ingles o Taglish.
• Before the date of discussion, feel free to post your reading progress, comments (with appropriate spoiler tags), initial reactions, and what you're eating and drinking while reading.
• You can post your book review here or a link to your review.


message 11: by Rise (new)

Rise THE BALETE TREE

FSJ wrote:

"Ficus Benjamina Linn — the strangler tree. It starts as a sapling surrounded by vines which grow around the young tree — the vines strangle it then grow and become the trunk of the tree itself."

BACKGROUND TO THE NOVEL

The following short background, as well as the description of the Balete above, is taken from "Notes on the writing of the Rosales Saga" by the novelist. http://www.philstar.com/arts-and-cult...

"The narrator in My Antonia is a boy who befriends a family of European settlers in Nebraska, among them a girl named Antonia. This haunting novel impressed me. When I wrote Tree, the second in the saga, I also made the narrator a boy among peasants and their families. I selected a rich boy to tell the story from his point of view. The novel is an improvement of Steinbeck’s The Wayward Bus. In the Steinbeck story, as the bus stalls in a town, the story of the town unfolds. No central theme unites the characters. In Tree, the town and the balete tree which dominates its plaza are integral to the lives of the characters. The continuity is not just in the town. The landlord [Don Jacinto!] who helps the Ilokano settlers in Poon — a revolutionary and friend of Mabini — is now a grandfather of the narrator.

"I recall how eagerly I followed Don Quixote’s misadventures — reading the novel even under the street light beyond our house when we did not have kerosene for our lamp. Cervantes taught me the technique of the narrative and to append to it whatever else I wanted. A writer who ignores the power of the narrative misses his most important function — to tell a story.

"Sometime in the Seventies, Kunio Yoshihara, a Japanese friend who is a Southeast Asian specialist, came to the Philippines. He had read Tree and without telling me, he visited Rosales, stayed with the town mayor, then returned to Manila and told me there is no balete tree in Rosales.

"Of course, there is no such tree in my hometown. I put it there as one overarching symbol which most of us can understand. For so long, our writers enamored with their Western education have missed it and other native objects [...]

"The rural setting of the saga is not fictional but I gave it several imagined attributes — the Colorum peasant revolt in nearby Tayug in 1931, for instance. I transferred it to Rosales but did not actually describe it as it happened — it is merely inferred in the reminiscence of the characters.

"Rosales can be any Philippine town, lethargic in its ways, Christian with a pagan and superstitious core, small town politicians beholden to national warlords, rhythms punctuated by the seasons, the planting and harvesting, the fiesta. All these color the saga, particularly so in Tree."


message 12: by Rise (last edited Feb 12, 2013 07:50PM) (new)

Rise Our discussion starts today.

As a summary of the book, I'll just reproduce here my short review.

The second part of the Rosales novels is a surprising departure in tone from the previous. In Tree, F. Sionil José allows the voice of a young first person narrator to do the telling. It is a narrative strategy that pays off with its intimate look at the early 20th century rural life in the Philippines under American rule. The narrator, an heir to a powerful landowner, reminisces about his childhood and his relations with the characters (his family's servants, laborers, and farm workers, all below his class standing) that left indelible memories to his young mind.

As the character portraits begin to accumulate, we come to know more and more not only about the narrator but about the life of his father as a broker for the landlord Don Vicente. The conflict between the landlord and the landless is set against the backdrop of colonial history and yet the the weight of history and politics is balanced by the moving personal stories of the working class characters. What I'm beginning to like about this series is the ethical dimension and the crisis of faith it assiduously portrays.

I continue, for instance, to hope that there is reward in virtue, that those who pursue it should do so because it pleases them. This then becomes a very personal form of ethics, or belief, premised on pleasure. It would require no high sounding motivation, no philosophical explanation for the self, and its desires are animal, basic—the desire for food, for fornication. If this be the case, then we could very well do away with the church, with all those institutions that pretend to hammer into the human being attributes that would make him inherit God's vestments if not His kingdom.



