Pinoy Reads Pinoy Books discussion

54 views
Pangkalahatan > 2014 Year-Ender Para sa PRPB

Comments Showing 1-50 of 51 (51 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mga kakweba, dahil maraming bakasyon, magkwentuhan naman tayo tungkol sa 2014. Parang balik-tanaw lang tungkol sa pagbabasa ng mga akdang Pinoy at ng mga karanasan ninyo sa book club natin.

Ito ang limang mga tanong na pagisipan ninyo bago sagutin haha.

1) Anong limang magagandang Pinoy books ang nabasa ninyo ngayong taon? Yong recommended ninyo at bakit?

2) Anong limang di masyadong magandang Pinoy book ang nabasa ninyo ngayon 2014 at bakit di maganda para sa inyo?

3) Anong mga di makakalimutang karanasan sa PRPB ang nangyari sa inyo sa 2014?

4) Sino-sino ang mga madalas mong makasama sa PRPB? Sino ang gusto ninyong mas makilala pa?

5) Bakit ka aktibo sa PRPB? Kung di pa aktibo, ano ang hinihintay mo?


message 2: by K.D., Founder (last edited Dec 25, 2014 12:39AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dahil ako ang nagtanong, ako rin muna ang unang sasagot.

1) K.D.'s 5 Magagandang Pinoy Books sa 2014

The Trilogy of Saint Lazarus by Cirilo F. Bautista Dwellers by Eliza Victoria Buhay Habangbuhay #1 by Paolo Herras Nuno sa Puso Pag-ibig by Bebang Siy Nuno sa Puso Relasyon by Bebang Siy

* The Trilogy of Saint Lazarus - Cirilo Bautista
* Dwellers - Eliza Victoria
* Buhay Habangbuhay - Paolo Herras
* Nuno sa Puso (Relasyon) - Bebang Siy
* Nuno sa Puso (Pagibig) - Bebang Siy

2. K.D.' 5 Pinoy Books na Pedeng Saka Mo Na Lang Basahin

100 Aklat sa Aking Pagkamulat Pagbasa, Dagling-suri, at Paanyaya by Rhod V. Nuncio Disaster, Droga, at Skin Whitener by Rolando B. Tolentino tula(K) by Kiko Rafols The Wet Book Stories From the Bath House by Raymond Lee The Muobuhigh Daze Vol. 1 by Nuno

Di ko na sila ililista. Basta di kawalan sa yo bilang mambababasang Pinoy kung di mo sila basahin.

3. Mga Di Makakalimutang Pangyayari sa PRPB sa 2014

* Panayam kay Ricky Lee - record-breaking attendance at 32! Daming newbies, daming bumalik, may mga from TFG, sumubok sa PRPB!

* Panayam kay Jun Cruz Reyes - birthday celebration namin dalawa. Tapos pumunta pa sa Bantayog ng Mga Bayani at tumula kayo para sa akin. Felt so loved haha!

* Panayam kay Lualhati Bautista - starstrucked talaga ako. Biruin mo, Lualhati Bautista! In flesh! Tapos after so many years, noon lang ako nakapag-bowling ulit at duckpin pa haha!

* Panayam kay Carlo Vergara at Christmas Party 2014 - pinakamasayang Christmas Party ko sa limang taon ng pagbo-bookclub! Masarap ang mga pagkain! Sobrang tawa nang tawa. Maganda pala yong manood ng sine kasama ang mga kakweba. Di lang sa pagbabasa ang enjoy pala, pati panonood ng sine!

* Field trip sa Talim Island - noon ko lang narating ang Laguna de Bay! Sobrang saya ng araw na yon pati na ang makadaupang palad at makausap si Tata Raul Fumilas! Gusto kong bumalik doon at umakyat sa Bundok ng Susong Dalaga haha!

4. K.D.'s Madalas Makasama (at Enjoy Kasama):

* Po aka Von aka BookNoy - apat na taong kaibigan. Pagtiisan ang kakornihan haha!

* Jzhun - limang taong kaibigan. Ni minsan di nakasamaan ng loob, ni minsan wala akong narinig na intriga mula sa taong ito. Mahal kita, Jzhun! haha

* Clare - dalawang taong kaibigan. Kahit may Baba ka na, mahal pa rin kita haha! Bakit ko ba mahal si Clare? Parang ako kay Po, napagtitiisan nya akong kausap haha!

* Ibyang - di lang madalas makita't makausap, madalas ring ka-text haha. Masarap asarin tapos tatawanan ka lang.

* Bebang - haha. Basta invited mo ako at pede ako, go!!! Sino bang di maaaliw sa mga jokes nitong si Bebang haha! Kausap mo pa lang, matatawa ka na. Eh lalo na kung binabasa mo.

Mga Gusto Ko Pang Makilala/Maka-Close

Yong mga taga-PNU (Rhea, Chesca), si Billy at Jas (lalo na si Jas haha), si Jayson "Transgressive" Fajardo, si John "Ang Kawangki" Adrian at si Ara pagkatapos nyang manganak haha.

5. Bakit nagpi-PRPB

Maraming dahilan:

* Nakakausap natin ang mga writers - picking their brains, naka-clarify natin ang mga sinulat nila
* Napupuntahan ang settings ng mga akda - isang field trip lang sa 2014 though. Pero yong makita ang Yungib ni Dona Victoria (ba yon?) na nabanggit sa El Fili?
* Mahal tayo ng mga local writers - kahit sinong local writer gustong magpa-interview sa atin haha!
* Bida tayo sa Readercon - kasi tayo lang ang focused sa local works
* Mababait ang mga taga-PRPB - kahit walang masyadong budget. Mga down-to-earth kumbaga. Di mahirap kausap, totoong tao at kaibigan.


message 3: by Bong (new)

Bong | 275 comments Sa 2015 mas sasama na ako sa mga pupuntahan ng PRPB! Hahaha stressful ang 2014 pero makapagrelax sa 2015! Yey!


message 4: by Rise (new)

Rise 1. Pinakamagagagndang aklat na nabasa ni Rise ngayong 2014

Tatlong Gabi, Tatlong Araw by Eros S. Atalia What Now, Ricky? by Rosario de Guzman Lingat Culture and History by Nick Joaquín What Passes for Answers by Mikael de Lara Co Diwalwal Bundok ng Ginto by Edgardo M. Reyes

1. Tatlong Gabi, Tatlong Araw ni Eros Atalia - pambasag ng shake rattle and roll syndrome
2. What Now, Ricky? ni Rosario de Guzman Lingat, salin ni Soledad S. Reyes - nobelang pulitikal na tumatalakay sa mga pamamaraan ng pagsugpo ng evil forces sa lipunan
3. Culture and History ni Nick Joaquín - isang kritikal na paglalagom ng pagkabansa ng Filipinas
4. What Passes for Answers ni Mikael de Lara Co - mga tulang di mo namamalayan ay bahagi na ng iyong damdamin at kaisipan
5. Diwalwal: Bundok ng Ginto ni Edgardo M. Reyes - tampok ang mga mandarambong sa minahang bundok ng Diwalwal at ang mga maliliit na taong nagtangkang sumalungat sa kanila

