Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pinoy Completists
>
Edgar Calabia Samar
Yay! Egay is in the house! Egay, sobrang adik ako sa yo nowadays. Kakatapos ko lang kagabi ng Halos Isang Buhay sinundan ko agad ngayong umaga lang ng Sa Kasunod ng 909. Galing mo!
Dami kong tanong sa yo. Sana ma-guest ka namin sa book discussion one of these days?
Dami kong tanong sa yo. Sana ma-guest ka namin sa book discussion one of these days?
Salamat po! Basta po walang klase, dahil nagtuturo rin ako sa Ateneo, at ngayon ngang mga panahong ito'y nangangarag sa pagtatapos ng semestre. Natutuwa ako sa mga active na mambabasa ng likhang-Pinoy rito sa Goodreads. Salamat po ulit!
@KD ang bilis naman kuya! pangatlo mo na yang Sa Kasunod ng 909. Hindi pa ako nakakakita mga kopya nyan sa NBS.
Egay, sure. Sige, hindi muna ngayon. Baka summer na lang. Salamat! Gagawan ko ng magandang review ang libro mo. Kaso, di ko talaga alam kung may karapatan ako dahil napaka-ganda ng Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela. May itatanong sana ako sa yo, kaso, ayaw na kitang abalahin. Basta, fan mo ako.
Ayban, nakaka-adik kasi. Yong "Halos" ang daming tungkol sa Noli eh katatapos pa lang nating basahin si Rizal so makaka-relate ka. Mga views ni Egay na di ko naisip o nabasa sa ibang kumilatis ng Noli at Fili. Tapos kasi andoon din sina Murakami, Auster, Bolano at Eco na pawang mga nabasa ko na o binabasa ko ngayon.
Itong opening scene ng "Sa Kasunod ng 909" parang may elemento agad ni Murakami at syempre yong trademark ni Egay na tipong simple lang sa simula tapos hihiritan ka ng patindi nang patindi.
Ayban, nakaka-adik kasi. Yong "Halos" ang daming tungkol sa Noli eh katatapos pa lang nating basahin si Rizal so makaka-relate ka. Mga views ni Egay na di ko naisip o nabasa sa ibang kumilatis ng Noli at Fili. Tapos kasi andoon din sina Murakami, Auster, Bolano at Eco na pawang mga nabasa ko na o binabasa ko ngayon.
Itong opening scene ng "Sa Kasunod ng 909" parang may elemento agad ni Murakami at syempre yong trademark ni Egay na tipong simple lang sa simula tapos hihiritan ka ng patindi nang patindi.
Naku, salamat po, K.D.! Basta sabihan n'yo lang po ako. Ayban, kapag wala pa o wala nang kopya sa NBS branch na napuntahan mo, sabihan mo lang ang customer service nila para makapagpadeliver ulit mula sa UST. Ang policy kasi ng NBS kapag bagong title unless Visprint ito na may malaki nang following e tatlong kopya lang ang ilalagay sa shelves nila at di sila magre-reorder unless may demand. Kaya dapat i-inform ang customer service nila. Salamat at pasensiya na kung hassle ito. Pero ganoon ang policy nila, na sadly e di alam ng maraming mambabasa. Salamat!
Egay, at tsaka, sinita ko ang tindera sa NBS Bestsellers Galleria, bakit kabago-bago ng libro mo eh nakatago sa kasuluk-sulukan? Kung di pa ako tumungo eh di ko pa makikita!
Ayban, meron pang 2 kopya roon.
Ayban, meron pang 2 kopya roon.
Nakakabahala naman ang ganyang policy ng NBS, pati na rin pagkontrol sa bilang ng mga lokal na libro. Ie-echo ko ang sinabi ni F. Sionil Jose sa isang artikulo nya sa Philippine Star:"May I also now suggest to Mrs. Socorro Ramos that her National Book Stores all over the country should exhibit in their show windows Filipino books, both fiction and non-fiction? They deserve exposure, a much wider audience.
"Do all these not because it is patriotic but because these good writers deserve a wider readership in their own country."
Ganoon talaga kasi para sa kanila e negosyo lang naman talaga ito. 'Yun ang malungkot. Kaya kailangang maging mas pro-active ng mga manunulat at mambabasang Filipino.
Ganun po pala Sir Edgar. Kaya pala noong magpunta ako sa NBS sa Marikina, tig-dalawang piraso lang 'yung libro mo na Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela at Sa Kasunod ng 909.
Ang magandang estratehiya daw dyan, pag napansin nating wala na yong isa sa mga libro ni Egay o ng kahit sinong paborito nating author, magtatanong ka sa saleslady. Hahanapin mo sa kanya yong libro. Pag lagi raw tinatanong iisipin nila na mabili, para mag-stock kaagad. Pero kung may kopya ka na, siguraduhin mong wala na talaga noong librong hinahanap mo. Kasi mawawala naman ang kredibilidad mo kung lagi ka lang tanong ng tanong. Gawin natin yan sa kahit alin sa libro ni Egay.