For discussion: How does the novel mimic the tree of the title in terms of theme and structure?


message 13: by K.D., Founder (last edited Mar 15, 2013 05:00PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa Mga Ngayon Pa Lang Magbabasa

Ayon sa schedule sa itaas, parang 2 chapters/day ang timing ng pagbabasa. Dahil hindi naman ito Sabayang Pagbabasa kundi buddy read, gagawin po nating 2 chapters/day na rin. Yong mga sasabay sa akin, araw-araw pong sisikapin ko na makabasa ng dalawang kabanata at mag-post ng thoughts ko rito.

Ben, (pabulong) parang ikaw ang iniisip kong sasabay sa akin dahil may "Tree" ka na. Dahil kaibigan kita, huwag mo sanang hahayaan nakikipagusap ako sa sarili ko rito. Magmumukha akong eng-eng. :) Magmumukha akong nakikipagusap sa duwende kagaya ni Chin-Chin hahaha.


message 14: by K.D., Founder (last edited Mar 15, 2013 06:20PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, nasa unang pahina pa lang ako. Sabi ko, sino itong nagsasalita ng tungkol sa pagiging commuter nya? Naguluhan ako kaya't binasa ko ang posts mo sa itaas.

Ayon! Wala palang Balete tree sa Rosales. Punta na lang tayo sa Quezon, meron sa town namin. Nababanggit na itong tree na ito sa harapan ng bahay ng mga Samson o sa bakuran yata ng bahay ni Don Jacinto di ba? Yong maraming alitaptap? Parang kahit minsan, yong balete tree namin sa Quezon, di ko kinakitaan ng alitaptap. Parang ibang puno ang gusto ng mga alitaptap na tirhan at hindi balete tree. May amoy ang balete tree. Nanghuhula lang si F. Sionil dahil di nya talaga alam ang mga karakteristik ng balete hahaha. Nangcriticize pa raw ako. At least, pagpunta namin sa Rosales, di na lang ako maghahanap ng Balete tree. Dilapawen tree na lang. O yong Molave.

Yong intro na nilagay mo, sus, feeling ko sobrang huli na naman ako. Di ko pa nabasa ang mga yan: Willa Cather's My Ántonia, John Steinbeck's The Wayward Bus at Miguel de Cervantes Saavedra's Don Quixote. Pero may mga copies na ako nyan. Para tuloy gusto ko nang basahin. Pero yong nahulog na bus meron akong nabasang ganoon. Yong kay Russell Banks na The Sweet Hereafter (3 stars). Para palang "Wayward Bus" lang yon. Totoo? Nagbabasa ng Don Quixote si F. Sionil kahit sa pamamagitan ng street lights? Grabe lang. Mabanggit nga ito sa panayam sa kanya hahaha.

Jho, mukhang interesante nga itong librong ito. Sali ka sa diskusyon ha? :) Salamat.

Rise, ipagpaumanhin mo na ulit. Atrasado ako. Pero ituloy natin itong pagbabasa ng lahat ng libro ni F. Sionil nitong 2013. Gusto kong maging tagumpay ito. Isa-isahin natin lahat ng libro. Tapos ang 2014, isang national artist for literature ulit. Makaka-catch up kaya tayo kung taon-taon ay may National Artist for Literature? Hahaha. Sabagay yong iba eh di singdami ni F. Sionil ang mga nasulat na libro kagaya ni Alejandro Roces. Sus, parang wala na akong nakikitang libro niya sa National Book Store.


message 15: by Rise (new)

Rise K.D., baka mabasa nga natin lahat ng Saydkik ng Sining kasi tuwing ikatlong taon yata ginagawad ang parangal, tapos paisa-isa lang ang pinipili nilang saydkik.

