Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Huling Binasa
Soledad's Sister ni Jose Dalisay. Ang gusto ko talagang basahin muna ay Killing Time in a Warm Place pero ito lang ang meron sa bookstore. Ang galing ng umpisa nito na may pamagat na "The Woman in the Box", mula sa Palanca-winning short story ng author. (review)
Ito ang huli kong binabasa, at kasalukuyang binabasa ang ikalawang antolohiya(na wala pa sa GR booklist) Mga Kuwento ni Lola Basyang
4 stars to, nakakatuwa kasi ang mga istorya, pambata at magaang basahin, mga elemento ng kaharian, prinsesa, halimaw atbp.
Isa sa mga aklat na nabili ko noong huli akong dumalaw sa Pilipinas. Nakahagilap din ako ng iba pa niyang aklat. Balak kong magsulat ng review isang araw... kailan kaya?
huli kong mga binasa;
maganda silang pang-inspirasyon at nakagagaan ng pakiramdam. 4 stars sila para sa akin.
Po, salamat sa pagpapaala-ala. Gagawa ako ng thread para kay Mina. Interesting yang "Road Trip" na yan ha.
Natapos ko na basahin ang The Gold in Makiling ni Macario Pineda na isinalin mula sa Tagalog ni Soledad S. Reyes. Kabuklat-buklat (page-turner?) na libro. Isang love story na may mga elemento ng pantasya, mito, alamat, at nasyonalismo. Subukan ko irebyu later. Rekomendado ito.
Kakaiba rin pala ang libro na yan. Mula sa Tagalog sinalin sa ingles at sa ingles mo nabasa. Hahanap nga ako ng kopya ko. Salamat, Ryan.
Mga Angst Ng Isang Di-Mahapayang Gatang ni Resty Mendoza., Mahusay, bagay na bagay sa mga taong maraming reklamo sa buhay.
100 Dagli ang huli kong nabasang Pinoy na libro. Nakita ko Sir K.D. na nabasa niyo na 'tong librong to, pero I would recommend this to anyone kase ang gaan lang basahin at sigurado ako, sa 100 kwento na nasa librong 'yun, kahit isa, may magpapangiti sa inyo.
K.D. wrote: "Salamat, Jhive. Mukhang interesting. Available ba yan sa NBS?"Available po :) yan yung bagong labas din ng Visprint bago yung "A Bottle of Storm Clouds".,.
Nakita ko nga nung WIT'12 nung nirelease nila yung 'A Bottle of Storm Clouds.' Nice to see Visprint venturing in the YA scene, with the addition of Karen Francisco's Naermyth.
Jhive, sorry naman. Di ko yan nakita sa NBS Bestsellers kahapon. Next time siguro.
Zeke, I admire Visprint. Laging makabuluhan ang mga libro nila. Nabasa ko na ang Naermyth. Maganda.
Sa "Wag Lang Di Makaraos", hanggang ngayon naiisip ko pa rin yong "Birthday Cake." Para sa akin, pruweba yan na may saysay ang libro. Yong pag may ayaw umalis sa isip mong mga imahen ilang buwan o ilang taon man ang lumipas.
Kahapon, natapos kong basahin ang pangalawang aklat ni Samar:
Halos Isang Buhay
ni Edgar Calabia Samar
Narito ang aking rebyu : (4 stars).
Zeke, I admire Visprint. Laging makabuluhan ang mga libro nila. Nabasa ko na ang Naermyth. Maganda.
Sa "Wag Lang Di Makaraos", hanggang ngayon naiisip ko pa rin yong "Birthday Cake." Para sa akin, pruweba yan na may saysay ang libro. Yong pag may ayaw umalis sa isip mong mga imahen ilang buwan o ilang taon man ang lumipas.
Kahapon, natapos kong basahin ang pangalawang aklat ni Samar:
Halos Isang Buhay
ni Edgar Calabia Samar
Narito ang aking rebyu : (4 stars).
Oppa, ganda yan. Ang dagang nasa inidoro! Paanong pinapalo ang daga sa pamamagitan ng martilyo na di nasisira ang inidoro? Palagay mo?
Binasa ko sya sa Powerbooks at di ko gaano nagustuhan. Pinakapaborito ko pa rin yung Wag Lang Di Makaraos.
Hannah, pareho tayo. Maganda lang ang title nya. Tsaka nasa cover si Edgar Allan de Guzman (ang bestfriend ni Mr. Fu).
Ang huling librong nabasa ko sa Filipiniana ay ang "Olvidon" ni F. Sionil Jose. Actually, tatlong magkakasunod na gawa niya binasa ko-una "The God Stealer" tapos "Waywaya". Pero mas gusto ko ang koleksiyon niya ng Waywaya (pero maganda rin Olvidon) kasi parang in chronological order yung positioning ng stories based sa timeline ng history ng Pilipinas. Sobrang naiyak ako sa short story niya na "Progress". Yun talaga e. As in nung binabasa ko siya andun yung "hatak" na tatapusin mo talaga siya. Nung natapos ko yung kuwento, feeling ko, na-betray ako nung ending kasi magkasama kaming naglakbay ng pangunahing tauhan at pakiramdam ko, pati ako nanakawan 'di lamang ng materyal na gamit kundi pati ng karangalan.
Grabe, galing talaga. Hwooh!
Salamat at nagustuhan mo, Paolo. Very subtle ang characterization doon sa character na nagpatiwakal.
