Pinoy Reads Pinoy Books discussion

76 views
Mga Makatang Pinoy > M. J. Rafal

Comments Showing 1-50 of 50 (50 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (last edited Apr 01, 2013 06:06AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Si MJ ay miyembro natin at nakakita ako ng libro niya sa Bookay Ukay ngayong gabi. P190 anthology ng Filipino poems. May kasama syang 2 makata dito ang mga tula niya ang nasa hulihan (ibig sabihin nito sa akin, anchor - pinakamagaling).

Bumili na kayo ng kopya. Baka dadaan ako roon sa Miyerkules. Pag gusto nyang magpabili sabihin nyo lang. Puwede kong ipa-LBC tapos bayad na lang sa muling pagkikita natin.


message 2: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Nababasa ko nga yung mga tulang pino-post niya sa Facebook. Ang gaganda! :)


message 3: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Sir KD di ko pa alam yung Bookay Ukay, pwede po bang magpabili? Ganda ng mga pinopost niya sa FB. :)


message 4: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, ibibili kita, Ara. Baka bukas pag may parking pagdaan ko. Kagabi maluwag. Kagagaling lang sa Mahal na Araw at konti pa ang umiinom ng alak hahaha. Bar kasi katabi mismo ng Bookay Ukay. Text kita pag nakabili ako. I-PM mo ang mailing address mo with tel. no.


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
MJ, binabasa ko na ang libro nyo. Bilib ako sa haraya ni Arlan Camba!!!

Sa kanya pa lang sulit na ang libro. Hindi pa ako nakakarating sa inyong dalawa ni Pia Montalban ha. :)


message 6: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mga kakweba:

Basahin ninyo ang aklat ng mga tula ni MJ. Maganda!

Himno ng Apoy sa Gubat ng Dilim by Arlan Camba, Pia Montalban, MJ Rafal

Mabibili sa Bookay-Ukay. P195 yata. Wala akong cut dito. Pero kung may magpapabili baka makadaan ako roon bukas kasi nagpapabili si Ara. Tapos puwede kong dalhin sa Sabado.

Mahal natin si kakwebang MJ, di ba? Kaya bili na at basahin at mag-review. Kung may interesadong mag-buddy read, game din ako. Masaya sigurong mga-buddy read ng poetry book hahaha!


message 7: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Thank you Sir KD *big hug. Bayaran ko na lang po bukas :)


message 8: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, Ara. Dadalhin ko bukas.


message 9: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Raechella wrote: "Nababasa ko nga yung mga tulang pino-post niya sa Facebook. Ang gaganda! :)"

hehe, mas maganda ka pa rin sa mga tula, Raechella. :)

binabasa mo pala? salamats!!!


message 10: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Ara (Yani) wrote: "Sir KD di ko pa alam yung Bookay Ukay, pwede po bang magpabili? Ganda ng mga pinopost niya sa FB. :)"

uy Ara, mas maganda ka pa rin sa mga tula na yun. hehe... :)

salamats at binabasa mo pala. hehe


message 11: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments K.D. wrote: "Mga kakweba:

Basahin ninyo ang aklat ng mga tula ni MJ. Maganda!

Himno ng Apoy sa Gubat ng Dilim by MJ Rafal

Mabibili sa Bookay-Ukay. P195 yata. Wala akong cut dito. Pero kung may magpa..."


sabi sa isang kanta: paano kita mapasasalamatan?

ser KD, salamat!!!!!!!!!! madaming madaming madami... :)

di ko alam na may ganito pala... hehe... ngayon ko lang nalaman... :P


message 12: by K.D., Founder (last edited Apr 29, 2013 05:58AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
MJ, kaya pala di mo ito pinapansin. Pagpupugay namin ito sa isang mahalagang kasapi na kagaya mo. May asterisk ka pa! Pansin mo? :) Lahat lang na published authors na kakweba ang may sariling pisi at narito sa dakong gitna ng homepage at wala sa "For Fun" hahaha.

Kumustahin natin si Ara dahil binabasa na nya ang libro mismo dahil minail ko sa kanya. Hinihiram yata ng tatay nya pagkatapos. May isa pa akong kopya rito. Iniisip ko kung kaninong mahilig sa tula ko ibibigay o ire-regalo sa Pasko. :)


message 13: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Akin na lang! :)


message 14: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments hehe. salamat ser KD. :)

ara! kumusta ang munting libro namin? hehe


message 15: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Raechella, a-attend ka ba sa May 4? Kung oo, sige dadalhin ko. Kung hindi, i-PM mo sa akin ang complete name mo at mailing address.