Baka yung alitaptap sa balete sinadya para medyo may pagka-mistikal (at mythical) talaga ang puno. Don Q pa nga lang ang nabasa ko sa mga nabanggit nyang libro.


message 16: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
A, tuwing ikatlong taon pala yon. Malamang nga makakaya natin ito. Sino kayang magandang isunod?


message 17: by Rise (new)

Rise Maganda yung medyo prolific, para maraming mapagpilian na babasahin. Pag kaunti lang sinulat, gawin na lang natin 2 bawat taon (first half, second half) siguro.


message 18: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Si Rio Alma at Nick Joaquin na lang yata ang natitirang maraming naisulat.


message 19: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Araw 1: Chapters 1 & 2

I enjoyed these chapters particularly the way F. Sionil introduced the scenes by having flashbacks. The house of Don Jacinto is no longer there and the narrator is just remembering several scenes from the past. I wonder how come Don Jacinto's son, Espiridicion, becomes just the encargadero of Don Vincente. What happened to their rich family? What happened to the big house?

I guess these questions will be answered by the book later.

I also enjoyed the use of hooks, those last sentences that connect one chapter to another. Very effective.

Nice start. I think I now see the reason why Jho liked this better than Po-On. :)


message 20: by Ben (last edited Mar 16, 2013 04:40PM) (new)

Ben (ben2579) KD, I will not let you look "eng-eng" here, haha. i will do my best to regularly join you guys in the discussion.

I was able to catch that part that the name of The Father is Espiridicion but I never thought he's Don Jacinto's son. I had this impression that both the narrator and his father are Samsons who just became rich over time. Thanks KD for giving us a heads up. I just thought the book would want to make their identity a mystery until after several chapters.

So it looks like it's a first person POV narration through out the book. I have not seriously read it, but I think it promises to be another great story. =)


message 21: by Rise (new)

Rise Nakalimutan ko na nabanggit ang pangalan ng anak ni Don Jacinto! Sa Po-on ba iyon? At di ko napansin yang "hook" na iyan na nagkokonekta sa mga chapters.


message 22: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ben, Don Jacinto being the grandfather of the narrator is on message #11 above. Sorry, generally, I have no problem with being spoiled because I more often than not, focus on the writing. I think I have passed that stage already.

Actually, I appreciated Rise's inputs above. I was on page 1 and I got confused regarding the narrator saying that he was a commuter ek-ek. I said, who is this guy and what is he talking about? Then I went to this thread and read all the previous messages. They put me in the right perspective and now reading the succeeding pages seems like a breeze.

Ryan, oo may ganoon sa Po-On, parang nabanggit yong mga anak ni Don Jacinto. O mga anak yon ni Istak? Ewan. Sige, hahanapin ko mamaya.

"Hook" yong literary device na bago iwan yong chapter may mga clues na mabibigay sa nagbabasa ng interes para magpatuloy. Yan din ang nagkakabit sa kabanatang natapos sa susunod.

Kabanata 1: "I am also my Father's son" sabi ng narrator. So magiisip ka, sinong tatay nito at bakit kailangan i-stress yon bilang huling pangungusap?

Kabanata 2: "Never again shall I see you open this trunk." Tapos doon sa dulo ng susunod na taludtod (paragraph) ay "and it would take a crowbar and a sturdy hand to open it - but that hand would not be mine." Ito yong: kaninong kamay yon? At nasaan na siya at bakit kailangang bukasn pa ang baul ng nanay ng narrator.

Punung-puno sila ng mga katanungan pero not necessarily na sasagutin ng susunod na kabanata. So, parang hihintayin mo ang kabanatang sasagot ng mga ito kaya't magbabasa ka hanggang sa matapos.

Hook - normally isang bagay kagaya ng kamay na nagbubukas ng baul.


message 23: by K.D., Founder (last edited Mar 16, 2013 06:55PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan, kakagaling ko lang sa toilet. Habang nakaupo, dala ang "Po-On" at binraws ko ang book. Wala akong makitang pangalan ng mga anak ni Don Jacinto. Naroon sina Alberto at Pedro (mga anak ni Istak). Naroon din ang aso ni Alberto at ang kabayo ni Istak na pawang may mga pangalan pero wala ang mga anak ni Don Jacinto. May parte roon na sinasabing "kumakain na si Don Jacinto at ang kanyang pamilya" pero di sinabi kung sinu-sino ang pamilya.

