Pinoy Reads Pinoy Books discussion

80 views
Mga Makatang Pinoy > Mark Angeles

Comments Showing 1-31 of 31 (31 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by Rise (new)

Rise Isang indie poet itong si Mark Angeles (aka Makoy Dakuykoy). Ang kanyang mga koleksyon ay pawang self-published. May mga tula syang senti, merong kuwela, merong hebigat.

Ito ang mga libro nya:


Patikim
Emotero
Engkantado
Threesome


message 2: by Rise (new)

Rise Isang tula mula sa Engkantado:


DAPDAP

Pumupusag-pusag ang mga dumalagang dahon
sa aking mga sanga na tila kawan ng mga salmon
at ako ay isang gasang sa bughaw na dalampasigan.

Maya-maya lang, magdiringas ang aking mga tangkay.
Maglilitawan ang mga mainiping palong ng katyaw.
Nakamasid sa kaligiran ang kanilang mga butong mata.

Panahon ito ng pamumukadkad ng mga iskarlatang
taluktok ng mga bulaklak na siyang aking korona:
ang kagampan ng pagpapala ng aking santuwaryo.

Aranya akong pinamamahayan ng mga engkanto,
mga makikisig na lalang na nag-iibis ng bangong
bumibighani sa mga mortal para sila silain.

Maging ng mga kibaan na may mga gintong ngipin
at maibigin sa mga punungkahoy na maningning;
pinagniningning ng laksa-laksang mga alitaptap.

Sa paglatag ng kapanglawan ng gabi, magliliwanag
ang aking mga sanga na tila ako ang nagpapaliyab
ng aking sarili para ipahayag ang aking kalooban.

Ipamamalas ko ang aking angking kapangyarihan.
Hindi nga ba’t pinansusuob ako ng mga babaylan
sa kanilang mga ritwal? Ipinaiinom sa mga maysakit?

Nagsisilbing pangontra sa barang? At ang aking siit
na dinapuan ng alitaptap ay may birtud na pang-akit?
Hindi ba’t ako rin ang kumukupkop sa mga patay?

Mula sa sidhi ng alab ang aking ilang na kalikasan
kaya’t langkay ng apoy ang sa akin ay humahapay.
Tulad mong nakayapos sa banakal kong balisaksak.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ganda!


message 4: by Rise (new)

Rise Syanga pala, nalimutan ko banggitin, ang mga aklat ni Mark Angeles ay mabibili lang sa kanya mismo (via email) at sa mga piling bookstore.


message 5: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments ang Engkantado ay nasa pdf form po...libreng mada-download...at 3rd prize po iyan sa Palanca last year i think..

:) magaling na makata si Mark Angeles...


message 6: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama. Gusto ko rin sya. Mahilig ako sa actual na libro eh. Makain kasi sa oras ang maghanap ng mga dina-download. :)


message 7: by Rise (new)


message 8: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments http://soulfly.tabulas.com/

ito din yung isang blog nya.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Salamat Rise, MJ, K.D. ang gaganda nga ng mga tula niya.


message 10: by Ronaldo (new)

Ronaldo Jr. (rsvjr) | 102 comments Mak is da man.


message 11: by K.D., Founder (last edited Mar 12, 2013 07:55AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Na-meet namin ni Berto si Mark Angeles kanina sa 10th anniversary ng KM64 hahaha. Katabi ko sya at binigyan ko sya ng mani (kasi wala syang pulutan). Sabi nya maga-active na raw sya dito hahaha.

Mark, san ka na? :)


message 12: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Haha. KM pala. May tama pa ako. Sorry po, sa mga taga-KM64. :)


message 13: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ako ba? Ako ba?

Berto? *tumitingin sa paligid* ikaw yata ang hinananap o. Berto? saan ka?


message 14: by Mark (new)

Mark Angeles | 16 comments kumusta na po? hehe


message 15: by Mark (new)

Mark Angeles | 16 comments K.D. wrote: "Na-meet namin ni Berto si Mark Angeles kanina sa 10th anniversary ng KM64 hahaha. Katabi ko sya at binigyan ko sya ng mani (kasi wala syang pulutan). Sabi nya maga-active na raw sya dito hahaha.

M..."


wahahaha! salamat sa mani!! aksidente lang din ang pagkakapasok ko d2.. me ganito pala.. kala ko rebyuhan lang


message 16: by Mark (new)

Mark Angeles | 16 comments nand2 na pala ang ENGKANTADO --
www.scribd.com/doc/113718634/Engkanta...

wala na rin kasi ang multiply at tabulas


message 17: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mark, yey! Salamat sa pagdalaw.

