Goodreads helps you follow your favorite authors. Be the first to learn about new releases!
Start by following Roque Ferriols.
Showing 1-30 of 40
“Ang pagbibitiw sa pag-asa ay isang pagtataksil sa ikaw at sa Ikaw.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Ipinagkakamali ng karamihan ang pagmamahal sa romansa. Kung kaya’t napakatamis pakinggan ng katagang “pag-ibig.” . . . Ginagamit ko dito ang salitang “pag-ibig” sa pagmamahalan ng isang lalaki at babae, isang pagmamahalang sekswal. Ang salitang “pagmamahal” ay may mas malawak na kahulugan dahil sinasakop din nito ang pagkakaibigan.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Sa mga gulo ng malaking sansinukob, may maliit na sansinukob na palagi nilang mauuwian, kaya’t sumasariwa at sumusulong ang búhay.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“[K]apag nararamdaman kong ako’y wala nang kayang magawa, ang pakiramdam ko ba’y ako’y isa na lamang taong patay.
—Mula kay Gabriel Marcel sa “Pagpapakatao”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Gabriel Marcel sa “Pagpapakatao”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“[A]ng kamunduhang walang kaluluwa ay hindi pa rin kaibig-ibig”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Ang tao'y isang uring bato palibhasa'y mabigat siya at kayang gumulong, isang uring tanim palibhasa'y tumutubo at nagkakasupling, isang uring hayop palibhasa'y nakakatakbo, nakakakita't nakadaramdam.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Kasangkot sa mga rosas ng búhay ang mga tinik.
—Mula sa “Ang Tao at ang Maykapal” ni Manuel B. Dy, Jr.”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula sa “Ang Tao at ang Maykapal” ni Manuel B. Dy, Jr.”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Sapagkat ang tao ay malaya, palaging may posibilidad ng pagtataksil, ngunit, sapagkat ang tao ay malaya, palagi ring may posibilidad ng pananatiling tapat, sa gitna ng mga pag-aalinlangan at pagbabaliktad ng búhay.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Mahalaga ang tao hindi dahil sa anu-anumang dahilang labas sa kanyang sarili kundi sa kanyang pagkabukod-tangi. . . . Kung nagiging mahalaga ang isang bagay o hayop dahil bihira ito, ano pa kaya ang bawat tao, na kailan pa man ay bukod-tangi?
—Mula sa “Ang Tao at ang Maykapal” ni Manuel B. Dy, Jr.”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula sa “Ang Tao at ang Maykapal” ni Manuel B. Dy, Jr.”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“[M]ahaba pa ang panahon upang makilala ang bawat isa, upang matuklasan, upang matutuhan ang wagas na pag-ibig sa isa’t isa.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Ang Pamamaraang Penomenolohiko”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Ang Pamamaraang Penomenolohiko”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Masasabi natin na habang buhay ang tao, kulang siya sa kalahatan at kabuuan, at natatapos ang pagkukulang na ito sa kamatayan. . . . Isang “wala pa” na “dapat maging” ang tao.
—Mula sa “Kamatayan ayon kay Martin Heidegger” ni Manuel B. Dy, Jr.”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula sa “Kamatayan ayon kay Martin Heidegger” ni Manuel B. Dy, Jr.”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“[N]ailalarawan ang pagmamahal bilang isang pag-angkin o pagpapaangkin ng isang tao.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Hindi nangangahulugang pagsamba ang paggalang; isang pagtanggap ito ng kanyang pagiging siya, iba sa akin.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Ang akto ng pakikibahagi ay akto ng pagiging talagang totoo.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Bakit kayâ sa teatro’y nalulugdan ang táong magpakalungkot sa mga pagsasagupaan at trahedya na hindi naman niya papayagan kung siya mismo ang dapat magtiis?”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Ako ang aking mga nagawa, ako ang aking mga naisakatuparan
—Gabriel Marcel sa "Pagpapakatao”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Gabriel Marcel sa "Pagpapakatao”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“[K]ung sa bibig ng maysakit ay masamâ ang lasa ng tinapay, na masarap sa magalíng. At na ang mata ng may karamdaman ay nasasaktan sa liwanag, na kaibig-ibig sa matang dalisay.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“[M]arahil ay maaari lamang akong patuloy na mabuhay kung hindi ko na itatanong sa aking sarili kung bakit ako nabubuhay. . . . Ang aking buhay ang larangan ng oo at hindi, dito ko sabay na sinasabing nagaganap ako at hindi ako nagaganap.