2. Mga librong nakulangan si Rise ngayong 2014

Words and Battlefields A Theoria on the Poem by Cirilo F. Bautista Seven Mountains of the Imagination by Virgilio S. Almario This I Believe—Gleanings from a Life in Literature by F. Sionil José Ang Alkemista (The Alchemist) by Paulo Coelho Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) by Ricky Lee

1. Words and Battlefields: A Theoria on the Poem ni Cirilo F. Bautista - pruweba na hindi mabubuhay ang tao sa pawang teorya o haka lamang
2. Seven Mountains of the Imagination ni Virgilio S. Almario, salin nina Marne L. Kilates at Phillip Kimpo Jr. - medyo makitid o insular ang pananaw ni Almario sa panitikan, pero hindi ako susuko sa kanya
3. This I Believe—Gleanings From a Life in Literature ni F. Sionil José - minor na libro lamang ito para sa akin
4. Ang Alkemista ni Paulo Coelho, salin ni Edgardo B. Maranan - nanghihinayang ako sa galing ng tagasalin ng aklat; sa anumang lengguwahe ang pilosopiya nito ay maaring hindi angkop para sa akin
5. Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) ni Ricky Lee - may mga parteng medyo nasobrahan ng tamis ang timpla

3. Mga di makakalimutang pangyayari sa PRPB, c.2014

In absentia naman ako lagi dito. (Ang aking new year's resolution ay dumalo ng pagtitipon ng sabayang talakayan.) Ang onlayn na karanasan ay appreciated ko pa rin. Ramdam ko pa rin ang passion ng mga tao sa mga usapan sa pisi. Dahil sa ilang librong napipili sa sabayang pagbabasa, di siguro ako ma-motivate o magtangkang magbasa mag-isa. Salamat din sa mga sumali sa pinamimigay na libro (giveaway). At sa mga bagong kaibigan sa pamamagitan ng PRPB at GR.

4. Madalas makasama sa PRPB

Wala eh. Nakaka-text si Kuya D. Tenbits. Pero parang kilala ko na si Kuya D sa mga libro at opinyon nya rito.

Gustong makilala pa: Marami. Isa-isahin pa ba. Jho, J-zhun, Ara, Beverly, Juan, Azalea, Biena, Phoebe, Chibivy, Po, Ella, Patrick, Nibra, Ayban, Clare, Raechella, Jhive, MJ, Billy, Diane, Reev, atbp.

5. Bakit aktibo sa PRPB

Gusto ko ang layunin ng PRPB. Simula ng sumali ako sa PRPB, ang una at lagi kong pinupuntahan sa bookstore ay ang Filipiniana section. Andami kong nabiling aklat dahil nairekomenda ng mga pinoy readers sa GR. Parang Big Bang lang, lumawak ang aking kaalaman sa panitikan ng bansa. Nabibigyan ng mas malalim na konteksto ang masalimuot nating kasaysayan. Blah blah.


message 5: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Nakakalungkot dahil hindi ko nakamit ang goal ko ngayong taon na maka 25 na libro. Sisipagan ko pa next year para maka 30 ako. Hahahaha

(1) Limang wasak,panalo,rekomendado.

Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
Nakakakaba. Kinikilabutan pa rin ako kapag naalala ko ang tiyanak. Balita ko ngayong 2015 lalabas ang pangalawang libro. Kaabang-abang.


Tabi Po: Isyu 1
Tagahanga ako ng art ni Mervin Malonzo. Kakaiba. Tapos sinamahan pa ng interesanteng kwento. Madugo ang kinalabasan ng libro. Isa ring sinusubaybayan ngayong 2015. adik din ako sa amoy ng mga pahina nito

Tatlong Gabi, Tatlong Araw
Maganda ang paglalahad ni Eros ng mga detalye. At napakapit niya ko bago magtapos ang libro. Dahil dito masasabi kong mas maganda 'to kung ikukumpara sa ibang libro niya.

Para Kay B
Dito nailahad ang ibang mga anyo ng pagmamahal na hindi karaniwang makikita sa mga romance pocketbooks, at wattpad stories. Pinag-isipan talaga.

Connect the Dots o Kung Paano Ko Kinulayan ang Aking Buhay
Nakakatuwa. Nakakalungkot. Nakaka-inspired. 'Yan ang kwento ng batang Gene.


(2) Limang Tatlong OK

Espiritu
Tamang pampalipas lang ng hang-over.

Lovestruck, Sexy Edition
Kinulang pa rin sa pagkakalahad.

Rekta
Dahil nabasa ko na karamihan ang mga kwento dito. (Sa fb) Hindi na masyadong nag-iwan ng kurot ang mga ito.
Pero maganda.

(3) Mga di malilimutan

PRPB Christmas Party
Sa panayam, sa mga nakuhang libro, sa pagkain, sa mga nakasama, nakakwentuhan, at kay Dark Claw >.< . Napakasaya.

Panayam Kay Ricky Lee
Napakaraming nakasama. Napaka-malamang usapan. Enjoy.

Panayaw kay Jun Cruz Reyes
Isa ding siksik, liglig, at nag-uumapaw na kwentuhan kasama ang aking idolo.

Poetry Reading sa Bantayog ng mga Bayani at para kay KD
First time ko mag-poetry reading. Nagustuhan ko ito. Sana ulitin ito.

Book Discussion (pa-contest) sa ReaderCon para sa Para Kay B
Napakasaya. Napaka-kulit. Nanalo ang grupo namin.


(4) Mga madalas makasama.
Madalas kong nakakausap sina KD, Po, Ibyang, Jayson, Jzhun, Billy, Jas, Ella, Clare at si Ms.Bebs.

Mga gusto ko pang makilala sina Tricia, Adrian, Ingrid, Honeypie, at yung ibang mga newbie.

(5) Bakit PRPB
Simple lang. Makulit. Masaya. At magkakasundo.


Isang masaganang bagong taon at nawa'y marami pang mga pinoy na libro ang sumainyo.


message 6: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki: yang Gilda Cordero-Fernando mo, niregaluhan ako ni Jzhun nyan. Ngayon hahanapin ko nga at maisunod na.

Yong pagpasok ng mga newbies na kagaya ninyo ni Jayson, Jas, Neri, Honeypie, Hiyasmin... at "pagdalaw" ng ilang taga-TFG, parang senyales na muling dumarami ang miyembro ng PRPB. Nakakasaya lang dahil akala ko mamamatay na itong book club dahil sobrang di ko na maasikaso. Mabuti na lang at may Po at Ibyang na mahilig mag-recruit haha.

Tinitingnan ka nga namin noong nagba-buckle ka sa pagdadasal haha. I know the feeling. Nangyari na rin yan sa akin hahaha!


message 7: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Johan Patrick wrote: "Sa 2015 mas sasama na ako sa mga pupuntahan ng PRPB! Hahaha stressful ang 2014 pero makapagrelax sa 2015! Yey!"

