Pinoy Reads Pinoy Books discussion
This topic is about
Bebang Siy
Pinoy Completists
>
Bebang Siy
Bumili ako ng copy noong MIBF, signed copy na. Pero s'yempre gusto kong ma-meet ulit in person si Bebang, siguro sa sequel signing na.
Ako rin, sana maligaw dito si Bebang. Nakakapag-invite ka ba, Louize. Kasi, di ko mahanap ang pangalan nya sa list of friends ko.
Ay Kuya since close group ito, ikaw lang po pwede mag-invite. Pero ito ang email add nya: beverlysiy@gmail.com. Sana makatulong 'yan.
Heto po yung recording ng talk ni Bb. Bebang nung Visprint Wit 2012 (kasama rin yung mga talks nina Karl de Mesa at Alan Navarra), para sa mga hindi nakapagpunta:http://flipsidepublishing.wordpress.c...
yay 1 million times! ahahahaha meron palang ganito nakapangalan pa sa akin! hahaha tanong ko nga pala KD paano kung maraming genre ang isinusulat ng isang author? si danton halimbawa ay hindi lang poet, paano nga natin siya i label?
Pag marami nang libro ang author, puwede na siyang ilagay sa "Completist" folder lalo na kung may miyembro na nagbabasa o nakabasa na ng mga libro niyang yon.
Maikling interview kay Bebang Siy...at iba pang nanalo sa Reader's Choice Awards. Siempre may footage ang TFG. :)http://reevwrites.wordpress.com/2012/...
Salamat, Reev! ang ganda ng video na to. cute lahat ng nasa video, e. hahahahaha! it was nice to meet you during that event!KD, ay ok, nawa ay dumami pa ang mga nasa completist natin!
happy sunday sa lahat!
Tina-target ko ngayon na maging completist ni Rafael Bion. Nabasa ko na ang kanyang May Nagsabi sa Akin. At isusunod ko ang "The Story." Wala pa yata rito sa GR.
Bebang, kinabahan ka pa pala ng lagay na yon?
Bebang, kinabahan ka pa pala ng lagay na yon?
sana may kasunod na aklat muli si Bb. Bebang Siy...and in the conyo way "I want it, to buy it na!" :D
Vheel, tama si Rise. Lalabas ngayong taong ito ang "It's Raining Mens" at naka-linya na yan para sa book discussion sa Nov/Dec 2013. O baka mas maaga. Dapat isa itong pangkat natin na unang tatalakay nya at baka puwedeng sabay na rin sa book launching. Basta, full support tayo kay Bebang Siy!
Sige, tingnan natin. Doon sa wedding reception ang book discussion. May book fair daw eh. Ilabas ang mga pulang tshirts! Magkukulay mens kaya ang mundo sa wedding ni Bebang?
Beverly, inapdayt ko ang message#1 at inilipat mula sa folder ng "Mga Bagong Manunulat" papunta rito sa "Pinoy Completist." Pero naka-priority ka pa rin para lagi kang nakikita. :)
Thank YOU, Bebang. At advance congratulations dahil magkakaroon na ng THIRD EDITION ang "It's a Mens World." Yay! Malapit mo nang marating ang 4th edition ng "Agos" hahaha. Sobrang magkalevel na kayo ni Ka Roger. Ikaw na si Ka Bebang! May bago kang taguri!
hahahaha langya ka KD i feel so oooold! Ka Bebang? hahaha ay hindi pala old, parang armadong kilusan lang!
Hindi pa yun old. Pag old na, Tandang Bebang na? haha.Btw, binabasa ko ang Under the Storm at natuwa ako kina Cheeno at Cheena sa tulang "Ang Bisita". Ang galing din ng pagka-translate.
hahaahaha!!! nahanap mo yan rise? indie published yan a mahirap hanapin. me video ako niyan binabasa nung launch heto po: http://www.youtube.com/watch?v=tFO-W5...
salamat sa live recitation! natutuwa talaga ako sa poem na yan. very playful.Mukhang mahirap nga hanapin. Limited copies lang yata? Binigyan ako ni Axel Pinpin ng kopya kasi ako nagtranslate ng tula nya.
Wow! ikaw pala yun! dapt talaga me kopya ang mga translator kasi mahirap kaya yung pagta trnslate! creative work din ang translation a,lalong lalo na ang poetry!
Iba talaga ang level ng mga fellow moderators namin ni Jzhun dito sa PRPB. Mga alagad ng sining! Samantalang kami ay alagad pa lang at wala pang nakikitang sining nyahahahaha!
Hindi kami nabababagay na humawak sa gilid ng inyong mga kasuotan. (we are not worthy to touch the edge of your frocks) hahaha!
