Pinoy Reads Pinoy Books discussion
This topic is about
Ricky Lee
Pinoy Completists
>
Ricky Lee
Completist rin po ako ni sir Ricky. Peborit ko po yung Para Kay B at Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon. Naastigan ako do'n sa Para Kay B. heheOff topic po: Sinama niya po ako no'n sa UST. Nagbigay po siya ng talk do'n. Sobrang bait niya po. Hinatid niya pa po kami sa may sakayan ng bus. hehe.
Binubuklat ko yong "Si Tatang at ang Mga Himala ng Ating Panahon" noong weekend, kaso mahal. Baka sa bigayan ng 13th month na lang ako bibili.
PARA KAY B!Binigay mo sa akin yun K.D. nung first time kong dumalo sa isang pagtitipon mahigit isang taon nang nakalilipas
:D
Ingga, ay, sa iyo pala napunta! Buti't naaala-ala mo pa. Ugali kong magbigay noon ng mga libro sa newbies. Rememberance ko at gratitude for showing up. Hay, parang kaylan lang.
Nakakainggit ka KD, may Si Tatang at ang Mga Himala ng Ating Panahon KAAA. Ginto yun eh. haha! Iba si Tatang, yung Para kay B nabago ako nun ah. Ang galing ng pagkkwento eh, parang kaharap mo lang
Clare, mabuti't nagustuhan mo ang Para Kay B. Mahusay na kwentista si Ricky Lee noong panahong di pa sya kilalang screenwriter. Kanya-kanya talagang panlasa ang pagbabasa.
Para kay B ay tila isang blank canvas na binuhusan ng primary colors in five zones. Tapos saka ginamit ang kamay para magkaroon ng blending.Remember tv stations that after signoff may rainbow-colored screen sa dulo...? Ganyan siya sa umpisa. Pag nasa gitna ka na ng aklat, makikita mo yung "meta-references" sa bawat stand-alone na kwento. Ito yung part na tila nag-sign-on na uli yung tv station. May pictures na. May salita. May gumagalaw.
Tapos parang primetime kasi maiinis ka sa bida na kontrabida. At maawa ka minsan. Pero di tulad ng ibang palabas ngayon, ang likha ni Ricky Lee ay may aral sa dulo.
Gusto kong hiramin yung Si Tatang.. kasi andun yung mga script ni Ricky about Himala. I am not a die-hard fan of Ate Guy, but when I did my "excerpt-testing" (tawag ko sa patakas na pagbabasa sa bookstore), na-hook ako. Kaya siguro marami ring award ang pelikula.
Btw... ipapalabas ang pelikula ngayong November IN HD! tara? :)
K.D. wrote: "Maganda naman. Parang sine. Parang buhay."Haha! :D Parang baryasyon ng tagline ng Cinema One:
"Ang buhay natin parang sine."
Maganda yung Para Kay B... Though hindi ko mako compare sa iba pa niyang book kasi yun pa lang yung libro niya na nababasa ko. Gusto ko yung twist sa huli... Astig!
:D
November IN HD!
Ella, di ko gets. Aling movie? Himala?
Maganda ang description mo. Parang gusto ko tuloy ulitin. Bibili na ako ng "Tatang" ngayong bigayan ng Christmas bonus. Isa ang Himala sa Top 10 Filipino movies ko ever. Magaling ang pagkakagawa. Hintayin mo ang rebyu ko ng Re-Viewing Filipino Cinema. Yong mga movies noong 70's, 80's at 90's na akala ko naintindihan ko, hindi pala. May mga mas malalalim na mensahe sila ayon sa Bienvenido Lumbera. Galing.
Jzhun, oo nga. Gusto ko yong tagline na yan. Totoo naman eh.
Lyra, di ko na matandaan ang ending ng "Para Kay B." Senior moment lang.