Maraming salamat sa mga nakilala ko nang personal kanina at dumalaw sa akin sa Ateneo––kina K.D., Paolo, Ayban at Po (tama ba ang spelling ko?). Sa uulitin! Sayang at may klase ako nang 1:30. Salamat ulit sa suporta sa mga libro ko. :-)
Edgar wrote: "Maraming salamat sa mga nakilala ko nang personal kanina at dumalaw sa akin sa Ateneo––kina K.D., Paolo, Ayban at Po (tama ba ang spelling ko?). Sa uulitin! Sayang at may klase ako nang 1:30. Salam..."Wow! Sir Edgar, sana mameet ka din namin. Hindi kami nakasama kanina :(
Edgar wrote: "Salamat, Mara! May ibang araw pa naman. Puwede ninyong i-schedule. Salamat sa suporta! :-)"Sir, umuuwi po ba kayo sa San Pablo? taga-Alaminos po ako! Baka po pwede namin kayo ma-meet pag umuwi kayo dito sa Laguna.
Prof. Egay, kami talaga ang dapat magpasalamat sa iyo. Sobrang ang dami naming bitbit na libreng mga libro. At tama ang sabi nila, sobrang friendly ka sa totoong buhay. At yong mga sagot mo sa tanong namin sa "Walong Diwata" parang gusto ko ulit basahin yong libro. Nagiiba talaga ang libro kapag personal mong nakausap ang author. Hintay ko ang mga bagong libro mo.
Salamat ulit ng marami, Prof. Egay!!!
Salamat ulit ng marami, Prof. Egay!!!
K.D. wrote: "Prof. Egay, kami talaga ang dapat magpasalamat sa iyo. Sobrang ang dami naming bitbit na libreng mga libro. At tama ang sabi nila, sobrang friendly ka sa totoong buhay. At yong mga sagot mo sa tano..."Huhu.. may mga libreng libro pa :( sayang na sayang naman. di kami nakasama, Itay!
Ha ha, salamat K.D. Natutuwa rin akong makakita ng mga mambabasa ng libro ko, para bang matagal na nila akong kakilala dahil nabasa na nila ang libro ko, kaya sila naman ang gusto kong makilala. Sa uulitin! Mara, may next time pa naman. At nagbabalak 'ata si K.D. ng meeting isang araw. O puwede nating pag-usapan ang alinmang libro ko na nabasa ninyo, o kung anumang gusto ninyong pag-usapan natin. :-)
Mara wrote:"Sir, umuuwi po ba kayo sa San Pablo? taga-Alaminos po ako! Baka po pwede namin kayo ma-mee..."Mara, saan ka sa Alaminos? May mga kaibigan ako sa San Benito. Bihira na rin akong makauwi sa San Pablo, kapag may okasyon na lang. At sa Pasko, siyempre, naroon ako ha ha ha.
Edgar wrote: "Ha ha, salamat K.D. Natutuwa rin akong makakita ng mga mambabasa ng libro ko, para bang matagal na nila akong kakilala dahil nabasa na nila ang libro ko, kaya sila naman ang gusto kong makilala. Sa..."Sige po, Sir Egay! Sisiguraduhin ko na pong present ako sa susunod na meeting :) Aabangan ko po yan.
Edgar wrote: "Mara wrote:"Sir, umuuwi po ba kayo sa San Pablo? taga-Alaminos po ako! Baka po pwede namin kayo ma-mee..."Mara, saan ka sa Alaminos? May mga kaibigan ako sa San Benito. Bihira na rin akong makauw..."
Sir Egay, pupuntahan ka namin sa pasko! Uuwi po pala kayo sa San Pablo! haha! Sa San Ildefonso po kami, kung galing pong Maynila, bago po mag bayan ng Alaminos yung samin.
Salamat, Ayban!Mara, oo, umuuwi ako kapag Pasko, siyempre, dahil naroon ang mga pamilya't kamag-anak ko.
Salamat din sa suporta ninyo, Paolo! Tinext ko pala si Mimong kaninang pagkaalis ninyo bago ako pumunta sa klase. :-)
Maraming Salamat!...Sir Edgar, overflowing ang books at overwhelming ang pag-asikaso nyo sa amin. Kulang ang oras hehe! ngunit sa sandaling oras na iyon ay kakaiba talaga kapag makita ng personal at maka-kwentuhan ang isang awtor. (Para kang nasa Heaven!)
certified Edgar Calabia Samar Fans Club na kami!...
Tama ka, Po. First time ko talagang makausap ng up-close (as in magkatabi pa kaming kumakain) ang isang sikat na manunulat ng nobelang Filipino. Tapos professor pa sa isang sikat na unibersidad: The Ateneo. Parang sabi ko habang nakikinig sa kumakaing professor: "panaghinip lang ba ito?" Sobrang starstruck talaga ako kahapon. Ako na talaga ang fan!!! Salamat ulit, Prof. Egay!!!
