Goodreads helps you follow your favorite authors. Be the first to learn about new releases!
Start by following Edgar Calabia Samar.

Edgar Calabia Samar Edgar Calabia Samar > Quotes

 

 (?)
Quotes are added by the Goodreads community and are not verified by Goodreads. (Learn more)
Showing 1-15 of 15
“Maraming mundo ang bawat tao. Gagawin mo iyon kung wala kang makapa. Dadagdagan mo kung kulang, hahanapin kapag nawawala. Kung matagpuan na, pilit iyong tatakasan ng mga duwag at wawaratin naman ng mga matatapang para makagawa ng iba.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Isang beses lang tayo makapipili ng daan at pagkatapos noon, paulit-ulit na tayo sa daan na iyon- paikot-ikot, habang kinukumbinsi natin ang sarili na umuusad naman talaga tayo, na nagpapatuloy tayo, na mayroon tayong pinatutunguhan- kahit wala nga, wala naman talaga, paikot-ikot lang tayo sa iisang daan na noon, noong hindi natin alam, noong wala tayong kamalay-malay, ay nagpasya na pala tayo’t pinili nga ito.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Lahat, may hinahanap. Pero iba ang natatagpuan nila sa huli. Pero masaya pa rin sila. Lagi pa rin silang masaya.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Salita. Nakasalalay lang ang lahat ng nararamdaman sa narinig na salita, sa mga narinig na salita, sa kapangyarihan ng salita na lumikha ng iba't iba pang ilusyon. Minsan, salita rin, isang salita lamang, ang may kakayahang magwasak ng lahat ng mga binuo, binuno, subalit ng mga salita rin nga lamang.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Baka ako naman talaga ang nawala, ako, si Tito Tony, si Lola Bining, kaming mga naiwan, baka kami naman talaga ang nawala. Kailangan bang iyong laging umalis ang nawala, nawawala? Baka nga mas natagpuan nila ang sarili sa paglayo.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Babalik ako sa panahong di mo inaasahan para kunin sa iyo ang noon ko pa gustong malaman.”
Edgar Calabia Samar, Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
“Hindi naman eksklusibo ang kabutihan sa kahit na anong nilalang. Kung hindi tayo hinahamon na magpakabuti araw-araw, baka hindi natin maramdaman kung bakit natin kailangang magpakabuti nga.”
Edgar Calabia Samar, Si Janus Sílang at ang Lihim ng Santinakpan
“Madalas ipangako iyon--kapag nagsesentimyento, o nagpapakaromantiko lang--walang makapapalit sa 'yo, o--wala ako kung wala ka. 'Langhiyang pagsesenti sa wala. O dahil iyon lang naman kasi talaga ang puwedeng pagsentihan--ang wala, ang wala na, ang wala pa, ang wala naman talaga.”
Edgar Calabia Samar, Sa Kasunod ng 909
“The problem with memory is it favors only the most intense moments. The happiest. Or the saddest. Which means that memory can't be really trusted in the case of the familiar, the ordinary.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Ganoon naman yata talaga minsan, hindi natin masumpungan ang mga sagot dahil mali ang mga tanong natin. O nasusumpungan natin ang tamang sagot kahit mali minsan ang itinatanong natin.”
Edgar Calabia Samar, Si Janus Sílang at ang Hiwagang may Dalawang Mukha
“Nalunod tayo / kahapon sa salita / at kapuwa alaalang
lulutang-lutang / na lamang / ngayon. / Walang naisalba
ang panahon. (p. 47)”
Edgar Calabia Samar, Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambúhay
“Oo. Okey lang matakot basta hindi tayo susuko.”
Edgar Calabia Samar, Si Janus Sílang at ang Lihim ng Santinakpan
“Natakot ako na mali ako pero kakabit nga siguro lagi ng pananalig ang takot.”
Edgar Calabia Samar, Si Janus Sílang at ang Lihim ng Santinakpan
“[P]aano ko pag-iisipang baliw ang ibang tao nang di muna pagdududahan ang sarili kong kabaliwan . . . ?”
Edgar Calabia Samar, Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
“Bakit laging ang hindi niya nakikita ay iyong napakalapit sa kaniya?”
Edgar Calabia Samar, Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon

All Quotes | Add A Quote