Araw 2 : Chapters 3 & 4

Dalawang kabanata. Dalawang simula (yata) ng kuwento ng pagibig. Ang narrator at si Hilda na anak ng taga-perya. Ang tio ng narrator na balikbayan na si Tio Benito at ang Iglesia ni Kristo. Di ko akalain na pati Iglesia ay ipapasok pa ni F. Sionil dito hahaha.

Dinardaraan ay dinuguan ano? Yon ang description e. :) Bukod dito wala akong masabi bukod sa mas madali itong intindihin at parang mas maluwag sa dibdib (Biena, di na sisikip ang dibdib mo) dahil walang masyadong mga trahedya (so far) di gaya ng mga naunang kabanata ng "Po-On" na kalunus-lunos agad ang mga pangyayari.

Ang tanong: Masarap ba para sa inyo ang dinuguaan? Syempre, pag Iglesia ni Kristo ang relihiyon mo, obvious na ang sagot mo. (O gusto mo pa ring sumagot?) Kaya siguro mas maigi ang sasagot nito ay hindi Iglesia. :)

Ako? Masarap basta yong hindi taba ang halo. Mas gusto ko yong mga lamang loob (bituka ba yon?) tapos kahit yong buo na dugo okay lang yon o yong purong mga laman. Tapos yong nanay ko noon, naglalagay ng green papaya na sliced thinly. Mas masarap kasi di nakakasawa. Tapos may puto! O kahit kanin at ang dinuguan at puto o kanin ay pawa-pawang maiinit pa! hahaha.


message 24: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Adbans na 'to, pero ang alam ko si Don Vicente ang may dalawang anak. Mas lalo pa itong malalaman kung babasahin ang naunang maikling kuwento ni FSJ na The Heirs na makikita sa The God Stealer and Other Stories. Kaso, unahin na muna ninyong basahin ang My Brother, My Executioner (Rosales Saga, #3), may maliit na spoiler kasi.


message 25: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kuya D., may literary symbolism 'yan baul na 'yan. Sasabihin ko na lang kung tama interpretation ko sa ating book discussion with FSJ. Hehehe... :D


message 26: by Ben (new)

Ben (ben2579) KD, mukhang magkaiba na naman ata tayo ng edisyon. Sa aking libro, hindi papasok si Hilda until chapter 3. Double check ko mamaya. Siguro may konteksto akong na-miss patungkol sa Iglesia. Sabi ko nga ini-scan ko lang yung unang mga chapter ng libro.

Pasinstabi sa mga Iglesya, pero parang vague iyong pagkaka-explain nila ng doktrinang iyan. Karamihan ang basehan nila ay mga batas sa old testament na pinawalang bisa na ni Hesukristo sa new testament. May mga ilang talata sa new testament din silang kino-quote na ang pagkain ng dugo ay kasalanan sa Espiritu.

Pasensiya na talaga. Marami akong mga kaibigan at mga nakainumang mga taga Iglesya, may isa pa nga na ni-libre ako sa Jollibee, haha.

Pero kung tatanungin ako kung kumakain ako ng dinuguan, ang sagot ay "hindi". simpleng dahilan, hindi ako nasasarapan. =)


message 27: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Masarap magluto ng dinuguan ang tatay ko! (Ito na lang kaya dalhin ko kaysa kanin? Hmmm... Para sakto pa rin sa tema ng libro, no?)

May ilang Ilokano akong kapitbahay at katrabaho, karamihan sa kanila mahilig sa dinuguan. Ewan ko lang kung inherent regional tendency 'to. Hehehe... :D


message 28: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun, si Don Vicente yong mayaman na pinagsisilbihan bilang encargador (tagapangasiwa) ng mga lupain ng anak ni Don Jacinto na tatay ng narrator. Ang di pa sinasabi, paano naging parang mas mayaman si Don Vincente kaysa sa anak ni Don Jacinto samantalang noong panahon ni Istak (Book 1) ay si Don Jacinto ay isang mayaman. Meron pa yatang ibang mayaman pero di sila pinangalanan.

