Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Mga Makatang Pinoy
>
Axel Pinpin
date
newest »
newest »
Heto ang isa nyang tula. Mula sa: http://likhaan_online.tripod.com/0824...10NG ARAW NG HIWAGA
paano pagagalawin
ng aking tugma ang 'yong mga daliri?
paano kukulayan
ng aking ritmo ang 'yong mga labi?
paano ilililok
ng aking taludtod ang iyong katawan?
paano sisisirin
ng aking talinghaga ang iyong katauhan?
paano bubuuin
ng aking katha ang ating karanasan?
di ako pintor
di rin eskultor
anluwage lang ako
ng tula
at tugma.
Nakabasa na ako, kaso isang beses palang. "Kung Bakit Tayo Paluwas at Walang Sunong na Kalakal"
Palungsod ang direksyon nitong ating lakad
ngunit hindi upang magluwas ng kalakal
manapa’y mga placard sa tagdang kawayan
itong ating bitbit at magiting na tangan
sa halip na tiklis nitong prutas at gulay!
Wala tayong sasakyan o arkiladong trak
dahil pinili nating sa kalye’y maglakad
sunong ang hiyaw nitong ating paghahangad
hindi para maglako ng aning kalakal
kundi ay maningil ng malaong pautang!
Gaya nang inaasaha’y mayroong papara
mga haragang pulis na mang-aabala
hindi para manita sa sobrang kargada
at papalao’y mangotong para arkabala
kundi’y upang harangin intong ating martsa!
Pagbabawalan tayong maglakbay, maglakad
kahit wala tayong batas na nilalabag
basta’t bawal raw tayo ro’n sa kalunsuran
baka makita ng turistang namamasyal
sakit raw sa mata itong ating Lakbayan!
Kay ganda ng umaga ko. Nakabasa ako ng mga tulang humahaplos sa diwa't puso ko. Salamat, Ryan at Ayban.
sa lrt 1 at 2, nakapaskil ang isang taludtod ng "Kung Bakit Tayo Paluwas at Walang Sunong na Kalakal" ... :)isa sa mga idol ko yang si Ka Antoy.. :)
AAAAAAAAAAAHHHHHH! Nabasa ko na ang ilang akda sa Tugmaang Matatabil... ang tagal na no'n. Ta's may napanood din akong videos na tumatalakay sa human rights violations.Di ko malilimutan 'yung kilabot na naramdaman ko nang bigkasin nung isang aktor 'yung isa sa mga tula ni Axel:“Unang Gabi ng Intergasyon” (First Interrogation Night)
… Sino ba kayong mga dumukot at nagdala sa akin dito?
Sino ba sa atin ang biktima at sino ang tagapagligtas?
Kayo ba ang kapwa ko biktimang bumibiktima
Sa mga tagapagligtas ng biktima? Sino? Sino kayo?
Bakit di tayo kapwa ipahamak ng purok ng inyong baril
At ng talas ng katotohanan ng tugmaan kong matatabil?
At kung tayo nga ay ipahamak, saka kapwa magpatawad.
Subali’t di kailangang agad makalimot kahit nagpatawad,
Dahil mag-iiwan ng pangit na marka ang posas sa `king braso,
Dahil mag-iiwan ng ngitngit ang dulo ng baril sa `king sentido,
Dahil mag-iiwan ng dilim ang duwag na piring sa `king mata,
Dahil paghihigantihan ang tagapagligtas ng kanyang biktima!
Ah, kung gayo’y kayo nga ang matwid na tagapagligtas!
At kayo rin ang magiging biktima ng aming Kapatawaran!
Ay, kamatayan! O, kamatayang walang kasing tamis!
Ihimlay mo na ako kapiling ng tula ng mga gahis,
Sa ritmo at awit ng putok ng baril ng mga salarin,
At sa ngalit ng pagganti ng tugmaan kong matatabil!