K.D. wrote: "November IN HD!Ella, di ko gets. Aling movie? Himala?..."
Opo. The ate-guy-as-elsa Himala ni Ricky Lee. Na-hook ako. Considering na sa Ilocos ang shooting and it was viewed at 1982. Matinding challenge sa kanila ang ganitong pelikula. Konting production tapos andaming extra. Tapos pumatok pa sa mga film fest sa ibang bansa.
Ipapalabas siya by Nov. 15 i believe. :)
hindi ko pa napapanood ang movie na yan! lagi kasi akong nakakatulog kapag ipinapalabas na. by the way, nagbebenta ngayon si ricky lee ng limited copy ng himala the screenplay. P1000 ang bawat isang kopya. tapos 1000 lang ang kopya na pinagawa nila. to avail contact natin si sir jerry, siya ay assistant ni sir ricky 0917-5331948. gora na!
16 years old ako nang una kong mabasa ang si tatang ni sir ricky. hanggang ngayon, 33 na ako, may mga eksenang napakalinaw pa rin sa utak ko. ito para sa akin ang best book niya!
Beverly, salamat. Babasahin ko na talaga yang "Tatang" na yan. Nakalinya na yan sa 13th month ko. Hmmm, ang "Himala" at ang P1,000. Palagay ko di na masama. Biro mo, isang libong kopya lang at magkakaroon ka ng isa. At napakagandang pelikula. Walang kaparis sa kasaysayan ng Pelikulang Filipino. Bili na mga kasama!
Text ni Beverly kagabi, nakalimutan daw pala niya na book launching ni Ricky Lee sa EDSA Shang kagabi! Ay, sayang kasi malapit lang ako roon. Pero late ko nang natanggap. Mga 9pm na yata.
Ano kayang book? Alam ko, balak nya (sinabi nya sa "Para Kay B") na trilogy yon eh. Ang pangalawa ay "Amapola" at ito na ang pangatlo!
Ang hinihintay ko sana ay bagong libro ni Bob Ong! Nagtitingin-tingin ako lagi sa mga display ng libro nya, umaasang sanay mayroon. Gusto ko sanang tumawa ngayong Pasko. Nasabihan kasi ako ni Beverly na bakit parang puro malulungkot ang hilig kong basahin.

Kuya D., siguro launching 'yan ng limited book-screenplay edition ng pelikulang Himala na tampok sa Cinema One Originals na ipinalalabas ngayon sa Shangrila.Tungkol kay Bob Ong, mga ikalawang linggo siguro ng Disyembre mag-aanounce ang Visprint. Una nilang nasabing may tatlong bagong libro silang ilalabas bago matapos ang taon. Anu-ano kaya 'yon? Hmmm...
Hinay ka lang din... baka hindi maglabas ng nakakatawang akda si Bob Ong... Malay mo... erotika. Haha! :D
Kelan ba ang showing ng restored version ng "Himala?" Balak ko kasing basahin ang Tatang bago ako manood noon. Patay na rin pala yong isang actress doon. Kailan lang.
Namatay na rin daw si Celso Ad Castillo at si Zenaida Amador. Nagkakasunud-sunod ang mga haligi ng local showbiz. Puro pa mga premyado.
Namatay na rin daw si Celso Ad Castillo at si Zenaida Amador. Nagkakasunud-sunod ang mga haligi ng local showbiz. Puro pa mga premyado.
ayun KD ang aklat na nilaunch kagabi ni ricky lee ay himala. yung screenplay 1000 copies lang ang pinrint nila for the hardbound edition
i think showing na ngayon, KD. kung gusto mo ng nakakatawa, si abdon balde, jr. yung cavalry road, yung 60 zens at yung 100 kislap nya nakakatawa.
si vladimeir gonzales din nakakatawa, side a side b at isang napakalaking kaastigan. milfores publishing
K.D. wrote: "Kelan ba ang showing ng restored version ng "Himala?" Balak ko kasing basahin ang Tatang bago ako manood noon. Patay na rin pala yong isang actress doon. Kailan lang.Namatay na rin daw si Celso A..."
KD, check out this news article: http://entertainment.inquirer.net/701...
Nawala sa isip ko itong event sa kabusyhan!
Beverly, ipagpaumanhin mo, di ako natawa sa "Geek Tragedies" ni Carljoe Javier. Maraming green tapos di yong ang expectation ko. Kasi nasa pabalat pa lang "UP Press" na eh. So, akala ko walang ganoon. Nitong last month lang ako bumili ng libro nya ulit. Gusto ko syang bigyan ng chance. Kasi nakita ko sya sa Readercon.
Susubukan ko yang si Abdon Balde. Meron ako noong "Mayong." Matagal na. Parang 5 years na yata sa akin. Kaso sinimulan ko, parang drama. Sabi ko sa katulong kong taga-Bicol basahin. Di rin yata type. Susubukan ko muna yon bago yong nakakatawa nyang sinasabi mo. Naninilaw na eh. Sabi nila, the best kay Abdon Balde eh yong "Awit ni Kadunong." Tsaka uunahin ko muna yong kay Rolando Tolentino na "Almanak ng Isang Aktibista" (yong sabi nila eh mas maganda kaysa "It's a Mens World" Nakabili ako kahapon. Ang kapal nga. Pero ito ang una kong Tolentino so parang excited ako. Nakikita ko yang si Vladimir Gonzales. Sige, next time naman. Salamat sa mga recommendations.
Basta kapag tinanong ako aling librong Pinoy ang pinaka-nakakatawa, ang sagot ko ay "Lumayo Ka Nga Sa Akin" ni Bob Ong. Ewan ko. Ngarag siguro ako noong mabasa ko yon. Depress depressan lang bago magsimula. Magpapasko yata yon noong mabasa ko.