Pangako na naman yan. Di bale, alam naman naming busy ka. Basta join ka lang pag puwede ka. Mas importante ang career dahil dyan ka kumikita.


message 8: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan

Haha! Magkaiba tayo sa Eros (Tatlong Gabi, Tatlong Araw) at yong kay Ricky Lee (Para Kay B). Na-amuse lang ako dahil marami tayong common na taste sa libro pero nagkaiba tayo rito. Siguro ang nagpabago sa akin ay yong interview with Ricky. Baka magbago rin ang rating ko sa Tatlong Gabi kapag nakapanayam na namin si Eros sa susunod na buwan. Pero sa Ligo na U haha! Hindi na siguro. :(

Parehas tayo. Mula noong nagkaroon ng PRPB, para akong hoarder ng Pinoy Books. Araw-araw dumadaan sa NBS Mega at naghahanap ng bagong labas na Pinoy books. Enjoy naman. Lalo na ngayong marami akong nami-meet na local writers, mas nakakarelate na ako sa kanila di kagaya noon, wala akong masabi kasi wala pa akong nababasang nasulat ng maraming local authors.


message 9: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan

Haha! Magkaiba tayo sa Eros (Tatlong Gabi, Tatlong Araw) at yong kay Ricky Lee (Para Kay B). Na-amuse lang ako dahil marami tayong common na taste sa libro pero nagkaiba tayo rito. Siguro ang nagpabago sa akin ay yong interview with Ricky. Baka magbago rin ang rating ko sa Tatlong Gabi kapag nakapanayam na namin si Eros sa susunod na buwan. Pero sa Ligo na U haha! Hindi na siguro. :(

Parehas tayo. Mula noong nagkaroon ng PRPB, para akong hoarder ng Pinoy Books. Araw-araw dumadaan sa NBS Mega at naghahanap ng bagong labas na Pinoy books. Enjoy naman. Lalo na ngayong marami akong nami-meet na local writers, mas nakakarelate na ako sa kanila di kagaya noon, wala akong masabi kasi wala pa akong nababasang nasulat ng maraming local authors.


message 10: by Honeypie (new)

Honeypie (honeypiegb) | 219 comments 1) Anong limang magagandang Pinoy books ang nabasa ninyo ngayong taon? Yong recommended ninyo at bakit?

Hindi ata ako nakaabot ng limang Pinoy books. Hahaha! Pero marerecommend ko ang ABNKKBSNPLAko?! (12th anniversary edition) ni Bob Ong. Sinama ko talaga yung edition, kasi di ko naman nabasa yung una, at baka medyo maraming pagkakaiba rin doon sa dalawa. <>

2) Anong limang di masyadong magandang Pinoy book ang nabasa ninyo ngayon 2014 at bakit di maganda para sa inyo?

Different Countries by Clarissa Militante. Hindi naman siguro sa hindi maganda, pero medyo may mga tanong lang ako, at gusto ko pa siya mas maintindihan lalo. Kung ano ang gustong ipahiwatig ni CM, ganun.

3) Anong mga di makakalimutang karanasan sa PRPB ang nangyari sa inyo sa 2014?

Twice pa lang ako nakasama at hindi ko talaga malilimutan. :))

Lualhati Bautista + duckpin bowling: Alam ko sikat siya, pero kung hindi nagkaron ng sabayang pagbabasa ng sulat ni LB, wala pa akong nababasang libro niya. Medyo starstruck kasi si LB yun e! ... at yung duckpin bowling, salamat kay Bebang sa pagyaya maglaro. Apat na taon ako sa UP, pero hindi ko pa yun natry ever. Totoo nga yung tsismis na obstacle bowling ang duckpin sa UP! : ))

Carlo Vergara at Christmas Party: Ang saya makinig kay Carlo Vergara! :) katulad kay LB, wala pa rin akong nababasang gawa niya bago siya na-meet. Haha! Pero ang saya makakilala ng Pinoy artists! : )) ang saya nung party! :D at syempre favorite ko yung nakauwi ako ng maraming libro. :D first-time ko. Haha! Mahilig kasi ako magbigay ng libro as birthday gift, wedding gift, Christmas gift, etc. Siguro kasi madalas tayo bumili ng regalo na gusto rin natin matanggap. Haha! Pero kahit mahilig ako magbigay ng libro, hindi rin ako madalas makatanggap ng ganun! Kaya natuwa talaga ako. : D

4) Sino-sino ang mga madalas mong makasama sa PRPB? Sino ang gusto ninyong mas makilala pa?

Showbiz. Haha! Joke. Kahit sino na 'intelektwal' magbasa. Haha! Basta gusto ko pa makilala yung mga taong makakachika tungkol sa mga librong nabasa namin (kahit hindi yung monthly reads natin), yung may makakapulotan ng aral din. :D

5) Bakit ka aktibo sa PRPB? Kung di pa aktibo, ano ang hinihintay mo?

Ang dami ko kasing natutunan, at nakikilala! At mas lalong nababalik yung hilig ko sa pagbabasa. Huli akong nahilig sa pagbabasa (before Goodreads happened for me ng 2012) ay nung elementary pa (1999 below). Kaya sobrang naeenjoy ko ngayon, lalo't na may nakakausap na ako tungkol sa mga librong binabasa ko. May pagka-introvert/anti-social kasi ang mga readers minsan no? Haha!


SALAMAT, PRPB! More happenings next year! Happy Christmas : D


message 11: by Honeypie (new)

Honeypie (honeypiegb) | 219 comments Ang Kawangki wrote: " Boyhood In Monsoon Country by Maximo D. Ramos
Nung nabasa ko ito hiniling ko na sana sa baryo ako lumaki at hindi rito sa lungsod.
The Butcher, the Baker, the Candlestick Maker A Collection of Short Stories by Gilda Cordero-Fernando
Ito ang librong humatak saakin upang magbasa muli ng panitikang Pilipino."


Mukhang okay tong mga to. Siguro dahil na rin mukhang malalim ang impact sayo. Interesting basahin. Sana may makita pa akong kopya sa bookstores. : D


message 12: by Maria Ella (last edited Dec 28, 2014 10:36AM) (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Best books ngayong taon - in Random Order:

1. Arnold Arre's The Mythology Class - it actually dared local comic book artists to give focus to Pinoy folklore. Nang maging sikat yung reprint ngayong taon, kahit yung mga batikang komikero bumili ng kopya at nagrecommend sa katulad kong hilig ang mga alamat. 101 ito sa mga batang wala nang alam sa panahong ito maliban sa pairalin ang mga hormones nila at magbasa ng jejereads hahaha

2. Jun Cruz Reyes' Tutubi, tutubi, wag papahuli sa Mamang salbahe - epitome of satire attack on one of the most challenging years of our country. Imagine mo yung pintura inaamoy ng estudyante tapos buhay na sa ideolohiya. WALA NANG GANYANG BATA NGAYON (meron man, siguro anak ng mafia sa yaman).

3. Mervin Malonzo's Tabi Po - PERSTAYM NA ANG BIDA SA KOMIKS AY ASWANG. You don't just do that FLAWLESSLY.

4. Ricky Lee's Para Kay B - pagkat sadyang mabenta ang mga mapapait na tagpo sa pag-ibig. And in technicalities, it is superb.