(mula sa www.bulatlat.com)
si Axel Pinpin ang isa sa mga pangunahing makata ng Protest Literature. :) napaka-marubdob at mahusay.
MJ, nasa Bookay ako noong nakaraang lingo. Wala nito kay Axel Pinpin. Pag naman nakakita ka, paki-alarma ako ha?
Javi, maganda nga ang tulang yan! May galit hahaha. Gusto ko ang tula pag punung-puno ng emosyon! Namumutiktik sa tandang nagulat (exclamation marks) hahaha. Tandang patanong = question mark. Ano ang exclamation point? hahaha.
Javi, maganda nga ang tulang yan! May galit hahaha. Gusto ko ang tula pag punung-puno ng emosyon! Namumutiktik sa tandang nagulat (exclamation marks) hahaha. Tandang patanong = question mark. Ano ang exclamation point? hahaha.
exclamation point = Tandang Padamdam. :Dalam ko, mayroon sa popular ng Tugmaang Matatabil. at huling punta ko sa Bookay, may Tugmaang Matatabil pa e.
Yey! May "Tugmaang Matatabil" na ako! Dati ko na pala yang nakikita. Di ko pinapansin kasi akala ko kay aklat na pambata! Mabasa nga, susunod sa "Monstress" hahaha!
javiruchi wrote: "Ta's may napanood din akong videos na tumatalakay sa human rights violations."javiruchi, nakita ko yung video sa youtube.
http://www.youtube.com/watch?v=1qJACI...
Na-meet namin kanina sa 10th year anniversary ng KM64 si Axel Pinpin. May picture pa kami na may PRPB banner. Ewan lang kung kelan malalagay sa FB hahaha. Pawis pawis pa kami kasi daming tao sa Conspiracy Bar. Nagpa-autograph tuloy ako. Ibinida ko si Rise. Di pa raw kayo nagkita, Rise, pero mahusay ka raw. Alam nya na taga-Palawan ka hahaha.
Haha. Kasi naman di sinabi talaga ang ibig sabihin ng KM64 na yan kaya tuloy ayan, di tumimo sa utak ko na KM at di MK sya. Buti di naging MMK. Sorry naman,tao lang hahaha!
Mabuhay ang KM64! Maligayang ika-sampung taong anibersaryo!!!
Mabuhay ang KM64! Maligayang ika-sampung taong anibersaryo!!!
Tama! Nag-notes talaga si Berto, mga kakweba! Feeling nya journalist sya roon hahaha.
At maganda ang penmanship ni Berto hahaha. Nakikita raw sa penmanship ang ugali ng tao. Maganda ka pala, Berto? hahaha.
Matutulog na nga ako. Goodnight, Axel Pinpin. Dalaw ka rito ha.
At maganda ang penmanship ni Berto hahaha. Nakikita raw sa penmanship ang ugali ng tao. Maganda ka pala, Berto? hahaha.
Matutulog na nga ako. Goodnight, Axel Pinpin. Dalaw ka rito ha.
Singit lang hahaha. Buti na lang maganda ang penmanship ko. Oustanding at Above Average ang grades ko dun! HAHAHA
MJ wrote: "http://www.youtube.com/watch?v=JputtZ...ayan Rise, tingnan mo yung wordplay. :D"
Rise wrote: "javiruchi wrote: "Ta's may napanood din akong videos na tumatalakay sa human rights violations."
javiruchi, nakita ko yung video sa youtube.
http://www.youtube.com/watch?v=1qJACI..."
WASAK!



Ang ilan sa kanyang mga katha ay tungkol sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao at ang ilan naman ay tumatalakay sa mga uri ng pag-ibig, lalo na ang pag-ibig sa bayan.
May tatlo na syang libro. Wala pa itong mga rekord dito sa GR:
Tugmaang Walang Tugma
Tugmaang Matatabil
Lover's Lane
May nakabasa na ba dito ng mga gawa ni Axel Pinpin?