Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pinoy Completists
>
Ambeth Ocampo
date
newest »
newest »
Yung lang din siguro ang cons ng isang article lalo na sa pagsasalaysay sa nakaraan o kasaysayan, marami kang malalaman pero minsan parang kulang, parang may gusto ka pang malaman may gusto ko pang ungkatin. Tila pumipilas ka lang ang isang dahon sa mga pangyayari o tao pero hindi mo malalaman ang kabuuan, ang pros siguro ay ang pagiging at interesante nito, pinupukaw nya ang mga pangyayari at tao sa iba't ibang punto de vista at opinyon at iniiwanan kang nakabitin para magbasa pa lalo, magresearch at abangan sya.
Wag naman sanang masamain dahil tagahanga ako ni Ambeth, pinakita nya na tao si Rizal at hindi lang isang pambansang bayani na nasa piso. Haha.
Tama ka, Ayban. Inilalapit ni Ocampo ang kasaysayan (cold history) sa mga simpleng mambabasa na kagaya natin. Parang nabasa ko na sumusulat na siya talaga ng aklat na pangkasaysayan. Siguro doon, mabubuo ang mga pira-pirasong mga dahon upang makita natin ang isang halaman o dili kaya'y isang puno na.
Ako isa pa lang! "Looking Back" pero gustong gusto ko siya! Bibili pa ko nung ibang mga libro niya next year (nagiipon kasi ako :D)
Krizia Anna wrote: "Una yung "Looking Back" susunod ata doon ay "Dirty Dancing""@Krizia and K.D.:
Eto ang iba pang mga aklat ni Ambeth Ocampo. Nabasa ko ang mga ito nun college sa early 2000s:
1. Looking Back
2. Rizal Without the Overcoat
3. Aguinaldo's Breakfast
4. Bonifacio's Bolo
5. Mabini's Ghost
6. Luna's Moustache
7. The Centennial Countdown
Ang mga eto naman ay nun isang taon at ngayon taon lang:
1. Chulalongkorn's Elephants
2. Rizal's Teeth, Bonifacio's Bones
3. Prehistoric Philippines
Michael, buti ka pa. Yong iba dyan like "Bonifacio's Bolo" out of print na yata. Maraming naghahanap.
Tagahanga ako ni Ambeth Ocampo, ngunit kaunti palang ang nababasa ko sa nga akda niya tulad ng mga sumusunod:
I majored in History in college and Ambeth Ocampo's books were one of the primary references. Rizal Without An Overcoat is one. Di pa lang ako masyadong matured reader that time so di ko talaga naappreciate yung book. It was more of a textbook which I needed to study and dissect. I would love to read it again this time, leisurely. Kaso lang parang andami pang ibang mga librong naghihintay basahin, no?
Rizal without the Overcoat was the book that gave me my new-found and rediscovered love for Rizal, Philippine history and Ambeth Ocampo — so much so I even bought the limited, hardcover edition celebrating the sesquicentennial birth of our National Hero!We ♥ Ambo!
jzhunagev wrote: "Rizal without the Overcoat was the book that gave me my new-found and rediscovered love for Rizal, Philippine history and Ambeth Ocampo — so much so I even bought the limited, hardcover edition cel..."Maybe it's time for a re-read no? Kaso lang, mahahanap ko pa kaya ang kopya ko nito? Baka kinain na yun ng anay! I graduated from college ten years ago at di ko na alam kung saan na mga textbooks ko hahaha!
Diane wrote: "Wow, history major! Pwede itanong kung saang school ka graduate? :D "Hi, Dianne. UP Visayas (Miag-ao, Iloilo Campus) :)
interested talaga ako sa mga book ni Ambeth Ocampo.. :) i like the things na nagiging parang trivia nya about sa mga hindi ko alam sa Philippines.
I agree, Catrina. Ginawa niyang mas enjoy basahin ang mga libro ng kasaysayan na dati rati'y nakakainip basahin lalo na't required readings sa schoool.
Napagiwanan na yata ako. Ngayon lang ako nakapagbasa ng aklat ni Sir Ambeth, kakaumpisa ko pa nga lang basahin ang Looking Back. Natutuwa naman ako sa mga nababasa ko, lalo ako naging interesado sa history.
Diane wrote: "Mara wrote: "Napagiwanan na yata ako. Ngayon lang ako nakapagbasa ng aklat ni Sir Ambeth, kakaumpisa ko pa nga lang basahin ang Looking Back. Natutuwa naman ako sa mga nababasa ko, lalo ako naging ..."Namiss ko tuloy magaral ng history. Haha..
Dalawa palang nabasa kong libro ni Sir Ambeth, Death By Garrote at Looking Back. Maiikli pa yon. Pero at least signed copies hihi<3 Sa kanya ako nagsimula magbasa ng newspaper columns. Hindi rin siguro ako papasa sa history class ko last year kung hindi dahil sa mga columns nya. History ang pinaka ayaw ko na subject, ang laking tulong ni Sir Ambeth na bigla akong nagka-interest.
Naalala ko na naman si Lola Tuli. Dami kong tawa (mga 50!) nang mabasa ko 'yong kolum niya tungkol sa mga pangalan.Imagine na lang kung tuwing Pasko: "Mamasko ko po, Lola Tuleee!" Hahaha! :D Labaha na lang ang kulang.
Paborito ko ang History noong nag-aaral pa ako. Pero wala pa si Ambeth Ocampo noon. Ang gusto ko kay Ambeth, maraming isinisiwalat na wala sa librong ginagamit sa paaralan lalo na noong panahon ko: panahon ng Martial Law.
jzhunagev wrote: "Naalala ko na naman si Lola Tuli. Dami kong tawa (mga 50!) nang mabasa ko 'yong kolum niya tungkol sa mga pangalan.Imagine na lang kung tuwing Pasko: "Mamasko ko po, Lola Tuleee!" Hahaha! :D Laba..."
Natawa nga ako dun, Jzhun. Tapos yung mga apelyido na pinapalitan dahil ang sagwang pakinggan.
Dysoko!Di ko alam kung nakita niyo na sa Facebook, pero mayroon na namang serye ng lectures si Ambeth Ocampo sa Ayala Museum isang beses isang buwan mula Agosto hanggang Nobyembre.
Ang nakakatuwa rito, may lektyur siyang tungkol sa Rizal Without the Overcoat sa Aug. 29. Sakto sa buwan kung kailan natin babasahin ang naturang libro. Amazing!
Maaari rin kayang itataon ito sa ika-25 anibersaryo ng pagkakalathala ng libro? Tingnan natin! Eksayting!
Check out Prof. Ocampo's FB Page for more details.
Books mentioned in this topic
Rizal Without the Overcoat: Expanded Edition (other topics)Rizal Without the Overcoat: In Commemoration of Jose Rizal's 150th Birth Anniversary (other topics)
Rizal Without the Overcoat: In Commemoration of Jose Rizal's 150th Birth Anniversary (other topics)
Makamisa: The Search for Rizal's Third Novel (other topics)
Looking Back (other topics)
More...



Problema ko kasi, madalas ko ring basahin ang mga artikulo niya sa Philippine Daily Inquirer. Kaya pag nagbabasa ako ng libro nya, parang kalahati nare-recall ko, nabasa ko na. Tapos dahil newspaper articles, madalas, paulit-ulit lang ang sinasabi nya.
Ayon, pero minsan, masarap pa ring maala-ala ulit. Pero saludo ako kay Ambeth Ocampo. Malaking bagay na ginagawa niyang mas interesante ang kasaysayan.
Anong masasabi mo sa mga akda niya?