Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Mga Makatang Pinoy
>
Pete Lacaba
date
newest »


Sampolan natin sya!
TAGUBILIN AT HABILIN
Ni Jose F. Lacaba
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.
Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.
Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.
Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.
Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.
Ingat lang.
Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.
Higit sa lahat, inuulit ko:
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.
Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.
Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.
Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
“Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.
Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.
Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Ayban, salamat sa pagbabahagi ng akda ni Lacaba.
Gustong-gusto ko ito:
“Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.
Parang uyayi may suntok. May pitik. May dagok.
Gustong-gusto ko ito:
“Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.
Parang uyayi may suntok. May pitik. May dagok.


mahirap nang makahanap nyan, Juan.
peeo may kalipunan sya na inilabas ng UP Press, "Kung Baga Sa Bigas"... eto, meron pa nito, sa pagkakaalam ko.

Tinalakay namin ito sa Panulaang Filipino.
Kaparis ng Kawayan, Kaparis ng Kalabaw
Ang Pilipino'y kaparis ng kawayan,
nakikisayaw sa hangin, nakikisayaw:
kung saan ang ihip
doon ang hilig,
kayahindi siya nabubuwal, hindi nabubuwal.
Di tulad ng punong niyog,
ayaw yumuko, ayaw lumuhod,
kaya siya nabubuwal, nabubuwal.
Iyan ang sabi-sabi,
ewan lang kung totoo.
Pero kung totoo ang sabi-sabi,
lagot tayo!
Ang Pilipino'y kaparis ng kalabaw,
napakahaba ng pasensiya, napakahaba:
kung hinahagupit
walang imik,
kaya hindi siya pinapatay, hindi pinapatay.
Di tulad ng baboy-damo,
ayaw sumuko, ayaw patalo,
kaya siya pinapatay, pinapatay.
Iyan ang sabi-sabi,
ewan lang kung totoo.
Pero kung totoo ang sabi-sabi,
lagot tayo!
(Kasalukuyan ko pa pong hinahanap ang isa pang tula ni Ka Pete na "Santong Paspasam" na sinuri rin namin. Tungkol naman iyon sa gang rape. Sadyang paborito ng prof namin si Ka Pete. Mahusay nga siya. Idolo ko na rin siya.)
MJ, nabasa ko yong maiikling kuwento niya sa koleksyon na "Alitaptap." Mahusay nga. Siya yata yong sumulat ng iskrip ng "Insiang" na pinagbidahan ni Hilda Koronel at dinirehe ng nasirang si Lino Brocka.

Art of poetry
As with
husked rice, a poem
is pounded and polished,
and then winnowed, and then
offered to the public.
As with
rice grains, a poem
is picked and washed
and then put to the fire.
The rice washing was
mixed with bran for the pigs, rice
pickings are feed for the chickens,
chaff and pebbles
are scattered on earth.
What's served on the table
is smoking hot rice.
As with rice grains,
it's not ideal for a poem
to be well-milled and polished.
White rice is delicious,
but brown rice
is rich in nutrients.

Salamat Ryan at Kenneth sa binahagi ninyong tula ni Pete Lacaba gandahhh!
Books mentioned in this topic
Kung Baga sa Bigas: Mga Piling Tula (other topics)Edad Medya: Mga Tula sa Katanghaliang Gulang (other topics)
Edad Medya: Mga Tula sa Katanghaliang Gulang
Pero ewan ko kung may middle age na rito kundi ako pa lang.