@ Ultimo- plus 1 sa sinabi mo, maganda ang Waywaya, chronological effect gang sa 70's era. Astig ang "Progress" ayun angs paborito kong short story sa Waywaya. Sa Olvidon yung kay Crepusculo Lepidoptera at kay Sunbeam. Hehe. Nabasa mo na yung Puppy Love? Maraming magadang stories dun, paborito ko yung Endings, lalo na yung Twilight.
Oppa, maganda yan! Gusto ko yong paggamit nila kay Bernardo Carpio!
Natapos ko na ngayong umaga lang ang:
SA KASUNOD NG 909
ni Edgar Calabia Samar
Narito ang aking rebyu: (3 stars).
Natapos ko na ngayong umaga lang ang:
SA KASUNOD NG 909
ni Edgar Calabia Samar
Narito ang aking rebyu: (3 stars).
Nalimutan ko na yung huling Pinoy na nabasa ko. Base sa journal ko ito yung mga binasa ko kamakailan lamangCandido's Apocalypse ni Nick Joaquin
Cave and Shadows ni Nick Joaquin
Catch a Falling Star ni Cristina Pantoja-Hidalgo
Ilustrado ni Miguel Syjuco
Looking Back ni Ambeth Ocampo
Philippine Speculative Fiction, Volume 6
Soledad's Sister ni Jose Dalisay
Hula , Multo , Faith Healing, Atbp.
Exposé ng Occult sa Pilipinas
Nakakatakot basahin. Kasi non-fiction sya. :)
@ Krizia: Mukhang mga pang-award ang nabasa mo. Hindi pa ko nakabasa ng akda ni Pantoja-Hidalgo. Di pala sya novel.@ Reev: Title at cover palang nakakatako na.
Huli ko pa lang binasa ang Pacific Rims: Beermen Ballin' in Flip-Flops and the Philippines' Unlikely Love Affair with Basketball! Counted naman yun diba? :)
Natapos ko na kahapong umaga ang:
THE GOLD IN MAKILING
by Macario Pineda
(Translated to English by Soledad Reyes)
Here is the link to my review: (5 stars).
THE GOLD IN MAKILING
by Macario Pineda
(Translated to English by Soledad Reyes)
Here is the link to my review: (5 stars).
Deserving talaga ng gold medal yang nobela ni Pineda. Konting koreksyon lang, K.D. Ngayong taon lang lumabas ang translation dahil sa sentenaryo ng kaarawan ng manunulat. Si Doro ang kinausap ng journalist, hindi pinakilala yung journalist pero malamang alter-ego ni Pineda yun kasi nagsusulat din sya sa magasin ng Liwayway. Edmond nga ba ang buong pangalan ni Edong? Di ko na matandaan. Tinulungan sya ni Maria Makiling dahil sa pagtulong nya sa pipit. Kaya gusto ko rin ang banat nito na may kasamang environmentalism at advocacy for animal welfare. :)Gusto ko ang linya mo na to: "It feels so refreshing in this world full of people whose cynical hearts have been hardened and disillusioned by their past lovers who cheated, dumped or manipulated them." At ang huling talata ng review mo ay dapat bigyan pa ng isang "like" na butones.
Kababasa ko lang din nyan, Paolo. Nung isang buwan. Bibihira ang ganyang babasahin na lumabas sa kasagsagan ng diktadurya ni Marcos.
Sir KD, maganda po talaga iyung libro. Pinapanuod ko na rin po ngayon yung pelikula. Si Piolo pala si Jules.
Oo. Nanalo yatang Best Supporting dyan si Piolo. Di pa sya gaanong sikat noon.
(10/8) Kababasa ko lang. Isang upuan.
LOVESTRUCK
by Ronald Molmisa
Ito yong review ko: (4 stars).
'Love it! Congrats, Ronald Molmisa!
(10/8) Kababasa ko lang. Isang upuan.
LOVESTRUCK
by Ronald Molmisa
Ito yong review ko: (4 stars).
'Love it! Congrats, Ronald Molmisa!
Kababasa ko pa lang:
URBANA AT FELIZA
ni Father Presbitero Modesto de Castro
Maganda.
Ito ang rebyu ko: (5 stars)
Walang kagatol-gatol na 5 stars.
URBANA AT FELIZA
ni Father Presbitero Modesto de Castro
Maganda.
Ito ang rebyu ko: (5 stars)
Walang kagatol-gatol na 5 stars.
Kinupasan ng ng panahon. Yong ilang payo ng saserdote kay Urbana ay nakakatawa na:
1) Huwag mamimintana ang dalaga
2) Huwag magbibihis ng aninag na damit
3) Ang patingkayad ng upo (upo ng unggoy)
4) Atbp (di ko maala-ala ngayon)
1) Huwag mamimintana ang dalaga
2) Huwag magbibihis ng aninag na damit
3) Ang patingkayad ng upo (upo ng unggoy)
4) Atbp (di ko maala-ala ngayon)
Books mentioned in this topic
Strange Intimacy: Essays on Dressing Up and Consumption (other topics)Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing (other topics)
Para Kay B (other topics)
Lahat ng B (other topics)
After Lambana (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Christine Temblique (other topics)Alexander L. Lacson (other topics)
Edgardo M. Reyes (other topics)
Manix Abrera (other topics)
Bebang Siy (other topics)
More...






Mine was this:
Sugar & Salt
by Ninotchka Rosca
Here is the link to my review: (3 stars)