Isa lang ang kondisyon ko: babasahin mo ang libro at ire-review mo. Tapos ipapasa mo ito sa iba para mabasa at ma-review rin. Magaganda ang mga tula. Mahuhusay silang tatlo lalong lalo na si MJ (syempre, bias ako hahaha).


message 16: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Thanks!!! Pwede po bang sa May 25 ko na lang kunin? :)


message 17: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Magandang Umaga!

Kasalukuyan ay mga tula pa lang ni Arlan Camba ang binabasa ko. Sabay naming binabasa ni Erpat ang libro taliwas sa unang plano na patatapusin muna niya ako. Kapag may hindi ako naiintidihang salita dahil sobrang lalim eh tinatanong ko pa siya tapos ang mangyayari babasahin na niya at ishe-share na niya ang mga opinyon niya, mga experiences niya. Ang saya lang kasi kahit papano nabibigyan ako ng gabay sa pagbabasa ng ganitong libro.

Kay Arlan pa lang bilib na bilib na kami; sabi rin ni Erpat sakto ang mga malalalim na salitang ginagamit hindi raw pilit. (view spoiler)

Mas gusto ko siyang basahin ng paunti-unti ang sarap kasi himay-himayin ang nilalaman ng bawat tula, tumatagos sa pagkatao, sa pagiging Pilipino.


message 18: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Magandang araw!

Nakamamangha naman talaga dito! Gusto ko silang mabasa! Gusto kong damhin, gusto kong makita, gusto kong marinig at gusto kong malaman kung anu-ano ang pinahihiwatig nila. Gusto ko silang makilala!

Ser K.D. pahiram naman ng kopya? mag-iipon muna ako para makabili din.

kasalukuyan kong binabasa ang blog ni MJ Rafal.
'Mga Sigwa at Agos'. Husay! Kainggit!


message 19: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments so this is the same MJ as in PPRB MJ? [bows down ]


message 20: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Ang galing diba? Sa FB nga napapabilib niya ako sa pino-post niyang tula. Nganga talaga ako pramis!


message 21: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Yes Arbin siya nga :)


message 22: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Ganun ba? Di kami friends sa FB eh. haha


message 23: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments naku po? pulutan ako dito?! hehehe


message 24: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Ara (Yani) wrote: "Magandang Umaga!

Kasalukuyan ay mga tula pa lang ni Arlan Camba ang binabasa ko. Sabay naming binabasa ni Erpat ang libro taliwas sa unang plano na patatapusin muna niya ako. Kapag may hindi ako ..."


naku, Ara! bigl kong natakot na binabasa ng papa mo...hehe...ako nama'y di ganun kalaliman ang mga salitan ginagamit sa tula... at isa pa, may pagka-eksperimental sa estilo... waaaaaaah

:) pero, masaya ako, binabasa ang aklat namin...


message 25: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Juan wrote: "Magandang araw!

Nakamamangha naman talaga dito! Gusto ko silang mabasa! Gusto kong damhin, gusto kong makita, gusto kong marinig at gusto kong malaman kung anu-ano ang pinahihiwatig nila. Gusto ko..."


uy, Juan! naligaw ka sa malungkutin kong blog? hehehe

salamat sa dalaw. sana lumagi ka! :)


message 26: by MJ (last edited Apr 30, 2013 05:45AM) (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Nibra wrote: "so this is the same MJ as in PPRB MJ? [bows down ]"

uy, Nibra. pwedeng apir na lang? wala nang bows down. :P


message 27: by Rise (new)

Rise Binabasa ko na rin ang aklat na ito. Akmang-akma para sa Araw ng mga Manggagawa.


message 28: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Rise wrote: "Binabasa ko na rin ang aklat na ito. Akmang-akma para sa Araw ng mga Manggagawa."

hehehe. ser Rise... martsa tayo bukas! :)


message 29: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
MJ, natutuwa ako na marami nang nakaka-experience ng poetry ninyo. Mahusay ka. Walang duda!!!

Sana magsulat ka pa ng maraming libro at nang maraming maka-experience ng talento mo.

Juan, pinakyaw ko na ang lahat ng remaining stocks sa Bookay Ukay e. Ewan ko kung magre-replenish hahaha. Try mo lang.

Raechella, sure. Sana di ako matuksong ibigay o ipahiram sa iba hahaha. :)


message 30: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Rise wrote: "Binabasa ko na rin ang aklat na ito. Akmang-akma para sa Araw ng mga Manggagawa."

Rise, pareho tayo binabasa ko rin siya kahapan na kay Ms Pia na ko. :D


message 31: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments MJ wrote: "Ara (Yani) wrote: "Magandang Umaga!