Nakalulugod namang malaman na may sinulat pa lang rebyu si Edgar Calabia Samar ng On Lapu-Lapu (1953-1954) by Francisco V. Coching.Disclaimer: isa kasi ako sa mga tao na trinabaho ang madugong pagre-restore ng komiks. :)
Isa pa, ni-link niya ang rebyu ko ng Before Ever After.
Salamat po, ginoong Edgar! Kahit di binabayaran ang paba-blog nakatutuwang isipin na may ilan pa ring nagpapakita ng pagpapahalaga rito.
Ikaw na ang sinasaluduhan ni Edgar Samar. Ako, so far ang magcut and paste ng review ko ay sina Norman Wilwayco, Alvin Yapan at si Bebang Siy. Si Bebang lang ang nagpaalam.
Wow, involved ka pala sa restoration ng komiks ni Coching? Sa Atlas ka ba nagtatrabaho, jzhunagev? May iba pa ba silang planong ilabas na komiks? May maayos na archive/library ba ng mga komiks nila ang Atlas para sa gustong manaliksik? K.D., Egay o Edgar lang po haha. Edgar lang talaga ang pangalan ko, Edgardo lang ang tawag sa akin ng lola ko kapag pinapagalitan niya ako noong bata ako. Ha ha.
Ay sori naman. Sir Egay. Naala-ala ko lang siguro si Edgardo Reyes. haha. Lulusot pa. Nabasa ko rin somewhere na may doctorate ka na rin pala. Wow.
OK saktong nabisita ang thread na ito...may panghihinayang pero agad ding mawawala dahil bukas ng hapon sa Marikina magkikita-kita kasama si Sir Egay!
Mainit-init na balita mula sa Facebook page ni sir Egay!Nakatanggap ng magandang balita ngayong umaga. Tinanggap at ilalathala ng Adarna House sa bungad ng 2014 ang ikatlo kong nobela, at una kong YA novel, ang "Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon." Kapag naging matagumpay ito, ito ang simula ng isang serye ng pakikipagsapalaran ni Janus Silang. Abangan sana ninyo!

(view spoiler)["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>
WOOOHOOOO! Congrats Sir Egay! Ikaw na Ikaw na talaga! Mabuhay ka! Mabuhay ang iyong likha! Mabuhay ang Panitikang Pilipino!
Maraming salamat sa suporta ninyong lahat! :-) Excited na akong mag-2014 dahil dito. Pero sa ngayon, kailangang upuan ang iba pang isinusulat. :-)
Edgar wrote: "Maraming salamat sa suporta ninyong lahat! :-) Excited na akong mag-2014 dahil dito. Pero sa ngayon, kailangang upuan ang iba pang isinusulat. :-)"Asahan niyo Sir Egay, pupunta ang PRPB sa book launching nito. (Psst... 'wag niyo lang pong itaon ng workdays o ng Linggo. Heehee...)
Rise wrote: "Hardcore. Tiyanak ng Tabon! Mukhang Tabon Cave? shot on location in Palawan."Tama Rise! Sa Tabon Cave nga iyan sa Palawan. Kung mapipili ang aklat na ito para sa susunod na taon, mukhang alam na natin ang destinasyon ng susunod na Field Trip. Makakasama mo na rin kami! Hihihi!
Juan wrote: "Magpapakita na rin ang Tiyanak by 2014. piniguradong hindi ito ang anak ni Janice! hahah!"
Pero si Janus ay anak ni Janice! It's in the name. Haha!
Hindi ko alam kung related ito sa tiyanak na nagpaligaw kay Daniel sa unang likha ni Egay, pero gusto kong subukan ang aklat na ito. Sabi nga niya YA ito at magaan basahin - hindi tulad ng unang aklat niya. HIHI. Aasahan ko ito sa book launch. :)
Sir Egay, yong offer kong maglinis ng bahay ninyo at magplantsa o maglaba. Andito lang ako. Basta puwedeng habang andyan ako sa bahay nyo, puwedeng makibasa sa private library mo haha.
Congrats ulit sa lalabas na libro at siguradong andoon ako sa book launch. Kahit saan yan, pupuntahan ko! :)
Congrats ulit sa lalabas na libro at siguradong andoon ako sa book launch. Kahit saan yan, pupuntahan ko! :)
Books mentioned in this topic
Detours to Deserted Countries: Essays (other topics)Eight Muses of the Fall (other topics)
Detours to Deserted Countries: Essays (other topics)
Eight Muses of the Fall (other topics)
Halinghing sa Hatinggabi / Sa Templo ni Tamilah (other topics)
More...




1) Walong Diwata ng Pagkahulog
2) Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela
3) Sa Kasunod ng 909
Tapos siya ang may proyekto ng Tapat Journal na naka-apat na labas na:
Ang Tapat Journal ay naglalabas ng mga nobelang bumabasag sa kumbensyon ng pagsusulat. Kung gusto mong makaranas ng ibang putahe sa nobelang Filipino, subukan mo ang Tapat Journal.
Kung nabasa mo na ang mga akdang ito, usap tayo sa susunod dito sa thread na ito? Andito rin si Edgar, malamang puwede siyang tanungin?