Pinoy Reads Pinoy Books discussion

119 views
Mga Maestro ng Ating Panitikan > Amado V. Hernandez

Comments Showing 1-26 of 26 (26 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (last edited Sep 25, 2012 05:37PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang kanyang obrang Mga Ibong Mandaragit ay isa sa apat na aklat na talagang itinatangi ko kayat binigyan ko ng 5 stars dito sa GR.

Walang katulad na prosa. Malikot na imahinasyon at malawak ng pananaw at kamalayan sa pag-inog ng sitwasyong politikal sa bansa mula noong umalis ang mga kastila hanggang sa pagdatal ng Martial Law.

Babasahin kong susunod ang kanyang kalipunan ng mga tula, Isang Dipang Langit: Katipunan ng mga tula ni Amado V. Hernandez at ang pinahiram ni Ayban na Langaw sa Isang Basong Gatas at Iba Pang Kuwento.

Mahirap lang ngang basahin ngunit mararamdaman mong sulit pag natapos mo.


message 2: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Magandang nobela ang Mga Ibong Mandaragitbukod sa pagkukwento nagbibigay ito ng kaliwanagan sa pananaw sa politika.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama, at gaya ng sinabi ni Edgar C. Samar sa Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela, isa ito sa mga gumamit, as springboard, ng huling tagpo ng El Fili. Paliwanag nya, karamihan sa mga nobelistang Pilipino, dahil sa kamalayang o kabihasaang sa mga akda ni Rizal (required reading kasi sa high school) ay gumagamit ng mga elemento ng 2 nobelang ito sa kanilang mga akda.


message 4: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Pinagaralan namin ito nung 4th year Panitikan sa HS. Medyo nakalimutan ko na ang kwento ngunit ang pagkakaalala ko ay nagustuhan ko siya kumpara sa Noli at El Fili dahil masmadali sya intindihin. Naalala ko si Dolly...at Paulina!


message 5: by Ayban (last edited Oct 04, 2012 06:14AM) (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments @Krizia- ang heavy naman ng 4th year nyo! Haha. Isang buwan ko itong binasa, nahirapan rin ako dahil may pagka lumang tagalog ang gamit ni Ka Amado. Subukan mong basahin ang Luha ng buwaya maganda rin. :)


message 6: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments @ayban: Ewan ko ba. Pinagsama kasi nila yung Noli at el Fili nung 3rd year kaya medyo hindi ko nagustuhan kasi medyo "rushed". Ito masnaintindihan ko. Pero ang tagal na kaya medyo nalimutan ko na ang istorya.


message 7: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Si Dolly yong naging kabit na Amerikanong sundalo?


message 8: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Siguro kasi alam ko siya yung promiscuous! hehe


message 9: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo, kasi sa pangalan. Kuwentong Pinoy, tapos may karakter na ang pangalan ay "Dolly" noong panahon ng mga amerikano.


message 10: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Oo, tapos nagpalaglag sa Hongkong. Haha.


message 11: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo nga. Talas ng memorya mo, Ayban.


message 12: by Vheel (last edited Nov 03, 2012 10:36PM) (new)

Vheel Laborera | 16 comments noong college kami sa Appreciation Of Film subject, nabanggit sa amin na mula sa librong Luha Ng Buwaya nakuha ang idelohiya ng pelikulang Sister Stella L ni Mike de Leon... at hanggang ngayon hindi ko pa rin nababasa ito :(


message 13: by Rise (new)

Rise Si Vilma yun, di ba, bilang madreng aktibista. May kopya na rin ako ng Luha ng Buwaya. May panahon pa naman para magbasa.


message 14: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Vheel, totoo? Napanood ko ang Sister Stella L pero babasahin ko pa lang ang "Luha ng Buwaya." Malapit na. Anong aspeto ng "Sister" ang nakuha sa "Luha?"


message 15: by Vheel (new)

Vheel Laborera | 16 comments Ryan: opo si ate Vi bilang Sister Stella Legaspi. At nagpasikat ng linyang “Kung walang kikilos sino ang kikilos, kung hindi ngayon kailan pa, katarungan para kay Ka Dencio! Katarungan!” :D

