Pinoy Reads Pinoy Books discussion
This topic is about
Virgilio S. Almario
Mga Maestro ng Ating Panitikan
>
Rio Alma
date
newest »
newest »
Bagong tapos ko lang ng Dust Devils: A Bilingual Selection of Poems on Youth ni Rio Alma, inedit at sinalin ni Marne Kilates. Maganda ang mga seleksyon, maging ang pagkasalin, at maganda ang binding ng aklat.
Isang tula mula sa Dust Devils:Tinuturuan Tayong Magpigil at Maghintay
Tinuturuan tayong magpigil at maghintay
Mahigpit man ang pangangailangan, Adre.
Tinuturuan pa nga tayo ng dasal
At asal na kapuri-puri ng mga taong disente.
Masarap namang isiping tayo'y sibilisado
Kahit sa paggamit lang ng kaliwa't kanan;
Masarap ding marinig na kahit paano'y
May magandang bunga ang pawis ng magulang.
Ngunit anong magandang nunal sa ating batok
Ang nananaig pagdidilim ng paningin
o nag-uudyok pumasok sa landas ng alikabok?
Ngayon nga, tinuruan man tayong magpigil,
Dahil waring puputok na ang ating pantog
Ay parang asong humaharap tayo sa pader.
***
We Are Taught to Hold Back and Wait
We are taught to hold back and wait,
How ever intense the need,
We are even taught the prayers
And manners of people of decency.
Of course it's nice to think we're civilized,
Even in the use of the right hand and the left;
And it's nice to hear that at the very least
We're able to repay what our parents invested in us.
But what old Cain's mark on our nape
Rules when vision blurs in anger
Or lures us to the way of all flesh?
Now, learned though we might be in holding back,
Just the bladder about to burst drives us
To face a wall, pissing like dogs.
thank you rise, maganda rin yung mas matalino ang tubig. favorite ko yun, kd, basahin mo yun matutuwa ka rin dun :)meron siyang collection ng essay. maganda rin. naku hahanapin ko nga ang title nun! nakakatawa yung mga essay nya dun!
oo nga, maganda rin yun. simple lang pero may flow. parang tubig.share mo sa amin ang title, beverly, pag naalala mo na.
Oo nga. Bago matapos ang taon, gusto ko nang simulang isa-isahin ang 4 na aklat ko ni Rio Alma. Tula para sa Pasko!
Katatapos ko lang na libro ni NA Virgilio Almario: Mga Biyahe, Mga Estasyon/Journeys, Junctions. Maganda din!
Beverly wrote: "sobrang ganda ng collection na to kung may mahahanap pa kayo bilhin na"Noted, Miss Bevs! :)
Yon nga palang mga tagahanga ni Prof. Rio Alma, may book launch siya sa UP ngayong darating na Biyernes, March 8 sa ika-4 ng hapon. Puntahan ang thread na "Mga Tipanan" para sa detalye.
Pupunta kami nina Beverly at Biena bilang mga kinatawan ng Pinoy Reads Pinoy Books.
Sama kayo?
Pupunta kami nina Beverly at Biena bilang mga kinatawan ng Pinoy Reads Pinoy Books.
Sama kayo?
Uhm ngayon ko lang nalaman na Rio Alma pala ang isa pang tawag kay Virgilio S. Almario. Di ba gumagawa rin sya ng kwentong pambata...? Hindi ko alam na may mga tula sya. Pasensya na sa kakulangan ng kaaalaman tungkol dito huhuhu
Virgilio S. Almario
Almario = Rio Alma (medyo binaliktad lang ang pantig). Kapag tula, Rio Alma ang gamit nya.
Kapag sanaysay o kuwento, Virgilio S. Almario ang gamit.
Oo, siya yong sumulat ng isang nominated sa poll: "Ang Hukuman ni Sinukuan."
Almario = Rio Alma (medyo binaliktad lang ang pantig). Kapag tula, Rio Alma ang gamit nya.
Kapag sanaysay o kuwento, Virgilio S. Almario ang gamit.
Oo, siya yong sumulat ng isang nominated sa poll: "Ang Hukuman ni Sinukuan."
ay prang wala dianne medyo sexist ang lolo rio hahahaha Rio alma also means taga ilog. rio is ilog alma is dweller or soul
Mas gusto ko ang kanyang mga sanaysay kahit isa pa lang ang nababasa kong sanaysay niya. Yung nabasa ko naman na tula niya ay tungkol sa kahayupan- (Ang Hayop na ito!):Dhehe!
Bitin ako sa Pitong Bundok ng Haraya!
Bagong Kong Miyenyum saka Taludtod at Talinghaga ang meron ako. Isa sa paborito akong tula ni Rio Alma ay ang Kung Maaari Sana. Binasa pa ito sa palabas na Pahina ng ABS-CBN dati.
Yung tulang pambata na "Si Dilat, Si Kindat, Si Kurap, Si Pikit" maganda rin, matatagpuan sa koleksyon na Buwan, Buwang Bulawan. Gusto ko sana ikowt pero ang haba.
sobrang daming aklat nitong si Rio, pero mas gusto kong basahin si Virgilio.Mas prefer kong basahin ang kanyang mga sanaysay/pananaliksik/pag-aaral o kritisismo.
meron pa lang Student Edition ang kanyang (A)lamat at (H)istorya. Abot-kaya kapag ganun! hehe!
Juan wrote: "meron pa lang Student Edition ang kanyang (A)lamat at (H)istorya. Abot-kaya kapag ganun! hehe!"Naghahanap din ako n'yan, Juan. Baka kapag bumisita ako sa UP Press sa Diliman. Wala raw kasi silang dalang kopya nun sa MIBF. Ang olats lang ng UP Press ng araw na 'yun. Ugh!
Ako olats nung pumunta ng UP Press. Walang inabutan kundi mga guadia sibil! haha! Kelan kaya ang sale nila?meron kaya?
Juan wrote: "Ako olats nung pumunta ng UP Press. Walang inabutan kundi mga guadia sibil! haha! Kelan kaya ang sale nila?meron kaya?"
Baka magkaroon sila ng Christmas Sale. Di ako nakapunta last year kasi marami akong inaasikaso.
Ipon-ipon baka sakali kuny mayroon. Hehehe... :D
Yey! Sasama ako dyan sa UP Press Christmas Sale. Naroon ako last year. Awa ng Diyos, hanggang ngayon di ko pa nababasa ang mga aklat na binili ko noon hehe.
Ang mahirap kasi dyan sa UP Press, M-F lang tapos hanggang 5pm. Ganoon din sa Ateneo. Kaya kailangang mag-half day sa office o tumakas (umuwi) ng undertime hehe.
Ang mahirap kasi dyan sa UP Press, M-F lang tapos hanggang 5pm. Ganoon din sa Ateneo. Kaya kailangang mag-half day sa office o tumakas (umuwi) ng undertime hehe.
Jzhun sana nga meron at mabalitaan sana natin kagad!noong last time nga akong pumunta, nahuli ako dahil kasabay ito ng taunang UP Latern Parade. Bukod sa nilakad ko at walang masakyan, na-aliw ako sa mga babae este sa mga lantern na nagkikinangan sa ganda! pati na rin ang mga musiko! haha! ayun, guadia sibil lang ang inabutan ko. bawi ako! sana magkakasama tayo kapag pumunta dun. Ipon-ipon din nga!
Juan wrote: "Pare talaga? astig! sana magkaroon ng pagkakataon na makakita ng mga libro niya.."
Madami sa NBS. Mas marami sa UP Press!!!
Madami sa NBS. Mas marami sa UP Press!!!
Maraming salamat sir Rio Alma, marami kaming natutunan sa pag-interbyu sa inyo sa aklat na Sentimental.
“Tinuturuan Tayong Magpigil at Maghintay”Nandun yan sa koleksiyong Dust Devils kung hindi ako nagkakamali. Nabasa ko na pero nalimutan ko na ang nilalaman. Something to do with restraint for the youth and teens. Not to be too impulsive and impatient. The facing page translation in Dust Devils is also a good analysis by itself.
Books mentioned in this topic
Buwan, Buwang Bulawan (other topics)Mga Biyahe, Mga Estasyon (other topics)
Dust Devils: A Bilingual Selection of Poems on Youth (other topics)
Dust Devils: A Bilingual Selection of Poems on Youth (other topics)
Authors mentioned in this topic
Virgilio S. Almario (other topics)Marne L. Kilates (other topics)
Virgilio S. Almario (other topics)










Salamat, at mabuhay ka!
May nabasa lang ako sa aklat ni Edgar Calabia Samar na nagsasabing ang tula bilang istraktura ng panitikan ay mas matanda pa kaysa sa nobela. Ang "Florante at Laura" bilang halimbawa ay ginamit ni Rizal sa "Noli Me Tangere" sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo. Ang nobela, ayon pa rin kay Samar, ay impluwensiya lamang sa atin ng mga dayuhan at ito ay hindi katutubong porma ng panitikan. Ang nobela ay galing sa mga bansa sa Europa.
Wala lang. Dagdag kaalaman. Salamat, G. Samar.