Goodreads helps you follow your favorite authors. Be the first to learn about new releases!
Start by following Zero A.D..

Zero A.D. Zero A.D. > Quotes

 

 (?)
Quotes are added by the Goodreads community and are not verified by Goodreads. (Learn more)
Showing 1-13 of 13
“Hindi dapat kailanman maging problema ang pagiging kakaiba mula sa karaniwan.”
Zero A.D., ; Ano
“Isa na lang talaga ang natitirang problema—ang paniniwala niya sa alien. . . . Pero bindi ba’t may mga kandidato rin namang ipinagkakalat na isinugo raw sila ng Diyos para pamunuan ang bayan? . . . Ano nga bang ipinagkaiba nila . . . ?”
Zero A.D., ; Ano
“[P]arte lámang ang pag-ibig ng ebolusyon natin bílang tao.”
Zero A.D., ; Ano
“[H]inahanap natin ang katotohanan pero pag nandiyan na sa ating harapan, hindi pala tayo handa sa hatid nitong sampal. . . . kaya siguro ’yung iba, tinatanggap na lang ang kasinungalingan dahil mas madali itong paniwalaan.”
Zero A.D., ; Ano
“Hindi man nabibili ng pera ang kaligayahan, nasasagot naman nito ang maraming problema sa búhay.”
Zero A.D., ; Ano
“E anong silbi ng kaalamang matututuhan mo sa unibersidad kung hindi mo naman ito magagamit para sa tama?”
Zero A.D., ; Ano
“Siguro mas nae-enjoy mo pa nga ang isang bagay dahil alam mong mayroon itong katapusan, na hindi ito habambuhay nariyan.”
Zero A.D., ; Ano
“Sa dalawang bagay lang ako hindi naniniwala: Sa love at first sight at sa sarili ko.”
Zero A.D., ; Ano
“[A]ng masarap sa katotohanan, hindi niya kailangan ng táong maniniwala para lang maging totoo siya. Titindig siyang mag-isa. Hindi katulad ng ilusyon, kailangan pa ng maraming bullshit para mapanatiling nakatayo. Kasi kung walang maniniwala dito, mababasag lang ito sa katotohanan. Kaya pag napasarap ka nang masyado sa ilusyon at nadikit ka sa apoy ng katotohanan bago ka pakawalan ng ningas nito, wawasakin ka muna, babasagin ka at kahit gusto mo pang bumalik sa kumportable mong buhay, hindi na maaari.”
Zero A.D., ; Ano
“Alam mo ba ang kinakatakutan ng tao? . . . Ang mga bagay na hindi nila maintindihan.”
Zero A.D., ; Ano
“Kaya nga pinapanatiling mangmang ng mga nasa itaas ang mga nasa ibaba para mapasunod ito sa kanila. Dahil kung alam lang ng tao kung ano ang nararapat sa kanila, baka búkas na búkas ay mag-aklas na sila.”
Zero A.D., ; Ano
“Ang ironic lang na kailangan pang maranasan ang isang bagay bago tuluyang maintindihan kahit all this time, alam na ng lahat na nangyayari ito.”
Zero A.D., ; Ano
“Hindi solusyon ang pagtakas. Ipinapasa mo lámang sa iba ang sakit at problema.”
Zero A.D., ; Ano

All Quotes | Add A Quote
; Ano (The Philippine Writers Series 2022) ; Ano
13 ratings
ÜBERMAN ÜBERMAN
40 ratings