5. Carlo Vergara's Zsazsa Zaturnnah komiks, books 1 and 2 - BENTA ANG HUMOR, pati ang pagkabaliwan festival ni Ada. AT DODONG YIII HIHI. What made me impress in these works are the facial expression and THE EYES! So Francisco Conching. Throwback Liwayway memories hehehe.

Medyo keri lang?

1. David Hontiveros' Seroks (book 1) - Technicalities of grammar and story structure is okay, but as a #laslasreader, medyo mahirap lunukin ang pagka-scifi.

2. Eros Atalia's Ligo Na U, Lapit Na Me - hindi kasi ako teenager?Sa dami kasi ng sinasabi ni Intoy, parang masasapak ko na lang sya kapag nakita ko sya at sigawan ng "ANDAMI MONG CHARARAT!"

3. Ronald Molmisa's Lovestruck: Sakit Edition - okay siya. Benta nga eh. Kaya lang naalala ko kasi ang mga gawa ni Joshua Harris. Parang tinagalog lang. Kahit yung mga biblical references ay recycled. The book is engineered for hormonal jejemons. Kaya sya appealing sa mga bata.

4. SGWannaBe's She's Dating The Gangster: The Original Edited version - Titulo pa lang Oxymoronic na. Pati ang kwento imba. (view spoiler)

PRPB Moments?
1. Yung ke Jun Cruz Reyes at kay Ricky Lee dabest. Andun yung starstruck fan feels. Andun rin yung kapag nagtatanong ako at nakatingin sa kanilang mga mata... may kilig. Sobrang fanatic ganun.

2. Baklaan fest with Carlo Vergara - sadyang mabenta sakin ang mga kilig at kapaklaang dala ng pag-ibig. Pelikula pa lang, ang galak ko WAGAS. Lalo na ang mga sharing ni Carlo hahahahaha. (view spoiler)

Happy 2014 memories. Kitakits sa 2015, mga beh! Nawa'y ipagpatuloy natin ang adhikain ng Kuwebang ito. Mabuhay ang panitikang pinoy! :)


message 13: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Honeypie wrote: "1) Anong limang magagandang Pinoy books ang nabasa ninyo ngayong taon? Yong recommended ninyo at bakit?

Hindi ata ako nakaabot ng limang Pinoy books. Hahaha! Pero marerecommend ko ang ABNKKBSNPLAk..."


Honey

Kailangan talaga may showbiz na question para mas maraming maka-relate haha!

Yang Bob Ong reissued edition may added chapter yata sa dulo. Meron ako nyan pero di ko pa nababasa. Mabasa nga. Salamat.

Yong kay Clarissa Militante, pagusapan natin sa susunod tayong magkita. Yong title na "Different Countries" malamang metaphor. Kasi di ba mga characters naninirahan sa ibang lugar. Culion halimbawa. O yong Tatay na nagtra-trabaho sa ibang siyudad tapos nagkaroon ng kerida. Tapos di sila magkaintindihan so may saying na "as if you are living in different countries." Parang ganoon.

Salamat sa pagdalo sa mga panayam. Sana ay di ka magsasawa. Marami ka pang makikilala rito na mga kakweba at mga manunulat na Pinoy.


message 14: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ella

Nabasa ko na rin ang lahat ng librong tinuran mo haha. Except yon Mythology Class. Hinuhuli ko kasi yon sa mga komiks na meron ako dahil marami na rin akong nabasang Arnold Arre. Agree ako sa mga nagustuhan mo pero kaso nagustuhan ko rin yong mga keri lang sa yo. Ewan ko, pagdating sa Pinoy books mas forgiving ako siguro hahaha!

Bawat panayam gusto ko kaso nga yong mga hindi masyadong well-attended mas madaling na-eclipse noong maraming nag-attend. Masarap kausap sina Genevieve Asenjo, Raul Funilas at Genaro Gojo Cruz. Kaso di lang nga sila kasing sikat nina Ricky Lee, Lualhati Bautista, Carlo Vergara at Jun Cruz Reyes kaya siguro ganoon.

More in 2015 definitely so stay tuned! Salamat din sa mage-engganyo kay Tricia at probably kay Emir na i-try naman ang PRPB at di lang TFG. Kayo ni Ingrid ang nage-enjoy sa both bookclubs at actually, nai-inggit ako haha!


message 15: by Honeypie (new)

Honeypie (honeypiegb) | 219 comments K.D. wrote: Yong kay Clarissa Militante, pagusapan natin sa susunod tayong magkita. Yong title na "Different Countries" malamang metaphor. Kasi di ba mga characters naninirahan sa ibang lugar. Culion halimbawa. O yong Tatay na nagtra-trabaho sa ibang siyudad tapos nagkaroon ng kerida. Tapos di sila magkaintindihan so may saying na "as if you are living in different countries." Parang ganoon.

Hmmm.. Pwede. Sige, pag-usapan natin sa next time na magkita! Nakakatuwa kapag may book club, may natututunang bago, at may mga nakikitang hindi natin nakikita kapag tayo lang mag-isa ang nagbabasa. Hehe!


message 16: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "Maria Ella wrote: "Best books ngayong taon - in Random Order:

1. Arnold Arre's The Mythology Class - it actually dared local comic book artists to give focus to Pinoy folklore. Nang maging sikat y..."


Ako rin. Di ko alam ang sinasabi ni Kawangki dahil di ako marunong mag-drowing pero makaluma ang hitsura ng mga karakters ni Conching. Natatandaan ko yong komiks nya na nabasa ko dati yong kay Lapu-Lapu at colored yon. Siyempre, malayo sa hitsura ni Ada si Lapu-Lapu haha!


message 17: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Yung Mythology class impressive yung charater design. Kahit sang anggulo kilala mo yung character. Every character is unique, just like snowflakes, as Adrian would say.

Yung mga mata sa dibuho ng Carlo Vergara kumikinang mga pare. Kahit sabihin na pare-pareho tsura ng mukha at nag-iiba lang ang buhok... walang tatalo sa motion of the eyes across the panels. Nangungusap lang. Tapos kapag papunchline ng humor ginagawang manga-like. Hindi man ito throwback attack (kasi wala namang ganyan sa Satur, for example) eh naaalala ko ang kinang ng mga mata sa bawat pahina.

I should stop I am getting geeky again ahahahahha


message 18: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "K.D. wrote: "Ang Kawangki wrote: "Maria Ella wrote: "Best books ngayong taon - in Random Order:

1. Arnold Arre's The Mythology Class - it actually dared local comic book artists to give focus to P..."


Yay! Yong "Maktan" ganyan. Litung-lito ako kay Lapu-Lapu dun.


message 19: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maria Ella wrote: "Yung Mythology class impressive yung charater design. Kahit sang anggulo kilala mo yung character. Every character is unique, just like snowflakes, as Adrian would say.

Yung mga mata sa dibuho ng ..."


Haha! Di na lang "kurot" at "laslas" ang peg ngayong 2015. May "kinang" na!

Level up! haha


message 20: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "Maria Ella wrote: "Yung Mythology class impressive yung charater design. Kahit sang anggulo kilala mo yung character. Every character is unique, just like snowflakes, as Adrian would say.

Yung mga..."


Oo nga! Tayo na ang affected ng komiks. :)


message 21: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "K.D. wrote: "Maria Ella wrote: "Yung Mythology class impressive yung charater design. Kahit sang anggulo kilala mo yung character. Every character is unique, just like snowflakes, as Adrian would s..."

Yong "dagitab" parang red light district haha


message 22: by Honeypie (new)

Honeypie (honeypiegb) | 219 comments Ang Kawangki wrote: "Kamusta Honeypie? Sana makakuha ka ng kopya nito. Wala sa NBS nito bale sa Tradewinds sa Intra mo mabibili.
"


Hanglayo. Haha! Sana maalala ko tong mga suggestions mo kapag napadaan ako ng Intramuros. (I supposed Intramuros yung Intra?) haha salamat! : ))


message 23: by Ronie (last edited Jan 06, 2015 07:12PM) (new)

Ronie Padao | 134 comments 1) Anong limang magagandang Pinoy books ang nabasa ninyo ngayong taon? Yong recommended ninyo at bakit?
Bilang nagt-trabaho naman ako sa isang kompanyang gumagawa ng ibook, mga nasa isang daang libro yata nababasa ko tuwing isang taon; Sa kasamaang palad, ni isa dun ay walang akdang Filipino kaya umaasa nalang ako sa mga pinapahiram at binibigay sa akin ni baba(clare):
1. Buti pa ang Roma, may Bagong Papa by Noringai Buti pa ang Roma, may Bagong Papa ni Noringai. Isa ito sa gusto ko kasi paborito kong author si Noringai (kahit dalawang libro palang yung naisusulat nya). Ang librong to ay hindi ganun ka pareho dun sa nauna nyang akda dahil hindi na sya lahat puro sa pag-ibig.

2. It's Raining Mens by Bebang Siy It's Raining Mens ni Bebang Siy. Nakakat'wa yung librong to. Lalo na yung..... Birhen. Bilang isang lalaki magandang malaman ang mga kwento ng babae tungkol sa mga naging karanasan nya.

3. Zsazsa Zaturnnah Sa Kalakhang Maynila by Carlo Vergara Zsazsa Zaturnnah: Sa Kalakhang Maynila ni Carlo Vergara. Ang galing nung gumawa neto!!! tawa lang ako ng tawa.

4. Memoirs Of Klitorika by Klitorika Memoirs Of Klitorika ni Klitorika. As the book says, this for mature audiences only.

5. Random pages of Kikomachine Komix series ni Manix Abrera. Itong mga librong to ang nakakapagpawala ng inip ko tuwing hinihintay kong matapos ang klase ng aking kasintahan tuwing sabado sa UP. Bale every 3 hours ko siya binabasa tuwing sabado. Naging ritwal ko na yun. Ang sarap basahin kasi nasa UP ako, nasa ilalim ng mga puno tapos yung binabasa ay some of the plots is in UP also.


2) Anong limang di masyadong magandang Pinoy book ang nabasa ninyo ngayon 2014 at bakit di maganda para sa inyo?

Lahat ng binabasa kong libro ay mga recommended lang sa akin, kaya naman bihira lang yung mga librong hindi ko nagustuhan.

Tambalan by Nicole Hyala Tambalan ni Nicole Hyala. Binalaan na akong wag basahin to, pero dahil dakilang pasaway ako kaya sinubukan kung buklatin. isang pahina palang di ko na talaga nagustuhan. ang hirap pala magbasa ng ganun, kailangan mo pang gumawa ng facial expressions sa isipan mo para tumawa.

Other than that, wala na akong ibang maisip na libro na nabasa ko.

3) Anong mga di makakalimutang karanasan sa PRPB ang nangyari sa inyo sa 2014?

Nung Christmas party. Kakarating ko palang; pagod, pinagpaapwisan, gutom pero sinalang agad sa isang game. At hindi lang basta bastang game un, isang nakakahiyang laro hahahaha ang masama pa neto, natalo ako.

Naalala ko yung tanung na hindi ko nasagot: Kung may isang taong humihingi ng tulong mo kasi sinunog sya ng isang tao, paanu mo sya tutulungan?

Nais ko na s'yang sagutin ngayon. Bale sa character ko bilang x-man(ang superhero ng mga nang-iwan). tutulungan ko syang buksan ang puso nya. total sya naman yung nang iwan kaya siguro sya sinunog nung iniwanan nya, malamang sa alamang ehh nagyeyelo ang puso nya. Malamig at matigas, saktong sakto para pamatay apoy :p

Sa knockout question naman ni Carlo Vergara: Kung parehong nangangailangan ng tulong mo bilang isang super hero ang kasintahan mo at ang bayan, sinu ang una mong sasagipin?

Ang naisagot ko nun ay kasintahan, malamang kasi andun sya, baka di pa ako pakainin. Pero naisip ko, ang magandang maisagot pala nun ay ang bayan, sasagipin ko ang bayan. Hindi naman magagalit sakin ang kasintahan ko kasi for sure kasama naman sya sa tinutukoy na bayan.


Di makagetover hahahaha

4) Sino-sino ang mga madalas mong makasama sa PRPB? Sino ang gusto ninyong mas makilala pa?

Uhm, si Clare, sya yung madalas kong kasama, panigurado hahaha. nakakahalubilo ko rin si KD kahit hindi PRPB event dahil pareho kaming nasa Ortigas at parehong mahilig sa libro kaya nagkikita kami sa NBS Megamall ng hindi inaasahan.

Mga gusto pang mas makilala? siguro yung mga active na sumama sa mga book discussions, Ang tatalino nila!!! lalo na nung Readercon na ang librong tinalakay ay Para Kay B. Dun ko napagtanto na gusto kong sumali sa grupong ito.

5) Bakit ka aktibo sa PRPB? Kung di pa aktibo, ano ang hinihintay mo?

Kasi napilitan ako? hahaha joke lang. Syempre dahil mahilig ako magbasa ng libro(mahilig? wow pinanindigan!), at gusto kong magliwaliw at magkaroon ng mga bagong kaibigan.


message 24: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Nakakatuwa ka Ronie, apir! :D


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ronie wrote: "1) Anong limang magagandang Pinoy books ang nabasa ninyo ngayong taon? Yong recommended ninyo at bakit?
Bilang nagt-trabaho naman ako sa isang kompanyang gumagawa ng ibook, mga nasa isang daang lib..."


@Ronie- ganda ng mga sagot mo.


message 26: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Yung Tambalan, si Miss Bebs kaya ang editor nyan!
Hahaha! :D


message 27: by Ronie (new)

Ronie Padao | 134 comments @Ella Pwede na bang maging extra bilang payaso?

@Po Maganda ba? parang wala ngang katuturan yung dahilan bat ko sinama yung mga libro kasi di ko na justify kung bakit nagandahan ako.

@jzhunagev Oo nga pala, pero bawi naman sa mismong libro nya, kaya di na magagalit yun :p hahaha!


message 28: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ako ang regrets ko lang sa taong 2014:
Ang Pangit ng SI ni Bob Ong!

Derivative ang istorya, namumutiktik sa sentimyento de asukal ang paglalahad, at nakakabanas 'yung twist.