Ben, chapters 3 & 4 na ngayong araw na ito. Tama ka, si Hilda ay Chapter 3 dahil anak sya ng peryantes. Sa Chapter 4, dala-dala ni Tio Benito ang babaeng mas matanda sa kanya na tuwang tuwa dahil naka-convert siya ng isang balikbayan sa kanyang relihiyon. Yan na nga ang Iglesia ni Kristo.

May kaklase ako noong high school na habang nagiinum kami at dinuguan ang pulutan, napilit naming sumubo ng isang kutsara ng dinuguan. Di naman sya namatay hahaha! Joke lang. Yan kasi ang pustahan naming mga malolokong magkakaklase, kung kaya ng Iglesiang kaibigan namin na kumain ng dinuguan hahaha!

Jzhun, basta siguro di malangis? Kasi baka di masarap kainin ang dinuguan kung di mainit. Sabagay, marami naman siguro tayong madadaan na eateries na puwedeng magpa-init ng ulam? Basta doon tayo sa kanila bibili ng kanin at karagdagang ulam? Mga hospitable naman ang mga maliliit na karinderia sa probinsya.


message 29: by Ben (new)

Ben (ben2579) jzhunagev wrote: "Adbans na 'to, pero ang alam ko si Don Vicente ang may dalawang anak. Mas lalo pa itong malalaman kung babasahin ang naunang maikling kuwento ni FSJ na The Heirs na makikita sa The God Stealer and ..."

Jzhunagev, Wow! Salamat sa tip.

KD, pasensiya na, hahaha!.... sablay na naman ako, toingk! pati post mo di ko nabasa nang maayos, haha. Hirap magmulti-task dito sa jungle namin.(opis namin mukhang gubat, haha!)


message 30: by K.D., Founder (last edited Mar 16, 2013 08:22PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayos lang, Ben. Gusto ko lang magtuluy-tuloy ang pagbasasa ng F. Sionil sa taong ito. Sana'y makasama kita hanggang sa dulo. Para ikaw ang makakamit ng gantimpalang PRPB t-shirt hahaha.

Nabanggit ko ito kahapon kay Chibivy at mukhang gusto nya yong tshirt na napanalunan ni Raechella sa "Agos" bilang pinaka-aktibo at malaman na mga posts. Magkakaroon din ng ganyan para sa "Po-On" discussion pero parang wala pang namumuro (puwera sa aming group moderators).


message 31: by Rise (new)

Rise Asperri siguro ang tinutukoy mong pangalan, K.D. Si Don Vicente Asperri yung isa pang mayaman sa Cabugawan bukod kay Don Jacinto.


message 32: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayon. Asperri nga. Akala ko parang tawag yon sa isang grupo ng tao noong panahong iyon. Parang Creole or something lang hahaha. Kaya nabanggit na sya nang pahapyaw sa "Po-On." Salamat, Rise.


message 33: by Ben (new)

Ben (ben2579) Bayan ba ang Carmay? O Isang barrio sa Rosales?


message 34: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Barrio sa Rosales. Parang Cabuwagan. Parang Carmen.

Araw 3: Chapters 5 & 6

Kung ang kabanata 3 & 4 ay ang pagusbong ng mga 2 pagiibigan, ang kabanata 5 & 6 ay parang mga kuwento ng kamatayan. Di ko na lang sasabihin kung sino ang mga namatay dahil spoiler. Depressing lang.

"I remember..." ang paulit-ulit na simula ng mga taludtod (paragraph) at kapag ganito, nagugustuhan ko. Flashback kasi nga dahil matanda o grown up na yong narrator sa dulo. Wala pa akong nabasang unreliable narrator sa Pinoy novels. Baka ito na yon. Kapag "I remember..." ang simula, parang sine ang gumaganang imahe sa isip ko. Katuwa lang.

Magandang umaga, PRPB!!! Sali na kayo sa amin ni Ben!!! :))))))))))))


message 35: by Rise (new)

Rise K.D., Cabugawan ha, hindi Cabuwagan.


message 36: by Ben (new)

Ben (ben2579) KD, parang show lang to ha. Ikaw ang host at ako'y iyong sidekick! haha

Chapter 5
Kuwento ng huling paguusap ng narrator at ng kanyang lolo sa isang bukid sa Carmay, isang gabi, bisperas ng Pasko. Nabanggit dito ang "legend of the bells". Kinabukasan natagpuan nila na nakahiga ang kanyang lolo sa "sled". Nakangiti. Namayapa na ang kanyang lolo sa katandaan.

It's a perfect way to die. Hindi na dumaan sa paghihirap. Kung magreretire ako, gusto ko sa probinsiya.

Hindi ko masabi kung ang eksena na naguusap ang maglolo nang gabing iyon ay maypaka-sikolohikal o metapisikal.

Chapter 6
Dito ipinakilala ng narrator si Luvidico, anak na binata ng nangungupahang magsasaka. Nakahalubilo at naging kaibigan ng narrator si Ludivico. Nasaksihan niya ang kahirapan ng pamilyang magsasaka at kamalasang sinapit ng binata sa katapusan ng kabanata.

Napukaw din ang aking atensiyon ng isang eksena, na inutasan ni Ama si Sepa na pakuluan ang basong ginamit ng ina ni Ludovico. Mata-pobre si Ama.


message 37: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, salamat sa pagtatama hahaha. At nagbabasa ka talaga hahaha!

Ito na nga, para may listahan tayo:

Ang bayan ng Rosales ay nahahati sa 37 mga barangay.

Acop
Bakitbakit
Balingcanaway
Cabalaoangan Norte
Cabalaoangan Sur
Camangaan
Capitan Tomas
Carmay West
Carmen East
Carmen West
Casanicolasan
Coliling
Calanutan (Don Felix Coloma)
Guiling
Palakipak
Pangaoan
Rabago
Rizal
Salvacion
San Antonio
San Bartolome
San Isidro
San Luis
San Pedro East
San Pedro West
San Vicente
San Angel
Station District
Tumana East
Tumana West
Zone I (Pob.)
Zone IV (Pob.)
Carmay East
Don Antonio Village
Zone II (Pob.)
Zone III (Pob.)
Zone V (Pob.)

Nahati na ang Cabalaoangan (Norte at Sur) at ang Carmen ay 2 rin. Ang Carmay ay 2 rin, West at East.

Ang alam ko lang trivia ay pinangalan na Carmen kay Carmen Rosales na dating sikat na artista at kapareha ni Rogelio de la Rosa (na muntik nang maging presidente ng Pilipinas).


message 38: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang tanong:

Cabugawan ba ay pareho ng ngayon ay tinatawag na Cabalaoangan? Mukha! Otherwise, baka maligaw tayo hahaha.

Ben, oo nga. Nalimutan kong banggitin yan. Yong pag nakarinig ka ng bells sa Pasko. Grabe! Gusto kong makarinig noon. Cute ang pagpapasok ni F. Sionil ng legend na yan. Natuwa ako. Kahit imbento kasi parang ngayon ko lang narinig yan hahaha.

Disagree ako sa pagpapakulo. Nakakahawa ang TB lalo na yang plemang may dugo. Nagiingat lang si Don Espiridicion (tama ba?) na baka sila mahawa.


message 39: by Ben (last edited Mar 17, 2013 06:16PM) (new)

Ben (ben2579) Whoa. ang laki pala ng bayan ng Rosales!

KD, at napansin mo yung paulit ulit na "I remember..". Lupet! Di ko napansin yun actually, haha.

May punto ka KD dun sa isyu ng pagpapakulo. Nakalimutan ko may sakit pala ang nanay ni Ludovico. Salamat sa pagtama kuya, haha. Mabuti may discussion naitatama iyong mga maling interpretasyon. i love it.=)


message 40: by Rise (new)

Rise Hindi kasama ang Sipnget? Nabanggit din ito. Sitio lang siguro ito. Baka yung Cabugawan sitio lang din?


