Pinoy Reads Pinoy Books discussion
This topic is about
My Brother, My Executioner
ABSBYNGPGBBSNGAKLT
>
My Brother, My Executioner (Rosales Saga #3) by F. Sionil José - February 2013
Gosh, wala pa akong book. Sa Friday pa ako maghahanap. Yung nasa MOA kasi, newsprint, eh yung unang dalawang book ko, book paper. Gusto ko kasi, uniform sila. LOL! ^_^
Sa Mga Ngayon Lang Magbabasa
Napagkasunduan namin ni Ben na magsimulang magbasa nito sa Linggo ng Palaspas (Palm Sunday) at matatapos sa Miyerkules Santo (Holy Wednesday). Bale 4-5 na kabanata bawa't araw. Maaaring mag-post ng 2 sa umaga tapos dalawa sa hapon.
Sali na kayo. Kahit di pa ninyo nababasa ang unang dalawang libro ng Rosales Saga (#1 - Po-On at #2 - Tree) puwede kayong sumali kasi sabi nga ni F. Sionil designed naman daw na basahin ang apat na libro independently e.
Ano, mura lang ang libro. P150 lang. Sabi ni Jzhun, ito raw ang pinakamaganda libro sa kanilang lima hahaha.

Araw 1: Chapters 1 & 2
May mga pages na akong nabasa noong Biyernes at kahapon habang nasa daan papuntang Rosales, Pangasinan. Pero inulit ko kagabi at itinuloy kanina pagkagising. Bakit? Gandang ulitin. Kasi dito sa unang kabanata inilalarawan ang pagpunta ni Luis Asperri, kasama si Trining na kanyang pinsan, mula sa Maynila papunta sa Rosales upang bisitahin ang kanyang mga kamag-anak. Ang kanyang ama na mayaman (si Don Vicente) at ang kanyang ina na mahirap (si Nena at ang kanyang lolo) at hinanap niya ang kanyang nakakabatang kapatid na si Vic na parang sumama na yata sa Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon). Kung ang setting ng "Po-On" (Book 1) ay late 1800's to early 1900's at ang setting ng "Tree" (Book 2) ay WWII o 1940's, ang setting ng "My Brother, My Executioner" (Book 3) ay 1950's. Kung ang narrator/POV ng "Po-On" ay kay Istak, unnamed 18-y/o narrator sa "Tree" as "My Brother" ay si Luis Asperri. Ang anak na panganay ni Don Vicente Asperri.
Para hindi lumabas ang yaman sa isang pamilya, kahit magpinsan, sige lang. Parang, sabi nila ha, mga chinese na mayayaman ay ganito yata pero hindi na yata ngayon.
Nagustuhan ko ang linya na ito: "The drowning man clutches at the water lily, hoping that a leaf will save him." Tragic isipin pero totoo.
Gustong-gusto ko itong simula lalo na yong paghihiwalay ni Luis at ang nanay nitong si Nena. Pati yong ala-ala sa isip ni Luis tungkol sa nakakabatang kapatid na si Vic. Naala-ala ko yong paisa-isang pagalis namin sa probinsya papunta sa lungsod para mag-aral. Yong habang papalapit ang araw ng pag-alis, inihahanda ang mga damit, pagkain, at ang mga payo lalo na ng mga magulang ko. Dahil ako ang bunso sa apat na magkakapatid, nakita't narinig ko ng apat na beses ang mga life advices ng mga magulang ko sa batang anak na magsisimulang makipagsapalaran sa lungsod na ang buhay ay ibang iba kaysa sa buhay sa probinsya lalo na't ang sa amin ay isang tahimik na isla. Mayroon din akong mga pinsan na naga-abroad tapos yon bang pagpapaalam sa mga gamit na nakagisnan o lugar na kinalakihan. Yong agam-agam ng kung anong buhay ang mararatnan o mararanasan sa ibang bansa. Grabe. Eh dito pa, sa libro si Luis ay pupunta sa Maynila upang mag-aral at makakasama ang mayamang ama na di niya kinalakihang kasama sa buhay.
Ang galing-galing. Iba talaga ang pagbabasa ng Pinoy books kasi nararamdaman mo talaga yong emosyong katutubo sa atin - yong strength ng family bond. Tapos noong mabanggit yong pagtatapos sa high school, bilang pasok sa isip ko yong graduation sa SM Rosales hahaha.
Anyway, I enjoy what we are doing: reading a good Pinoy book and going to the places that influenced the author to write the book or the place where the author grew up. Then interview the author, have a picture taken with him/her and have my books signed by him/her. Wholistic ang approach sa libro at mas naa-appreciate ko. Hindi na ako naiinggit sa mga GR friends kong foreigners kagaya noon, nagbasa ako ng libro ni Truman Capote tapos yong GR friend kong Amerikano may I send ng pictures nya sa estates in Capote etc. Inggit lang ako to to max. Puwede rin natin palang gawin dito. Isipin ko lang na naligo ako sa dam o batis na niliguan ni F. Sionil noong bata pa sya. O nilanghap ko ang hangin na nilanghap di ni F. Sionil noon hahaha. Panalo!!!

Uhmmm... makikibasa na lang muna ako ng mga sipi ng mga opinyon nyo sa libro. susubukan kong sumama sa panayam ninyo kay F Sionil Jose at duon ako bibili ng saga - papasadahan ko nang pagbabasa ang iba pa nyang nobela sa mga araw kung saan magaan ang trabaho. :)
Ella, sige. Maganda yang ideya mo. Sana makarating ka sa Abril 6. Kailangan namin ng utak mo para di tayo mapahiya kay F. Sionil na nagsabi sa isang interview sa kanya na ang gusto niyang mga tanong ay mga intelihente. At ikaw ay isang intelihente kaya't dapat ay kasama ka! :)
Ben, Araw #2 na ako. Kasi color coding ako bukas at laging nagmamadali sa umaga.
Araw 2: Chapters 3 & 4
Maikli ang chapter 3. Ito ay tungkol lamang sa nagkatangap ni Don Vicente ng death threat at parang galing ito sa nakababatang kapatid ni Luis na si Victor. Kaso may kapangalan pala ito.
Chapter 4 naman ay pumasok ang ka-love triangle ni Trining kay Luis na si Ester. Parang si Ester ang mahal ni Luis. Sabagay kasi pinsan nya si Trining pero parang lovey-dovey rin naman sila.
Wala akong masyadong masabi. Madaling araw na kasi hahaha.

KD, kaya pala isa kang matagumpay na manager at may masayang pamilya dahil pinakinggan mong maige ang iyong mga magulang. Nakakatuwa. Masarap sa pakiramdam yong mapuntahan mo mismo ang lugar na ginawang setting sa librong binasa mo. At nararanasan ko iyon dahil sa PRPB. Salamat sa inyo na nakaisip ng ganitong activity. Sobrang saya.Chapter 1
Itong si Don Vicente, mamamatay na lang, kapangyarihan pa rin ang nasa isip. Nagmamarunong pa siya sa gusto ng kanyang anak na si Luis. Gusto nitong maging pulitiko ang kanyang anak at pakasalan ang kanyang pinsan na si Trining. "Desperate move" ika nga.
Ito ba'y isang istorya na naman ng isang lalake na may internal struggle?
Chapter 2
Sa Sipnget, dinalaw ni Luis ang kanyang ina at lolo. Doon bumalik ang alaala ng kanyang pagkabata, na kasakasama ang nakabatang kapatid na si Victor.
Nagbago ang mood ni Luis nang mabanggit ng kanyang ina na ibinibigay nito ang perang naipon sa kanilang mga pinuno na ayaw niyang banggitin kung sino. (Ito na nga siguro yung mga Huk na binanggit ni KD). Umalis siya agad sa Sipnget at nagdesisyon na bumalik ng Maynila.
Bakit gusto nang bumalik ni Luis sa Maynila? Dahil ba ayaw niyang maipit sa dalawang panig? Ang panig ng kanyang ama na nanggigipit at ang panig ng kanyang ina na ginigipit. Sa isang banda may civilian guards at ilang sundalo, sa kabilang banda may HUKBALAHAP.
Chapter 3
Basag ang bintana ng kuwarto ni Don Vicente. May kung sino ang bumato dito. Naisip niya agad ang kapatid niya sa ina na si Victor. Mukhang si Victor ay sumali na sa grupo ng mga rebelde. Mula sa pamagat "My Brother, My Executioner", naisip ko na silang magkaptid ay magiging magkaaway.
Salamat, Ben. Promdi at heart talaga ako. Pinanganak ako talaga dito sa Maynila pero noong maga-aral na, umuwi kaming buong pamilya sa probinsya dahil magulo rito sa Maynila at ang aking ama'y isang pulis at natatakot ang ina ko. Kaya elementary at high school ay sa probinsya ko tinapos. Balang araw, pupunta tayo roon pag binasa na natin si Clarissa "Clark" Militante o si Vim Nadera. Mga famosong manunulat mula sa aming lalawigan sa Quezon.
Di ko naisip yan? Bakit gustong bumalik agad ni Luis sa Maynila. Dahil di nya gusto yong maitim at matigas na kalahating hito ng inihain ng ina sa kanya? Dahil parang may guilt siya noong makita ang kahirapan pa rin ng ina't lolo nya? Imagine, ang sasarap ng ulam nya sa bahay ni Don Vicente tapos doon pa sya kumain ng maitim at matigas na hito na huli ng lolo nya. Tapos ayaw tanggapin ang pera (sa umpisa) at kung tanggapin man ay ibibigay lang sa mga rebelde (HUK?) na kinakapitan nila (higit sa "water lily") upang balang araw ay guminhawa ang buhay nila.
Araw 3: Chapters 5 & 6
Maiikling mga kabanata. Chapter 5 naganap ang unang pagniniig (lovemaking) ng magpinsan na si Luis at Trining. Dapat mabasa ni Ella ito ay kikiligin na naman siya. Two timer itong si Luis. Masamang ehemplo sa mga good boys na kagaya natin hahaha.
Si Esther at Trining pala ay magkaklase at isang araw, kasama ang dalawa pang kaklase, ay ininterview nila si Luis dahil ito'y isang editor. Ang paksa: labor unionism. "The picket line is where you should really go if you want information about labor unions. You will be surprised how crooked the labor leaders are."
Si F. Sionil? Pro-capitalist? Di natin alam ha. Pero parang di magandang pangitain ang pahayag na ito. Kasi ako nakadanas nang mag-attend ng picket. Isang gabi, natulog pa ako sa sidewalk ng EDSA dahil yong sidewalk na yon, nakatayo ang tent namin sa harap ng pinapasukang kompanya dyan sa may Reliance St. Mandaluyong. 1987 yata yon at 3 years pa lang after college. Shop steward pa ako hahaha. May tsismis na may mga bentahan nga pero di ko naranasan yon. Ang pagkakakilala ko sa mga union officers namin ay talagang makatao. Pati na rin ang affiliation namin sa Federations of Free Workers (FFW - Efren Aranzamendez wing). Tapos pag may ka-affiliation kaming nagpi-picket, dumadalaw kami sa sympathizers.
I mean, hintayin natin kung isa-substantiate ito ni F. Sionil hahaha. Sweeping statement ito eh.

Wow, si KD nakiki-picket? Di ko mainmagine. Mukha ka kasing pacifist, hehe. Buti ako di ko naranasan maki-picket. Carefree kasi yung klase ng buhay ko. Nahihirapan akong magtiwala sa mga institusyon. Hindi naman ako judgemental agad. Most of the times, skeptic lang.Di natin alam kung pro-capitalist si Sionil. Di naman ako sangayon na i-generalize ni Luis na ang mga union leaders ay tiwali. Siguro may ilan gaya ng Akb*****. haha. Sorry narinig ko lang yon kay Ayban at kay Phoebe.
Chapter 4Natuloy ang paguwi ni Luis sa Maynila. Tumuloy siya sa Anniversary party ng kanyang employer na si Mr. Dantes na isang media magnate at mayari ng malalaking negosyo sa Maynila. Nagaaalala pa rin siya sa nangyayari sa Rosales at Sipnget, minabuti niyang ibaling ang kanyang atensiyon kay Ester at bolahin na ito.
Chapter 5
Sa paguwi ni Luis galing sa party, naabutan niyang natutulog si Trining sa kanyang kuwarto. Sumunod pala ito. Sinabi ni Luis na hindi niya mahal si Ester. Dito ibinigay ni Trining kay Luis ang kanyang pagkababae.
Chapter 6
Muli ay eksena nina Luis at Ester sa mismong bahay ng lalake. Walang nangyari sa dalawa. Nang umalis si Ester ay nakatulog si Luis at napanaginipan niya ang maraming mukha ng sanggol. Lahat kamukha niya.
Chapter 7
Nakasentro ang Chapters 4-6 sa dalawang babae ni Luis. Sa kabanatang ito naman ay ang paghaharap ng magkapatid na sina Luis at Vic. Nakaroon sila ng diskusyon sa kanilang mga ideyolohiya at natalakay nila ang kanilang pagkakaiba. Si Vic ang bagong Commander Victor.
In the red corner, andun ang digmaan, ang kanyang ama, ang kanyang ina, si Ester, si Trining, si Victor.
In the blue corner,andun si Luis, miserable, naguguluhan, nababalisa. Paano niya haharapin lahat ang mga ito?
KD, ano masasabi mo sa librong ito so far? For me hindi siya kasing compelling ng 2 nauanang aklat. Hehe.
So far, okay okay lang sya. Gusto ko yong magiging tunggalian ng magkapatid. Dito sa 7 eh magalang pa si Victor sa kanyang manong. Wala pang away hahaha.
Araw 4: Chapters 7 & 8
Ito na yata ang simula ng pagtutunggali ng magkapatid na Luis at Victor. Parang predictable kasi yong titulo. Tapos sa umpisa alam mo nang magkaiba sila. Iisa ang ina ngunit magkaiba ang ina. Magkaiba ang balat, magkaiba ang ugali. Parang Crisostomo Ibarra at Elias (ulit). Dalawang pangunahing tauhan na magkaiba ang paniniwala. Expected na na may mga sulpot sulpot na influences ni Rizal kasi talagang tagahanga ni Rizal si F. Sionil.
Pero mas gusto ko yong palitan ng salita ni Luis at ni Etang Papel:
Gusto ko rin yong parang nagdya-justify si F. Sionil kung bakit sa English sya nagsusulat at di sa Tagalog o Ilokano.
Basta, ang galing lang ng kabanatang ito.
Doon sa susunod, Chapter 8, balik na naman sa kalandian ni Luis at kung yong previous chapter ay first sex ni Trining, ngayon naman ay first sex ni Ester. Damuho itong si Luis, nakakarami na ng nado-donselya hahaha.
Yey! 12 chapters na lang! Sana matapos na bukas hahaha.

Luis: "Thank God for the poor, otherwise we would have fewer PhD's and columnists as well."Parang may katotohanan ang mga yan. Di ba ang mga Agos boys ay nakilala sa pagsusulat ng tungkol sa mga Anak Pawis kahit parang di naman sila ganoon kahirap?
Etang Papel: "Thank God for the rich, then, for it is they who made the poor."
Luis: "And thank God again for the poor for they will make some writers rich writing about poverty."
Gusto ko rin yong parang nagdya-justify si F. Sionil kung bakit sa English sya nagsusulat at di sa Tagalog o Ilokano.
Basta, ang galing lang ng kabanatang ito.
Doon sa susunod, Chapter 8, balik na naman sa kalandian ni Luis at kung yong previous chapter ay first sex ni Trining, ngayon naman ay first sex ni Ester. Damuho itong si Luis, nakakarami na ng nado-donselya hahaha.
Yey! 12 chapters na lang! Sana matapos na bukas hahaha.
May lalab part rin pala ang kwentong ito?! ay bigla akong naexcite. hahaha!!!At hindi ko pa naexperience ang picket na yan... kahit madalas nababanggit yan sa aking sintang paaralan na pila-ulit-pila (PUP), sumali lang ako nang minsan sa kanilang open forum sa UP Manila, tapos wala na. hindi naman kasi ako aktibista. Isa akong estudyanteng kritikal, mahilig magbasa at nalulong sa larong DOTA. pero hindi sumasama sa walk-out noon.
-___________- buti na lang hindi ako tumira noong martial law na marami ang ganyang mga bagay.
Ella, meron at puro first sex at ang protagonist na si Luis ang nakakauna sa kanila. Mukha kasing kastila si Luis: maputi, matangkad, mayaman.
Di rin ako aktibista sa kolehiyo. Noon na lang napasok ako sa unang kumpanyang pinagtrabahuhan ko dahil na-appoint akong shop steward ng group namin hahaha.
Araw 5: Chapters 9 & 10
Ikinasal si Trining at Luis sa pagmamane-obra ni Don Vincente. Totoo kayang maysakit ito at malapit nang mamamatay?
Sa pagbabalik sa Rosales, natuklasan ni Luis ang ginawang katarantaduhan ng kanyang amang si Don Vincente. Nakakalungkot ang ginawa niya. Sinabi niya sa huli: "It's them or us, Luis." Pinagdudahan pang homosexual si Luis kasi raw mahilig magsulat. Si Oscar Wilde nga raw bakla.
Konti lang ang foreshadowing ng trahedya. Yon lang kuwento ni Nena at lolo ni Luis tungkol sa pagasa nila na magbabago ang takbo ng buhay kaya sila nagbibigay ng pera sa Huk. Di ko yata naramdaman ang pagbi-build ng tension dahil distracting ang love life ni Luis kina Trining at Ester. Tapos yong encuentro ni Luis at Victor, di naman heated or panicky para biglang ibubulaga sa atin ni F. Sionil yong Chapter na ito. Tapos naroon daw si Victor sa Sipnget (ano bang pangalan ito hahaha) noong mangyari ang trahedyang yon.
Magandang umaga, kaibigang Ben!
Kapag uma-attend ako ng mga pagtitipon na maraming writers o nanonood ng play (kagaya ng Midsummer Night's Dream o itong Himala: The Musical), marami ngang gays. Sa showbiz, marami rin sila. Totoo ba ang obserbasyon ko na ang mga patrons ng arts o kahit ang mga lalaki sa likod ng mga sining ay karamihan ay beki? Bakit? Dahil mas artistic ang mga beki?

KD, dun sa palita ng salita ni Luis at ni Etang Papel, parang cycle lang ng mayaman at mahirap. may katotohanan nga ito, pero sana tlaga walang naaabuso.Doon sa susunod, Chapter 8, balik na naman sa kalandian ni Luis at kung yong previous chapter ay first sex ni Trining, ngayon naman ay first sex ni Ester. Damuho itong si Luis, nakakarami na ng nado-donselya hahaha.
Babaero itong si Luis, anak nga siya ng kanyang tatay. pero nabanggit ni Luis na naramdaman niya na hindi na virgin sina Ester at Trining. Nahalata niya iyon sa kanilang galaw sa pakikipagsex.
"It's them or us, Luis." KD, ito rin iyong linya na nagpapantig na tenga ko. Kung sa "Tree" si Espiridion ang pinaginitan natin, dito naman si Don Vicente,haha
Chapters 8-128)Ibinigay ni Ester ang kanyang pagkababae kay Luis sa kauna-unahang pagkakataon. Naging magkarelasyon ang dalawa subali’t madalas silang mag-away.
9)Lumayas si Ester sa bahay ni Luis. Tumawag si Trining kay Luis para sabihin na kailangan niyang umuwi dahil masama na angkalagayan ng kanyang ama na si Don Vicente. Tuloy, nakapangako si Luis na pakasalan ang kanyang pinsan na si Trining. Kinabukasan, nagpakasal sina Luis at Trining.
10)Nagtungo si Luis si Sipnget, sa tahanan ng kanyang ina at lolo. Huli na upang malaman niya na minasaker ang buong lugar. Sunog ang mga bahay. Wala na ang mga tao. Ni-raid ang lugar ng mga sundalo at mga guwardiya ni Don Vicente. Namatay ang kanyang lolo. Nawawala ang kanyang ina. Ang balita’y ito’y nabaliw. Katulad ni Sisa, hinahanap niya ang kanyang dalawang anak, si Luis at si Victor. Hinarap ni Luis ang kanyang ama. “It’s they or us.” ang katuwiran ni Don Vicente. “We have to have a conscienc. That is what separates us from the animals.” Sabi ni Luis.
11)Bumalik si Luis sa Maynila na may galit sa puso. Bilang isang journalist, nais niyang isiwalat ang nangyaring masaker sa Sipnget. Muli ay nagkita si Luis at Ester. Sinabi ni Ester kay Luis kung gaano kasama ang kanyang ama na si Mr. Dantes at kung ano ang motibo nito sa pagtanggap kay Luis bilang editor.
12)Sa pagbalik ni Luis sa opisina kinabukasan, ipinatawag agad siya ni Mr. Dantes sa kanyang tanggapan upang ibalita na patay na si Ester. Nagpakamatay si Ester. Sinisisi ni Luis ang kanyang sarili sa pagpapakamatay ng dalaga.
Lalong gumugulo ang sitwasyon. Lalong bumibigat ang dinadala ni Luis. Nariyan ang galit niya sa kanyang ama, ang pagaalala niya sa kanyang ina. Naroon ang bagabag sa kanyang konsensiya sa pagpapakamatay ni Ester. Kung sa iba ito nangyari, baka magpakamatay na rin sila. Tama ba ang suicide?
(parang puru poot ang ikatlong libro base sa mga nababasa ko. baka kapag ako na magbasa, puru iyakan ang magagawa ko. o palaging mapapa-OMG)
Ella, so far, medyo una si Ben, kasi di ako nakapagbasa ng lunch time dahil sa exchanges namin ng email ni Beverly tungkol sa Museo.
Pero maraming sex scenes. Mas marami kaysa sa "Tree" pero mas maganda, so far, ang "Tree." Dito kasi di ako maka-relate kay Luis. Naiisip ko si Luis Gonzales at minsan ay si Lucky Manzano hahaha.

Tama ka, Ben. Umaarte lang pala ang dalawang babae na first time nila. Pagkatapos, dito Chapter 11, ikinuwento pa ni Ester ang unang nakatalik niya: ang hardinero nila na pinagnasaan niya hahaha.
Ella, ito yong isang kurot line na nabasa ko ngayong gabi:
Paulit-ulit ang pagpapatugtog ng "Stardust." Paborito bang kanta ito ni F. Sionil. May manager sa kumpanyang pinagtratrabahuhan ko noon. Retired na sya so siguro 70+ na ito ngayon at paborito rin niya ang kantang ito.
And now the purple dusk of twilight time
Steals across the meadows of my heart
High up in the sky the little stars climb
Always reminding me that were apart
You wander down the lane and far away
Leaving me a song that will not die
Love is now the stardust
Of yesterday
The music
Of the years
Gone by
Sometimes I wonder why I spend
The lonely nights
Dreaming of a song.
The melody haunts my reverie
And I am once again with you.
When our love was new, and each kiss an inspiration.
But that was long ago, and now my consolation
Is in the stardust of a song.
Beside the garden wall, when stars are bright
You are in my arms
The nightingale tells his fairy tale
Of paradise where roses grew.
Though I dream in vain, in my heart you will remain
My stardust melody
The memory of loves refrain.
Very haunting, di ba? Bagay na bagay ng sa kuwentong ito.
Araw 6: Chapters 11-13
Gustong-gusto ko yong paguusap nina Ester at Luis. Ang sharp ng conversations nila na punung-puno ng mga emosyong hindi maipahayag. Naramdaman ko yong sexual tension at yong pain at the same hatred. Mahal ni Luis si Ester dahil sa tingin niya ay "sustenance" niya si Ester. Parang yong poem ni Pablo Neruda na "If You Forget Me."
If You Forget Me
by Pablo Neruda
If you forget me
I want you to know
one thing.
You know how this is:
if I look
at the crystal moon, at the red branch
of the slow autumn at my window,
if I touch
near the fire
the impalpable ash
or the wrinkled body of the log,
everything carries me to you,
as if everything that exists,
aromas, light, metals,
were little boats
that sail
toward those isles of yours that wait for me.
Well, now,
if little by little you stop loving me
I shall stop loving you little by little.
If suddenly
you forget me
do not look for me,
for I shall already have forgotten you.
If you think it long and mad,
the wind of banners
that passes through my life,
and you decide
to leave me at the shore
of the heart where I have roots,
remember
that on that day,
at that hour,
I shall lift my arms
and my roots will set off
to seek another land.
But
if each day,
each hour,
you feel that you are destined for me
with implacable sweetness,
if each day a flower
climbs up to your lips to seek me,
ah my love, ah my own,
in me all that fire is repeated,
in me nothing is extinguished or forgotten,
my love feeds on your love, beloved,
and as long as you live it will be in your arms
without leaving mine.
Yong line na my love feeds on your love, beloved, parang ito yong relationship ni Luis at Ester. Pareho kasi sila ng tipo ng ama. Parehong galit sila sa mga ama nila kasi parang sila ay iisa. Tinanggap ni Luis ang trabaho kahit hindi niya kailangang magtrabaho sa leftist na magazine kasi gusto niyang gamitin ito sa pagkalaban sa kanyang ama. At nakita niya ang sarili niya kay Ester. Minahal din ni Ester si Luis para makapaghiganti sa kanyang ama.
Ay, saklap ng buhay. Kung sino pa yong mahal mo, siya ang nawawala sa iyo, di ba? Ganyan talaga, mga bata, pag nakita na ninyo ang talagang para sa inyo, titigil din yan. Darating din ang mapapangasawa ninyo at yon na. Wala nang mawawala until death does you part.
Ganda ng batuhan ng dialogue nilang dalawa. Tapos doon sa susunod na kabanata, nakakagulat na namatay si Ester ng ganon-ganon na lang. Sakto na naman sa my love feeds on you beloved na linya. Nagpakamatay kasi wala nang magfe-feed sa love niya. Tapos mapapakasal siya sa isang matandang pangit ang ngipin at mabaho ang hininga. Hay talagang magpapakamatay ka!
Yong susunod na chapter parang uneventful. Nagusap lang si Eddie at Luis. Si Eddie ay sinasabi ni Luis na malayo pa ang mararating sa publication na yon.
Yehey! 6 na kabanata na lang at "The Pretenders" na!!!
Sali na kayo sa amin ni Ben na magbasa ng istorya ng mga Samsons (ito ba ang pamilya nina Istak?). Abangan. *eksayted*
So far, ha. Napapa-tula ako at napapakanta dito sa "My Brother, My Executioner." Maganda sya. Mas dama mo yong internal struggle within a single character kaysa kay Istak sa "Po-On" o doon sa unnamed narrator sa "Tree." Para ngang mali ang title nito kasi kaunti lang ang confrontation ng magkapatid na Luis at Victor. Mas marami ang kay Luis at sa tatay nya o kina Trining o lalo ka itong kay Ester. O wag na lang pagkumpa-pumarahin kasi iba't iba so far ang atake sa kuwento. Hahaha.

"Love is the beginning of sadness."Ganda lang. Parang linya sa tula ni Pablo Neruda.

^OHMAYGASH KUYA DONI GUSTO KO NANG BUMILI NG ROSALES SAGA SURE NA SURE NA SURE NA SURE NA SURE NA SURE NA SURENA!!!Pwede nyo po bang panatilihing bukas ang pising (thread) ito bago ako maglagay ng aking mga pagpapahalaga ukol sa kwento?!?!?!? PAKIUSAP! gusto ko ring maramdaman yung naramdaman mo KD, gusto ko yang kurot na yan.
Nababasa ko pa lang ang insights mo bigla akong na-excite na lumukso sa chapter na yan. Ay, intense conversations of love is <3
Kahit ano pa ang katapusan ng kwento, kahit ano pa yan. Gusto kong maramdaman yung binabasa ko yung intense moments ng mga pangunahing tauhan.
AY TALAGANG BIBILI NA AKO NG LIBRO NA ITO. :D
Naalala ko si Joe D' Mango sayo KD, naiintindihan mo iyong pagmamahalan nina Luis at Ester.Si Ester ang tunay na nakakaintindi kay Luis. Kilala niya ito in and out. Diba nararamadaman agad ng babae kung bitter siya o may dinaramdam. Yun ang wala kay Trining, mababaw ang pagkakilala nito kay Luis. Sana nakakasabay si Ella sa pagbasa natin para mas exciting. hahaang ganda ng tula KD, tagos hanggang kaluluwa.=)
Ella, buohin mo na ang Rosales saga. Promise, magaganda silang lahat. Iba-iba ang atake at langing may labing-labing (love scenes) at parang itong "My Brother" ang pinakamatindi. Parang "Dead Stars" kung magusap ang mga love triangle dito. Wala lang ngang confrontation ang dalawang babae kasi magkaibigan sila. Pero tindi ng dialogue. Si Dalin, tahimik eh. Di nagsasalitang mabuti. Dito, si Ester ay mayaman, matalino, may pinagaralan. So, malalim magsalita. Grabe lang.
Ben, parang 4 chapters to go na lang ako. Akala ko parang Cain-Abel ang kuwento pero parang walang ganoon na inaasahan ko. Nakaka-sorpresa. Mamaya siguro makakapagsulat na ako ng thoughts ko sa chapters na nabasa ko kagabi.

Kuya D., about doon sa statements ni Luis, I think it' rhe character who's speaking and not FSJ, per se.Basta malalaman mo kung bakit ganyan si Luis at bakit isa siya sa mga ayaw kong characters sa Rosales Saga. :)
Ang mga babae sa mga panahong yon ay medyo aware na sa kanilang karapatan at kalayaan. Tamang tama ang depiction ni Sionil sa mga babae noong 50's sa katauhan ni Ester. Ang tapang ng babaeng ito. Ni hindi umiyak o napaluha nang magkita sila ni Luis pagtapos nitong magpakasal kay Trining. Chapeters 13-15
13)Lumabas na ang kopya ng magasin na may istorya ng masaker sa Sipnget na isinulat ni Luis. Napakaganda ng paguusap ni Luis at ng kanyang associate editor na si Eddie patungkol sa realidad ng buhay sa bansa. Sabi ni Luis:
"Yes, it was the opportunists who destroyed the revolution. It was they who sided with the Spaniards. It was they who shaped our relationship with the Americans and who sold the Filipinos to the Japanese."
14)Tinangkang i-black-mail ng dalawang Constabulary officers si Luis para bawiin niya ang kanyang isinulat na artikulo patungkol sa masaker sa Sipnget. Hindi natinag si Luis kahit pa ipinakita sa kanya ang sulat ni Don Vicente na sisira sa kredibilidad ng editor. Ayon sa sulat, prejudice si Luis dahil kasama ang kanyang ina at lolo sa mga namasaker sa Sipnget. Hindi kailanman binanggit ni Luis sa publiko ang patungkol sa kanyang ina. Nag-resign si Luis. Ipanaubaya niya ang desisyon sa kanyang amo na si Mr. Dantes.
Sumulat si Luis sa kanyang ama na si DOn Vicente. Sa bandang huli ng sulat:
"The line has been broken. It was rent asunder when you denied my mother. I am now free from you, Father. I know this, for I can now damn you to your face."
15)Ibinalita ni Trining kay Luis sa telepono na patay ang kanyang ama na si Don Vicente. Umuwi siya sa Rosales upang dumalo sa burol ng kanyang ama. At para malaman niya na ang kanyang asawa na si Trining ay nagdadalang-tao.
Maganda iyong naging paguusap nina Luis at Eddie sa Chapter 13, naihayag ni Luis ang kanyang pessimism sa mga mangyayari sa susunod na henerasyon. Gusto ko rin iyong diskusyon nina Luis at Mr. Eddie sa Chapter 14, isang pro-poor at isang anti-poor. Hindi mo puwedeng sabihin na walang punto si Mr. Dantes eh. Sarap pa sanang talakayin ito, ang iksi kasi ng oras.
tsk tsk
Jzhun, alam kong karakter nya ang nagsasalita pero minsan nahuhuli ang author sa mga dialogong pinasasalita nya sa mga karakters nya. Kasi naisip nya yon. Kahit yong pagdarasal ni Istak sa "Po-On" parang sya ang nagsasalita. Ewan ko, may nararamdaman akong ganoon. Heartfelt kasing magkuwento itong si FSJ sobrang nakaka-carried away.
Tinawag pa naman kitang "Luis!" sa FB. Tapos ayaw mo pala siya. Gustong-gusto ko yong internal conflict sa mind ni Luis. Ito yong karakter ni FSJ na totoong well-developed. Parang buong buo ang presentation ng karakter from start to finish. Parang 'David Copperfield' (in a limited way) ni Charles Dickens. Well, di ko alam kung tatanda si Luis kasi di ko pa tapos ang libro hahaha. Baka mamaya. Basta yong struggle between right or wrong, left or right, rich or poor, girl 1 or girl 2, life or death, sane or insane, etc. Naririto! Kaya maganda.
Araw 7: Chapters 14-16
OMG. Sobrang lungkot noong Chapter 16. Parang naala-ala ko sina Henry at Catherine sa obra ni Hemingway na A Farewell to Arms dahil doon sa dramatic ending scene ng chapter eh umuulan tapos naroon sila sa bukid at tumatakbo sa ilalim ng ulanan. Tapos dini-describe ni F. Sionil yong paligid, yong ilog. "She looked up at a sky that had darkened. Soon it would be June and if the rains came on time there would be grasshoppers on the wing, mushrooms in the bamboo groves, and spiders in the bushes at dusk. If it rained on time the seed would also sprout on time and somewhere in this vast and blighted land, unamarked by a cross or hedge or man's lament, lay his kin - and somewhere, too, his mother would be walking, searching..."
Nakakalungkot grabe. Patay na ang tatay nya, patay na ang lolo nya, ang kapatid nya isang rebelde at pumapatay, ang Sipnget kung saan sya lumaki, wala na, ang Aguray, wala na rin. Ang mahal nyang si Ester, wala na rin. Isang natitirang pagasa, si Trining, buntis. Parang nagsi-symbolize yon ng hope: yong bata, pagasa yan eh. Sabi nga ni Rizal.
Kung ako kay Luis, ipapa-land reform ko ang lupa kasi parang isinumpa ang lupang yan dahil nakamit ni Don Vincente sa masamang paraan. Siguro, hindi lahat pero karamihan. Kaya lang kung ikaw ba si Trining, papayag ka?
Kumusta na kaya ang land reform dito sa Pilipinas? Yong problema raw kasi, kung maibigay ang lupa, wala namang pera na pambili ng binhi, pataba, insecticides, etc. Naipagbibili lang ng napagbigyan. Ewan ko ha. Dinig ko lang.

Huling kabanata na ngayong gabi!!!
Puwede nang simulan ang ika-4 na libro: "THE PRETENDERS!"
Ben, two days lang tayo sa "The Pretenders" pero kung di kakayanin, kasi ayaw ko namang madaliin, okay lang sumobra. Pinakamakapal ang "Mass" eh. Baka mag-spill over ako talaga sa April. Di bale, nasimulan ko na ang "Ermita" mukhang makapal lang kasi bookpaper tsaka malalaki ang prints kumpara dito sa edisyon natin ng "Tree", "My Brother, My Exexutioner" at "The Pretenders."
Yehey! Makakatapos na tayo ng Book 3!!!
Mga kakweba, sali na kayo sa amin ni Ben. Magsisimula kaming magbasa ng "The Pretenders" bukas, Huwebes Santo, ika 28 ng Marso, 2013. Sali na!!!

Payo ko lang, 'wag nyong madaliin ang The Pretenders; namnamin ang internal struggle ng lead character. :)
tama si jzhun, KD habaan natin please yung pretenders please. kasi pakiramdam ko itong book 3, andaming puwedeng talakayin eh, kaso iksi ng oras. kahit itong pretenders lang please. tapos madaliin na natin ang Mass please. hahaTAPOS KO NA BOOK 3!
WARNING! NAKAKADEPRESS ANG ANG LIBRONG ITO. PLS WAG MASYADONG SERYOSOHIN, HEHE.
Chapters 16-2016)Nailibing na si Don Vicente. Ngayon, nais malaman ni Luis ang buong katotohanan? Ano ang totoong nangyari sa Sipnget? Nasaan ang kanyang ina? Saan inilibing ang kanyang lolo? Nagkasundo ang magasawang Luis at Trining na magtungo sa Sipnget at Aguray. Kailangan nila ng saksi, kahit man lang isa mula sa mga guwardiya ni DOn Vicente at sa mga taga-Sipnget. Subali't sila'y nabigo.
17)Nanganak si Trining. Isang premature na sanggol na lalake. Sabi ng doktor:
"It will require courage to look at the baby - and more courage to accept him."
At ayon din sa doktor, hindi na muling magkakaanak si Trining.
18)Muli ay nagharap ang magkapatid na sina Luis at Vic. Binalaan ni Vic si Luis na kailangan niyang lisanin ang Rosales. Darating ang grupo ni Vic upang angkinin ang Rosales. Nandito iyong eksena na:
Luis embraced him. "My brother, my executioner", he whispered.
19)Liham ni Luis kay Vic
20)Ang katapusan (Sorry, I will not give this away.)
-----------------------
Maraming mga dialogue ang umantig sa akin. Una, ang paguusap nina Luis at Trining sa Chapter 17. Napagusapan kasi nila si Ester. Just imagine the hurt Trining felt when Luis told her that Ester was with him the night before she died. Ikalawa, ang paguusap nina Luis at Vic sa Chap 18. Dito parang naguusap sina Rizal at Bonifacio. (Remember: Si Luis ay gamit ang paraan ni Rizal which is panulat. At babaero?haha Si Vic ay sa paraan ni Bonifacio, rebolusyon.). Pangatlo, gusto ko rin ang paguusap nina Luis at ng Constabulary Captain. Napakagaling talaga gumawa ng confrontation scenes ni Sionil.
Dun naman sa mga liham ni Luis sa libro, Nakakalungkot basahin, ganun din kaya sumulat ng liham si Sionil? May apat na liham siyang ginawa sa libro: Para sa kanyang ina, kay Ester, sa kanyang ama at kay Vic. Ito ang mga taong minahal niya na nawala sa kanyang buhay. This is also what makes this book remarkable.
Hanggat may may mga oportunista na taglay ang purong kasamaan sa kanilang mga puso, may mga yayaman at may mga maghihirap. May mangaapi at may magaalsa. Hanggat may mga Don Vicente at Mr. Dantes sa mundo, may mga sisibol na Luis, Vic at Ester na magpipilit bumalanse sa sistema. (pa-deep, sarap sapakin talaga,haha)
Ella, sa Solidaridad yata may boxed set. Tapos may bagong mass edition na tine-text si Biena ngayon gabi. Meron daw sa NBS Crossings Q. Ave.
Jzhun, sige di ko mamadaliin. Mabagal pa rin naman akong magbasa. Kaso maraming oras starting bukas. So, magbabasa na lang ako ng Pasiong Mahal o manonood ng BluRay hahaha.
Ben, wagi ang mga kumento mo sa itaas hahaha. Pa-deep ka dyan. Ganda ng book no? Tapos ko na ring basahin, ngayong gabi lang. Natapos ko rin yong kasabay kong binabasa:
The Silver Linings Playbook ni Matthew Quick. Mas maganda ang "My Brother, My Executioner."
Araw 8: Chapters 17-20
Sobrang lungkot ng huling mga kabanata na ito. Medyo nalisya lang sa expectations ko. Kasi "my brother, my executioner" tsaka yong blurbs, akala ko talaga, to the max na sibling rivalry pala ito. Kaso, hindi. Walang ganoong confrontations. Dalawang beses lang nagkita at nagusap ang magkapatid at tumatawag pa ng "manong" (kuya) si Victor kay Luis.
Hindi naman ako nagalit kay Luis. Hindi kagaya ng galit ko kay Espiridion sa "Tree." Si Don Vincente naman, parang sarado lang ang isipan dahil sa ayaw bumitiw sa kanyang kayamanan. Sa dulo, malungkot pa rin ang kuwento. Mas positibo pa ang "Po-On."
Yong mga dialogues dito ang wagi talaga. Para silang mga makata kung magsalita. Maiikli pero mga blunt (pranka) at malaman. Naalala ko yong tipong mga paliwanagan ng Padre Fernandez at Simoun sa huling kabanata ng "Fili" o yong kay Ibarra at Pilosopo Tasyo o yong kay Ibarra at Elias sa "Noli." Aminado naman si FSJ na ang mga akda niya ay heavily influenced by Rizal and his writings.
Ang pintas ko lang ay bakit parang ang heavy ng pilosopiya at talinhaga ng sulat ni Luis sa kanyang kapatid na si Victor samantalang pag nauusap ay hindi naman sila ganoon. Parang masyadong flowery ganoong di naman poet si Victor para maintindihan o ma-appreciate ang nilalaman ng sulat. Kung tagalog ito sinabi, ganito ba ang translation: "Kapatid ko, tagabitay ko." Parang hindi tama hahaha.
Sa pangkalahatan, ang naramdaman ko noong sinara ko finally ang libro ay mas maganda pa rin ang "Po-On" kaysa dito. Pero mas maganda ng kaunti ang "Tree" pero kung may winner sa characterization lalo na sa internal struggle sa mga tauhan so far na Rosales saga, itong si Luis ang numero uno sa akin.
At si Ben, ang numero unong paborito kong ka-reading buddy hahaha. Siya lang ang ka-reading buddy ko na nauunahan akong magbasa hahaha.
Salamat, Ben sa isa na namang aklat ni FSJ. Sige, puwede naman tayong sumobra sa dalawang araw para sa "The Pretenders." Hindi ko minadali ang "My Brother, My Executioner." Talagang wala ako halos nabasang ibang libro.

Ganda ng pa-deep mo, Ben. At wagi ang final tots nyo ni K.D. Wala akong energy mag-contribute kasi nakalimutan ko na ang ilang detalye. haha. kailangan ko pa balikan ang libro dahil may ilan yata akong underlined passages dun.Yung apat na sulat ba ay pinadala talaga ni Luis? Parang sa isip nya lang ito sinulat.
Rise wrote: "Ang salin siguro nito "Aking Kapatid, Aking Berdugo". yayks."Haha, magandang salin to.
KD,oo nga sobrang lalim nga ng liham ni Luis. Time consuming mapiplitan kang ulitin kasi di maintindihan sa unang basa. Salamat kuya, hahabaan mo ang Pretenders. Yes!
Yung apat na sulat ba ay pinadala talaga ni Luis? Parang sa isip nya lang ito sinulat.
tanong ko rin ito.
Nagkataon na-eenjoy ko ang gingawa natin. kaya go lang tayo. pano kaya kung tamarin na si KD? haha
Ben wrote: "WARNING! NAKAKADEPRESS ANG ANG LIBRONG ITO. PLS WAG MASYADONG SERYOSOHIN, HEHE."So pwede talagang Thematic for Holy Week ang librong ito ha? SAYANG SARADO ANG BOOKSTORE BUKAS HUHU.
Tama! Magandang story telling technique 'yung letters. Pinaka-heartfelt sa akin 'yung letter about his mother and Ester.But at the same time, it also reveals the character of Luis, dahil tuwing nagsusulat siya ng letters huli na ang lahat. Ang isang kinaiinisan ko sa kanya he never confronts the situation, nagtatapang-tapangan lang siya.
This I think is the most politically charged in the four books of the Rosales Saga, but FSJ's theory about the failure of the Huk movement has some. Explain ko na lang sa pagkikita natin, madugo kasi at masyadong technical, pang- Pol Sci. Hahaha! :D
Rise, parang sa pakaintindi ko partikular yong kay Ester, sinulat nya pero para sa kanyang sarili na lang. Doon sa ibang sulat di ko alam, pero ito yong simula ng para kay Ester: "I have never written a love letter and it seems rather late and funny for me to write this one, but this is a love letter and my regret is that you will not read it..." so parang sinusulat talaga niya kahit di nya ipapadala.
Tama nga, yan ang iniisip kong salin ng "executioner." Di ko lang maisip kagabi. Tapos kanina, noong nagbabasa ako ng "The Pretenders" naisip ko yan. Hirap talaga pag di ka na masyadong nagpupurong Tagalog, nawawala na ang bukabolaryo sa isip. Tagabitay, sentensyador... tapos naisip ko berdugo. Berdugo dapat, mamaya paggo-Goodreads ko papalitan ko na lang. Tapos nakita ko, heto ka na hahaha.
Ben, parang di ako tatamarin. May mga series na di ko matapos-tapos. Kagaya ng Javier Marias "Your Face Tomorrow", C. S. Lewis "The Narnian Chronicles", Powell's "A Dance to the Music of Time", R. R. Martin's "Song of Fire and Ice" etc. at wala akong balak na dagdagan pa yan. Dapat matapos ko ng maayos ang Rosales saga na ito. After all, parang ito lang ang saga sa Pinoy Lit. Isip, isip. Parang wala except yong mga Precious Hearts Romance gaya ng "Christine" o "Calle Pogi" hahaha.
Jzhun, tama heartfelt yon. Pinaka-philosophical yong kay Victor. Dalawang beses ko rin yang binasa Ben. Parang ewan lang. Ba't ganoon kabigat hahaha. Agree ako na lumalabas ang karakter mo sa sulat mo. Kahit dito sa mga kumento, marami akong hahaha. Kasi talagang pala-tawa akong tao hahaha.
Most politically-charged. Yes! Most love-laden, Yes! Walang tatalo sa pagiibigan nina Luis at Ester. Yong hindi ma-expressed na pag-ibig kasi kasal na si Luis, grabe ang tension noong gabing naguusap sila. Hay, Ella. Ito na ang kakabog sa "One Day" ni David Nichols sa pinaka-emotionally charged na unrequited love list of books mo hahaha. *pinong-pinong kurot*
Jzhun, sana i-explain mo na ngayon kasi para mabasa ni Rise. :) O reserve na lang sa pagdalaw ni Rise dito sa Maynila?

Oo nga Jzhun nagsusulat siya ng liham kapag huli na ang lahat. So ang sagot sa tanong ni Rise, ay hindi talaga naipadala ang mga ito sa kinauukulan. Parang ginagawa niyalang channel ng kanyang emosyon ang mga liham. Sangayon din ako na flawed ang karakter ni Luis, may mga dapat siyang gawin pero hindi niya ginawa. Gaya ng sa huling chapter. Sana hindi siya nag-stay sa Rosales. Pero pag mas flawed ang karakter, mas interesting diba. Parang boring basahin ang isang karakter na sobrang matuwid at hindi na nagkakamali. Master talaga itong si Sionil pagdating sa paggawa ng mga flawed na karakter. KD, siguro ito lang ang saga sa Phil Lit. Natawa naman ako sa PHR gaya ng Christine. Kina Aica, Irene at Vanessa ko nalaman na hanggang ngayon hindi pa tapos ang seryeng ito. Naisip mo ba KD, na isa sa mga PHR novels ang mapili sa sabayang pagbasa balang araw?haha.
Pagnagtalakay na iyong pang pol-sci ni Jzhun, hindi ko imimiss yun, haha
One factor that I didn't like about Luis is he retrogressed as a character; with all his optismism and ideslism, I thought he could reform the flaws he sees in the present land tenure system. But what happened when he inherited the land from Don Vicente? I think he just turned just like him, mistrusting the farmers and the poor all together. I thought, wouldn't it be simpler if he just gave the land to the farmers, thus abating the foment of the Huk rebellion (and save his if at all)?FSJ got a somewhat skewed theory as to why the Huk rebellion failed. It is not just it's because it didn't managed to get the support of the farmer folk from the provinces, namely Visayas and Mindanao, as the agrarian issue itself isn't confined at all in Luzon, it is because at the time when Magsaysay was the defense minister in the beginning of the 50's, the Americans entered into the picture, or rather intervened, and JUSMAG was formed that effectively crushed the Huk rebellion, that's why it only lasted a couple of years. It is because of this that FSJ felt dissapointed when Luis Taruc, the Huk leader, swore his allegiance to the government of Magsaysay. But in all fairness to the former president, he is the only one to have effected a fair Agrarian reform in the country, and the sad truth is, it all fizzled out after he died during that plane accident off Cebu. Thus, a few years later, the feudal lords were at it again, grabbing lands or buying it from its owners at cheap prices, mainly because ginipit din sila ng mga capitalists.
The other thing is, I would like to see more of Victor; I was left hanging with his brief appearances in the book. However, his belief in his advocacy made him a bit of a full character.
Ben, yes, I agree with you. Luis's ambiguity, well his political ambiguity to say the least, makes him all the more an interesting character.
*Okey, sumakit ang ulo ko kaka-English. Hahaha! :D*
I would also like to ask this to our buddy readers, what do you think is the importance of Luis's poem at the beginning of the book. To whom was it addressed? :)
Good historical analysis, jzhun. I was also expecting a more than supporting character treatment for Victor but it turned out FSJ focused on the internal conflicts of Luis. He probably wrote more comprehensively about the agrarian reform and the Huk rebellion in his journalism?
Ben, tama ka. Mas nasa gray area ang karakter, mas maganda. Kaya nga may Ruby, ang bidang-kontrabida. Hahaha. Teka, "Christine" na babasahing kagaya nito na sunud-sunod, ikamamatay ko!!! hahaha!
Jzhun, tama. Si Magsaysay ang nakapag-convince sa mga HUK na bumaba na sa bundok. Charismatic kasi si Magsaysay kaya naengganyo ang mga rebelde. Pero parang di naman ipinakita dito sa "My Brother, My Executioner" ang pagkatalo ng HUK. Baka nga sa ibang libro yang analysis ni FSJ gaya ng nasabi ni Rise?
Ay yong tula! Nalimutan kong banggitin sa rebyu ko. Naka-addressed po ito sa mga rebelde na mga magsasaka (Huks). Parang tayutay ito ni Luis dahil alam natin na kung dadalukayin ang kanyang kalooban ay siya ay maka-masa. Ang puso niya ay nasa mga taga-Sipnget. "We plodded on to where we started / As others before us, and yet before us..."

Books mentioned in this topic
The Silver Linings Playbook (other topics)A Farewell to Arms (other topics)
My Brother, My Executioner (other topics)

Reading: February 13-27
Discussion starts: February 28
Readers so far: K.D., Jzhun, Jho, & Rise
Join us, friends.