Out of touch na talaga sa akin ang mga akda niya simula pa sa Mama Susan. Kaya sa susunod, pass na muna ako sa kanya.

Nanghihinayang ako. Dapat pala pinambili ko na lang ng Banal na Aklat ng Kumag yung 400 ko. :'(


message 29: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Ako ang regrets ko lang sa taong 2014:
Ang Pangit ng SI ni Bob Ong!

Derivative ang istorya, namumutiktik sa sentimyento de asukal ang paglalahad, at nakakabanas 'yung twist.

Out of touch na talag..."


jzhun, parang ikaw lang yata ang negative review ng SI ni kuya bob. *fanning the fire. hehe*


message 30: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ronie wrote: "1) Anong limang magagandang Pinoy books ang nabasa ninyo ngayong taon? Yong recommended ninyo at bakit?
Bilang nagt-trabaho naman ako sa isang kompanyang gumagawa ng ibook, mga nasa isang daang lib..."



Baba Ronie, natawa ako dahil ilang linggo na ang nakaraan mula noong Christmas Party, humahabol ka pa ng sagot mo. Alam ba ni Clare ito? Napagalitan ka ba kasi natalo ka? Hahaha


message 31: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "jzhunagev wrote: "Ako ang regrets ko lang sa taong 2014:
Ang Pangit ng SI ni Bob Ong!

Derivative ang istorya, namumutiktik sa sentimyento de asukal ang paglalahad, at nakakabanas 'yung twist.

Out..."


Matagal ko nang tanggap yan. Mula doon sa "Lumayo" na napapangitan sya, eh ako tawang tawa!

Dito naman sa "Si" napapangitan na naman sya haha.

Baliktad kami. Doon sa mga una ni Bob Ong ako napapangitan pero maganda sa kanya haha!

Pero tanggap ko na naman. Matagal na. Di naman lahat ng tao pare-pareho ng pananaw kahit (o lalo na) sa libro. At ang friendship namin ni Jzhun di nasusukat o di masisira ng libro. Chos.


message 32: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kaya ako napangitan sa Si kasi halos kapareho nang isang istorya na kumalat sa Facebook na mas nauna kong nabasa kaysa sa nobela. Mas naapektuhan pa nga ko run. Kaya alam ko na agad o may hinuha na ko ukol sa twist sa huli ng libro. At nang malaman ko na tama ang hinala ko, nabanas lang ako.

Ngayon, bilang paggalang sa mga di pa nakababasa ng nobela, di ko muna ili-link ang viral story.

Gaya na nga ng nasabi ko na kay Kuya sa text ko noon, maganda ang pagkakalahad ng libro. Pero naging flat sa bahaging dulo. Cheesy, oo. Sentimental, oo. Pero isinaalang-alang ko rin na old romantic siya.

Flat pa ang characterization. My God, iisang central character na nga lang! Tas yung struggles nya, typical struggles of raising a family. Dramarama sa Hapon ang peg ni Kuya! At anak ng tupang bakla! Anyare sa conflict, te. Na-undermine lang ni Bob Ong ang ginawa nya sa patwist-twist nya. Hahaha!

At tsaka di na bago ang reverse structre ng nobela, ano bhe! Sa pelikula nagawa na 'yan sa Memento. Sa panitikan, bida d'yan ang Time's Arrow ni Martin Amis.

Kung pag-iisipan pa, halos kamukha ng nobelang ito ang structure ng Mama Susan. Diary entry (kuno!), tas ayun nga, may twist sa huli. Lagi na lang may twist sa huli! Parang wala nang ibang alam na paraan na paglalahad ng istorya si Bob. By that time, para sa akin one-trick pony/phony na si Bob Ong. He does0n't have any more tricks up his sleeve!

Kaya para sa akin, walang bago na ipinapakita si Bob Ong sa nobelang ito sa tema, istruktura, at mensahe.

Ang tanging alam ko lang: Pro-Life si Bob Ong!

Ayan, masyadong humaba ang rant ko. Makagawa na nga lang ng review one of these days.


message 33: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments The best ko for 2014 ang mga akda ni Carlos Bulosan!

Nabasa ko ang America is in The Heart at ang mga short story anthology niya na Carlos Bulosan: An Introduction at The Philippines is in The Heart.

Wasak ang tema ni Tito Carl: Ang pagbasag sa ilusyon ng American Dream, at sa kabalintunaan ng sinasabi ng kanilang Saligang-Batas na, "all men are created equal".

Kung nabasa nyo ang Grapes of Wrath, walang panama! Marahil kasi mula sa karanasan ng isang migranteng Pinoy kaya tagos sa puso ang mga dinanas ni Tito Carl noong panahon ng Great Depression.

Diskriminasyon, ang pagkatangay ng mga OFW sa mga nakaliliyong pangako ng maalwang buhay kung magtatrabaho sa ibang bansa, ilan lang ito sa mga temang dinalirot ni Tito Carl. At ilang dekada na ang nakaraan mula nang isulat niya kanyang memoirs, ito pa rin ang mga suliraning kinakaharap ng mga Pinoy sa ibang bansa. Wala pa ring nagbago. Kaya nga mahalaga ang aklat na ito kasi relevant pa, may sinasabi pa rin.

Isa pa! Magandang inspirasyon ang buhay ni Tito Carl. He rose above his station. Di lang siya nanatiling manggagawa. Naging manunulat siya, at ipinaglaban pa ang karapatan ng mga obrero. Nauna pa siya siya sa Mexican farm leaders. Mga gaya-gaya sila! Hahaha! :D Hindi, siya rin ang nagyakag sa mga lokong 'yon habang tumutoma sila at pinupulutan ang enchiladas. Networking ang peg ni Lolo!

Kung di ka pa solb sa mga 'yan, dapat mo itong basahin dahil sa napakaganda nitong prosa! Sarap i-quote ng mga pangungusap. At mantakin nyo mga peeps, di nakapagtapos ng high school si Tito Carl. Nagtiyaga lang siyang magbasa nang magbasa.

Syempre pa, sa panahong di pa naiimbento ang kategoryang creative nonfiction, isa na siya sa mga pioneer nito, sa panahong inuuhog pa lang sila Nick Joaquin at F. Sionil Jose.

Basta maganda! Kung makakakita kayo ng kopya, yung kulay pula na America is in The Heart, wag nyo na palagpasin. Yung An Introduction kasi nakakabitin lang; tas di pa ko nagandahan sa mga kuwento roon.

Maligayang Bagong Taon, mga kakweba!

«Rant Ovah!»


message 34: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Ganda ng rant natin men!!! makakuha nga ng kopya


message 35: by [deleted user] (last edited Jan 07, 2015 10:09PM) (new)

1.) Anong limang magagandang Pinoy book ang nabasa ninyo ngayong taon? Yung recommended ninyo at bakit?

*Ang Labingtatlong Pasaway- Nakakaloka ang katigasan ng ulo ng anthology na ito. Introduction pa lang ni Jun Cruz Reyes. Tapos yung pusa ni Alvin Yapan, pusod? ni Mayette Bayug, Ang Paputian ng Laba ni Allan Derain. Basta NCCLC!
“Ma, anong gagawin ko. ‘Pag may umaway sa akin!”
“Awayin mo rin. Awayin mo hanggang magkamatayan kayo!”
-Paputian ng Laba
*Nuno sa Puso: Pag-ibig- Dinownload ko pa ang kantang Blame it on the Rain dahil sa librong ito. Hardcore rin yung isang column ni Sir Poy at sana magkaroon din siya ng book na ganito at may titulong Kapre sa Puso.
*Noli Me Tangere at El Filibusterismo- Five times ko yata nabasa ang iba’t ibang version dahil sa trabaho ko. At ngayon ko lang bonggang na-appreciate. Ten times kong binasa yung Ang Dalawang Donya sa Noli at ten times ko ring binasa yung nategi si Kapitan Tiyago sa El Fili, ang sakit kasi sa tiyan ng mga chapter na yun.
*Ang Banal na Aklat ng mga Kumag- Kung sa Dumb Ways to Die may sampalan ng isang character at penguin. Dito may sakitan ng unggoy at pagong to the maximum level. Wasak talaga! Malay ko bang kakaibang retold ng mythology, legend, at anik anik natin.
Spoiler: May mga sirenang naglalaba rito.
Dahil sa aklat na ito, si Derain na ang sinasamba kong Filipino writer sa wikang Filipino.
*Mondomanila- Palahniuk is my love so…
Tang ina lungs talaga ni Wiway. Go transgressive fiction! Shit the rules! Shit the government!

2.) Anong limang di masyadong magandang Pinoy book ang nabasa ninyo ngayon 2014 at bakit di maganda para sa inyo?
Ay hindi ko masasagot… Dahil kahit wanted: tubero at tiktik binabasa ko. Pero lite. is lite.

3.) Anong mga di makalilimutang karanasan sa PRPB ang nangyari sa inyo sa 2014?
Naku marami! Ang dami kong tanga at hilarious moments before at after ng book discussion/event. Halimbawa:
• Naligaw ako papunta sa bahay ni Ms. Bebang kaya nga ako na-late sa book discussion ni Carlo Vergara. Ewan ko kung saang lugar yun na subdivision na maraming pinakawalang aso… At epic ang revelation na mas maraming likers si Marcelo Santos kaysa kay J.K Rowling sa fb. Ang galing ni Sir Carlo.
• Christmas Panty-Ang grover ng panty talagang may picture pa na kumalat sa fb, talagang tinag at nakita ng mga kamag-anak ko here and abroad (char ang abroad!). Buti ang ganda raw ng panty na SO-EN sabi ni Mama. Panty pa more!
• Ang first appearance (artista lang, di ba!) ko sa PRPB ay sa book discussion ng Janus Silang (Isang tanga moments ko na mayroon palang meet-ups with author. Eh ang tagal tagal ko nang nagbabasa ng mga libro na book of the month ng PRPB. Ang hirap naman kasing mag-goodreads. Wala sa iskwater, kaloka!) Eh may ka-date ako nun kaya hindi ako nakakain sa food court kasama sina Egay at PRPB. Tapos hindi pala magiging kami ng ka-date ko. (Tang ina hinabol ko pa yun, choz!)
• Juice colored lang ang tagpuang Mcdo sa Kalayaan Ave. kasi pala nire-renovate. Natambay lang kami tuloy sa Jollibee.
• Yung basang sisiw moment ko sa Genaro’s book discussion. Humabol ako tapos umuwi na pala siya. Basang basa ako nun, grabe! Ang yayaman ng mga tao sa Las Salle at paligid nito pero ang OA ng place na binabaha. Salamat na may pinahiram sa aking t-shirt si Ms. Bebang. At nagulat din ako sa mga confession ni Chiviby dito.
“Sendan natin ng message sa facebook. Sabihan natin, titi mo blue!”
-Ms. Bebang Siy

4.) Sino-sino ang madalas mong makasama sa PRPB? Sino ang gusto ninyong mas makilala pa?
Bago ko ito sagutin gusto ko lang sabihin na na-touch ako sa mga nag-mention sa akin. I’m gonna hug you guys! Feeling close ako kaya pokpok ako na kadalasang sumasama sa lahat…
I WANT TO KNOW MORE… Lahat kayo guys! 

5.) Bakit ka aktibo sa PRPB? Kung di pa aktibo, ano ang hinihintay mo?
Dahil isa akong aktibista! Habang nabubuhay tayo’t humihinga. Aktibista tayo sa iba’t ibang paraan! Aktibista hanggang kamatayan! (Chot!)
Masaya eh, wala namang perpektong institusyon kaya keber ko ba sa past issues. Ang mahalaga samasama tayong nagmamahal sa sarili nating panitikan. At ipapakalat natin sa buong Pilipinas at buong mundo na nag-iisa at bongga ang ating panitikan! 
KAYA AKO ACTIVE! KASI JUTES PA-MORE!!!!!


message 36: by Juan (new)

Juan | 1532 comments jzhunagev wrote: "The best ko for 2014 ang mga akda ni Carlos Bulosan!

Nabasa ko ang America is in The Heart at ang mga short story anthology niya na Carlos Bulosan: An Introduction at The Philippines is in The Hea..."


WASAK nga iyang Bulosan na yan jzhun! Lahat ng kuwento niya at kuwento tungkol sa kanya, lalo na sa last part ay matindi! Bitin ako kaya hinahanap ko yang PULAng sinasabi mo!


message 37: by Rise (new)

Rise Ang pulang libro ni Bulosan! Gahd! galing nyan.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments may nakita ako sa NBS kulay blue, un din b un prng lumang edition ata un? may carlos Bulosan, The Phils. is in the Heart.


message 39: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jan 08, 2015 05:58PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments 2014 Year Ender
1.top 5 books
Ang Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah by Carlo Vergara , Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) by Ricky Lee , Pesoa by Mesándel Virtusio Arguelles , It's Raining Mens by Bebang Siy , Halugaygay sa Dalampasigan by Raul Fumilas

1.Ang Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah ni Carlo Vergara- dahil mahilig ako sa pinoy komiks at maganda ang mensahe nito, nagkaroon ng counterpart si Darna.
2.Para Kay B ni Ricky Lee- talaga nmn may quota ang pag-ibig haha! masarap magkwento si Ricky Lee- may pagka-Divine Intervention kpg naarok mo ang kasiyaha sa iyong pagsusulat o obra.
3.PESOA ni Mesandel Arguelles- dahil nakabasa ako ng akda ni Rene Villanueva kaya mas naintindihan ko at maganda ang mga tula, na-adik na ako sa pagbubura, nakaka-aliw pala ang creativity nito.
4.It's Raining Mens ni Bebang Siy- mas buo at kasiyasiya ang sulat niya dito parang ito ang closure ng Its a mens world para sa akin dahil sa tagumpay ni Bebang dito.
5.Halugaygay sa Dalampasigan ni Tata Raul Funilas- nakabibighani at mahusay ang mga tula, totoo at parang nabuhay sa akin si ka Amado at Balagtas.


message 40: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jan 08, 2015 05:59PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments 2014 Year Ender
2. Dahil top 10 ang paborito ko, idadagdag ko n lng ang 5 nagustuhan ko din;
Lumbay ng Dila by Genevieve L. Asenjo , Gitarista by Reev Robledo , In Sisterhood—Lea at Lualhati by Lualhati Bautista , Connect the Dots o Kung Paano Ko Kinulayan ang Aking Buhay by Genaro R. Gojo Cruz , Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe by Jun Cruz Reyes

6.Lumbay ng Dila ni Genevieve Asenjo- nagustuhan ko dahil sa bidang si Sadyah, ang kanyang pakikipag-sapalaran na may kinalaman sa pag-ibig, pulitika, kultura.
7.Gitarista ni Reev Robledo- paghanga sa talentong musika, ang pag-gitara, cinematic ang pagkakasulat, maganda ang kuwento tungkol sa buhay ng gitarista.
8.In Sisterhood—Lea at Lualhati ni Lualhati Bautista- gusto ko iyong nagkausap-usap iyong mga karakter niya, ang pagiging malaya at kadakilaan ng pag-ibig ni Leah.
9.Connect the Dots o Kung Paano Ko Kinulayan ang Aking Buhay ni Genaro R. Gojo Cruz- mga Dots na kumonekta sa aking buhay, paglalakbay, pakikipagsapalaran hanggang sa ngayon.
10.Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe ni Jun Cruz Reyes- buhay martial law, ang mga karanasan, kahirapan, kwento ng mga kaibigan, lagalag, at aral na kanyang pinagdaanan.


message 41: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jan 08, 2015 06:00PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments 2014 Year Ender

3.Mga karanasan na hindi ko malilimutan ay ang mga ginawa naming Panayam o Interbyu sa bawat awtor-Reev Robledo, Genevieve Asenjo, Lualhati Bautista, Genaro Gojo Cruz, Ricky Lee, Carlo Vergara, Jun Cruz Reyes, Tata Raul Funilas, at kasama ang Pinoy Reads members sa kulitan at aklatan.

4.Kasama ko lagi ciempre si K.D., Jzhunagev, Bebang, atbp. pang miyembro ng Pinoy Raeds hatid ay kasiyahan at katatawanan, kaalaman binibigay nila.

Gusto ko pag makilala lahat ng NEWBIES!...

5.Aktibo ako sa PRPB dahil ito ang dugong dumadaloy sa aking puso, isip, at pag-gawa. Makatulong na ibahagi ang Panitikang Filipino.


message 42: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Salamat sa mga sumagot sa'ken sa "madalas kasama" at "gusto pang makilala." Hihi. More bonding pa this 2015 at sana mas marami pa kong maging friends from PRPB. Hart hart <3


message 43: by Rise (new)

Rise Po wrote: "may nakita ako sa NBS kulay blue, un din b un prng lumang edition ata un? may carlos Bulosan, The Phils. is in the Heart."

Iba yung Phils. Is in the Heart. Yung America Is in the Heart (pula) may edisyon na gray din. At may Tagalog version (parang pula rin yata).


message 44: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Salamat sa mga sumagot sa'ken sa "madalas kasama" at "gusto pang makilala." Hihi. More bonding pa this 2015, kahit tamad akong umattend ng mga panayam. At sana mas marami pa kong maging friends from PRPB, kahit talaga namang suplado ako sa personal. Arf Arf @(・ェ・)@


message 45: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "Kaya ako napangitan sa Si kasi halos kapareho nang isang istorya na kumalat sa Facebook na mas nauna kong nabasa kaysa sa nobela. Mas naapektuhan pa nga ko run. Kaya alam ko na agad o may hinuha na..."

Tama ka naman, Jzhun flat nga sa dulo ang Si ni Bob Ong. Nawala yong sinabi sa blurb that goes something like: "Kailan kita makikilala? Sa yong pagsilang..." na hinintay-hintay ko pa naman. Parang may na-edit o parang wala lang. Di lang sinama.


message 46: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "The best ko for 2014 ang mga akda ni Carlos Bulosan!

Nabasa ko ang America is in The Heart at ang mga short story anthology niya na Carlos Bulosan: An Introduction at The Philippines is in The Hea..."


Maganda nga ang mga naging karanasan ni Carlos Bulosan mula sa kanyang buhay sa Pangasinan hanggang sa Amerika. Nakaka-inspire lalo na kung nangangarap kang pumunta sa Amerika. Grabe ang discrimination noong panahon nya!


message 47: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jayson:

Feeling close ako kaya pokpok ako na kadalasang sumasama sa lahat…

Pokpok pa more! Haha.

Seriously, salamat sa pagiging aktibo sa PRPB. Sana ay wag kang magsasawa at magpapapokpok pa more haha


message 48: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po:

Gusto ko pag makilala lahat ng NEWBIES!...

Haha! Basta newbies. Actually, feeling ko, kaya tayo dumadami kasi yong mga newbies, nagiging at-ease sa PRPB dahil sa yo haha! Feeling ko lang :)


message 49: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chibiby:

Salamat sa mga sumagot sa'ken sa "madalas kasama" at "gusto pang makilala." Hihi. More bonding pa this 2015 at sana mas marami pa kong maging friends from PRPB. Hart hart <3

Nagbacktrack ako. Parang wala naman. Feeling mo lang yata? Haha


message 50: by Ingrid (new)

Ingrid (gridni) | 157 comments Magagandang Pinoy books ang nabasa ninyo ngayong taon, recommended na din:

Dwellers (First time ko magbasa ng speculative fiction, panalo!)
Trese (LAHAT MAGANDA OK. Kung di mo pa nababasa, di ko alam kung anong ginagawa mo sa buhay mo, haha)
Tabi Po (MERVIN MALONZO! For mature readers, hwehehe)
All's Fair in Blog and War (FRCA winner for Romance in English, hihi)

Anong mga di makakalimutang karanasan sa PRPB ang nangyari sa inyo sa 2014?

April: Talim Island adventure
July: Panayam kay Sir Jun Cruz Reyes + Bantayog ng mga Bayani
December: Christmas Party! (sarap kumain, haha), Pesoa Book Launching! (balinguyngoy, mygahd)

(Eto lang yata kasi yung napuntahan ko! Haha!)

Sino-sino ang mga madalas mong makasama sa PRPB? Sino ang gusto ninyong mas makilala pa?

Madalas kasama: Mga madalas ding mag-attend. Clare, Jzhun, Ivy, Billy, Jas, Ella na din
Mga gustong makilala pa: Yung mga gustong makipagkilala, haha! Sorry, quota na kasi ng buhay ko ang pakikipag-usap for more than 5 seconds, hahaha.

Bakit ka aktibo sa PRPB? Kung di pa aktibo, ano ang hinihintay mo?
Di ako masyadong active kasi active ako sa kabila, haha. Medyo saling pusa lang ako dito eh, wahaha. Naghihintay din siguro ako ng himala. At mahirap magbasa ng tagalog! Pero yun, sisikapin kong maging mas aktibo. Suportado ko naman ang PRPB eh :>


« previous 1
back to top