message 41: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, di ko alam. Basta may nakita naman akong picture ng bahay ni F. Sionil (link shared by Biena). So, magtatanong na lang kami roon pagdating. Adventure naman talaga yong field trip na yon e. :)


message 42: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nag-google map ako kahapon at sinipat-sipat ang Rosales. Nakita ko na ang San Antonio de Padua Church ay malapit lang sa Presidencia (ang municipal hall). Nakita ko rin ang SM Rosales. Pero di ko makita ang Acop Dam, ang mga baranggay at sitio at ang ibang nabanggit sa itaas na tourist destinations kagaya ng grotto o yong mga bantayog. Baka may oras kayo, mag-google map na rin. :)

Araw 4: Chapters 7 & 8

Tawa ako ng tawa kagabi noong binabasa yong naliligo si Pedring sa may tubigan na malumot at maputik. Gusto lang niyang maranasan ang paliligong di niya malilimutan noong bata pa sya at tumira sa bukid. Ngayon ay law student at kahit maputik at malumot, naglublob siya na parang kalabaw hahaha. May mga ganyang moments din ako kapag parang may nami-miss akong experience noong bata pa. Kagaya noong madalaw ako sa probinsiya at tuluy-tuloy na pumasok sa high school building namin at naupo sa silyang kahoy sa isa sa mga classrooms. Buti walang pasok noon (summer break) pero nakita ako noong teacher ko at akala'y namamahinga lang ako hahaha. Di nya alam nire-relive ko yong feeling hahaha. Ganoon ako ka senti minsan kahit di nakakainom hahaha.

Nakakatuwa ang naging love story nina Pedring at Clarissa kahit parang predictable. May pagka-Color Purple ang pagtatago ng sulat. Pero mas matalino ang mga tao rito kasi sinunog para wala nang drama later on.

Strong yong personality ni Martina. Parang minsan, di ako naniniwala na sexist si F. Sionil kasi marami naman siyang strong women na characters. Ikaw, naniniwala ka ba na sexist si F. Sionil o hindi lang sya laging gender-sensitive na tao?

So far, ang kumento ko ay ito: bakit parang fragmented ang agos ng kuwento? Parang yong mga kabanata ay episodic. Ano nang nangyari kay Hilda (Chapter 3)? Ano nang nangyari sa babaeng Iglesia ni Kristo at Tio Benito (Chapter 4)? Kailan susundan ang mga kuwento nila?

Kaya minsan, may nakikita akong mga collection o anthology na may kuwento ni F. Sionil na sasabihin "a chapter in the novel Mass" na nakasama sa anthology bilang isang kuwento. Parang standalone ang ibang kabanata dito?


message 43: by Ben (new)

Ben (ben2579) KD, me naalala akong article patungkol sa pagiging sentimentalng tao sa isang lugar o bagay. when you have time, check mo to.
http://www.buzzfeed.com/keenan/5-frie...

Siguro hindi naman sexist si Sionil. Nagkataon ang mga nobela niya ay depiction ng early 20th century Filipinos na noong mga panahong iyon kimi at subservient ang mga babae. Gusto ko karakter ni Martina, kaya siguro nagustuhan din siya ng narrator.


message 44: by Rise (new)

Rise Palagay ko hindi rin naman sya sexist. Pero may mga "non-progressive" views ang mga karakter nya (kung hindi man sya) tungkol sa sexuality. Lalo na sa Mass na pinaka-sexual na book sa saga.


message 45: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ben, sige check ko yan later. Salamat.

Rise, hehe. Sige, gusto ko yan. Pinaka-sexual hahaha. Save the best for last ito hahaha!


message 46: by Ben (new)

Ben (ben2579) Chapter 7
Kuwento ng pagibig nina Pedring at Clarissa na kapuwa pinsan ng narrator. Oops, ang una'y pinsan niya sa ama at ang huli'y sa ina.

Masaya ang katapusan. Nagsilbing relief matapos kong mabasa ang mga naunang kabanata.

Ang tanong ko'y gaano ba dapat kalayo ang pagiging magpinsan ng 2 nagiibigan para hindi masabing incestous ang kanilang relasyon?

Chapter 8
Dito ipinakilala si Martina. Isang housemaid sa tahanan ng narrator. Kahit housemaid, may self-confidence at walang pakialam sa iniisip ng ibang tao. Sa una, ang narrator at si Martina hindi magkasundo. Pero naging magkaibigan din eventually.