Ipapa-print mo ba ito? Kasi nakarating ako sa FB tapos may bayad pala at parang monthly pa? Eh ito lang naman ang gusto kong i-download hahaha.


message 18: by Mark (new)

Mark Angeles | 16 comments K.D. wrote: "Mark, yey! Salamat sa pagdalaw.

Ipapa-print mo ba ito? Kasi nakarating ako sa FB tapos may bayad pala at parang monthly pa? Eh ito lang naman ang gusto kong i-download hahaha."


ipinasa ko ito sa isang small press.. me dalawang kaibigang nagtanggol pero me tumutol daw haha! ayaw nila sabihin kung sino ang tumutol.. ang balak sana dito ay parang me installation ek ek pa.. ewan ko kay adam david..

pero siguro kung itutuloy ko mang ipa-print e daragdagan ko pa ito..

alin ang may bayad? sa scribd? libre ang dload dyan..


message 19: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nagclick kasi ako ng nag-click tapos may ininstall pa sa PC dito sa bahay. Tapos biglang doon sa dulo, makaraang dumaan sa FB (pinag-open ako ng FB ko para makita yong site mo) may bayad daw. Sabay kong sinara hahaha.

Pero sige, try ko ulit mamayang gabi. Sana ipa-print mo na lang kasi kino-collect ko yong mga libro mo. Pinanapahiram din. Yong "Patikim" nasa hiraman.


message 20: by Mark (new)

Mark Angeles | 16 comments cge bk ipa-print ko dagdagan ko pa.. paubos na ung patikim at emotero e balak ko na nga i-pullout sa mga bookshop..

sign in ka o gawa ka account sa scribd pr mkpg-dload ka ng mga pektus dun


message 21: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mayroon pang Patikim at Emotero sa Bookay Ukay kanina. Dumaan ako mga 5:30pm. Mayroon pa rin Threesome.

Mga kakweba: Bumili na kayo ng mga aklat ng kakweba nating si Mark "Macoy Dacuycoy" Angeles, kasi ipu-pullout na ang mga libro nya. Magaganda ang mga tula dyan lalo na yong "Patikim." Subukan at tikman ang kanyang mga tula!!! :)


message 22: by Mark (new)

Mark Angeles | 16 comments naku ewan ko kung pullout ko.. bk ung sa popular hehe.. bahala na.. wala na rin kasi ako kopyang naitabi


message 23: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. Bakit kailangang i-pullout? Di ba puwedeng i-promote muna natin dito? Gusto ko sanang mag-poetry month pero baka sa susunod na taon na lang. Ako mismo, dapat magbasa pa ako ng maraming aklat ng mga tula.


message 24: by Mark (new)

Mark Angeles | 16 comments ahh maganda yang poetry month para maraming mahikayat tumula


message 25: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mark, sige. Susubukan ko ulit ibenta sa mga susunod na buwan. Pero pag natuloy, gagawin ka naming panauhin, ha? :)


message 26: by Mark (new)

Mark Angeles | 16 comments sige hehe salamat!


message 27: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Malamang Disyembre na ito. Puwede namang Christmas Party tapos may poetry reading. Masaya lang. Maiba naman. Kasal ni Bebang din ang Disyembre e. Malamang Disyembre 1 ito. Linggo. Unang anibersaryo ng PRPB at panauhin ka namin hahaha! Sikat na talaga kami!!! :) Sana nga matuloy!!!


message 28: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Magandang araw!
K.D. sana nga po magkaron tayo ng TULAAN o Poetry Reading Month. Magandang Panghikayat satin yun at sa iba na magbasa ng tula at lumikha na din ng tula. Parang inulit ko lang yung sinabi ni Mark. hehe!

Mark, bibili ako ng likha mo one of these days..

Suporta tayo mga Kakweba!


message 29: by K.D., Founder (last edited Apr 30, 2013 11:26PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Halos monthly ko itong inilalako hahaha. Susubukan ko ulit sa Pasko. "Tulaan sa Pasko" at isang taong anibersaryo ng PRPB. Ito ay sa December 1st. Baka magkaroon rin tayo ng anthology ng mga tula ng mga makata sa PRPB hahaha. Di pa nakaraos sa TAGOS, nagiisip na ako ng susunod na proyekto. Adik lang! hahaha!


message 30: by Rise (last edited Apr 30, 2013 07:16PM) (new)

Rise Palagay ko marami ring sasali dyan sa antolohiya ng mga tula, K.D.


message 31: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Palagay ko nga Rise. Salamat din sa encouragement. Pero doon na muna tayo sa Tagos. Testing muna hahaha!


back to top