Kasalukuyan ay mga tula pa lang ni Arlan Camba ang binabasa ko. Sabay naming binabasa ni Erpat ang libro taliwas sa unang plano na patatapusin muna niya ako. K..."


MJ natutuwa nga siyang basahin ang libro, bigla siyang nag time travel.


message 32: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments :) time travel talaga?

Ara, dati bang tibak ang tatay mo?


message 33: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Tibak? aktibista ba ibig sabihin nun? :)

Kung yun ang tanong mo, Oo! alam kong aktibista siya noong binata pa siya. Wala raw siyang pakielam non tapos head pa siya ng Unyon ng kumpanyang pinapasukan niya. Walang inuurungan, nakikipag-away raw sa mga tsekwa. Nagbago na lamang daw nang nakapag-asawa na siya. Delikadong mawalan ng trabaho eh. Ayun!


message 34: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments :) astig lang! union leader!!!

minsan kasi talaga, mahalaga ang pamilya. :)


message 35: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Natanggal din siya sa trabaho, pinag- early retirement na lang siya dahil sakit sa ulo daw siya sa bagong may-ari. :) Grade school pa lang ako non at naalala ko pa na sinisisi ni ermat ang pagiging officer ni erpat sa unyon kaya siya nawalan ng trabaho.

Jeepney driver/ operator na si erpat ngayon at pinaiiwas namin siyang tumakbo sa kanilang Association (ang daming umimbita sa kanya infairness). Imagine kahit ang liit lang ng grupo may pulitika na, kaya BIG NO sa amin.


message 36: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments ay ganun. pero, di talaga mawawala sa Erpat mo yan.

astig nga e, bihira na ang mga manggagawa na handang ipagtanggol ang karapatan ng kapwa nya manggagawa. :)


message 37: by Rise (new)

Rise Ara (Yani) wrote: "Rise, pareho tayo binabasa ko rin siya kahapan na kay Ms Pia na ko. :D"

Tinapos ko na sya kahapon, Ara. Damang-dama ko ang diwa ng Mayo Uno.

Ibagsak! hehe.


message 38: by Rise (new)

Rise P.S. Rebyuhin ko kapag nagkapanahon ako.


message 39: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Meron palang ganto. Autograph, sir. :)


message 40: by William (new)

William M. II | 79 comments Congrats MJ kasama ka pala sa isang aklat ng mga tula. Itinatanong ni wilbur kung tibak ka pa rin hanggang ngayon hehe.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Congratz! Sir MJ


message 42: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments haha. sya ba, hindi na?

cultural pa rin. sa pagsusulat ang gawain. :) nag-asawa na ba si Wilbur, ser? hehe.

tagal na nito!! :P


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Nabasa ko iyong dalawang aklat na pinahiram ni Billy at Jasmine, napakaganda ng mga tula- matapang, nagkukumbinse, may kalayaan, at boses para labanan ang mga hinayupak na mga Ganid...

Saludo ako sa boses at katapangan nito, ito ang kailangan para matigil ang panloloko ng mga anak ng Pork hehe

Suporta para sa KM64


message 44: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Book wrote: "Nabasa ko iyong dalawang aklat na pinahiram ni Billy at Jasmine, napakaganda ng mga tula- matapang, nagkukumbinse, may kalayaan, at boses para labanan ang mga hinayupak na mga Ganid...

Saludo ako ..."


Sumali ka! Mag-apply ka kay Jas.


message 45: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Magandang magpunta ang mga PRPB sa KM64. Ibahagi ang boses para sa ating inang bayan. eto pla yun na contribute ko sa last KM64. take note open mic session



untitled

Nalimutan kong magsalita
Banyagang bibig ang pinairal,
kulong sa korporasyon
nagpapahirap mahalin ang aking
totoong boses. pilit alisin upang mabuhay sa
materyalismong lipunan
sumusukat gamit ang kaperahan
dumidikta sa diwa ng kalamitan
humahagad ng karangyaan at kayamanan.
NAWALA AKO
nakain ng systema. Habang ako'y lagok ng lagok ng

instant coffee and umihithit ng sagirilyong tingi


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ganda niyan Billy!..naalala ko un kanta ni Francis M. Mga Nilamon ng Sistema


message 47: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Salamat Po


message 48: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments :)open collective ang km64. :)

like nyo lang sa FB. pwede ring sumama sa mga poetry reading nito. :)


message 49: by Juan (new)

Juan | 1532 comments astig nito sir MJ.. sana makasama rin sa poetry reading nyo. observe lang..


message 50: by Juan (new)

Juan | 1532 comments pwede ring bumasa.. hahah! nahiya pa ng 3sec.


back to top