Hindi kami nabababagay na humawak sa gilid ng inyong mga kasuotan. (we are not worthy to touch the edge of your frocks) hahaha!
Nakow, isang tula lang yun sa kin, K.D. (May mali pa nga sa translation eh.)Mga alagad tayo lahat ng
Alagad ng mga tampalasan! Taga-tampal sa mga taong ayaw magbasa ng Akdang Pinoy hahaha. Hoy gising! Hoy gising! hahaha.
Kakaiba talaga! Big time talaga kayo!Ako na ang inyong aliporses.
Alipores ng mga maniningning sa sining! :D
Isang friend ko ang nag introduce ng libro ni Bebang Siy at dito ko rin nabalitaan ang tungkol kay Bebang. Nakatanggap ako ng Signed copy with buong buo ang pangalan ko kulang na lang yung middle name hahahha! So far, si mama ko pa lang ang nakabasa ng libro dahil may tinatapos pa ako. Few pages na lang naman na. Pero ayon sa review ng aking mahal na ina, maganda ang libro ni Bebang Siy. at meron pa pala syang iba pang mga libro. Salamat naman at dumarami na rin ang mga Pinoy author na kilala ko bukod kay Bob Ong at Jessica Zafra. Sabi nga ni Bb. Bebang, para sa Bayan, Para sa Panitikan. =)Salamat GR-TFG!
Malot, sali ka sa amin sa April 6 sa Solidaridad. Kasaman namin si Bebang Siy. Mahusay talaga syang sumulat at mahusay rin syang makisama at sobrang suportado nya ang pangkat na ito. Mahal na mahal namin sya. (ehem) Parang may pagka-OA na ito hahaha pero true, sobrang mahal talaga namin si Bebang hahaha.
Ang saya lang basahin ng thread na to! nakakatuwa ang lahat. Ang galing at ang kukulit ng palitan! Napadaan lang..
Nabasa mo na ba ang "It's a Mens World," Juan? Maganda yan! :)
Required reading sa lahat na kakweba! (namimilit hahaha)
Required reading sa lahat na kakweba! (namimilit hahaha)
Nabasa ko na sya pero di-pormal sa tuwing dumadalaw ako sa NBS. Lagi ko ring nakukwento sa bahay kung sino si Bebang Sy. Hanga ako sa kanya. Isang Krimen ang di pagbili ng libro nya kaya kukuha ako KD. Salamat.
Speaking of, balak daw sana Phil Lit Theme sa kasal ni ms.bebang parang cosplay ba. (Pero mukhang KJ yung iba sa kasal nya. Ayaw daw hahaha)If ever na ganun nga at a-attend kayo. Ano cosplay nyo? ahehhehehe
Kahit anong sabihin ni Bebang, kahit patumblingin ako, gagawin ko. Maipakita ko lang ang kasiyahan ko na masaya sya sa piling ni Poy. Pioneer kakweba yan eh hahaha.
Haha kung makikita mo lang ang reaksyon ni Bebang kapag nabasa yan hahaha. Busy yon eh kaya di masyadong makapunta rito ngayon pero andoon sya sa Mayo 25.
Wala na bang mabibilhan ng kopya na Mingaw ni ate Bebs? Gusto ko din sana kulektahin mga libro nya :\
Books mentioned in this topic
Under the Storm: An Anthology of Contemporary Philippine Poetry (other topics)Mingaw (other topics)
Palalim Nang Palalim Padilim Nang Padilim at iba pang kuwento ng lagim (other topics)
May Nagsabi sa Akin (other topics)
It's a Mens World (other topics)





IT'S A MENS WORLD
by Bebang Siy
Last kong nabasang taglish na Pinoy book ay ang nagwaging obra ni Bebang Siy na may nakaka-intrigang pamagat na It's A Mens World. Naganyak akong basahin ito dahil nagwagi ito kamakailan ng parangal sa Readercon. Mga piling-piling anekdota ng kanyang pagkabata. Hindi naman sa matanda na sya, bata pa at saksakan pa rin sya ng ganda. Sabi nya, sinusulat na nya ang sequel dito na "It's Raining Mens."
MINGAW
ni Frida Mujer (alyas ni Bebang Siy)
PALALIM NANG PALALIM, PADILIM NANG PADILIM
Editor: Beverly Siy
Kaya't nilipat na natin ang thread na ating kaibigang si Beverly Siy mula sa "Mga Bagong Manunulat" papuntang "Pinoy Completist."
Ibig sabihin, bumili at basahin na ninyo ang tatlong aklat nya dahil may lalabas nang bago!!!