K.D. ayon po sa aking guro na-inspire si Mike de Leon sa prinsipyong pinairal ng pangunahing bida sa Luha Ng Buwaya, na mula sa pagiging "mata" lamang sa suliranin ay naging "bibig" at nabigyan ng pagkakataon bilang maging "paa" sa solusyon (lead metaphors). Sa tingin ko magkaiba nga lang yung settings dahil sa libro raw eh tungkol sa pang-gigiit ng nakatataas sa mga maralitang magsasaka (hindi ko pa po nababasa ng buo kaya yung pagkakasalaysay lamang noon ang binabatay ko po) samantalang sa pelikula eh labor oppression sa pabrika ngunit parehong gumagamit ng utilitarianism sa pagsasalaysay. :D


message 16: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Vheel. Babalikan kita kapag nabasa ko na ang "Luha."


message 17: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Katatapos ko lang basahin ang Luha ng Buwaya. Nagustuhan ko ang kwento lalo na ang twist sa istorya. Binigyan ko ito ng 5stars.


message 18: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nasa pahina 100 yata ako. Malayo pa. Lalo akong na-eksayt. Salamat, Mara anak.


message 19: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Naku Itay, maganda po cia. Gusto ko din basahin ang ibong mandaragit


message 20: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maganda ang "Mga Ibong Mandaragit." Parang mas malawak ang scope ng nobelang iyon kaysa dito sa "Luha ng Buwaya."


message 21: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tsaka ngayon nakapagisip-isip pa ako. Mas maraming tagpong nagdedebate sa "Mga Ibong Mandaragit" ang mga tauhan para makikita mo talaga ang katwiran ng bawa't isa. Natatandaan mo yong huling kabanata ng "El Filibusterismo" kung saan si Simoun at si Padre Fernandez ay naguusap ng matagal? May mga ganoon sa "Mandaragit."

Nakulangan ako sa "Luha ng Buwaya." Sa librong iyan, ang masamang karakter ay masama hanggang dulo at ang mabuti'y mabuti. Consistent. Tapos ang masama ay ang milupa. Ang mabuti ay ang mga magsasaka. Hindi ko naman sinasabing hindi tama o baliktarin. Ang sa akin lang ay mas naging challenging kay Ka Amado kong medyo hinirapan niya at magiging mas interesting din sa babasa (gaya ko). Pero di nga, parang kagaya ng Noli at El Fili, tinggin ko propaganda rin ito ni Ka Amado (gaya rin ng kay Rizal) kung kaya't di dapat sipatin ang kanyang mga gawa ng sinsil ng makabagong literatura.

Yan din ang parang paltos sa mga nagsasabing di gaanong maganda ang pagkakasulat ng Noli at El Fili. Di dapat ginagamitan ng modern yardsticks ang aklat ni Rizal na una-una'y propaganda: ang pagpapakita ng kalabisan ng mga Kastila upang magalab ang damdamin ng mga Pilipino.


message 22: by Rise (new)

Rise K.D., sa pamagat pa lang ay alam na agad natin kung kanino ang simpatya ni Ka Amado. Ang nobela ay umikot naman sa kung ano ang pwedeng gawin ng mga maliliit ng tao, ng mga magsasaka. Palagay ko ay hindi nya layunin na gawing komplikado ang karakter ng mga kontrabida.


message 23: by Rise (new)

Rise Babasahin ko pala next year ang Mga Ibong Mandaragit.


message 24: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige nga, Rise at nang mapagusapan natin nina Ayban.


message 25: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Makalipas ang halos tatlong buwan, sa wakas natapos ko na ang Mga Ibong Mandaragit! Yey! ^.^

Nakakakilabot 'yung mga nangyari sa panghuling kabanata, at may pakiramdam akong may mga propesiyang nagkatotoo sa mga isinaad ni Hernandez. Ang kakatwa pa rito, di pa man bansag ang Right to Information Bill ay isinususog na ito ni Ka Amado noon pa man. Tunay na umiiral pa rin ang mensahe ng nobela, relevant pa rin sa panahong ito at laging nagpapaalaala sa atin na ang tao ang siyang gagapi at magwawaksi sa mga naghaharing-uri.

Kahit na radikal ang nobela kakatwang di ko man lang nadama na ito'y may bahid pula o Marxist. Ngunit sa kabuuan, sosyo-politikal siya.

Ang galing!


message 26: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pulahan talaga si Ka Amado. Kaya nga siya nabilanggo. Pero astig magbasa ng may bahid ng pula. Nakaka-astig hahaha.


back to top