May eksena:
Narrator: Magnanakaw ka!
Martina: Huwag mo nang uulitin ang salitang iyan sa akin. Ang mga magnanakaw sa bayang ito ay hindi kami...

Bigla kong naalala ang sinabi ni Mabini:
"When you are hungry and you steal a ganta of rice, that is not a crime; but when you are rich and you steal gold, is not that despicable?" (Po-on, page 173)


message 47: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Rise wrote: "Palagay ko hindi rin naman sya sexist. Pero may mga "non-progressive" views ang mga karakter nya (kung hindi man sya) tungkol sa sexuality. Lalo na sa Mass na pinaka-sexual na book sa saga."

Ay, agree! Pero di mo naman kasi maitatanggi ang machismo ng 70s dito sa atin. Later in the 80s to the beginning of the 90s na lang nagkaroon ng kalampag ang feminism. Sabi sa akin ni Ayban may ilang views din about women sa nobelang Ermita: A Filipino Novel.


message 48: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ben, third degree yata puwede nang magasawa. Tama ka, walang blood relation si Pedring at Clarissa.

Oo, basic human right naman kasi ang mabuhay (meaning: kasama rito ang pagkain). Problema kasi ng gobyerno yan kapag maraming nagugutom. Nasa bill of rights yan eh. The right to live. Pero di dapat iasa sa gobyerno ang lahat sabi ng ni P-Noy.

Jzhun, yay! Ermita. 3 books away tayo sa Ermita. hahaha


message 49: by Ben (new)

Ben (ben2579) KD, tama, di rin dapat iasa lahat sa gobyerno. May mga tiwali sa gobyerno sa kabilang banda may mga tamad na mamamayan.

Gusto ko na rin basahin yang Ermita,haha.


message 50: by K.D., Founder (last edited Mar 19, 2013 03:06PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ben, sige, ganito ang gawin nating schedule:

March 24 (Linggo) - tapos ng "Tree."
March 25-27 (Lunes - Miyerkules) - "My Brother, My Executioner"
March 28-29 (Huwebes & Biyernes) - "The Pretenders"
March 30-31 (Sabado & Linggo) - "Mass"
April 1-5 (Lunes-Biyernes) - "Ermita."

Matatapos natin itong lahat bago harapin si F. Sionil Jose sa April 6. Kung di man matapos ang Ermita, at least makalahati natin.

Baka sasali si Biena kasi parang wala syang pasok buong Holy Week.

Yong daily posts natin swak dapat dito. Yong next week na Lunes-Miyerkules na "My Brother, My Executioner" puwede ring i-advance ng Linggo. Kasi ako may pasok pa. Yong 2 days/book pag walang pasok, sa nipis ng mga librong ito, madali na, di ba? hahaha.

Araw 5: Chapters 9 & 10

Nakakalungkot na naman. Mas gusto ko yong may nakakatawa. Yong chapter 9, namatay yong pari. Yong chapter 10, nagpakamatay yong Tio Baldo. Hais. Depressing na naman ang umaga ko.

Parang napaka-importante ng Chapter 10. Dito na talaga lumabas yong isa sa sinasabing layunin ng mga akda ni F. Sionil: katarungan para sa mahihirap (social justice). Lumang usapin. Na-tackle na rin sa "Po-On" pero ibang mga tauhan lang. Dito na rin lumabas (finally) si Don Vincente. Tapos dito na rin na-explain paano yumaman si Don Vicente at parang "naungusan" si Don Jacinto na siyang mayaman sa "Po-On." Ganid pala. Ganid, kagaya ng maraming mayayamang nanamantala sa mahihirap. Matagal na itong usapin ano? Pag nagipit ang mahihirap, gagawin lahat. Alangan naman alahado na ang mahal mo sa buhay, di mo man lamang isasanla ang lupa mo, para ito mapagamot? Kaso di na natutubos. Hais. Kailan pa ito matatapos?


« previous 1 3
back to top
This topic has been frozen by the moderator. No new comments can be posted.