true! KD heavy ata yung awit ni kadunung ni balde, unlike yung mga nabanggit ko earlier, yun yung mga light niya. i super liked mayong. isa yun sa pinakamagandang aklat sa wikang filipino para sa akin. master storyteller si sir jun! at napakaswerte ng bicol lit dahil me jun balde sila ngayon. yung kay carl joe, laking US kasi siya, so yung humor niya medyo rin iba nang konti, pero natatawa naman ako sa kanya.
yung almanak di ko pa nababasa. pero magaganda ang mga dagli ni sir roland.
me isa pang nakakatawa, yung collection ng essay ni sir virgilio almario. nakalimutan ko ang title. medyo luma na ang collection niya.
ang mga binanggit kong books dito ay medyo malayo sa lumayo ka nga ni bob ong. napakadistinct ng style ni bob ong e.
Share lang. I saw Sir Ricky last week, tapos sabi ko "Hi" lang. Hahaha.. Hiyang hiya ako lumapit sa kanya. By the time na nandun na ako sa upuan ko sa newsroom, minessage ko agad sya sa Facebook na sorry dahil nahiya ako haha. Sabi nya no need daw mahiya at magkikita pa ulit kami. Sobrang bait nya. Tuwang tuwa ako!
Suwerte mo. Kababasa ko lang ng "Si Tatang at Mga Himala ng Ating Panahon." Effort talaga. Haba, laki ng libro, bigat, mahal.
Habang lumilipas ng mga araw, unti-unting nagfe-fade ang mga images sa mind ko. Di ko pa alam kung natuwa ako talaga. Pero super ganda ng "Himala" script at si Servando Magdamag. Standouts yong mga yon.

Nakita ko na yong librong kano-launch lang ni Ricky Lee last week. Nasa cover si Ate Guy na himala. Yong tagpo sa burol. Pero yong nakamulat sya. Hindi yong mas popular na nakapikit at halos mabali ang likod hahaha. Ito yatang nakapikit ay yong pinapanood sya ng bata doon sa earlier scene. Yong nagi-inarte pa si Elsa.
Parang gusto kong bilhin. Interesado ako na malaman kung anong naroon na wala sa "Si Tatang at Mga Himala ng Ating Panahon." Sabi nga ni Beverly, parang 1,000 lang ang printed copies noon. Balang araw, magiging collector's item. Kasi mahirap ma-topple ang "Himala" bilang isa sa, kung hindi man pinaka-, magandang pelikulang Filipino.

K.D. wrote: "Nakita ko na yong librong kano-launch lang ni Ricky Lee last week. Nasa cover si Ate Guy na himala. Yong tagpo sa burol. Pero yong nakamulat sya. Hindi yong mas popular na nakapikit at halos mabali..."Yung 1000 copies ata na yun, yung hardbound ang limited edition.
Biena wrote: "Share lang.
I saw Sir Ricky last week, tapos sabi ko "Hi" lang. Hahaha.. Hiyang hiya ako lumapit sa kanya. By the time na nandun na ako sa upuan ko sa newsroom, minessage ko agad sya sa Facebook n..."
ANSWERTE MOOOOOO. Dapat di ka nahiya! hehe
Para Kay B pa lang po ang nababasa ko kay Ricky Lee pero doon pa lang nakikita ko na magaling talaga po siyang magsulat. Kakabili ko lang po ng Si Amapola sa 65 na Kabanata yun po isusunod kong babasahin pagkatapos nung binabasa ko po ngayon sana maganda parin yung libro.
Mabait rin daw sobra si Ricky Lee. Kaibigan sya ni Beverly. Sana sa mga darating na talakayan, magkaroon ng group read na aklat ni Ricky Lee. Gusto ko rin syang makadaupang palad.
Ang alam ko po pumunta siya sa school namin (UST) last year. Pebrero po ata yun. Nagseminar po ata siya pero di ko pa po nahihiligan magbasa ng mga librong Filipino noon eh kaya di po masyado napansin. Pero sabi naman po ng mga kaibigan ko galing AB mabait daw po talaga siya
Puwede nating gawing group read. Tapos, manonood tayo ng sine after ng interview with Sir Ricky Lee. Sa wakas, makakadaupang palad na namin si Sir Ricky Lee.
Books mentioned in this topic
Re-Viewing Filipino Cinema (other topics)Para Kay B (other topics)
trip to Quiapo: Scriptwriting Manual (other topics)
Para Kay B (other topics)
Si Amapola sa 65 na Kabanata (other topics)
More...

Ito ang mga nabasa ko nang mga akda nya.
1) Trip to Quiapo : Scriptwriting Manual Ni Ricky Lee
2) Para Kay B
3) Si Amapola sa 65 na Kabanata
4) Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon
May bago syang libro na kakalabas lang at di ko pa nababasa:
Ikaw? Anong mga libro ni Ricky ang nabasa mo na? At anong masasabi mo?