—Mula kay Gabriel Marcel sa “Pagpapakatao”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Gabriel Marcel sa “Pagpapakatao”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Hinahanap ninyo ang búhay na maligaya sa lupain ni Kamatayan . . . Paanong liligaya ang búhay sa lupaing walang búhay?”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Sa langit lamang ang katiyakan. Ang búhay-lupa ay isa lamang papanaw na anino.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Ang iyong nadaramang pag-ibig ay nagmumula sa iyo, sa pagbaling ng iyong kalooban: pagbaling na isang uri ring pagsuko. Hinayaan mong mahila ng pag-akit ang iyong kalooban. Kaya't madalas sabihin: "Nahuhulog ang kanyang loob kay kung sino." Sa simula, ang paghulog ng loob ay maaring walang isip, gaya ng pagkusa ng isang tanim na tumutubo. Kaya't madalas sabihin: "Tinubuan sya ng pag-ibig." Pagkatapos, maaring mamalayan ang pagkahulog ng loob, timbangin, angkinin... gawing kusang-loob. At kapag ginawa nang kusang-loob ang pag-ibig ay maari nang sabihin: "Pinapatubo niya ang pag-ibig." At habang lahat nito ay nagaganap sa iyong kalooban, nadarama mo rin na may hawig diyan na nagaganap sa kanyang kalooban. Kalooban at kalooban ay nakikipagtagpo. Dumaramdam at nakikiramdam.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Masasabi natin na ang nagpapasensiya ay nananalig sa isang proseso ng pagtubo at pagiging matino.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Hindi lamang ipinahahayag ang pagmamahal, isinasagawa ito. . . . Kumikilos at may bisa ang pagmamahal.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Alam nila na hindi totoo ang interpretasyon ng ilang pilosopo na ang pinaniniwalaan ng mga may paniniwala ay basta’t inimbento nila upang maaliw sila sa dilim ng búhay o sapagkat takót siláng humarap sa daigdig na walang pag-asa. Alam ng naniniwala na ang kanyang inaasahan ay hindi niya inimbento, bagkus tinawag siya sa hindi niya inaakala.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Kataka-taka ang nangyayari sa pagmamahal—na ang dalawa’y nagiging isa ngunit mananatiling dalawa.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Madalas sabihin ng mga mangungutya, “Mapalad ang taong walang inaasam, hindi siya mabibigo.” Buong ligaya at pananabik na sinabi ni San Francisco, “Mapalad ang taong walang inaasam, matutuwa siya sa lahat.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Hindi pagbibilanggo ang pagmamahal kundi isang pagpapalaya.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Iba ang halagang kuwarta at halagang-kalooban. . . hawig sa kaibhan ng utang na kuwarta sa utang na loob.”
― Pilosopiya ng Relihiyon
― Pilosopiya ng Relihiyon
“Ang posibilidad na ang minorya ay tama ay maitatanggi lamang sa tinatawag na isang uri ng aritmetikang pangkaisipan—isang paniniwala na ang katotohanan ay matatagpuan sa pamamagitan ng pagbibilang ng nakararaming palagay—na tunay na isang napakababaw na pangangatwiran; batid natin na hindi sa pagbibilang ng ulo natutuklasan ang pinakamabuting paraan.
—Mula kay Gabriel Marcel sa “Pagpapakatao”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula kay Gabriel Marcel sa “Pagpapakatao”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Sapagkat kailangang magsimula sa mga simpleng bagay upang makaabot sa isang wastong paraan sa mga malalalim na usapan. Pati ang eroplano kailangang gumapang muna bago makalipad.
—Mula sa “Pambungad na Pagmumuni-muni: Hangganan ng Talinghaga”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
—Mula sa “Pambungad na Pagmumuni-muni: Hangganan ng Talinghaga”
― Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko




